Chereads / My Husband is a Vampire / Chapter 1 - Chapter 1

My Husband is a Vampire

Camille_Kaye_Royo
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Naglalakad ako sa isang madilim na daan ngayon hindi ko alam kung bakit ako naririto ang tanging naaalala ko lamang ay nagising ako dahil sa lakas ng kalampag sa pintuan ng kwarto ko at pag labas ko ay ito na ang nakita ko, isang madilim na daan na wala ng ibang bahay na makikita, tila ba nawala ang mga kapit bahay ko.

Kinikilabutan nako lalo na at ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat.

"Gutom nako bakit ba kasi pinagbawal saten ngayon ang pagkain ng tao " rinig kong sambit ng lalaki sa kasama niya

Naglalakad na sila sa kinaroroonan ko.

"Kaya nga e sawa nako sa mga hayop hindi naman masarap"sagot naman ng kausap niya

Napatakip ako ng bibig ng marinig ko iyon tila ba tinakasan ako ng diwa at hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Nararamdaman kong nangingilid na ang luha sa mga mata ko malapit na sila sa kinaroroonan ko. Masyadong madilim kaya hindi nila agad ako nakikita.

Malapit na sila at hindi ko na alam ang gagawin ko gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw ang paa ko. Habang papalapit sila sa akin ay kitang kita ko ang mga mata nila na kulay pula , tuluyan ng bumuhos ang luha ko sa takot.

Sisigaw na sana ko para humingi ng tulong ng may biglang humawak sa braso ko at tinakpan ang bibig ko .

"Shhh wag kang maingay baka marinig ka nila"sabi ng lalaki na naghila saken

Tumango nalang ako bilang pag sang ayon, hindi ko masilayan yung mukha nya dahil naka mask siya.

Napatingin ako sa pwesto ko at nagulat nalang ako na nasa taas pala kami ng puno.Mabuti nalang at hindi ako takot sa heights.

Mula sa taas kita ko ang dalwang lalaki na naglalakad na malapit sa puno, pigil hininga ko dahil baka makagawa ako ng ingay.

Maya maya ay nakalagpas na sila.

"Ano sila? bakit ganun ang mga mata nila? "tanong ko sa lalaking nagligtas sa buhay ko

"Wag mo nang alamin"sabi nito at saka inalis ang mask niya

Tila ba natulala ako dahil sobrang gwapo ng nasa harap ko Ng bigla akong hinalikan sa labi nito.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa nito ngunit habang tumatagal ay tila ba nanghihina ang buong katawan ko na parang hinihigop nya ang lakas ng katawan ko hanggang sa mawalan nako ng malay.