Chereads / Eternal Infatuation / Chapter 39 - Kabanata 38

Chapter 39 - Kabanata 38

Ryn Do's Pov

Nandito na kami sa bagong bahay nila Quelly and family. "Aunty! Have you seen my room? It's so big!" hinila niya ako papunta sa room niyang kulay blue green. "Whoa! Dapat 'ata ito ang master's bedroom, bakit napunta sayo?"

Si Kard talaga, inispoil ang anak, dito binigay ang pinaka-malaking kwarto ng buong bahay liban sa living room and kitchen.

"Papa Kard said na ako lang raw ang magiging baby nila ni Mommy kaya dapat ako ang princess nila dito." Tumango-tango na lang ako and I don't know if Quelly will allow. Nakikitaan ko na ng another Quelly character traits itong inaanak namin ni Alfred.

"Grabe! May Jacuzzi sa gitna ng bedroom ang kwarto nila Kard." Napatingin ako sa banda ni Alfred. "Baka naman sofa yun?"

Pumunta na ako sa totoong master's bedroom and truly was amazed. "Naku! Matutupad na ang gusto ni Raine Quelly na maging sirena." May bath tub nga!

"Awww! Mommy will say bulu-bulu." Natawa kami ng Daddy Alfred niya. Nang sa kalagitnaan ng pagtawa, napansin ko si Alfred na nagpunas ng luha. "Naku! Tawang-tawa ka naman, you know I really hoped na sana kayo na lang ni Quelly, bakit kasi hindi mo niligawan ulit?"

Syempre sinabi ko yun in a low voice para hindi marinig ni Kari. "I'll always be her best friend." Hala siya!

Naalala ko noong sila pa ni Quelly noong nasa school pa lang kami, lagi silang maharot. Kahit na si Kard talaga ang gusto no'n, si Alfred naman ang nakadevelopan nito. "I wonder kung kayo ba, may Kari kaya ngayon?" Tumingin kami pareho sa bata.

Kasalukuyan itong nagseselca (term niya sa pagseselfie na kinuha niya from watching kdramas) sa bawat sulok ng room ng kanyang magulang.

"Possibly not." Naks! Ang dismissive ng sagot. Well, ganern talaga siguro, siya lang ang lumaban pero yung isa sobrang loyal dun sa una niyang nakita.

"Mommy's here!" Dumungaw lahat kami sa bintana. "Tara na, Kari baby, hold my hand."

Humawak naman ang bata sa kamay ni Alfred. Nasa second floor kasi kami at pababa na ng hagdan. "I wish my room is downstairs, it's difficult to come down." Napangiti ako sa sinabi ni Kari.

"Maybe, tell your Papa Kard to install an elevator for you?" nagmadali tuloy bumaba ito at muntik pa matapilok si Alfred. "Ryn Do!"

Napapikit na lang ako sa galit na tono ni Alfred. "Kaya mo na yan, isipin mo na lang practice for your future child of your own?"

He glared at me and I laughed internally.

Sarap talaga asarin ng lalaking ito.

Quelly's Pov

"Mommy! Your room has a swimming pool!" yan agad sumalubong sa akin nang nakababa na ako from the car. "Oo nga raw, nasabi ng Papa mo." Gusto ko siya buhatin pero madalang na yan magpabuhat kasi big girl na raw siya. Kaya naman I squatted to reach her tiny height. "Palit tayo room?"

Habang nasa byahe kanina, Kard showed me the designs of each room, kahit na sketch ang pinakita niya. "Nice diba?"

I was continually swiping the pictures from his tablet and couldn't help but furrow my eyebrows. "Bakit si Kari ang may pinaka-malaking bed room?"

"Oh? Eh kasi syempre sabi mo siya lang ang magiging anak natin kaya naman, we designed that room to be hers." Sumimangot ako. I don't know maybe I was just used to a big room since living at The Kingdom Hotel.

"Maya na kita kausapin, inaantok ako." I closed my eyes, I was seething kaya naman the rest of the trip, papunta sa new house, I pretended to sleep.

"Hmm... sige Mommy!" Good! At least namana ni Kari ang mag-yes sa isang situation without thinking twice.

"Hunny, mahirap ilipat ang mga gamit natin sa kwarto ni Kari, ano ba problema nung kwarto natin?" I looked at him in the eye. "Walang problema, but I feel like Kari would be burdened." Mas kilala ko ang gusto ni Kari.

Kaya naman habang tumutulong sila Ryn at Alfred na mag-unload ng aming luggages from the car, in-explain ko kay Mr. Saige ang kailangan niya malaman. "Kari, bakit hindi mo sinabi sa akin."

Binuhat niya na ang bata, this time petrified si Kari kaya hinayaan niya ang kanyang Papa na buhatin siya. "I was kinda scared to tell it kasi you seem very glad of your plans."

I smiled na mas nagiging honest na si Kari sa kanyang feelings. I felt the same at her age. Pero mas malala ako noon. "Tara na sa loob, nagdala naman kayo ng merienda diba?"

Tinignan ko sila Ryn, "Nasa may dining table na yung pizza and drinks." I nodded and grabbed my bag from the car. "Tara!"

I feel like I'm gonna cry because of mixed emotions. Bagong simula nanaman. Although, may kasama na kaming baby to nurture and watch her grow into a woman.

"Kari, I think sa iyo muna ang blue green room, mag-aadjust muna ako sa room na may swimming pool." She smiled at me and nahawa ako sa ngiti niya, kaya napangiti rin ako.