Chereads / I still love that Introvert / Chapter 1 - It’s all about him

I still love that Introvert

Daoist383221
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - It’s all about him

Hilu goodmorneng. I'm Hazel, 24 representing CALABARZON. Naniniwala ako sa kasabihang "Kapag ayaw sayo, halikan mo baka sakaling magkagusto sayo". Charot

So it's been two years and I think I still love the guy. Call me loka-loka or timang, I don't care. Iba talaga ang first love.

So the guy's name is Justine. 25 years of age, 5'5", kayumanggi, matangos ang ilong at medyo magkadikit ang mata (lol. Imagine niyo na lang). Justine is not your typical kind of guy na makulit, palakibo and bibo. In fact, si Justine ay reserved. Meaning, di siya madaldal pero may sense lahat ng sinasabi niya. Magaling sa basketball kahit na pandak tong si koya mo. Umi-MVP sa liga sa kanila. But inside this very introvert person eh nagtatago yung sweet, humorous at maalagang lalaki. Sa totoo lang, I never dreamt or imagined Justine being a part of my life kasi una, he's provinces away from me and pangalawa, very different yung personality namin. Kung anong pagkamahiyain ng fafang to, kabaliktaran ko. Masyado akong maingay at makulit at ubod ng kapal ng mukha. But I can still remember how much he adores me and how much he loves me way back 2013.

So paano nga ba kami nagkakilala?

I was in my third year in college and as soon to be HR practitioners, yung section namin yung pinag-organize ng Acquiantance Party ng organization namin. May talent ang lola niyo sa sayaw kaya kasama ako sa mga maglilead ng flash mob sa party. Edi practice practice ganyan. Yung lola niyo, medyo pabibo din, Jollibee eh, kaya nagvolunteer din sa stage decor committee. Drawing-drawing, gupit-gupit,pintu-pintura ganyan. So kinagabihan, pagod ang lola niyo.

Take note mga beshies, ang usong phone pa noon eh yung nokia phone na pwedeng pamato sa piko at pag may tumawag, aba naman, yung ringtone eh kayang makipagsabayan sa bunganga ng mama mo nagnagraratat pag galit. Ganern. About 11:30PM, kasarapan ng tulog ko aba may tumawag. Unknown number. Eh ang number ko non eh 09096234589 ata yon. Edi ang daling hulaan di ba? So going back, nagising ang lola niyo. Badtrip. Sinagot yung tawag. Naghello nang naghello. Aba walang sumasagot. Pinatay niya yung tawag.

Nagring ulit. Wala na namang sumagot ng tawag. Stressed, natulog na ang lola niyo. So kinabukasan...

To be continued.