Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

One Hundred Butterflies

🇵🇭EgalitarianQueen
--
chs / week
--
NOT RATINGS
6.8k
Views
Synopsis
Isang kuwento ng isang magkaibigan na magkasama na mula pa pagkabata. Ano kaya ang magiging papel ng isandaang paru-paro sa kanilang pagkakaibigan o.... pagkaka-ibigan?
VIEW MORE

Chapter 1 - One Hundred Butterflies (One Chapter Contest)

Si Monica at Winston ay matalik na magkaibigan. Bestfriends ika nga. Simula pa lang elementary days sila ang magkasama. Sa paglalaro, sa studies, sa field trips, sa competitions. Very open na din sila sa pamilya ng isa't isa. Nothing can separate them. Kung nasan ang isa, andun din ang isa. Minsan nga natutukso na sila sa isa't isa pero hindi na lang nila pinapansin. Nasa 4th year HS na silang dalawa at parehong running for academic honors ...

Si Monica as Valedictorian and si Winston naman as Salutatorian.

One day, kakauwi lang nila galing school. Nagpractice sila para sa gaganaping Science Competition na gaganapin sa Cebu. Meron pa silang 3 weeks para maghanda pa doon. Habang naglalakad, me tinanong si Winston kay Monica ...

"Ahm, Mon .. me tanong ako sa iyo .. " tanong nito sa kanya habang hindi ito tila mapakali.

"O? Ano yon Ton?"

" Ahm ... me nanliligaw na ba sa'yo?"

Napatingin siya rito. Bakit bigla bigla? Hmmmm..

"Sa tingin mo? Duh nman Ton, dapat alam mo yan kasi lagi naman tayong magkasama no .." sagot niya habang nagti tiptoe..

"Malay ko ba kung me pumoporma sa iyo ng di ko alam." sagot naman nito sa kanya.

Bakit galit ka?

"Well, to tell you frankly.. meron" sagot niya rito habang ngingisi ngisi. Parang ansarap kasing asarin nito.

Napahinto si Winston ng marinig ang sinabi ni Monica. Talaga, meron na? Bakit di nya alam yun?

"Talaga? Me nanliligaw sa'yo? Di nga?" pang aasar ni Winston. Dinaan na lang niya ang asar niya sa sinabi nito sa kanya.

"Tse! Wag na nga! Kakainis ka! Di mo man lang sinakyan ang trip ko. Badtrip ka!"

"Hahahaha XD Kaw naman o, di mabiro. Wag kang mag-alala Mon, pag walang nanligaw sa'yo, pagtitiyagaan kita."

"Wow ha, salamat Ton! Grabe naiiyak ako!" sagot ni Mon na punong-puno ng sarcasm.

"Hahaha! But seriously, if ever na may manliligaw sa'yo, ano yung bagay na magpapasagot sa'yo? "

Matagal na nag-isip si Monica. Hindi naman talaga nya alam kung ano e, wala pa naman sa isip nya ang ligaw-ligaw na yan.

"Huy! Ano na? Antagal naman sumagot nito!" pangungulit ni Winston sa kanya.

"Eto na nga oh! Nag-iisip di ba?" sagot naman ni Monica kay Winston. Habang nag-iisip si Monica, may biglang dumapong paru-paro sa damit nito.

"Ay! alam ko na! "

"Talaga? Ano yon?"

"Gusto ko ng 100 na butterflies! "

"One hundred na butterflies?"

"Oo! one-zero-zero. One hundred. Isandaan. Syento por syen--"

"Okay, gets ko na Monica, di mo na kailangang itranslate sa iba't ibang languages. Pero bakit naman yun?"

"Wala lang. Joke. Bakit yon? Syempre para sakin, kapag binigyan ako ng isang lalaki ng 100 butterflies, ibig sabihin nag-effort sya. So, kapag nag effort ang guy, ibig sabihin seryoso yan sa'yo." sagot nito sa tanong niya.

"Paano mo naman nasabi na nag effort yung guy, malay mo naman binili nya lang yon?"

"Ay, if ever na ganon at nalaman ko, hindi ko na sya papansinin kasi ang ibig sabihin non, he is a liar. "

"Saka nga pala Mon, kailangan talaga isandaan? Pano mo naman malalaman na isandaan yon?"

"Kung kailangan na bilangin ko, bibilangin ko yun. Ayoko ng manloloko. Gusto ko isandaan, so dapat isandaan sya. Pero, bakit mo ba tinatanong?"

"Wala lang. Parang gusto ko lang gawing da moves sa liligawan ko. Hehehe. Thankyou bespren! Me naisip na naman akong bagong da moves! Hahah!" sabi ni Winston kay Monica habang binubuksan na ang gate ng bahay nina Monica.

"Bye na bespren. Kita na lang tayo ulit bukas ha. 1pm sa may library. Wag mo na ako sunduin, me gagawin pa ako bukas ng umaga eh. Okay?" si Monica.

"Opo Nay. Ang totoo? Bespren kita o nanay? A-a-a-ray!" pinagpapalo na kasi ni Monica si Winston. Mahilig kasi mang-asar si Winston samantalang pikon naman si Monica. Kaya ayun, PERFECT MATCH. hahah XD

"Hmp|! kainis ka!" sabi ni Monica ng bigla itong matigilan, "Bespren, bakit ang putla mo ata?" sabay hawak nito sa mukha niya.

