Chapter 40 - Chapter 40

"Bakit ganyan ang mukha mo? Nasaan si Ashley? Diba sabi ko tawagin mo siya at kailangan naming mag usap?" Pagalit na tanong ni Tanaga.

"Pero, s-sir!" Nag-aatubiling sagot ng mayordomo na halatadong nininerbiyos sa kanyang sasabihin.

"Anong pine-pero sir mo ?! Speak!" Galit at pasigaw ang pananalita ni Tanaga.

"Wala po si Ma'am eh! naikot ko na po ang buong balkonahe ng yacht, pero wala po kahit anino ni ma'am. Natatakot po ako na baka tumalon na po siya sa dagat." Sagot ng mayordomo na halos pabulong ang huling binigkas.

"Anong ibig mong sabihin na di mo siya nakita sa balkonahe ng yatch eh' kaaalis pa lang niya. That's Impossible, check again! Isa pa ay wala siyang ibang mapupuntahan dahil hindi naman siya makakababa ng hindi nakikita ng bantay sa pantalan." Halatado ang pag-aalala ni Tanaga sa kanyang mukha.

Dahan-dahan siyang tumayo sa kinauupuan nyang silya, at lumabas ng deck upang hanapin si Ashley. "Mrs. Jones, don't let me find you or else..." Panay ang bulong ni Tanaga habang naglalakad ng paikang-ikang dahil masakit pa rin nag kanyang mga bayag dahil sa lakas ng pagkakasipa ni Ashley.

Mataga tagal din silag nag hanap ng mayordomo, pero talagang hindi nila makita kung saan nagpunta si Ashley.

Minabuti ng mayordomo na humingi na ng tulong sa mga crew na hanapin si Ashley. Nuong una ay ayaw niyang ipaalam sa mga ito na medyo me problema ang bagong kasal, pero dahil hindi pa rin nila ni Tanaga mahanap si Ashley, wala na siyang choice kunti humingi ng saklolo.

Walang kaalam alam ang mayordomo at si Tanaga na si Ashley ay nasa messroom ng mga crew at nakisali sa kasayahan ng mga ito. Laki ng gulat ng mga crew ng biglang sumulpot si Ashley na naka suot pa rin ng damit ng ginamit niyang pangkasal.

Noong una ay nahihiya sa si Ashley na makaistorbo, pero dahil mga kapwa ito filipino, nag lakas na rin siya ng loob at nakisali. Malubag naman sa loob na pinasali ng mga crew si Ashley na hindi man lag nagtanong kung bakit?

"Sige po Ma'am! Upo po kayo dito." Offer ng isa sa mga officer ng yatch. Pinauupo si Ashley sa lamesa ng mga official. Dahil nga naman asawa siya ng may-ari at boss nila, nakakahiya naman kung duon siya uupo sa mga regular crew lang.

"Maraming salamat! Pero mukhang puno na kayo diyan, dito na lang ako makiupo kina manang." Sagot ni Ashley na malumanay at marispeto. Walang nagawa ang official kundi umupo uli at tangapin kung ano ang gusto ni Ashley na gawin.

Nagulat ang lahat ng mga crew ng yatch ng marealize nila na cowboy pala ang misis ng boss nila at hindi mataray. Kaya naman napalagay lahat ang loob nila ay trinato si Ashley na isa sa kanila.

Bahagyang nakalimutan ni Ashley ang pagka missed niya sa pamilya niya dahil sa mga filipino crew. Isa isang nagpakitang gilas ang mga nakakabatang crew at kinantahan si Ashley ng mga paborito nilang mga kanta.

Si manang na katabi ni Ashley ay panay ang silbi ng alak at pulutan. Kaya naman wala pang isang oras eh tinamaan na rin si Ashley.

