Ilang sandali pa ay nakita na nila Ashley si President Hanada na papalabas na lulugo-lugo. Ni hindi man lang ito nagpaalam sa kanila, basta na lang ito dumaan na para bang wala sa sarili.
"Lola, ano kaya sa palagay mo ang nangyari?" Tanong ni Ashley habang sinusundan niya ng tingin si President Hanada na naglalakad papalabas.
"Hmmm, I'm sure you husband will inform you. So' sige na! Puntahan mo na ang asawa mo. Ako naman ay mag papahinga na upang maaga akong magising. Buo na ang decision ko na sasama ako sa inyo. For the first time ay excited na akong makarating tayo sa America...
Marami tayong lugar na puntahan, sa katunayan ay napuntahan ko na ang mga lugar na ito, pero wala akong kasama. Hindi tuloy ako nag enjoy. Pero this time... Meron na! Kaya sigurado ako na mag eenjoy ako ng sobra. Hahaha!" Aniya ni lola Hanada habang kitang kita sa kanyang mata ang ligaya.