Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

I am a Rebound

πŸ‡΅πŸ‡­nicolycah
--
chs / week
--
NOT RATINGS
370.9k
Views
Synopsis
Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?
VIEW MORE

Chapter 1 - 1 TIME

Napabalikwas ng bangon si Yen nang maramdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura.

Tamad niyang dimampot ang cellphone niyang pinaglumaan na ng panahon. Nokia 3210, para lang silipin ang oras. Alas sais ng gabi. Nag aagaw na ang liwanag at dilim.

Oo, orasan lang ang silbi ng cellphone niya, bukod sa wala siyang jowa, nakakatanggap lang siya ng tawag at text pag malapit na ang sweldo. Yon ay araw na magpapadala siya ng pera sa probinsiya para pang suporta sa magulang niya.

Kunwari ay sinisilip niya din ang inbox. Baka sakali lang na may naligaw na text si Jeff. Kahit alam niya na malabo ito, ay araw araw niya pa ring hinihintay.

Si Jeff....na kanyang ex... Ang lalaking nagpasigla ng buhay ni Yen nong pumasok siya sa college. Si Jeff ang kanyang naging 'kakaibang' boyfriend. Ang kulay nito ay kayumanggi matangos ang ilong katamtaman ang taas, matipuno at may pantay pantay na ngipin. Kapansin pansin lang ang pagkamalambot nito sa kanyang kilos. Sa unang tingin, iisipin mong bading. Pero hindi. Dahil hindi naman si Yen ang unang girlfriend nito. Mahilig din ito sa maganda at makikinis na legs. At wala ring makapag confirm kung bading ba talaga ito o hindi. Siya yung taong nagpatawa at umaliw kay Yen noon. Yung lalaking parang doble ang bunganga sa sobrang daldal. Mahilig makipagtalo at magaling makipag debate.

Doon naiinis si Yen. Dahil sa bawat bagay na pagtatalunan, hindi siya nananalo dito. Ayaw niya ng argumento kaya naman kung meron mang usapin ay lagi lang siyang sumasang ayon. Oo nalang! Hindi naman dahil takot siya maiwan, kundi dahil ayaw niya lang na humaba pa ang usapan. Wala din namang saysay kung makikipag talo pa siya at ang madalas nilang pagtalunan? TIME.

Napapagod siya magsalita. Kahit kase sa simpleng usapan nila ay parang lagi itong nakasalang sa graded recitation. Ayaw patalo. Siya ang tama kaya si Yen ay nananahimik na lamang at walang nagagawa.

" Pasensiya ka na beb." ani Jeff.

Naglalakad sila sa hallway palabas ng kanilang unibersidad.

"Masyado kasing marami ang ginagawa namen. Andami kong hinahabol... Alam mo naman graduating ako. Kailangan ko pa matapos ang thesis ko. Bukod doon, yung mga reports at projects na sandamakmak. May practice teaching pa... Sobrang busy ko talaga sorry na..." malambing na dugtong nito.

Mahigit dalawang linggo na silang hindi nagkikita. walang text kahit isa dahil ang rason niya ay wala siyang load at busy talaga. Naiintindihan naman ni Yen yon. Kaya nga lang, nalulungkot siya dahil iisang unibersidad sila ngunit napakadalang nilang magkita. Ang distansiya ng Education Department sa Engineering building ay hindi naman ganon kalayo. Kahit man lang sumaglit ito na puntahan siya para makita at makumusta man lang hindi nito magawa. Pakiramdam ni Yen ay wala naman talaga siyang nobyo. Pakiramdam niya niloloko lang siya at pinapa-asa nito. Pero dahil mahal niya ay nagtitiyaga siya at nagtitiis. Ang rason, kahit siya din naman ay hindi rin makapag effort para dalawin ito. Dahil din sa loaded siya at rumaraket pa siya pagkatapos ng klase. Pero di pa rin niya maiwasang magtampo. Teacher ang kinuhang kurso ni Jeff. Si Yen naman ay engineering. Nauna si Jeff kay Yen ng isang taon.

"Alam ko.. hindi naman ako nagrereklamo. " ani Yen.

" Kaya pala nakasimangot ka kanina? " patanong na sabi nito.

Wala siyang maisagot. Gusto niya din sana mag inarte, magdemand, magpabebe, yung mararamdaman niya yung pagiging importante. Sa kabila ng kaabalahan sa project at reports, konting oras lang. Yung maramdaman niya lang na may boyfriend nga siya. Minsan naiisip niya kung totoo ba ang relasyon nila o baka inakala niya lang meron pero wala naman pala. Magulo. Pero hinahayaan niya. Iniisip niya na baka bumawi din ito sa ibang araw.

