"Huwag mo 'kong mamahalin,"
Kilala nyo ba si Pablo Job? Kasi alam nyo bang sobrang sikat ng taong 'yan dito sa pinapasukan namin? Sobrang kulit! 'Yung tipong simpleng joke niya matatawa ka. Isang salita palang niya ng 'knock knock' matatawa ka kaagad.
Nakilala ko siya nang lumipat ako sa Secret No Clue for Babalu University. Alam nyo ba kung paano ko siya nakilala?
Naglalakad na ako papasok sa room ko nang tumigil siya bigla sa harap ko. Ako naman nagtaka.. Nagtaas ang isa kong kilay habang nakangisi siyang ngumunguya ng bubblegum. Naririnig ko ang pagpigil ng tawa ng mga kasamahan niya sa likod. Nakiusap ako na tumabi siya, pero ang ginawa?
Yung bubblegum na nginunguya niya ay kinuha niya mula sa bibig niya at dinikit sa noo ko sabay karipas ng takbo! Sobrang napahiya ako sa ginawa niya! Naku! Grabe parin ang panggigigil ko!
Simula nung nangyari iyon, sinumpa ko sa sarili ko na kapag nagkita kami ulit, bebetlogan ko siya ng malupit. Hindi ako papayag na hindi ko siya mapapahiya.
"Sigurado ka ba talaga?" Sabi ni Vina Bate na naging kaibigan ko.
"Oo! Naku! Kapag lang talaga nakita ko ulit siya, hindi ako magdadalawang isip sa plano ko!" Napangiwi siya sa reaksyon ko. Sinabi niya na susuportahan niya nalang daw ako. Maya't maya ang pagdadasal ko na makita siya ulit, dahil kating kati na 'ko na magawa ang plano ko. At dahil sobrang bait ng Panginoon. Natupad nga.
Nakita ko siyang nakikipagtawanan habang naglalakad kasama ang mga kaibigan niyang lalaki. Napangisi ako sa tuwa at talagang pinatunog ko pa ang mga buto ko bago ko siya lapitan. Tumigil ako sa harap niya at lahat silang magkakaibigan ay napatigil din. Kumakain nanaman siya ng bubblegum. Nakangiti siya sa'kin habang ako naman ay kating kati na sa gagawin ko.
" 'Tol, 'yan si bubblegum girl," Narinig kong bulong ng isa niyang kaibigan.
"Alam ko," Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa'kin. "Hello, miss bubblegum girl, Pablo Job nga pala," Sabay lahad ng kaliwa niyang kamay. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis na ikinagulat niya.
Tinanggap ko ang kamay niya at nag-shakehands nga kami. Nawala ang matamis kong ngiti at hinila ko ang kamay niya para matuhod ko ang precious eggs niya na ikinaungol niya sa sakit. Narinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan niya at lahat ng mga taong nasa paligin namin.
"Now we're even," Maglalakad na sana ako nang marinig ko ang baritonong sigaw mula sa likod ko. Kung mamalasin ka nga naman, principal pa ang nakakita sa nangyari.
Napapangiti nalang ako sa mga nangyari noon. Naalala ko pa na pagkatapos nung nangyari, pareho kaming pinarusahan.
Pinaglinis kami ng buong field at sobrang init pa non dahil magta-tanghali palang.
Todo walis ako sa mga nagkakalat na damo, habang basang basa na 'ko ng pawis. Si Pablo Job naman, ayon! Kumakain ng bubblegum habang nakatingin sa'kin mula sa malayo. Nakasandal sa poste walang ginagawa. Ako masusunog na dito, tapos siya papetiks-petiks lang?!
Nakakunot lang ang noo ko at kapag napapatingin ako sa kanya ngumingiti siya sa'kin, ako naman ay ine-erapan nalang siya.
"Hindi ka ba naiinitan dyan?! Dito ka kaya muna?!" Medyo malakas ang pagkakasabi niya kasi malayo nga siya sa'kin. Napatigil ako sa pagwawalis at inihanda ang pagtataray ko sa kanya.
"Ako?! Hindi naiinitan?! Tingin mo ba hindi ako naiinitan?!" Inerapan ko siya at nagwalis ulit. Pero ang gago, tumawa lang ng tumawa. Sino bang hindi maiinis don?! Init na nga paiinitin pa ang ulo ko.
"Ang cute mo talaga magalit!" Sabi niya habang natatawa pa.
