Chereads / When The Fate Plays / Chapter 51 - 51st Chapter

Chapter 51 - 51st Chapter

Eloisa's Point of View

Nang tumunog ang aking alarm clock ay gulat akong napabangon. Tiningnan ko kung anong oras na.

"6AM." sambit ko.

Tumayo ako at naglakad ng papuntang banyo. Kinuha ko ang bathrob ko at saka pumasok na sa loob at ito ay aking sinara.

Nag-umpisa na akong maligo.

+++++

Hindi mawala-wala sa isipan ko si Paolo. I know how broken he is. Masakit para sa kaniyang harapin yung taong iniwan siya pero nagawa niya pa rin. I really am happy for him.

Nang matapos akong mag-ayos ay kinuha ko na ang aking bag at lumabas ng condo ko.

His unit is empty. Marahil doon siya natulog sa ospital o baka naman umuwi siya sa mansyon nila. Nagawi naman ang tingin ko sa unit ni Kean. He's still there. Nandoon ang card. While ang kay Eros ay wala. Ilang araw na ring hindi umuuwi si Eros sa unit niya, Ambreen and him probably a live-in partners now. I chuckled.

Nang makasakay akong Taxi papuntang Craeven nasa phone ko lang ang buong atensyon ko.

No texts or even calls.

Mapipinta sa mukha ko ang pagkadismaya.

Ako sa lamang ang nagtext sa kaniya.

Ako:

How was it? :)

Minutes passed pero wala siyang reply kahit ng makababa ako sa taxi dahil nasa tapat na ako ng Akademya. Wala pa rin. Nang tawagan ko rin siya wala akong sagot na nakuha. I looked on the positive side. Baka lowbat siya o kung ano man.

Maraming tao. Everyone's busy, makikita mo iyon sa pagmamadali nila sa paglalakad. Hindi pa naman midterm, siguro dahil sa mga terror na teachers nagbabantang ibabagsak sila kapag hindi nag-ayos this semester.

Habang naglalakad ako sa hallway para lang kong bula o invisible sa mga taong nakaupo. At maski sa mga nakakasalubong ko. Mga wala silang pakielaman sa paligid nila, ganon. That's a relief. It's better than dun sa pagiging tsismosa ng iba. Hellweek talaga siguro.

Nabuhayan ako ng loob ng makita ko si Paolo. Magkakasalubong kami. Nakatingin lamang siya sa sahig.

Nang malapit na kami sa isa't isa.

"Paol—" I was about to finish saying his name. Pero nilagpasan niya ako.

Nilingon ko siya. Naglalakad lang siya at tila wala ring pakielaman sa paligid. Kahit may na bangga pa siya. He's still looking on the floor.

I sighed. I am pretty sure, iniwasan niya akong mabangga. I shook my head. Stop imagining things. Baka may kailangan lang siyang ayusin sa club nila. Doon kasi ang way niya kanina.

On my first subject hindi ko siya kaklase dito. Pero si Andrea ay kaklase ko.

Nang makita ko siyang nakaupo sa lagi naming inuupuan tinawag ko siya at pumunta doon.

Niyakap niya ako.

"I missed you!" aniya.

"I missed you, too."

"Tss, shut it na girls." sabi ng kaklase naming killjoy.

Nang matapos ang klase sa unang subject ko. Nagmadali na akong pumunta sa aking next subject which is kaklase ko siya. I want to talk to him in person.

Pumasok ako sa kwarto pero wala siya. Baka late lang.

As usual. Nagkakagulo na naman ang lahat. May kaniya-kaniyang buhay. Mostly kaklase ko sila sa BM.

I saw Lilian, umupo ako sa tabi niya. Siya lang talaga ang matino sa subject na ito. Kaklase ko rin si Lilian sa Business Management.

She asked me. "How was your rest?"

"Okay lang. Hindi naman ako gaanong napagod sa Boracay." sambit ko. That's the truth. Hindi ako nakisali sa mga paggagala ng mga estudyante ng Craeac sa Boracay, para malibot ito at kung ano ang mga naroon. I just stayed with Paolo. "Ikaw ba?" I asked. She looks so exhausted.

"Medyo pagod. Pagka-uwi ko kasi from our trip hindi ako nagpahinga. Tinapos ko yung mga school works. Ang daming projects. You're lucky, hindi mo teacher yung teacher namin nila Japs sa subject na iyon." aniya habang nakangiti.

"Oh. That must be really exhausting, fighting!" sabi ko. Tumunog ang pinto ng aking classroom na hudyat na may pumasok. Iniluwa nito ang taong iniintay ko.

Si Paolo.

"Paolo?" I said. Nginitian niya ako. Umupo siya sa tabi ng aking inuupuan. Ngayon siya ang nasa aking kaliwa, si Lilian sa kanan. Pinag-gigitnaan nila ako.

"Hi." aniya.

Napakunot ako sa tipid niyang sagot. I can hear something's off in his voice.

