Chereads / Cursed By Cupid (Taglish) / Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 4 - Chapter 2

Chapter 2

Mahal kita

Ewan ko kung ako lang ba o talagang ilang araw nang may mabaho sa loob ng unit ko?

Sinundan ko yung amoy at paikot-ikot ako ng unit hanggang sa nalaman ko na kung saan galing yung amoy.

'SUS NAMAN!

"YOHAN, 'DI KA BA MARUNONG MALIGO?! AMBAHO-BAHO MO NA!" Halos umusok ang ilong ko at galit na galit na nakapameywang at tumitingin sa kanya.

"Then, you should help me bathe." Bigla siyang nagtanggal ng pantaas.

Napatalikod ako, "Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Striping," sagot niya na parang sanay na sanay na siya.

"Ano? Maghuhubad ka sa harapan ko?!" Dahil sa inis napaharap ako.

Nakita ko yung masculado niyang braso, yung matitipunong dibdib niya, yung mga abs niyang kulang ng palaman at...

"P*TANGINANG-!!! L*NTEK MALIGO KA DOON!!!" Nagtatatakbo ako sa labas ng kwarto niya habang sumisigaw ng manyak.

"Bwiset siyang intsik siya! Kala niya— ANG GWAPO NIYA TALAGA!!!" Kinikilig akong patalon-talon doon sa labas.

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto niya kaya tumigil ako sa pagtalon at pumikit.

"Tapos ka na?" Nakapikit kong tanong.

"Yeah..." nagmulat ako ng mata "Not really," napamura ako ng dahan-dahan siyang ngumisi.

Halos tumulo na yung laway ko dahil sa mouthweathering abs niya. Shocks, tingin pa lang ulam na.

"Ah, ah.. ahm, a-ano kasi, sige kakain muna ako nakakagutom ka tignan— este, nakakagutom kang sigawan." Bumaba na ako sa hagdanan at dahan-dahang naglakad habang nakakapit sa kung saang pwedeng kong makapitan.

Nanginging yung tuhod ko habang naglalagay ng pinggan at lutencils sa lamesa.

Makapagshoping nga mamaya, wala ng stocks ng damit si Yohan. Makaligo na rin. Pinagpapawisan na ako.

"Ana, what—"

"Pwede ba Yohan? Bago ka magsalita sabihin mo muna kung nasa maayos ka ng kondisyon at may damit ka na?" Inis kong sabi habang naglalagay ng pagkain sa pinggan.

"Yeah, I am." Buti naman.

"Good, kumain ka na, pupunta tayo sa Mall mamaya. Nakakainis nang tignan ng paulit-ulit yang damit mo."

"Ok," narinig kong umupo na siya.

Inilapag ko na ang mga ulam at kanin tapos umupo na rin. Akmang dudukot na siya ng pagkain ng bigla akong sumigaw.

"HINDI KA BA TINURUAN MAGDASAL?!" Asik ko.

"I don't know how to pray," sabi niya at naglagay na ng kanin sa plato niya.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at inipit sa paaraang magmumukha siyang santo, nagsimula na rin ako magdasal.

"... amen," tapos pagmulat ko tulog na ang kaharap ko.

Susmariosep, bakit kasi hindi siya marunong magdasal. Gag* talaga, tinulugan ang dasal.

Diyos ko, patawad. Palamura nga ako pero mahal ko Kayo, at mapaptay ko ang kaharap ko!

~*~*~*~*~

Pagabi na pero di ko pa rin mahanap ang selpon ko.

"Asan na 'yon?" Halos pasukin ko na ang ilalim ng mga kabinet, upuan, at kung ano-ano pang may ilalim.

Napadaan ako sa kuwarto ni Yohan, sumilip ako sa medyo bukas na pinto dahil parang may kausap siya.

"Yes sir, I will sir. Yes." Tapos binaba na niya ang telepono.

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at kinuha ang selpon ko, tinignan ko ang mga nasa caller ID. Nakasampung missed call si daddy. At ang isa ay nasagot... ni Yohan.

