Eloisa's Point of View
"I am sorry, Sam, I really can't go, I have to deal with our business partners, this is the only day they are avaible," Shiro explains, I sighed, he is the only person I can talk to here, but unfortunately he is busy. "Pangako, babawi ako," his voice sounded sincere.
Tumango ako, inilipat ko ang phone ko sa kaliwa papunta sa kanan kong tenga. "I understand," sambit ko na lamang, may isang salita naman si Shiro, once nangako siya hindi niya hahayaang mapako iyon.
Iginala ko ang paningin ko sa cabin, si Secretary Roque lang ang nandito at ako, ang iba ay nasa beach na para mag-ayos para sa shooting, I really hope this will blow up, for the passed few months our company's stock decreased, Lolo has been sick the time which had a domino effect to his guidance, but I don't blame him.
While thinking of my father, I suddenly want to visit him, dinalaw ko na siya last week pero miss ko na ulit siya, I hope he is doing well now with Lola.
"Kumain ka na ba ng breakfast?" tanong ni Shiro sa akin na nasa kabilang linya pa pala, I forgot we are still on-call.
"Yes, I did, ikaw ba?" tumayo ako, pumwesto ako sa bintana ng Cabin, I can see the tent, the employees, the crews, and the ocean... I can see him as well.
What's wrong with me? I am talking to the person I am engaged with, someone who will love me non-stoply but why am I still giving attention to him? This is stupid.
Tumalikod ako sa bintana, I don't want to see him anymore.
"Oh, please, Sam, I've known you for four years now, and I am pretty sure you haven't, don't you?" napangisi ako sa sinabi niya, kilalang-kilala niya na talaga ako. "Iyang 'I did' mo alam kong coffee lang ang ininom mo, kilala na kita.
Napangiti ako nang wala sa oras, see, Sam? You are happy with Shiro, he knows you so well, kaya naman hindi ko na dapat pa isipin si Paolo.
"Kumain ka ng proper breakfast, please? Ayokong malipasan ka nang gutom, you have to take care of yourself, Sam, while I am missing in action," mas lalong lumaki ang ngiti ko.
"Fine, kumain ka na rin, you have to be full while meeting our business partners," sambit ko sa kaniya.
I don't know what I did in my past life to have a Shiro Esteban, yes I felt pain, I felt how fate can severely play with you, but Shiro is still too much, he is perfect, while me? I don't.
"Sam, they are here, I am sorry, and don't forget our dinner with our parents later, okay?" sambit niya, nakarinig ako ng pagbukas ng pinto, narinig ko rin ang kanyang pagtayo. "Bye, bye, I love you."
"Bye..." sagot ko sa kaniya hanggang sa patayin na niya ito, hindi manlang ako nakasagot pabalik sa sinabi niyang I love you, I suddenly felt bad for him.
In-iMessage ko na lamang siya, may pocket wifi naman laging dala si Secretary Roque.
Shiro is nice, proper and like what I have said一perfect, lahat ng qualities ng isang ideal guy na sa kaniya, hindi nga rin ako makapaniwalang may perpektong lalaking tulad niya, wala siyang flaws, he never hurts my feelings, and he always treat me like his princess. Habang ako, never ko naibalik lahat ng ginawa niya para sa akin.
Marami siyang ginive-up for me, that's why it was hard to turn down his proposal when to be honest I am still unsure about my feelings for him.
We have a dinner later, it is in Manila, since I am in Subic I have to go home early, pagkatapos ng shooting uuwi na ako agad para makadating on time sa dinner with Shiro's parents, my mom will be there as well.
"What?!" dinig kong sigaw mula sa beach, parang pinaghalo itong boses ng dalawang babae pero hindi ko mawari kung kanino.
"Anong nangyayari doon?" tanong ko kay Secretary Roque na nag-iisang kasama ko ngayon dito sa Cabin.
Lumabas siya sa Cabin kaya napasunod ako.
"Nag-aaway po ata yung Manager ni Miss Eadaion Lorenz at si Mrs. Cruz," explain niya sa akin.