"Are you okay? Kamusta yu—" I cut my line. Nagpag-isip-isip kong baka hindi magandang sabihin iyon in public.

"Okay lang naman ako." hinarap niya ako. "Ikaw? I am really sorry. Hindi kita nahatid kagab---" Hindi natapos ang sasabihin ni Paoli dahil sa pumasok sa aking silid-aralan.

Wala pang ilang segundo ay nakaayos na ang lahat ng kaklase ko sa pagkakaupo. Mrs. Auravel is really a legend. A terror one. Paano ba naman. Tuwing papasok pa lang siyang classroom parang may mga anghel na sumasapi sa mga kaklase ko sa subject niya. Mga nagiging mabubuting estudyante.

"Good Morning class. Or should I say, Morning lang?" aniya. "Mayroon kayong test today. Ilabas niyo na ang ballpen ninyo. Ballpen lang ang gusto kong makita sa mga desks." ani Mrs. na nagpa-dismaya sa lahat. Tatawagin ba siyang terror professor kung hindi siya terror?

Umalingaw-ngaw ang mga hindi pagsang-ayon ng mga kaklase ko. Lalo na yung mga kasama sa trip.

"Mrs. naman. Kagagaling lang po namin sa pahinga galing sa 3 days and 2 nights trip namin t'as may test agad? Hindi ka po ba naaawa sa amin?" Malakas na loob na sabi ng kaklase ko. Nag-uusap pa rin ang iba na may halong pagkainis. Kahit yung mga hindi kasama sa trip ay naaaburido na rin.

"Shut the noices!" sigaw ni Mrs. Auravel na nagpatahimik sa lahat. Inabot niya ang hawak-hawak niyang papers sa isa sa mga nasa harap na nakaupo. "Hindi porket galing kayong trip, e, ligtas na kayo sa akin. Get one and pass!" aniya.

Kumuha kaming lahat ng tig-iisang test paper. Doon din magsasagot.

Mga nagsikunutan ang noo nila ng makita ang tanong sa questionnaire.

May narinig pa akong nagsabing, "Hala! Ano 'to. Pinag-aralan ba natin 'to?"

Narinig din ata ni Mrs. iyon kaya't sinagot niya ng, "Hala! See you next year, hija. Pag-aaralan mong muli iyan sa aking subject." Halatang seryosong sabi niya iyon. Palagay ko hindi aabot sa kalahati ang papasa sa subject niya. Hays.

Medyo nabahala ako ng mabasa ko ang tanong, hindi dahil sa hindi ko ito alam. Kung 'di dahil last week ito iyong diniscuss ni Mrs. Where Paolo had his absences. But, I forgot. He's Andrei Paolo Scott. Isa sa mga top students. Sabi niya pa nga, mas may alam pa siya sa mga professors.

Sinusulyap-sulyapan ko si Paolo na nasa aking gilid.

I bit my lower lip. Sana makasagot siya. I know he's intelligent pero sa lagay niya ngayon. Magulo ang utak niya.

"Pass your papers." sambit ni Mrs. Auravel.

'Yung iba ay nanlaki ang mata sa sinabi ni Mrs. Nagmadali na lang silang nagsagot ng kung ano. Cheating is a forbidden act. Kaya walang nagtatangkang mangopya. Kapag nahuli ka ay bagsak ka na buong semester. So 'see you next year' ang kapalit. That's why, mas pinipili na lang nilang tingnan ang papel nilang blanko at naghihintay ng imposibleng himalang magkasagot ito kaysa makita pa ng isang taon si Mrs. 'Yung iba pa nga may maisulat lang. Masabing may laman iyong paper nila. Lalo na kapag sa essay part.

Kinuha ko ang test paper ni Lilian at kinuha naman ni Paolo ang akin. Pinasa niya ito sa harapan.

Nang makuha na ni Mrs. Auravel ang mga papel. Nagsimula na siyang magcheck. On the spot siya, pagkatapos ng pagsasagot expected na iche-check na agad iyon. Laging mas nakakain ng checking ang time namin sa kaniya kapag may test. Mas mabilis yung pagsasagot. Mas matagal sa pagtatama.

Ang mga mukha ng kaklase ko ay lukot. Mga nag-aalala sa makukuha nilang marka. Iba mag-rate si Mrs. 1-100%. 75% ang pasa. Kabahan kana kapag naging 74% pababa. More chance of meeting the most terror professor you've ever met again for the second time.

"Papasa naman sila kung nakinig sila. The test is not that difficult." sambit ng katabi kong si Lilian.

Tumango ako. "You are right."

Habang nagche-check si Mrs. Hindi na mapigilan ng iba na makipag-chikahan. Kaso ginagamit ni Mrs. ang senses niya ng mabuti kaya naman sa tuwing makakarinig siya ng naguusap titingnan niya ito at agad naman tatahimik ang atmosphere.

Tiningnan ko si Paolo. Nakababa ang mukha niya sa desk. Hinaharap ako nito. Nakapikit ang kaniyang mata.

