Makalat at parang dinaanan ng bagyo ang nakita ni Johnny sa loob ng unit. Nagkalat din at nakatambak sa gilid ang mga tray ng pagkain. Parang hindi babae ang taong nasa loob ng kwarto.
"What's this mess?" sigaw ni Johnny.
"Wala lang po Mahal na Reyna..." Sabi ni Wei at nagpatuloy lang kumain. 'Simula ata kagabi wala akong na deposito sa aking mga alaga sa tyan.' yan lang ang sa isip niya, pagkain.
Tudo ngiti naman si Johnny sa sinabi ng pinsan. Yan gusto niya yung palagi syang dini dribble. Kun hindi lang siya magaling mag manage ng business niya malamang matagal na siyang bankrupt dahil sa kabi-kabilang pretty boys niya.
"Ganito kasi yan my only pretty pinsan... Kailangan ko ng lugar na matitirahan para sa isang linggo, no make it six days nalang dahil nasayang ko na ang isang araw kahapon. Pero wala dapat makaalam huh, alam mo na gusto ko ng privacy." walang balak si Wei na sabihin ang totoo at alam naman niya na alam na ni Johnny kung ano ang nangyayari.
"No problem Babe. Anything for my sweet talker Babe." Sabi nito at umalis na din. Pero di pa siya naka layo bumalik siya ulit at binigyan niya si Wei ng atm card. Isa lang ito sa mga card na hawak niya pero ang isang ito ay secured at di mati-trace. Alam niya na grounded si Wei at mas mabuting tulungan niya ito ng bukal sa loob kaysa gumawa ito ng di magandang bagay.
Naalala niya pa na nawala ito ng isang taon dahil pinagalitan siya ni Maximo at halos di ito makalabas kahit sa kanyang kwarto ng isang buwan. Huminge sakanilang magpi-pinsan ng tulong si Wei na bawasan ni Maximo ang parusa at tulungan siyang makatakas ngunit di nila magawa dahil baka sila ay parusahan din.
Isang linggo matapos ang pagiging preso sa loob ng sariling kwarto akala nila ok lang ang lahat pero di nila inasahan na maglalayas ito. Pero nakakatawa isipin na nagiwan ito ng sulat na nagsasabi na 'Sa mga pinsan ko na sobrang matulungin parusa niyo ito sa pagtanggi sa akin at para naman sa pagkuha ng kalayaan ko maputol sana yang sungay mo sa ilong Rhino!'
Akala nila mahahanap nila si Wei agad agad dahil sa nakikita nilang galit na galit si Maximo pero nagkamali sila dahil isang linggo ang nakalipas, isang buwan ang nakalipas, hanggang sa isang taon hindi nila ito nahanap. Lahat sila pina-house arrest at walang na ding kalayaang gawin ang gusto nila sa loob ng isang taon.
Huminge sila ng tulong sa mga authority pero wala ding nagawa. Pero nagulat na lang sila isang araw na makita si Wei natutulog sa kama nito. Nang maramdaman nito na may mga taong nakatingin sakanya ay iinimulat niya ang mata tinignan ang mga pinsan at ngumiti ng ubod ng tamis.
Ayaw man maalala ni Johnny ang nangyari noon pero di niya maiwasang maalala yon dahil sa sitwasyon ngayon ng pinsan. "Alam ko na wala kang perang dala-dala kaya yan na lang gamitin mo dahil wala din akong cash. Mag withdraw ka na lang. Wag kang mag-alala di ko sasabihin kay Max na andito ka..." nag isip siya bago nagpatuloy sa sasabihin "Basta wag mo din paalam yung tungkol sa Alam mo na yun Babe Diba!?" at nag ngitian lang silang dalawa, pero merong nakakalokong ngiti ang babae.
"Opo, pagpalain po sana kayo ng makita mo po ang magiging husband mo." Sabi nito na medyo nilakasan yung sa husband na part.
Mula sa gulat hanggang sa naging maliwanag ang mukha nito at merong matamis na ngiti. May kinuha si Johnny sa kanyang bulsa at kinuha ang kamay ni Wei at inilagay sa palad nito ang isang susi ng sasakyan. Pagkatapos ay kumaripas na ito ng takbo.
Napa grinned naman si Wei at napatawa dahil sa pinsan. 'Lol takot na takot ang bruha na maubos ang kayamanan niya sa akin, pero sa mga lalaki niya di siya takot. Hahaha. Malamang di niya na kaya ang pambobola ko, akala niya hangang holdup lang ako? No no no no. huhubaran ko pa sya hangang sa wala syang suot.'
"Kalaki nyang tao naging bakla sayang ang magagandang lahi nila. Tsk tsk tsk tsk tsk." ito ang naisip ni Wei sa ganoong paraan niya gustong turuan ng leksyon ang pinsan ngunit parang hindi epektibo pero at least napapakinabangan naman niya ito kahit papano.
"Makaalis na nga ng hotel na to baka maisip pa nila na andito ako."
Dahil sa ayaw niya na ng may makasabay sa elevator. Imbes na piliin niya yung para sa private na elevator eh mas gugustuhin niya na mag hagdan na lang kesa doon. Baka makasabay niya ulit ang lalaki ng nakaraang gabi dahil big-time din ito sapagkat nasa private elevator sila nagkasabay.
Nasa fifteenth floor nanggaling si Wei. "Aishhhh nasa twelve floor palang ako eh hinihingal na. Di lang basta malaki etong hotel ng bakla mataas at matindi din ang espasyo kaya yung hagdan di lang basta iilang step ang meron, kundi fifty steps bawat floor. Gusto niya ata akong patayin!"
Naiiyak naman ito habang bumababa ng sobrang bagal sa hagdan. 'Pinapatay ko na ata yung sarili ko eh. Di naman ako athlete para sa ganito. Bat ba kasi ang tigas ng ulo ko.'
Dahil sa kahibangan ay binigyan niya ng batok ang sarili pero kamay nito ang nasaktan. 'Sakit ng kamay ko. Matigas nga talaga bungo ko.'
Habang kinakausap nito ang sarili ay may biglang bumahing. "Hala sino yun?! May multo ba dito or may isa din na siraulo na mas gusto maglakad sa hagdan."
"Sino Yan? May kasama ba akong nilalang na kagaya ko? Nilalang sa ibang mundo?" salita ito ng salita upang mabawasan ang kaba dahil malapit na siya sa madilim na bahagi ng hagdan dahil wala itong ilaw. Ang tanging nagbibigay liwanag sa daanan ng hagdan ay mula sa liwanag sa labas ng glass na bintana. 'Mayaman naman ang bakalang iyon bakit di niya nilagyan ng ilaw ang stairs.'
Napatawa naman ng mahina ang nilalang. Tumigil naman si Wei, pinatili niya ang distansya niya mula dito. Pero mula sa kinatatayuan niya ay naamoy parin nito ang kakaibang pabango.
'Hulog ba eto ng langit. Binagsak ba eto ng langit. Iniluwa ba eto ng lupa. Itinapon ba eto mula sa dagat. Ibinuga ba eto ng bulkan. Oh sadyang kamalasan ko lang.' napa facepalm naman ang dalaga dahil sa pamilyar na pabango.