"Edi thank you!" Sabi ko habang nakatuon ako sa pagwawalis. Alam mo bang sobrang nainis pa 'ko lalo?! Dahil bigla naman siyang tumakbo paalis. Iniwan akong naglilinis sa field?! Punyeta?! Sisigawan ko sana siya at hahabulin nang makita kong padaan ang principal at mukhang papunta pa dito sa field. Nagtiim bagang nalang ako at nagwalis ulit.
Ilang minuto na din ang tumagal non, kaya naisipan ko nalang din muna magpahinga sandali.
Sumilong ako sa pwesto kung nasaan si Pablo kanina. Umupo ako at pinunasan ko ang pawis ko gamit ang kamay ko, pero wala paring effect. Pumikit ako at sumandal sa poste. For sure, nognog na 'ko neto.
Napamulat ako bigla nang may maramdaman akong malamig na dumampi sa pisngi ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Pablo na nakaupo sa harap ko at may hawak na towel, bottled water at payong.
"Oh, heto bubblegum girl," Nakangiti siya habang hinihintay niya 'kong tanggapin ang dala niya.
Gustung gusto ko siyang tarayan noon, pero mas kailangan ko ang mga iyon kaya tinanggap ko at nagpasalamat nalang. Hindi ko akalaing magbabati din kami sa mismong araw na iyon. Nag-sorry siya sa ginawa niya at nag-sorry din ako. Nagpakilala na kami sa isa't isa at di ko akalaing magiging kaibigan ko pa siya. Natapos na namin ang punishment namin at bago kami maghiwalay ng landas nag-iwan siya ng mga salitang nagpagulo sa buong sistema ko.
"Huwag mo 'kong mamahalin,"
Sa tingin mo, ano kayang ibig sabihin niya don?
—
Sa ilang buwang pagsasama namin bilang kaibigan, puro saya lang nararamdaman ko noIon. Lahat ng pagkamuhi ko sa kanya, nawala nalang bigla. Lumipas ang ilang taon at talagang mas tumibay pa ang pagkakaibigan namin. Minsan nga napagkakamalang kami, eh.
Pero sinasabi lang naming dalawa na, hindi kami talo. Kapag kaibigan, kaibigan lang. Sus. We're gonna break the stereotypes mga ulol ba sila?! Pero badtrip naman 'tong si Pablo eh. Ayaw man lang akong suportahan sa mga nagugustuhan ko. May nagbabalak manligaw pero hindi tinuloy!
May ni-rereto sa'kin si Vina Bate, napag-isip isip ko na.. jusko! Hindi papayag si Pablo. Eh mas strict pa 'yon sa nanay ko eh, pero sabi naman ni Vina nakapagpaalam na kay Pablo kaya sige um-oo ako.
Jack Ulin ang pangalan niya, mabait siya at mapagpasensya. Sa buong araw na magkasama kami, naging masaya ako. Hindi na ako makapaghintay na i-kwento 'to kay Pablo, dahil sa wakas may naglakas na loob na lumapit sa'kin, tagal na kasi akong binabakuran ni Pablo.
Dumeretso ako sa bahay nila na may ngiti sa mga labi. Nag-doorbell ako ng dalawang beses at nakita kong lumabas ang isang katulong nila.
"Manang si Pablo po?" Kinabahan ako sa lungkot na nakapaskil sa mukha ni Manang. May kinuha siya mula sa bulsa niya at ibinigay sa'kin.
"Ayan ang sagot, hija." Tinanggap ko ito at matagal kong tinitigan.
Papel na nakatupi... Sulat.
--
'Hello, bubblegum girl. Hahaha. Ako nga pala si Pablo Job ang laging nagpapangiti sa'yo, mahal na kaibigan. Naalala mo ba noong time na nilagyan kita ng bubblegum sa noo? Haha.
Alam mo ba kung bakit kita nilagyan non? Kase gusto ko mapansin mo 'ko. Gusto ko, tatatak sa'yo ang mukha kong 'to. At nangyari nga, aaminin ko nung time na tinuhod mo yung mga anak ko, nainis ako sa'yo. Pero mas nangibabaw sa'kin ang saya. Hahaha. Baliw ko ba? Pasensiya na, ganito talaga kabaliw ang mahal mong Pablo.
Tapos 'yung punishment natin, sobrang saya ko, kasi nakausap kita. Nagkakilala tayo, naging magkaibigan. At sinabi kong "Huwag mo 'kong mamahalin," Alam mo ba ang nakakatuwa? Kasi dapat sinabi ko sa sarili ko na "Huwag kitang mamahalin," Pero nangyari na, eh. Sa ilang buwan na nagsama tayo, mabilis akong nahulog sa patibong mo. Ang dali mong mahalin.