Nagulat ako ng marinig ang padabog na pagbagsak ni Mrs. ng mga papel kasama ang kaniyang kamay. Maski si Paolo nagulat dahil napaangat siya ng ulo.

"I'm so disappointed! Half of you got between seventy and sixty percent. And the half got lower than 50 percent. Anong kalokohan ito, sophomores?" galit na sabi ni Mrs. "Si Ramos at Apostel lang ang nakapasa with a 99 rate. Pinaka nadisappoint akong tao, Mr. Scott. You only got 47 percent rate. Anong nangyari? The worst part is, mas mababa pa ito sa passing rate. What happened to you?" umiling-iling siya. "Class dismissed." aniya, tayo at sabay alis ng kwarto.

I frowned.

Nanatili lang akong nakaupo dahil kay Paolo na nakaupo pa rin. Nagkagulo ang lahat para tingnan ang papers nila. Mrs. Auravel always leaving the test papers after it were all checked. Nag-react na ang mga kaklase ko sa nakuha nilang rate. Everyone's disappointed. They all did their best but it's not enough to conquer our professors expectation. Ang essay ang humatak ng rate nila pababa.

Kinuha ni Lilian ang papers namin ni Paolo.

"Here." Abot niya sa akin.

Hindi ko pinansin ang aking papel bagkos ay kay Paolo ang pinagtuunan ko ng pansin.

Wala siyang inilagay sa Essay kung naglagay siya at naperfect niya iyon, may 97% na siya , I sighed.

Inabot ko sa kaniya ito. Kinuha naman niya.

He half-smile. "I'm so tired. Una na ako ha?" aniya habang nakatingin sa kaniyang papel sabay tingin sa akin. Tumayo siya at iniwan ako.

"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Lilian. Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko alam ang eksaktong dahilan.

Tulala akong naglalakad kasama si Lilian para mag-break. Gutom na daw siya kaya nag-aya siyang kumain kami sa cafeteria.

Lumilipad ang utak ko habang kasama ko sila Andrea. Nakitable kami dahil wala ng available na seat.

"Kalat na, Eloi. Mga kaklase niyo ba naman, mga tsimoso." ani Andrea. Nabalitaan agad nila ang nangyari kay Paolo. "But, to be honest. That's really strange. Matalino si Paolo. Mas may alam pa nga siya sa professors. Kapag may tanong ito. Nasasagot niya. Tas once na siya na ang nagtanong. Natatameme lang sila. Kaklase ko siya in some subjects. Kaklase ko rin yon nung elem at highschool. Kahit umabsent yan ng isang linggo o buwan. May masasagot pa rin iyan. May problema ba siya?" tanong niya.

"Bakit?"

"It happened before. Highschool days 'yun, e. May family problem siya that time. Same scenario. Bumagsak siya. Non ko nalang nalaman, umalis pala ang mom niya. That same day, naaksidente siya. Dulot siguro ng madaming iniisip." aniya.

I realized something. It must be because of his mom again. Did something bad happen?

Tumayo ako. Nagpaalam ako kina Andrea.

I need to find him. What if that happens again? Naaksidente siya dahil sa mga problema, ayon kay Andrea. Madami siyang iniisip ngayon. He said. He's tired. At uuna na siya.

Baka mapahamak siya.

Pumunta ako sa kaniyang next subject pero wala pa siya doon. Pati sa club nila, wala siya.

Where are you, Paolo?

My knees are starting to tremble.

What if, nahimatay siya sa sobrang daming iniisip? I shook my head. Stop imagining things, Eloisa. Stop it.

Pumunta ako sa parking lot. Wala rin siya. Nandoon pa rin ang kotse niya.

Hindi niya pa rin ba napapatawad ang mom niya? May hinanakit pa rin siya dito kaya ganoon ang kilos niya kanina?

But, kagabi. Mukhang napatawad na naman niya ito----.

Nagawi ang tingin ko sa hospital cafeteria, I must say nang makalabas akong elevator. Then, saw him. May kausap siya. Likod lang ang kita ng kausap niya kaya't hindi ko makita kung sino ito. I have a strange feeling of familiarity. Maglalakad na sana ako papapunta doon pero someone grabbed my arm. Iniharap niya ako sa kaniya.

That person— iyong lalaking kausap niya must be Ace's dad. The person ruined Paolo's family. Kaya ba may something sa kaniya kanina? Kaya ba hindi niya ako napansin sa hallway kanina? Kaya ba bumagsak siya sa test? Kaya ba pagod na siya?

Umupo ako sa bato dito sa parking lot. Tinakpan ko ng aking dalawang palad ang mukha ko.

"Eloisa?" someone said. Tumayo agad ako ng marinig ang tinig na iyon.

Niyakap ko siya. "I told you to lean on me. Stop keeping everything on your own." I said.

"Keeping a secret to you is my job. I don't want to hurt you." bulong niya sa akin. What does that mean?