Minsan sumagi na rin sa isip ni Yen na bading si Jeff.

Hindi siya sigurado pero baka nga dahil sa mga kilos nito. Iniisip niya na maaaring palabas lamang ni Jeff ang pagkakaroon ng nobya, panliligaw at paghanga sa mga babaeng magaganda at makikinis ang hita. Hindi kaya pangarap din nito magkaroon ng makinis na hita?

Pero pag naaalala niya yung ex ni Jeff na kabilang sa dancing club, nakakasalubong niya iyon sa hallway minsan at talaga namang di maikakaila na maganda itong di hamak kay Yen. Sa hubog palang ng katawan nito at sa paraan nitong mag ayos ng sarili ay insecure siya nang konti.

Naikwento ito sa kanya ni Jeff nung minsang biniro ito ni Bryan, vice president ng Sumpreme Student Government. Kuwari ay nadulas ito magbanggit ng pangalan pero hindi naman kaila na sadyang binanggit niya iyon para marinig ni Yen at makita ang kanyang reaksiyon. Halata ang pang uuyam sa mga ngiti nito nang ibukas nito ang usapin tungkol kay Vanessa subalit nanatili lamang siya sa pakikinig at hindi nagpakita ng anumang interes sa sinabi nito. Dahil totoong hindi siya apektado.

Noong oras ng uwian ay agad na nagpaliwanag si Jeff at nagkwento ng buong pangyayari mula sa umpisa hanggang wakas. Kahit hindi naman siya nagtatanong. Ipinaliwanag nito na na hindi naman nagwork ang kanilang relasyon dahil pareho silang busy ni Vanessa at hindi niya kailangang magselos dahil may boyfriend na rin ito. At wala na rin siyang pagtingin pa dito.

Naghiwalay daw sila ni Vanessa dahil sa hindi din daw nito natagalan ang pagiging busy niya. Dahil sa "TIME". Yon lamang ang kanyang naintindihan sa mahabang kwento ni Jeff.

Sa huli ay parang pinupunto nito ang kakulangan niya sa oras para kay Yen. Na maari din silang mauwi sa ganoon. Kung hindi sapat ang kanyang pang unawa, Tatagal ba siya hanggang dulo? Kaya ba niyang magpasensiya at magtiis? Kaya pa ba niyang mahalin ang kagaya ni Jeff?

Napabuntong hininga si Yen.

Hindi niya alam. Sumusunod lang naman siya sa agos. Masaya naman siya pag kasama Si Jeff.

Noong bago pa lamang sila ay napaka sweet nito. Masaya lang palagi. Ang simpleng usapan ay nagagawa nitong pasiglahin at mauuwi sa hagalpakan ng tawa. Kwela ito at mabait. May pangarap, responsableng estudyante. Kaya naman talagang napalagay ang loob ni Yen dito, at totoong namimiss niya ito. Madalas. Lalo kapag wala siyang ginagawa. O kahit pa busy siya ay palagi niya pa rin itong iniisip.

Minsan nga naisip niya na sana hindi nalang sila naging magnobyo. Para kahit maghiwalay sila, ay mananatili pa din ang ganoong samahan. Naiisip niya kasi na kapag napagod siya sa kakaunawa ay magkukusa nalang siyang kumalas.

Pagkalipas ng ilang buwan, ang pagkikita nila ay lalong dumalang. Maging ang tawag at text ay halos wala na din. Sapat nang magtatanguan sila tuwinang magkakasalubong sa loob ng school. Mas ok pa ang tropa may pabeso pa. Iniisip nalang ni Yen na dahil lang sa "busy schedule."

Naalala ni Yen kung papaano niya naging nobyo ito. Hindi naman talaga siya interesado dito noon. Sino bang mag-aakala na seseryosohin niya ito ngayon? Oo seryoso siya. At mahal niya si Jeff. Ang pinaka-unang nobyo niya. Matagal niya din inasam na maranasan ang magkaboyfriend. Gusto niya maramdaman ang pakiramdam ng may jowa. Maranasan na merong naglalambing... maranasang magmahal at mahalin.

