Naging routine na ni Alfred Beet ang pagiging cook niya sa pamilya Saige. Kung tatanungin siya kung bakit niya ito ginagawa, "Syempre! Paano kakain ang aking Prinsesa Kari kung hindi ako magluluto ng kanyang meals for the day?" ang lagi niyang sagot.
Hinayaan na lang siya ni Quelly na gawin ang gusto ni Alfred kasi natutuwa naman siya. Kahit na may past sila. Past na kahit halos matagal na ginanap, parang nasa present at patuloy pa rin sa future, ang lingering feelings nila for each other.
"Mommy! Tell me more about you and Daddy Alfred!" Bago matulog si Kari sa gabi, gusto nito magkwento about sa kanila ng Daddy Alfred niya kaysa sa bedtime stories na karaniwang kinekwento ng mga magulang sa anak.
"Nagseselos ako!" hirit ni Kard. Natawa naman ang mag-ina. "Sige pero maikli lang ah?" tumango ang kakahiga lang sa kama na si Kari.
"Noong araw, tuwing may problema ako, laging nandyan ang Daddy Alfred mo." Napapangiti naman lalo si Kari at si Kard naman ay simangot.
"I guess he's my first love, pero Papa Kard mo pa rin ang true love ko." Ngumiti naman abot tenga si Kard. "Yucks! Ang tanda-tanda na kinikilig ka pa rin?!" Pinitik ni Kard ang asawa sa noo. "Hey!" Bago pa makaganti si Quelly, hinalikan ni Kard ang pinitik niyang noo nito.
"I'm very touched na ako ang true love mo." Halos rumolyo ang mga mata ni Kari sa harap-harapang landian ng kanyang mga magulang. "Mommy! Tutulog na ako, dun na kayo ni Papa maggawa ng baby sa room niyo!"
Nahiya namang napatingin ang dalawa sa anak na nagpatay na ng night light ang kanilang anak. "Oh ayan ah! Go signal na dapat gawin na natin for our daughter!"
Kinurot naman ni Quelly ang asawa. "Tse! Madami na akong anak, ayoko na." Umalis na sa kwarto ni Kari ang dalawa.
"Daddy Alfred, narinig mo yun?" Aba! gising pa pala ang Prinsesa Kari at mukhang kausap sa kanyang cellphone ang Daddy Alfred niya.
"Yes, baby Kari, tulog ka na." Nag-good night na sila sa isa't-isa.
Nang matapos ang tawag, nilagay na ni Alfred ang kanyang telepono sa may side table drawer ng kanyang kama.
"First love nga talaga niya ako, gusto ko rin maging last love." Dunn Dunn Dunn! Anong ibig sabihin ni Alfred Beet sa sinabi niya?!