Hello everyone :) let me intoduce my self first before anything else 😊 my name is Kyrie Lim bread winner ng family namin dahil iniwan na kami ng magaling kong tatay. May sakit si mama hinihika sya kapag nakalalanghap ng maduming usok kaya ako na nag utos sa kanya na magpahinga na sa bahay at huwag na magtinda sa palengke. Oo palengkera ang mama ko hindi ako nahihiya mahal na mahal ko siya siya na lang ang may roon ako.
kahit na minsan naiingit ako sa mga nagdadaan na mga estudyante magaganda ang suot na uniporme at nakakapag aral ng maayos pero ayos lang kahit hindi ako makapag aral ang mahalaga nandito ako para maging paa at kamay ni mama sa obligasyon nya sa palengke sayang ang kita kapag napabayaan.
palagi akong nananaginip na may suot ng mabango at malinis na school uniform nagaaral sa mataas na antas ng paaralan at may makikilala akong isang napakakisig at maginoong-
"KYRIEEEE ANO PA'T UMIDLIP KA NA NAMAN KUMAIN KA MUNA IJA BAGO KA MAGSARA NG TINDAHAN NYO" sabay abot sa akin ng naka styro na pagkain ginawaran ko naman sya ng matamis na ngiti hays kahit na palaging tunog galit ang boses ni aling lita napaka bait nya sa akin alam nya ang sitwasyon namin ni mama
napatingin ako sa paligid ko at napangiti , isa na namang natapos na maghapon salamat sa diyos at naubos ang panindang gulay namin
naupo na ako at kinain ang pagkaing bigay ni aling lita matapos nun ay niligpit ko na ang mga nakapatong sa lamesang pwesto namin nilagay ko lahat ng kinitang pera sa bulsa ng suot kong bag at nilakbay ang madilim na daan patungong bahay
habang naglalakad ay nakakita ako ng isang matandang babae na nagtitinda ng balut at penoy nakakatuwa sya ang sipag nya kadalasan kasi sa nagtitinda ng balut at penoy mga lalaki. bumili ako kay lola ng dalawang penoy ibibigay ko iyon kay mama pag uwi :)
"tulongggg!! ahh ahhh"
napalingon ako sa boses na yun di malayo ang boses natanaw ko ang isang medyo may katandaang lalaki nakaupo sa kalsada hawak ang kanang binti agad akong napatakbo sa kinaroroonan nya nababalot ng dugo ang binti nya sa pagkakatansiya ko ay mukhang pinalo ng matigas na bagay dahilan upang magdugo ng sobra
nilapitan ko ito bakas sa mukha niya at sa mukha ng mga tao ang pagtataka di hamak na isa lamang akong palengkera pero hindi ko iyon pinansin kinuha ko ang mahabang tela na gamit namin sa tindahan saka iyon tinupi ng anim na beses nakakita ako sa di kalayuan ng manipis na kahoy kinuha ko iyon at lumapit sa matanda
"t-teka ano ang ginagawa mo?" takang tanong ng matanda
"tumawag na po kayo ng ambulansya" sigaw ko sa mga tao
inilagay ko ang dalawang manipis na kahoy sa pagitan ng binti ng matanda saka tinalian ng telang itinupi ko kanina kasama na sa prosesong iyon ang pag iwas sa patuloy na pagbali ng buto at pag ampat ng dugo
"pasensya na ho kung masakit ito kailangan niyo po tiisin" ani ko sabay mabilis na tinali ng medyo mahigpit ang tela
"ahhh ahhh" sigaw ng matanda
"ayan ho nalapatan na ho kayo ng first aid maya maya ho ay dadating na ang ambulansya at dadalhin na kayo sa ospital huwag na ho kayo mag alala minor injury lang po ang nangyari sa inyo hindi po ito magcocost ng pang matagalang gamutan"
bakas sa mukha niya ang pagkahanga masaya ako na makatulong nagagamit ako ang dalawang taong pagaaral ng medesina noong senior highschool
"ija salamat matanong ko lang? doktor ka ba?" parang ilang nyang tanong sabay tingin sa suot kong damit
"hindi ho sige ho mauna na ako" kasabay ng pagtayo ko ang pagdating ng ambulansya agad na inasikaso nila ang matanda
naglabas ako ng isang malalim na buntong hininga hayyyss nakakapagod na araw! makauwi na nga :)
TO BE CONTINUED..