Yung pagiging seryoso ni Jeff sa pag aaral at pagiging competitive sa school, pagiging organisado sa mga gamit at sa kilos. Pati yong pagiging ambisyoso nito. Yon ang nagustuhan niya dito. Bihira si Yen makatagpo ng ganoong edad na meron nang naka set na goal sa buhay. Pati nga yata yung pagpapakasal nila balang araw ay nagawa na din nitong pagplanuhan. At yung parte na yon din siya kinikilabutan. Hindi siya handa. Masyado pang maaga. At hindi pa siya sigurado kung siya na nga.

Marami pa siyang pangarap at hindi niya nakikita ang sarili niya bilang isang asawa at ina. Ang nais lamang ni Yen sa ngayon ay maka-ahon at magkaroon ng pag-unlad sa sarili.

Bago siya tumungtong sa kolehiyo ay huminto siya sa pag-aaral. Naranasan na niya mamuhay mag isa. Anim na taon ang binuno niya sa pakikipag sapalaran sa Maynila. Kung anu-ano trabaho ang pinasok niya para kumita hanggang na sa marealize niya na hindi sapat ang ganoon.

Masyadong mahaba ang panahon at pabago bago ito. Walang bagay na permanente sa mundo. Dadating ang araw na tatanda siya at di na niya kakayanin ang paraket raket lang. Kaya naman gumawa siya ng paraan para muling makapag aral.

Napa ngiti na lamang si Yen nung maalala kung papaano sila nauwi sa ligawan. Minsan nakita niya ang gwapong picture ni Jeff na nakadikit sa bulletin board ng Student Council Department. Doon ito nagsimula. Asar kase siya dito dahil pakiramdam niya ay bida-bida ito. Pabibo, ayaw patalo. Hindi nauubusan ng rason. Presko at mayabang.

Lumapit siya sa bulletin at dinuduro duro niya ang picture na yon at sinisigaw sigawan. Alam niya mag isa lamang siya sa SSG office kaya anlakas ng loob niya mag baliw baliwan doon.

" Ikaw na lalaki ka yang ngiti mong maganda, akala mo gwapo ka na? napaka presko mo!! Feeling mo ang galing galing mo? Ayaw mo patalo kala mo naman mai-intimidate ako sayo? ha? ha? ha? "

"Mayabang ka!!" habang gigil na pinipitik ang picture ni Jeff sa bulletin.

Huling pitik niya nung biglang...

" eheerrm! " si Bryan.

" ay hehe"

" anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Bryan.

" Pinipitik ko. Naiinis kase ako dito sa lalaking ito. Alam mo yon? Kahit simpleng kwentuhan akala mo nakasabak sa graded recitation." gigil na sabi ni Yen.

Tumawa si Bryan at bago pa man ito mag salita ay pumasok si Jeff sa pinto.

" Anong meron?" tanong nito.

" Si Yen pinagdidiskitahan ang picture mo." sumbong ni Bryan.

Naalarma naman si Yen.

Bahagyang natigilan. Sabay hinaplos haplos ang picture ni Jeff.

" Ngayon ko lang napansin na ang cute mo pala ngumiti. Gusto ko itong picture mo dito. Perfect smile. Pwede akin nalang ito ha? Remembrance "

Hindi niya hinintay ang sagot ni Jeff at dahan dahang tunuklap niya ang picture nito sa pagkakadikit. Walang hiya hiya niyang sinabi na crush niya si Jeff.

Kahit na andoon si Bryan kasama nila sa SSG office.

" Ah... cge papalitan ko nalang yan. " ani Jeff

Nagtinginan sila ni Bryan at kinindatan naman siya nito sabay tawa.

Hindi niya crush si Jeff.

Inis siya dito dahil parang baklang horse sa sobrang pabibo. Wala lang siyang maisip na palusot sa eksenang ginagawa niya kanina. At iyon na lamang ang unang pumasok sa isip niya. Yung resulta? Naging close sila.

Officer din si Yen at presidente ng Engineering Club. Kaya madalas din siyang magawi doon. Isa pa ay yong lugar na iyon ang may pinakapreskong spot kaya doon siya madalas tumambay.

Si Jeff ay presidente naman ng student council. Kaya naman talagang abala ito at inuunawa niya iyon. Pero naisip niya na kung importante ang tao, paglalaanan mo ito ng oras mo gaano man ka-busy ang schedule mo. Yun ang naiisip si Yen. Gayunpaman, sinasarili na lamang ni Yen ang ganoong isipin. Subalit alam niya sa sarili niya na parang may mali.