"Get us an umbrella, let's check their nonsense."
Kumuha ng payong si Secretary Roque, hindi mainit pero may sinag pa rin ang araw, habang naglalakad sa sand at papalapit kami nang papalapit mas lalong lumalakas ang boses nila, kanina pa nga lang na nasa Cabin kami ay dinig ko na.
"Puno ang schedule ni Eadaion today pero naglaan pa rin siya ng time dito pagkatapos wala pala ang male lead?" it is Eadaion's manager, just like her, ma-aattitude.
I really can't believe in them, they are so loud! May mga tourist pa naman dito sa MSR, and they have the audacity to be this loud? And even Mrs. Cruz? I can't believe this, hindi ko alam kung ano ang mukhang ihaharap ko sa pinsan ko kapag umabot ito sa kaniya.
"For your information Manager Rhea this is not our fault," Mrs. Cruz is calm unlike the Manager, thank goodness.
Malapit na kami sa pwesto nila.
"Oo hindi niyo kasalanan pero may pagkukulang pa rin kayo."
Ano bang pinag-uusapan ng dalawang iyon? Hindi ba pwedeng private na lang? Hinayaan pa talaga nilang makita ng lahat at marinig, I am really frightened with the tourists, baka isumbong si Manager Rhea at Mrs. Cruz sa resort, nakakakuha na sila ng atensyon.
"Excuse me?"
"Dapat一" the Manager suddenly cutted off sentence, probably because of my presence.
"What is happening here?" no one's talking, great, I crossed my arms, they dared to be this loud and not tell me the gist? "So, walang magsasabi sa akin? Napaka lakas ng boses niyo to the point na rinig na rinig sa Cabin, now you don't want me to know the reason of your commotion?"
May biglang tumawa at lumapit sa akin, si Director Bonilla. "Miss Sam, kalma, this is just a simple matter, hindi kasi makakarating ang male lead pero we will fix this, pede rin namang alisin na lang ang scene na kasama niya ang kapartner niya," nagpantig ang tenga ko.
The male lead can't came? Wait did Director just said remove the male lead's role?
"What? Remove her partner? No, Director Bonilla, Eadaion's character will not be fulfilled without the male's character," it is not a good idea to remove it,
Does removing a male's role in a romantic genre would make sense? It won't.
"I see! Then, maghahanap na lang kami ng new cast," bawi niya, mabuti nalang, hindi magiging maganda ang kinalabasan ng love story kung wala ang kapartner ng bidang lalaki, it will just be a trash.
Napaisip naman ako, how can he find the new cast?
"The question is, makakahanap pa ba kayo?" I asks, we are in Subic so basically the talent agencies here are meager, while here in MSR I didn't lay eyes on any twentyish male tourist, hence his idea is next to impossible, and additionally, Ida is hard to pair with. "Hindi lahat ng lalaki ay may chemistry kapag kasama si Miss Eadaion Lorenz," dagdag ko pa.
"Don't worry makaka一" napatigil si Director Bonilla, he is looking at someone, tiningnan ko kung kanino siya nakatingin, sinundan ko ang mata niya at napadpad ang mata ko kay Paolo. "Actually, may nakita na ako Miss Sam."
"Who?" tanong ko habang nakatingin kay Paolo, ibinalik ko ang tingin ko kay Director Bonilla, kung tititigan ko pa siya ng mas matagal baka maguluhan na naman ako.
Please sana hindi siya, itinuro niya ang kaniyang tinutukoy, tiningnan ko iyon at si Paolo nga.
"Siya, that guy in white polo shirt," nakangiti nyang bulaslas. "Unang kita ko pa lang sa kaniya, sa tingin ko ay may chemistry sila ni Miss Eadaion, what do you think, Miss Sam?" tanong niya sa akin.
I don't know, I don't know what to say.
Tumakbo si Director Bonilla papunta sa tent kung saan nandoon si Ida, pinilit siya nitong tumayo mula sa pagkakahiga sa beach chair at hinigit papabalik sa amin.
Pinagtabi niya si Paolo at Eadaion.