Laking gulat ng mga crew ng biglang tumayo si Ashley at hiningi ang microphone. Mabilis namang inabot ng isang crew at tinanong kung anong kanta ang gusto ni Ashley. " Meron po bang...- 'Sanay wala ng wakas? Paborito ko po ito na kanta ni Ms. Sharon. Pwede po ba?"

"O' Sanay wala ng wakas daw, sabi ni Ma'am! Hanapin mo bilis!" Utos ng isang crew sa kasamahan.

"Mga kababayan bago po ako kakanta ay hihingi na po ako ng dispensa, pasensya na lang po kayo kung sintunado ako. " Sabay tawa ni Ashley na ang bibig niya ay nakatapat sa microphone.

"Okay lang po ma'am kahit pa po masakit sa tengang pakingan, papalakpak pa rin po kami. Hahaha!" Sigaw ng isa sa mga official.

Sabay sabay na nagtawanan ng malakas ang mga crew at pati na rin si Ashley. Habang ito rinig na rinig sa labas habang dumadaan si Tanaga at ang mayordomo...

"Huh? Sir, di po ba boses ni ma'am Ashley yun?" Tanong ng mayordomo na nanlalaki ang mata sa gulat at hindi makapaniwala na ang kanilang hinahanap ay nandoon lang pala.

"Para ngang boses niya, pero ano naman ang ginagawa niya dito sa lounge ng mga crew at bakit mas malakas ang boses niya kesa sa iba?" Nagtatakang sinabi ni Tanaga na dumidilim na naman ang mukha.

Dahil hindi makalakad na mabilis si Tanaga, nagsimula na ang tugtog bago pa sila nakarating sa may pintuan ng lounge ng mga crew.

Ilang saglit lang ay narinig nila ang napakagandang boses ni Ashley...- Nagsimula na itong kumanta..

Bubuksan na sana ni mayordomo ang pintuan ng pinigilan siya ni Tanaga. "Antay muna... Pabayaan mo siyang tapusin ang kanta. Kuha mo ko ng silya at pagod na ang paa ko sa kakatayo."

Bigla tuloy sumimangot ang mayordomo. "Kung kelan naman magsisimula na ang kanta, saka pa ako inutusan." Bulong sa sarili habang nagdadabog paalis.

[1]"Sana'y wala nang wakas

Kung pag-ibig ay wagas

Paglalambing sa iyong piling

Ay ligaya kong walang kahambing

Kung di malimot nang tadhana

Bigyang tuldok ang ating ligaya

Walang hanggan ay hahamakin

Pagka't walang katapusan kitang iibigin

Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan

Kung iyan ang paraan upang landas mo'y masundan

Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan

Hindi kita maaring iwanan

Kahit ilang awit ay aking aawitin

Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin

Kahit ilang dagat ang dapat tawirin

Higit pa riyan ang aking gagawin

Sana'y wala nang wakas (sana'y wala nang wakas)

Kapag hapdi ay lumipas

Ang mahalaga ngayon ay pag-asa

Dala nang pag-ibig

Saksi buong daigdig (saksi buong daigdig)

'Di lamang pag-ibig ko

'Di lamang ang buhay kong ibibigay

Sa ngalan nang pag-ibig mo

Higit pa riyan aking mahal, ang alay ko"]

Nang matapos si Ashley na kumanta, halos mabingi siya sa palakpakan ng mga crew at sigawan...

"More! More!! More!!!" Sabay sabay ang mga crew nag re-request kasama na ang mga official. Habang binabagsak nila ang hawak na baso sa ibabaw ng lamesa.

"More! More!! More!!! Ma'am Ashley!!! Ang galing po ninyo ma'am! More!!!!"

Si Ashley na medyo marami rami na rin ang nainom ay tuwang tuwa at nagustuhan ang pag kanta niya. Kaya naman ready na siyang kumanta uli para pagbigyan ang mga crew.

"Alright...!" Hindi na natapos ni Ashley ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang kumalabog ang pintuan ng lounge....

[1] Source: Google