Napahampas ako ng noo. Juice colored, bakit si Yohan? Pinindot ko ulit ang number ni daddy.

"Hello?"

"... dad?" Bungad ko.

"Oh, Analisa, why darling?" Sweet na sabi niya.

"Hi, dad, kamusta po?"

"Im fine, senong keseme mo?" Slang na sabi ni daddy.

Hindi talaga siya taga-Pilipinas.

"S-si, Y-yohan po." Mautal-utal kong sabi.

"Well, I talked to him. E-engathan ke rew ne-ya." Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

Napangiwi akong tumingin kay Yohan na kinakalikot yung lapis at ballpen.

"Dad, ok lang po ako. Goodnight po." Sabi ko na lang at nilapitan si Yohan. "Hoy, hapon, kapag may tumawag sa selpon ko," turo ko naman sa cellphone, "ibigay mo sakin, hindi yung sasagutin mo na lang bigla!" Inis kong sabi.

Humarap siya sakin, biglang tumigil ang oras. Parang masyado siyang malapit sa akin. Parang, parang mas kumportable siyang katabi. Bakit parang, pakiramdam ko matagal na kaming nagkakasalubong?

"Don't shout, nor say "hoy" to someone. It's bad to call a human being like that because we all have names." Saad niya. Napatayo ako ng matuwid.

"Ok, sige. Yohan." Idiniin ko talaga ang pagkakasabi ng pangalan niya.

Naglakad na ako palabas ng kuwarto niya habang dala-dala ang selpon ko. Umiinit ang ulo ko kapag nakikita ko siya.

Tumambay ako sa kuwarto ko at nag-isip ng gagawin. Paano kung... Alam ko na! Chinat ko ang mga baliw sa group chat namin. Lima lang din naman kami.

Di Marunong Mag-English (Analisa): Teka! Sino nagpalit ng pangalan ko?

Ako MalDhita (Lyca): Syempre...

SPF (Sammy): Hahahaha

Ereeee (Irene): Si Lyca may pakana niyan g*ga!

Katring*** ring*** (Katrina): Shh! Tahimik lahat! Sinong kasama mo noong sabado, Lisa??????!!!!!!

Bigla akong napapikit. Susme, pass muna pwede? Ayoko sanang sagutin ngayon pero parang ang hirap din tanggihan. Sineen ko na lang lahat sa gc namin kasi lahat sila sumang-ayon na umamin ako kung sino nga yung lalakeng gwapo na kasama ko.

Ako MalDhita: Lisa sumagot ka!

Katring*** ring***: Analisa Rose Davis Smith!

SPF: Lisa, Lisa! Lisa, Lisa!

Tapos nilagyan pa ni Sammy ng musical notes sa dulo yung chat niya. Walang hiya!

Ereeee: Akala ko ba tahimik muna ang lahat?

SPF: Sira! Natampal ko tuloy ulo ko, tapos pagharap ko sa salamin namumula ng sobra.

Katring*** ring***: Ako nga napanganga, pinasukan pa ng langaw sa bunganga!

Tawa lang ako ng tawa habang nagbabasa. Hanggang sa lumayo na ang usapan nila at parang hindi na tungkol sa akin at kay Yohan kaya nagreply na rin ako.

Di Marunong Mag-English: Psst, gig tayo?

SPF: syuuurrrr weheheheh

Katring*** ring***: geh bukas ng gabi?

Ako MalDhita: I lab it. Sige, same location?

Di Marunong Mag-English: sige sige

Ereeee: Yheeeeessss tapos party?

Sinang-ayunan naman naming lahat kaya nag-offline na ako. Humiga na rin ako sa kama ng matiwasay at pumikit. Napabuntong-hininga ng ilang beses hanggang sa nakatulog na nga ako.

Ang huling naalala ko ay ang mukha ni Yohan at ang mga salitang, "Mahal kita," na paulit-ulit.