I suddenly felt jealous for some reason.
Stop. Samantha. Please. Stop.
I nodded. "You are right, now that they are next to each other, I couldn't agree more that they do have a chemistry, director."
***
"Good! Good! Smile wider!"
Nasa tent ako habang tinitingnan ang pagshoot ng TVC, nakunan na nila ang scene na tumatakbo si Eadaion at biglang madadapa saka siya tutulungan ni Paolo, that running scene reminded me of the time when Paolo and I were in a beach, and the time when he gave me a shell that resembles his love for me, I don't know where it is now, it's probably gone, just like his love for me.
There was a scene that they are sitting on the sand, Paolo only wearing a white sando and a board short, and Eadaion wearing a one-piece with short shorts, why didn't I read the story line thoroughly? It is almost the same as what happened to the two of us, he is probably thinking the same thing.
Right now I snapped, kung dati ako ang katabi niya sa beach, ngayon hindi na, we both have different lives and destiny. Yes, our fate brought us together, but it separated us as well, it is sad but I think it is better this way.
"Cut!" sigaw ni director kaya napatayo sa pagkakaupo sa beach ang dalawa, pumunta naman ang manager ni Ida sa kaniya para payungan siya, may nagpayong rin kay Paolo at nagulat ako nang makita ko kung sino iyon, si Julian, nandito si Julian, bakit iba ang dating niya sa akin ngayon? Lalaki na ang postura niya.
Pumunta sila sa isa pang tent, hiwalay ang tent ko sa kanila.
Niretouch ni Julian si Ida, so he is Eadaion's make up artist? He achieved his dreams after all, I am proud of him. Gusto ko siyang kausapin pero dahil sa pagpapanggap kong mayroong amnesia hindi ko magawa, hindi niya rin ako nilalapitan, naisip niya sigurong hindi ko na siya kilala.
Si Andy kaya at Japs kamusta na? Simula nang umalis ako hindi ko na sila kinausap pa, I deleted my facebook account due to realization. I had to act I have an amnesia. I had to avoid them.
Lumapit si Director sa akin, napatayo naman ako. "I think the flow of the story is too dull, can I add a little spice?" tanong niya, I don't know why is he asking me over the script writer.
"It's fine, as long as it will make the advertisement better."
"Good!"
"Director Bonilla?" it's Ida, she sipped from her milktea, hindi ko namalayan na nandito na pala siya.
"Yes, Ida?" maamong tanong niya, they seems to be really close.
"I have a suggestion, would you mind hearing it?" hindi maganda ang pakiramdam ko sa suggestion niya, sana hindi niya sirain ang TVC.
"Go, spill it."
"Would you like to hear it as well, Miss Sam?" she asks with a pestiferous tone, tumango na lamang ako, gusto ko nang matapos ang shooting na ito.
Ngumiti siya nang nakakaloko.
"How about this, Paolo and I will going to run, I will chase after him and get him afterwards, then I later on going to say 'i got you' and his response is, 'you already got me long time ago', isn't it romantic? I want us to kiss as well then smile with each other, et voila le fin de l'histoire!"
I am puzzled with what I heard.
Napangiti ako. This is not my plan but... "I got you." winisikan ko ng tubig ang mukha niya.
Napapikit siya, nang imulat nya ito bumilis ang tibok ng puso ko dahil nagslow-motion ang aking mundo.
"Matagal mo na akong nakuha, Eloisa," aniya.
Nanginig ako sa sinabi niyang iyon. Tulad ng lagi niyang ginagawa. Nagwala na naman ang lahat ng sistema ko.
Napapikit ako dahil sa naalala ko, how can it be the exact same thing? Is Eadaion making fun of me? Don't tell me it's a coincidence again?
"That's a good a idea, Ida, you really never disappoints me, okay, we will do that," tinapik niya ang balikat nito, inicross nya ang kanyang braso sa braso ni Eadaion "Well then, pagpapatuloy na namin ang shooting Miss Sam."
Umalis na silang dalawa at kitang-kita ko ang pag-command ni Director sa crew nya na mag-gather, he will definitely tell them the change of scenes.