"Naku, wala lang 'to. Ge na uwi na ko. See you tom :) Asan na kiss ko?" sabi naman ni Winston sabay akma kay Monica na para bang hahalik dito.

"Hmp! Magtigil ka Winston, marlboro, hope, philip ah! Konyatan kita dyan eh! Umuwi ka na nga! ambaho mo na! Yucccckkkk !" pagpapaalis nman ni Monica.

"Geh! bye na midget!" sigaw naman ni Ton habang naglalakad palayo.

After that kulitan scene nila, hindi nya na ulit nakita si Winston. Nagtetext sya sa cp nito, wala namang reply. Tinatawagan ang cp nito, laging out of coverage area ang sumasagot sa kanya. Naiinis at nagagalit na sya dito dahil 1 week na lang, competition na nila. Hindi naman sya makadalaw sa bahay nito dahil sa sobrang pagka busy nya. Lagi nya na lang iniisip n, "Naku bahala nga sya! Kung ayaw nya magparamdam, eh di wag!"

Pero, a bestfriend is always a bestfriend. Di nya matitiis ito. Kaya isang araw, pumunta sya sa bahay nina Winston. Kaso nagulat sya ng matanaw ang bahay ng mga ito na may lamay. "Sino kaya ang namatay?", naisip niya, "Baka kaya siguro hindi nya sinasagot ang mga text ko kasi namatayan sila. Sira ulo talaga yon." Pinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa bahay ng mga ito, pero habang papalapit sya ng papalapit di niya alam kung bakit sobrang kabog ng dibdib ang nararamdaman nya.

"Ahm, ale .. sino po yung patay?" tanong niya sa nakasalubong niyang matandang babae.

"Yung patay? Yung anak na lalaki ni Aling Mely. Aba'y may leukemia pala ang batang yon pero hindi nagpapagamot! Kawawang bata -- "

Hindi na nya napatapos sa pagsasalita ang matandang babae, kusa na lang kasing naglakad ang mga paa niya habang punong puno ng luha ang mga mata niya.

"Tita ... "

"Monica... Huhuhu .. Iniwan na tayo ni Winston ... Huhuhu .. "

Nag-iyakan sila ng nag iyakan. Parehong nawalan ng minamahal.

"Halika Monica... "

"Sa-a-an po Tita?"

"Sa kuwarto ni Winston. May papakita ako sa--yo-o."

Pumunta sila sa kuwarto ni Winston. Pagbukas nya ng pinto ay laking gulat niya ng sumalubong sa kanila ang iba't ibang klase ng paru-paro. May maliit, may malaki at may iba-ibang kulay. Dahil doon, mas lalong lumakas ang iyak nya, naging hagulgol. May inabot na sulat sa kanya ang nanay ni Winston ...

Dear Bespren,

Hello there! Siguro, habang binabasa mo'to wala na ko. May leukemia kasi ako. Oo, alam ko magagalit ka kasi hindi ko sinabi sa'yo pero ayokong kaawaan mo ako. Gusto ko ang tingin mo pa din sa'kin yung Winston na makulit, mapang-asar, gwapo at crush ng bayan. Hahaha .. Ayokong makita kang malungkot, gusto ko lagi kang masaya. Monica, nakakahiya mang sabihin pero sasabihin ko na din dito sa sulat... MONICA, MAHAL NA MAHAL KITA. HIGIT PA SA KAIBIGAN, HIGIT PA SA MAGBESTFRIEND. I LOVE YOU SO MUCH. Higit pa sa buhay ko. Naaalala mo pa ba nung tinanong kita kung ano ang gusto mo para mapasagot ka ng isang lalaki? Sabi mo, 100 na butterflies. Alam mo bang last week na lang yun sa taning ko kaya ang gusto ko, bago man lang ako mawala, maibigay ko yung gusto mo. Mahigit sa 100 ang kinuha ko para mas dama mo ang effort at pagmamahal ko sa'yo. Nakakainis nga lang kasi hindi ko na maririnig man lang ang sagot mo. Monica, Pwede ba kitang maging girlfriend? Sana sagutin mo kahit man lang sa isip mo, malay mo marinig ko sa heaven yan di ba? Oo, sa heaven ako pupunta kasi faithful ako e, lalong lalo na sa'yo. Kung sakaling OO ang sagot mo, salamat. Pero gusto ko ding malaman mo na ayokong matali ka sa akin. Hanapin mo ang nararapat sa'yo-- yung buhay at yung kaya kang alagaan. Sige na. Hanggang dito na lang. I love you ulit.

Till my last breath and till I see you again,

WINSTON

After niyang mabasa ang sulat, basang basa na ito ng mga luha nya ... Sayang sana pa lang sinabi na nito sa kanya ang nararamdaman nito kasi siya, mahal niya ito. Matagal na kaso nahihiya syang sabihin dito baka kasi masira lang ang friendship nila. Sayang, sayang talaga ...

"Wiston, yung sagot sa tanong mo, matagal ng oo ang sagot ... " nasaisip nya habang tinitingnan ang mahigit sa isandaang paru-paro-- tanda ng pagmamahal sa kanya ni Winston.....

--------------THE END----------------------------