Sinigang...
Iyon lang ang paboritong kainin ni Yen sa canteen ni Madam Lucille. May katangi tangi itong sarap na wala sa ibang sinigang na natikman niya.
"Miss, pwede makishare ng table?"
Naputol ang kanyang pananakam nung may lumapit na lalaki na halos kaedad niya lang din naman.
Boarder din siguro ni Madam Lucille. Sa isip niya. Dahan dahan siyang tumango at inayos ang pagkakalatag ng kanyang pagkain para magkaroon ito ng sapat na espasyo.
Tahimik na naupo ang lalaki at tahimik na kumain.
Bahagyang natigilan ito sa pagkain at tumingin kay Yen na tuloy tuloy ang subo ng kanin. Walang poise- poise. Walang kyeme. Bakit ba? gutom siya. At binayaran niya naman yung pagkain niya. Sabi niya sa isip niya. Pero parang may kahawig ang lalaki. ani Yen sa isip. papano ba niya ikakaila na ang tangkad at hilatsa ng mukha nito ay kahawig ni Jeff??
Napatitig din siya dito. At dahil nakatingin sa kanya ang lalaki ay nagkusa na siyang magsalita.
" May kamuka ka. " ani Yen sa kaharap.
" Oh? taga saan ka ba? " sabi naman ng kausap.
" Taga Bicol ako. Ikaw din? " sagot ni Yen sabay tanong. .
" Oo. " Sagot ng lalaki.
" Ah kapatid mo siguro si Jeff. " walang gatol na wika naman ni Yen..
" Kilala mo? " Sagot nito.
Bahagyang tumango si Yen pagkatapos ay tumayo ito. Kumuha siya ng tubig at bumalik sa lamesa upang tapusin ang pagkain.
" Boyfriend mo?" tanong ni Jonathan
" Ex." sagot ni Yen.
Oo ilang buwan na din ang lumipas simula nong break-up. Bumilang din sila ng apat na taon. Apat na taon na pagtitiyaga at pagpapasensiya ni Yen sa boyfriend niyang invisible. Parang araw. Lulubog, lilitaw. Nagsayang siya ng panahon at emosyon sa relasyon na mas malinaw pa sa drawing. Hindi niya alam kung papano iyon tumagal. Siguro dahil hindi naman sila madalas magkita. O talagang tanga lang siya para maniwalang may patutunguhan nga ang relasyon na meron sila. Pero hindi. Dahil ay ramdam niya naman na mahalaga naman siya kay Jeff. Mas priority nga lang talaga nito ang pangarap. Hindi naman iyon masama. Or dahil may mas malalim pang rason.
" Bading yon? " tahasang tanong ni Yen.
Natawa naman ng bahagya si Jonathan sa kanyang sinabi.
" Ewan ko. sagot nito. Wala naman akong idea kung bakla ba siya o hindi. wala din naman akong nakikita. Pero parang... ewan ko. Bahala siya malaki na siya. " nakatawa nitong turan.
Hindi na sumagot si Yen at nagpatuloy sa pagkain.
Alam ng mga boarders doon na bagong salta lang si Yen. Kaya posibleng alam din ng mga dati nang nangungupahan doon na nandoon sila para sa on the job training. Ganoon kase ang scenario doon. Lahat ng estudyante na malapit na mag graduate at mag ti-training ay doon nilalagay ng school. Kaya halos magkakakilala lang ang mga nandoon. Dahil iisang school lang ang kanilang pinagmulan.
" Ako pala si Joseph. Kapatid nga ako ni Jeff. Kuya ko siya. " Nakangiting pagpapakilala nito. Sabay lahad ng palad.
" Yen." Pahampas na inabot ni Yen ang palad nito parang appear disapper. At natawa naman ito.
" Kung meron mang makaka alam na bading si Jeff. Ikaw yon. " malapad ang ngiti na sabi nito habang si Yen ay nagliligpit ng plato niyang wala nang laman at naglilinis na ng mesa na kinainan niya.
" Wala feeling ko lang. " sagot naman ni Yen habang naglalakad para ihatid ang mga plato sa hugasan.
Pagkatapos kumain ay muli siyang pumanhik sa kwarto nila. Naligo muna siya, nagbihis ng pangtulog. Saka humiga.
Naalala niya yung araw bago sila maghiwalay.
Magkahawak kamay silang naglalakad sa tabing dagat. Dinala siya doon ni Jeff para daw bumawi sa kanya. Araw niya daw iyon. Tahimik lang si Yen. Nakikiramdam.
" Hindi mo ako namiss? " nakangiting tanong ni Jeff.
" Namiss. " sagot ni Yen. Miss naman talaga niya ito palagi.
Araw araw hinihintay niya na tumawag o magtext o magpakita man lang.