Pinapanood ko nang mabuti ang shooting, this is insane because when they asked Paolo to do an adlib, he asked for a shell, ibibigay niya daw iyon kay Ida. Hindi ko alam kung coincidence lang ito, pero bakit palagay ko ay sinasadya nila?
The ending scene was unexpectedly romantic, I felt like I was in love too, they look good together.
In the last scene, after Paolo lifted Ida he kissed her forehead, and everyone in the crowd was astoundedly tickled to death. Kinilig sila doon, maski ang ang mismong director.
Napapikit ako, hindi ko alam bakit, at wala akong balak alamin.
The shooting lasted for five hours, it was for a 2-minute-long advertisement, I have a good feeling about the outcome, I am sure the new product of our company一which is a perfume一will be a big shot.
"Thank you for your hard work," sambit ko kay Director Bonilla habang nakikipag-kamay sa kaniya.
"It is not me, Miss Sam, si Eadaion talaga at Paolo ang nagdala," he laughed.
Tama naman ang sinabi niya without those two, walang magagawa.
Hinanap ko sila ay papalapit na ang dalawa habang nagba-bow sa mga nakakasalubong na crew at employees.
I really have to go, hindi ko alam ang sasabihin ko kapag lumapit sila rito, I might lose my ability to talk.
"Kailangan ko na po umalis, I have an important business later," I smiled. "Secretary Roque, let's go."
Papalapit na talaga sila, I am getting anxious.
"Do you really have to go now?" tanong niya sa akin. "May dinner party mamaya for the success of wrapping up, Miss Sam."
"I am sorry, but I really have to go," tumango ako at tiningnan ang sekretarya ko, while looking at her I noticed that bakit mukhang hindi siya mapalagay? Bigla siyang umiling, what's the meaning of that?
I heard someone clapped, tiningnan ko kung sino iyon, si Ida pala habang ngiting-ngiti, katabi niya naman si Paolo.
It's now too late to avoid their presence, great.
"Thank you, Director Bonilla! You also never disappoints me," niyakap niya ito. "And, Miss Sam, thank you as we一" pinigilan ko siya sa akmang pagyakap niya sa akin, nakita ko ang pag-irap niya ngunit nginitian niya ako agad.
"Salamat sa inyong dalawa," sambit ko na lamang, tiningnan ko ang suot kong wrist watch, it's still 3:07, but I really have to leave this place now, kailangan ko na talagang umalis, baka matraffic ako pabalik. "I am sorry if I wouldn't make it for the wrap up dinner, I have an important dinner to attent to."
"Oh, si Paolo rin, Miss Sam, hindi makakasama, hindi ba Paolo?" tiningnan niya si Paolo, tumango naman siya agad.
I faked a smile. "Secretary Roque, what are you waiting for? Call the Mr. Leonardo," I looked at her, I saw her breath in and out, what is wong with her? Pinapatawag ko lang naman ang driver pero bakit mukhang kinakabahan siya sa pinapagawa ko.
Pumikit siya. "Miss Sam nasa repair shop si Mr. Leonardo may sira po kasi ang kotse," mabilis niyang bulaslas, I frowned, did I heard it right?
"Pardon?"
Tiningnan niya ako. "Nasa repair shop po ang kotse niyo pati si Mr. Leonardo, it will take hours to fixed the car."
I tittered. "Is that a joke?" I asked.
Umiling si Secretary Roque.
Napaka-husay ng tadhana, bakit ngayon pa? Kailangan kong makarating sa dinner at ayoko ring makita pa siya.
"How about this? You should come with us first and then when your car is fixed you can go," si Director.
I shook ny head from left to right. "Mag-cocommute na lang po kami ng secretary ko, important kasi talaga ang dinner ko later."
"Miss Sam, I have to stay," I glared at my secretary, what now? "Hindi ba po sinabi niyo sa akin na asikasuhin ko ang misunderstanding between Liam Parker and our company? He is coming later this night po," natigilan ako, napapikit ako dahil sa inis.