Alam mo ba kung bakit kita binabakuran? Kase ayokong may iba kang kasamang lalaki. Kasi nagseselos ako. Kaya tinatakot ko ang mga balak manligaw sa'yo. At sobrang selfish ko pala, kasi ginawa ko 'yon. Hindi ko manlang iniisip na nasasakal ka na pala sa friendship na meron tayo. Pero nasasakal ka ba talaga? Sorry ha? Mahal kasi kita, binibining bubblegum.
Mabuti sinunod mo ang sinabi ko na huwag mo 'kong mamahalin, kase... Maiiwan din kita. Hindi ko alam kung babalik pa 'ko. Yung date mo kanina kamusta? Maayos ba si Jack? Nalaman ko sa tropa ko na may gusto siya sa'yo kaya naisip ko na 'Ah etong Jack, eto taste ng babaing 'to.'
Alam mo ba, bago ako umalis, sinundan kita. Nakita kita, masaya ka. Sobrang saya mo habang nag-uusap kayo. Inaalam ko lang naman kung tama ba ang plano kong paglapitin kayo.
Sinabi ko kay Vina na i-reto ka kay Jack. Buti pumayag ka. Makita ka lang na masaya bago ako umalis nakakabawas na ng sakit 'yon, Making you happy is killing me. Pero mahal parin kita, kahit sobrang pinapatay mo na 'ko sa sakit. Heto na siguro ang huli kong utos na sana sundin mo.
Be happy, bubblegum girl...
After 6 years...
"Congratulations, Ms. Ping Jer!" Naramdaman ko ang higpit na yakap ni Jack.
"Congrats, babaita!" Niyakap din ako ni Vina.
"Congrats din sa inyo, kailan ang kasal?" Panunukso ko. Pareho silang kumalas sa yakap. Niyakap ni Vina ang braso ni Jack. Napangiti nalang ako, kasi ngiti lang ang isinagot nila.
Sinunod ko ang utos ni Pablo. Nagpakasaya ako. Sa una, oo mahirap. Kasi hindi ganun kadali na maiwan ka sa ere. Hindi ganon kadali na maging masaya katulad ng nakasanayan mo. Pero ngayon? Okay na ako. Sobrang okay na ako. Buo na ulit ako. Peste talaga ang lalaking iyon! Sabi ko ibe-break namin ang stereotypes nila about male and female friendships, pero wala.. bagsak kami pareho. Gusto kong sumagot sa mga sinabi ng gunggong na 'yon. Kala niya siya lang? Pshh ulol siya!
"Ping..."
"Bakit?" Tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa bago ako sagutin.
"He's back..." Natahimik ako sa sinabi ni Jack.
"Sino? Si Pablo ba?" Ngumiti ako at winala ang kaba na namumuo sa'kin.
Tumango sila, "Oo. Kahapon pa." Sabi ni Vina.
"Bakit ganyan tingin niyo? Guys, six years na ang nakalipas. Sa tingin ko may iba na 'yung mahal. Huwag niyo 'kong alalahanin, ayos lang ako."
"Bakit? Ikaw? Siya parin ba?" Natahimik ako at tinitigan sila. Mukhang hinihintay nila ang sagot ko. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti nalang ako.
"Six years na ang nakalipas, tapos na 'yun. Siguro closure lang ang kailangan para mawala na 'yung gumugulo sa isip ko," Tama. Siguro nga closure ang kailangan.
Umalis na si Vina at Jack at naiwan nalang ako sa mag-isa sa labas. Bago ako umalis tinitigan ko ng matagal ang coffee shop ko. Napapikit ako at mahinang nagdasal na sana matagumpay ito. "Please, success... Be my bestfriend." Minulat ko ang mga mata ko at ngumiti.
"Wow congrats, miss!" Hindi ko tinignan ang nagsalita sa gilid ko. Masyado akong masaya ngayon. Nakatingin lang ako sa coffee shop ko.
"Salamat," Sabi ko.
"Ipagpe-pray ko na sana maging matagumpay 'yan," Tumango nalang ako sa sinabi niya. Nagkaroon ng katahimikan at naririnig ko ang pangnguya niya ng kung ano man iyon. Pero naamoy ko ang mint ng bubblegum mula sa kanya. Nawala ang ngiti ko at napatulala.
Nakita ko ang pagtaas ng kamay niya at nakita kong may inaalok siya sa'kin mula sa palad niya. "Bubblegum?"