Aware din si Jeff na may pagkukulang siya kay Yen. Gayunpaman alam niya din na mauunawaan siya ng huli. Kaya naman nai-open up niya kay Yen na pag natapos ang busy schedule ay ipapakilala niya si Yen sa kanyang magulang. Siguro ay malaking point ito para mabigyan niya si Yen ng assurance na ok lang sila, at magiging ok sila. Hindi naman magtatagal ay doon din naman sila pupunta. At alam niyang naiisip din ni Yen iyon.

Sa kabilang banda, may lugar din naman talaga si Yen kay Jeff. Pero mas priority talaga niya ang pangarap. Para kay Jeff ang relasyon ay inspirasyon lamang. At ang pag-ibig ay makakapaghintay. Kung hindi niya kayang tumagal, hindi siya magdadalawang isip bumitaw.

"Yen, kain na tayo" naputol ang mahabang pagmumuni muni ni Yen nung narinig niya si Cathy na bumaba sa higaan niya. Room mate niya si Cath. Kashare niya sa double deck at madalas niya din kausap at kasama kumain. Sampong babae sila sa isang hindi kalakihang kwarto. Bedspacers sila doon. Pinili nila na mag stay doon dahil bukod sa safe at malinis, mura at malapit din sa kanilang trabaho.

" Maraming tao sa canteen" ani Thalia na kakapasok lamang sa pinto.

Nasa pangalawang palapag ang kwarto nila.

Pinakaunang kwarto pagpanhik ng hagdan.

Ang kasunod na kwarto ay kwarto ng land lady nila kasama ang dalawang anak nito.

Sa unang palapag naman ay sala, dining area at kusina.

Tipikal na bongalow type ang bahay na yon. Parang inukupa lamang nila ang isang kwarto doon para tulugan. Ok na sa isang single na nag o-OJT. Kain-Tulog- Pasok ang routine. Sa tabi ng bahay ay canteen na pag aari din mismo ng land lady nila. Pwede utangan pag wala pang pera.

Isa yong malaking compound. Malawak na lupain na pinagtayuan ng boarding house. Ilang building ang naroon, at iyon lahat ay paupahang kwarto na inuukupa ng mga taong nagtatrabaho sa mga pabrika na malapit doon.

Simpleng tao lang naman si Yen Reyes. 25 years of age. Manilenya dahil sa Manila siya pinanganak. Probinsiyana dahil sa probinsiya siya nagdalaga. Taga Bicol ang kanyang mga magulang. May katamtamang taas, balingkinitang katawan. Matangos ang maliit na ilong, Maliit ang mala-puso niyang mukha, may maputi at makinis na balat, at buhok na hanggang bewang ang haba. Tuwid at itim na itim. Pwedeng modelo ng shampoo.

Kay Yen sapat na ang may kinakain at naipapadala sa parents. Magsasaka ang tatay niya at ang nanay niya naman ay tumatanggap ng labada. Sa ganoong paraan sila itinaguyod ng magulang niya. Kaya naman talagang sinikap niya na makapag aral kahit hindi kaya ng kanyang magulang ang gastusin. Nag apply siya ng scholarship at pinalad naman siyang makatanggap nito. Kaya naman seryoso din ang pagsusunog niya ng kilay. Binuhos niya din naman ang lahat sa kanyang pag aaral. Walang kaso kung lagi siyang puyat. Ang mahalaga ay di siya napag iiwanan. Gayunpaman, nangangarap din siya na balang araw ay may magandang mangyayari sa buhay niya. Balang araw ay makakaranas din siya ng ginhawa. Kaya nga kahit may edad na ay pinilit niya pa din matapos ang kolehiyo. Dahil na din sa kahirapan kaya pahinto hinto siya. Siya halos ang pinaka panganay sa klase nila pero hindi ito halata bukod sa maliit at mukha siyang bata, magaling siyang makibagay at makisalamuha. Alam niya na mas malayo ang mararating niya pag nakapagtapos siya at nakakuha ng matinong trabaho. Kaya kahit hirap ay sinisikap niya talaga makuha ito.

Ito na ang huling taon niya. pag natapos ang OJT ay gagraduate na din siya. Konting tiis pa. konting konti nalang. Muli nanaman siyang haharap sa tunay na laban ng buhay..

Dahan dahan ay bumangon si Yen sa pagkakahiga.

Gutom siya at wala siyang pakealam kung marami ang kumakain sa kariderya ni Madam Lucille.