"Bakit ngayon pa? Cancel that, I really have to go back now."
"Pero Miss Sam一" hindi natapos ni Secretary Roque ang kaniyang sasabihin dahil nagsalita si Ida.
"Nako, mukhang importante nga ata ang dinner mo later, you should go back, stop asking her to come to our wrap up dinner, Director Bonilla," she said, buti naman may maganda siyang sinabi.
"Thank you for that," pasasalamat ko sabay ngiti. "Now, let's go, Secretary Ro一" I wasn't able to finish my word because Ida grabbed my secretary's arm.
Anong trip ng babaeng ito?
"Your secretary will stay, Miss Sam, Liam is hard to talk to, kaya I am 101 percent sure this is the only time you can talk to him," napasinghap ako. "Instread, how about let Paolo drive you home? Pauwi na rin naman siya," she said while smiling.
I crossed my arms. "I see一wait, what?" tanong ko nang maintindihan ko ang sinabi niya.
"Sabi mo importante ang dinner mo mamaya, pauwi na rin naman si Paolo, kaya bakit hindi ka na lang magpahatid sa kaniya?" tiningnan ko si Paolo, he is looking at her with a frown face, he probably didn't saw this coming as well.
I gave her a smile.
"No, thanks, mukhang hindi rin naman pabor si Mr. Scott and I don't feel comfortable about it."
"Bakit ka naman uncomfortable?" she asked as she raise her eyebrow. "By any chance, is there something between the two of you?"
Natawa ako nang wala sa oras, ano bang gustong palabasin ni Eadaion? She is getting in my last nerves.
"There is nothing between us, I just feel uncom一" hindi na naman ako natapos sa pagsasalita, this is getting more annoying!
"Then, just let me drive you home一Miss Sam."
***
Paolo's Point of View
I always gulp while driving, nasa iisang kotse kami ngayon ni Eloisa, nasa likod siya pero hindi ko pa rin mapigilang kabahan.
Ano bang naisip ko at pumayag akong ipagdrive siya? Kasalanan ito lahat ni Eadaion!
Tutulungan niya raw akong kunin ulit si Eloisa dahil ayun ang forte niya, hindi ako pumayag pero mapilit siya, ideya niya rin iyong pagselosin ito na sa tingin ko naman ay hindi tumalab, bakit ba hindi makuha ni Ida na hindi ako maalala ni Eloisa? Unti-unti ko nang natatanggap pero mapilit siyang hindi.
I looked at Eloisa using the rear mirror in my car, napalunok ulit ako dahil nakapikit siya habang nakasandal ang ulo sa salamin, halatang hindi siya kumportable.
Naalala ko may unan ako rito sa kotse, para kay Mama at Ace, nasa passenger seat ko iyon, nasa toll gate na kami kaya nakatigil ang kotse ko habang nakapila.
Kinuha ko ang unan at iniabot iyon sa kaniya.
"Elo一" shit, muntik na yon. "Miss Sam, pede mo pong gamitin ito, para mas maayos ang pagtulog mo, malaput naman na po tayo sa Manila," sambit ko sa kaniya, hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya, she is still sound asleep.
Her eyes, nose and lips are still the same, even though she do not remember me, I remember her face clearly.
Hindi ko namalayan na kailangan na pala namin umusad, bumusina pa tuloy iyong asa likod namin, napamulat tuloy si Eloisa, ako naman ay nagulat din dahil sa biglaan niyang pagmulat, dapat ko nang itigil ang kakaranggot na pag-asa na mayroon ako sa kaniya, ni hindi ko nga alam kung ni katiting ay mayroon.
Pinaandar ko na ang kotse dahil baka lumabas na yung bumisan kanina at maghamon ng away.
Wala gaanong traffic sa NLEX at nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe tumunog ang phone ko, may nagtext, hindi ko alam kung sino iyon pero hindi ko na lamang pinansin, may tumawag din ngunit hindi ko ulit pinanasin, nagdadrive ako kaya mahirap na, baka maaksidente pa kami.