Humarap sa kanya si Jeff. Hawak ang dalawa niyang kamay.
" Bakit parang hindi? " anito na bahagyang nakangiti.
Hindi naman sumagot si Yen at tumitig lang sa dagat.
" Mahalaga na mabuo ko ang career ko. Dahil lalaki ako." panimula nito.
" Ako yung....
" Lalaki ka nga? Hindi ka bading? " ani Yen na hindi na pinatapos ang sasabihin nito. Bahagya naman itong natigilan at maya maya ay natawa. Parang inasinang uod na sumagot sa kanya.
" Eh... ikaw, kung yun yung tingin mo ay yun nga. " sagot nito. Habang nakangiti pa rin sa kanya.
Muli ay nanahimik si Yen. Nakahawak pa rin si Jeff sa kanyang kanang kamay. Maya maya pa ay niyakap siya nito.
" Sorry kung nasasaktan kita." hinahaplos nito ang mahaba niyang buhok.
" Sorry kung hindi kita napriority. Sorry kung nahirapan ka. Sorry kung hindi mo naramdaman ang halaga mo saken. Minahal kita Yen, totoo yon. "
Wala siyang maramdaman. Galit, sakit, lungkot... wala. Wala din siyang maapuhap na salita. Parang malabo pa rin ang sagot nito. Simple lang naman ang sagot sa tanong. Oo o hindi. Kung iyon ba daw ang tingin niya di yon nga? Ibig sabihin totoo? Bading siya??
" Nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Pero kung hindi mo ako maiintindihan ok lang saken." sabi pa nito.
Anu? umaamin ba siya? papano siya? Yong emosyon na sinayang niya? napagtripan ba siya? nagamit ba siya? sunod sunod ang tanong sa utak ni Yen. Siguro nga ay umaamin na ito. Bakit di pa kase sabihin ng deretso. Paliguy-ligoy. andaming adlib. Pero bakit? Bakit siya niligawan? Bakit pa si pinakilig minsan? Bakit siya pinaniwalang prince charming siya eh fairy god mother pala? Bakit antanga niya at hindi niya yon nalaman? Apat na taon??? Yung prinsipe na pinagtatampohan niya ay isang darna? Talaga ba?
Sabagay. Yung mga kilos nito ay hindi na maikakailang pumipitik ang mga daliri. Hindi siya kumikendeng pero ang galaw at pananalita nito amoy Darna din. Di niya lang nako-confirm. At bakit nga ba di niya naconfirm?? Dahil may kapatid na lalaki si Yen na parang bading din. Pero hindi naman. Parang feminine lang ang dating ng personality pero totoong lalaki. May asawa na nga. Isa pa, papano niya mako-confirm eh once in a bluemoon lang sila magtagpo.
Simula noong naka graduate ito ay lalo itong nawalan ng oras. Parang naglaho nalang at kailangan na kalimutan. Ngunit sa tuwinang magdi-desisyon siya na kalimutan nalang, bigla itong susulpot at babawi daw. Idini-date siya nito kinukwentuhan. Naaliw naman si Yen at muli ay makakalimutan niya nanaman na ilang araw at buwan itong wala. Iniisip niya na unawain dahil talaga namang alam niya na seryoso si Jeff sa kanyang mga pangarap. Hindi naman niya nabalitaan na may iba ito. At never siyang kinutuban o kahit sumagi man lang isip niya ang bagay na iyon. Kaya wala naman siyang maisip na rason para makipag break. Bukod sa kakulangan nito sa oras. Na sinusulit naman nito kapag nagkikita sila.
Pero sa apat na taon na iyon, never siya nitong hinalikan. Sapat na ang yakap at halik sa noo. Ang sabi nito ay masyadong malaki daw ang respeto nito kay Yen. Ang simpleng halik ay nauuwi sa sex, and sex can wait. Yan ang pananaw ni Jeff na hinangaan naman ni Yen. Sa panahon kase ngayon, wala nang magboyfriend ang hindi nagsi-sex. At wala na rin yatang ganoong klaseng lalaki na nabubuhay sa earth. Kung meron man, ka-sisters sila. At masaya sila kasama.
Walang ginawang hindi maganda si Jeff kay Yen. Totoong salat ito sa oras pero yung mga oras na magkasama sila ay talaga namang sinusulit nito. Kapag si Jeff ang kasama ni Yen ay wala na siyang ginawa kundi bumungisngis. Dahil sa simpleng kwento ni Jeff ay napapatawa siya nito. Totoong bilang ang panahon na magkasama sila pero pero yung bilang na mga pagkakataong iyon, ay puno naman ng mga ala-alang masaya. Anong rason para hindi ibigay ni Yen ang kanyang pang unawa?
Subalit iba ang usaping bakla.