Nagsunod-sunod ang text, sino kaya iyon, sila Lance? O si Mama?
"Why don't you pull the car and check who's texting you? It's probably important," dinig kong sambit ni Eloisa, gising siya? "I said, pullover, Paolo."
Sandali akong nawala sa sarili, this is the first time I heard her call me by my name, again, a smile suddenly came to my mouth, and as what she commanded I pulled over. I removed my seatbelt and checked my phone.
The texts and calls are from my mother.
Binasa ko ang mga text niya, I clicked her text messages and read it.
Nagtipa ako ng irereply ko.
Pagkareply ko ay saktong pagkamatay ng phone ko, napapikit ako dahil hindi ko nakitang palowbat na pala ako.
Tiningnan ko uli si Eloisa sa likod, tulog na naman siya pero ngayon kasama na ang unan sa pagsandal niya sa salamin, napangiti ako.
I said, pullover, Paolo.
It's been four years, but now I heard it again一my name from her mouth.
I was smiling when I start the car but I suddenly heard hicupping and gasping sounds, then unexpectedly my car's engine died.
Napakunot ako, ilang ulit kong sinubukang istart ulit pero ayaw nang tumunog.
"Shit," bulong ko. "Don't tell me my car give in?" sinubukan konh buksan ulit, pero wala na talaga, napadukdok ako sa manibela ng kotse ko.
"Why aren't we leaving?" tanong ni Eloisa, tiningnan ko siya.
"Namatay ang makina," mahinang sagot ko.
"What?"
"The engine died," this time I said it clearer and bolder.
Her eyes widened. "What?!" sigaw niya sa akin. "Nag-volunteer kang ihatid ako pero palpak pala ang kotse mo?" pagtataray niya.
Napabuntong hininga ako. "Hindi ko rin po inexpect na mangyayari i一" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.
"If you did not expect this from happening, then how about me? Sa tingin mo inasahan ko ito?" she is throwing a fit. "Check it, try to fix it, but if you can't call someone who can," aniya pa.
"My phone's out," pag-amin ko.
Umirap siya at napabuntong hininga, may kinuha siya sa kaniya bag, phone. "Just check the engine first, susunod ako, I just have to call someone now," si Shiro siguro ang tatawagan niya.
Tiningnan ko muna si Eloisa habang asa loob bago buksan ang engine ng kotse ko.
"Tss," hindi ko namalayang reaksyon ko nang makita ko siyang may kausap sa cellphone.
May mga kotseng dumadaan sa kabilang linya pero sa amin ay wala, malas.
Nang tingnan ko ang makina sa kasamaang palad hindi ko alam kung paano ayusin ang sira, ngayon lang naman ako nasiraan, ngayon pa, ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis.
"Hindi mo kaya? Tumawag na ako ng tow service in case, sila na bahala dalhin ang kotse mo sa repair shop, dadalhin din nila tayo doon," aniya. "Don't worry my fiancé, will pick up us from there, just tell us your place and we will send you off," nagpantig ang tenga ko, naikamao ko ang kamay ko.
Maglalakad na sana siya pabalik sa loob ng kotse pero pingilan ko siya.
"Eloisa," sambit ko, hindi ko na kayang hindi sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko, may memory man siya sa nangyari sa aming dalawa o wala, handa akong sumugal.
"Let go of me, what is wrong with you?" binitawan ko siya.
"I still love you, I never stopped loving you, Eloisa," sambit ko sa kanya habang malalim na tinitingnan ang kanyang mata.
I can see her eyes trembling.
"Paano mo nasabing mahal mo ako, o hindi ka tumigil mahalin ako kung wala pang isang buwan simula nang magkakilala tayo, ganun ka ba kabilis umibig?" napalunok ako. "At isa pa, we never had a one-on-one friendly conversation, tama?"
"Please, huwag ka nang magpanggap na hindi mo ako maalala," hinawakan ko ang braso niya pero inalis niya ito agad.
Humakbang siya papatalikod. "I have no idea what you are talking about, Andrei Paolo Scott."
"Hear me first," sambit ko sa kaniya. "I had no choice, Eloisa, I had to choose between you and my mo一" she cutted me off.
"Huwag mo nang subukan pang magsalita, hindi ko rin naman alam ang tinutukoy mo, sa loob na lang ako ng kotse maghihintay," aniya pa saka lakad papunta sa kotse pero hindi ko siya hinayaang pumasok.
Hinila ko siya papalapit sa akin, hawak ko ang braso niya habang tiningnan ko ng mabuti ang kaniyang mata. Sinusubukan niyang kumawala pero ibinigay ko ang buong lakas ko huwag lang siya makatakas.
"B-Bitawan mo ako! Nababaliw ka na ba? Harrassment ito!" hindi ko inalintala ang sinabi niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinalikan ko siya, diniinan ko ang mga halik ko at siya naman ay walang sagot, sa kalagitnaan ng paghalik ko sa kanya ay malakas niya akong tinulak.
"How dare you!" sigaw niya sa akin, kita ko sa kaniyang mata ang halong sakit at takot.
Tangina, anong ginawa mo, Paolo? Bakit hindi ka nag-isio ng mabuti?
Gusto ko lang naman ay malaman niyang mahal ko siya!
"I am sorry一" natigilan ako dahil sinampal niya ako, napatabinggi ang aking mukha dahil doon, nahimasmasan din ako.
Napaka tanga ko,
"Leave me alone, or else I will never forgive you," huli nyang mga sinabi bago pumasok sa aking kotse.
Napaupo ako sa semento, ginulo ko ang buhok ko dahil sa galit sa aking sarili, tangina, ang tanga ko! Imbis na makuha siya ulit, mas lalo ko pa siya tinaboy. Tangina talaga!
Habang nasa repair shop wala kaming imikan, kung ano-ano na sigurong pumapasok sa isip niya ngayon, hindi ko alam kung paano ako hihingi ng patawad.
Nagkaron ako ng hopes dahil kay Ida at Dominic pero ayun ang mali ko, umasa akong naaalala pa ako ni Eloisa, pero hindi ala-ala niya ang kalaban ko rito, yung tinitibok ng puso niya, kung hindi niya na talaga ako mahal, wala nang rason pa para umasa ako.
Tama na. Ayoko na.
Pagkadating ni Shiro ay nagpaalam na ako, hinintay ko lang naman siyang dumating para may kasama na si Eloisa, ngumiti ako bago umalis doon. Sinukbit ko na ang bag ko at saka umalis.
Hindi imposibleng mahalin niya ang lalaking iyon, kanina pa nga lang ay nakita ko na ang pagmamahal niya sa mahal ko. Hinubad niya lang naman ang suot niyang coat at sinuot iyon kay Eloisa.
Panahon na para pakawalan ko siya.
Eloisa deserves better and that better is obviously not me. She don't deserve someone like me, which is a douchebag, a jerk, an asshole and a stupid, moron, idiot guy, a guy who don't even know to treat his woman right, yes I am educated but that is not enough for me to be with her.
I am now giving up.
***
Bago umuwi sa bahay dumaan muna ako sa donut shop, binilhan ko ng strawberry donuts ang kapatid kong si Ace, ang para kay Mama naman ay nasa bag ko na. Nagtaxi lang ako pauwi.
"Mama, Ace, nandito na po ako!" bigkas ko pagkapasok na pagkapasok ko sa aming bahay, sigurado akong gising pa sila dahil alas otso pa lang naman, hinubad ko ang sapatos na suot ko, pati ang bag na dala ko.
Nakangiti akong naglakad papunta sa sala habang dala ko ang pasalubong ko para sa kanila.
Nang makarating ako sa sala nawala ang ngiti sa labi ko dahil nakita kong may katabing babae ni Mama, kita ko ang pamumula ng mata ng ina ko, sila lamang dalawa ang nandito.
My eyes widened when I saw who the woman is.
"Ate Pauline," sambit ko sa pangalan ng kapatid ko一kapatid kong apat na taon na ang nakalilipas simula nang huli kong makita.