NAGSIMULA NA ANG countdown para sa bagong taon sa Goodwill Park ng Villa Montenuma at hinihintay na lang namin ang fireworks display. Napapikit ako at nakibilang. Nang marinig ko na ang mga paputok ay dahan-dahang binuksan ko ang aking mga mata.
Ang madilim na langit ay napalibutan ng mga paputok na parang makukulay na bulaklak na saglit lang namulaklak. Maganda iyon sa iba ngunit sa akin, meh.
Tipid lang akong ngumiti. Wala namang bago. Kada bagong taon may nakikita akong fireworks. No big deal. Sadyang, dati simula nang maging kami ng exboyfriend ko ay lagi ko siyang kasama tuwing New Year.
Ngayon, ang mokong na iyon ang rason kung bakit mag-isa ako sa grand opening ng Villa Montenuma. Ako kasi ang nagbayad ng reservation at sayang naman kung hindi ko pakikinabangan. Mahal din yun.
I was just trying to fix things. Emphasis on trying.
"Wala na kasing spark, e. Can we end this?"
"Arika, I need space."
"It's not me. It's you."
Inisipan ko ng mga isasagot ang mga palusot ng ex kong iyon.
"Hindi tayo bumbilya. 'Wag mo akong hanapan ng spark."
"Babe, hindi naman ako clingy. Anong space ang hinahanap mo sa'kin? E, halos isang linggo tayong 'di magkita tapos okay ka lang naman."
"Oh my God. Suntukan na lang tayo, please?"
Andami kong pwedeng sabihin sa kanya ng mga araw na iyon. Pero ni isa roon wala akong sinabi. Tumahimik lang ako. Mahirap naman magsalita kung ang ipapalabas lang naman ng other party ay ikaw lang ang may kasalanan.
At ngayon, I'm just numb. Napailing ako para iwaksi ang alala ng lalaking iyon sa utak ko. Keri 'to, girl. New Year na. New opportunities. Open ka na ulit sa market.
Walang lingon-likod na aalis na sana ako pero may natapakan ako. Agad akong kinabahan, alam mo na, paano kung tae 'yon?
Dahan-dahan akong tumingin sa baba para makita kung ano man iyon. Pero surprise: isang bundle ng papel na pinagsama lang gamit ang isang ipit. Mukhang ilang beses nang tinapak tapakan iyon at marami ng footprints ang dating puting papel.
Nagtatakang pinulot at pinagpag ko iyon, it's a novel manuscript.
Curious na binuklat ko iyon at nakakita ako ng maraming editorial notes na nakasulat gamit ng pulang bolpen. Mas lumala at mas dumami pa iyon ng malapit na sa may ending. Wow, galit na galit naman ang editor nito.
Nakakunot noo na ibalik ko ang manuscript sa unang pahina at hinanap ang pangalan ng writer. Medyo nahirapan ako dahil ang dumi na nun pero 'di nagtagal nahanap ko rin. Para akong malapitang pinasabugan ng paputok sa nabasa ko. The name was Robin Vaccaro: my favorite writer.
Mabilis na lumingon lingon ako sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang hitsura niya kaya hinanap ko na lang kung sino ang mukhang naghahanap. Nagsimula na rin akong gumalaw at dahil sa dami ng tao may nakabunggo sa akin.
"Shi--"
Muntik na akong nadapa kung hindi lang may sumalo sa akin.
"Ayos ka lang, Miss?"
Nalingunan ko ang isang pamilyar na lalaki na mukhang hindi natulog ng ilang araw. Halata kasi ang eyebags niya at mukhang ready siyang pumikit anytime. Hindi naman maitatanggi na may hitsura ang lalaki dahil mukhang papasa siya bilang isang model kung mag-aayos pa siya ng konti.
"Wait... Kilala kita," sabi niya at lumawak pa ang kanyang ngiti. His face looks lively because of it. "Arika Mendoza, right?"
At dahil kilala niya ako, sinubukan kong kilalanin siya pero hindi ko siya namukhaan. "Sorry. Hindi kita ma-recognize."
"Ah... alam ko kung bakit. Minsan lang tayo nagkausap... Hmm, one group activity? Anyways, my name is..."He trails off. Napako naman ang tingin niya sa hawak kong manuscript. "Nahanap mo pala."
Para akong pinasabugan ulit ng isa pang paputok. "What? Ikaw si Robin Vaccarro?"
"Ah... Yeah..." Nahihiyang sabi niya at nag-iwas pa siya ng tingin.
"OMG! Seriously? Ikaw talaga si Robin?"
"The one and only."
"Iyon rin ba real name mo? Wala akong kilalang Robin though... Hmm..."
Nang wala pa rin akong maalala ay binigyan ko na lang siya ng malawak na ngiti at humahangang tingin. Mukhang nagulat naman siya dahil saglit siyang napakurap kurap lang sa akin.
I'm looking at him with pure admiration, after all. Hindi naman siya ganoon ka-famous at ilang libro lang ang na-publish niya. But to me, he is my hero.
Ang mga libro niya ang nagligtas sa akin sa mga araw na kailangan ko ng karamay. Ang unang libro niya ang nakita ko nang gustong gusto ko nang sumuko noon. It helped me get back on my feet. Kaya nang nawala ang online presence niya at nawalan din siya ng bagong libro ay parang naging dull na ang araw araw ko.
"A-Arika..."
"Ay, eto pala... buti nakita ko bago may nagtapon sa kung saan. Madumi nga lang. May backup ka naman siguro."
Inabot ko sa kanya ang manuscript. Tumingin siya roon at saglit na nawala ang kanyang ngiti, pero kinuha niya pa rin iyon. May pabulong din siyang sinabi na hindi ko narinig.
"Hmm?"
Nakangiti muling hinarap niya ako at ngayon ko lang napansin na may dimple pala siya sa isang pisngi. Wow, cutie. "Ang ganda ng fireworks, 'no? Ngayon ko lang nakita nang sobrang lapit."
"Hindi ka pa pumunta o sumama ng Lantern Parade?" Ang tinutukoy ko ay ang SLU Lantern Parade kung saan sa huli ay may engrandeng fireworks display. Doon ko unang nakita ang mga fireworks na ganoon kalapit, iyong pwede mo nang hawakan.
"Ah, hindi. Isa kasi ako sa mga gumagawa ng lantern at hindi naman ako laging lumalabas."
Tumango naman ako at magtatanong pa sana pero na-conscious ako bigla. Baka busy siya at ayokong magmukhang intense na fangirl. "May pupuntahan ka ba?"
Inilagay niya muna ang manuscript sa dala-dalang bag bago niya ako sinagot. "Balak ko sanang bumalik na sa cabin para matulog."
Mukha ngang mas kailangan niya iyon kaya napatango na lang ulit ako. "Sure. Mukha ngang babagsak ka na anytime. Masyado bang complicated ang plot ng story mo ngayon at puyat ka?"
Natahimik agad siya at ngumiti na lang. "Ilang araw ka rito sa Villa?"
Nahimigan ko ang pag-iwas niya sa usapan. Magaling ako roon. Ikaw ba naman ang magkaroon ng ex na kung maka-dodge talo pa ata ang pinakamagaling na dodgeballer. "Mga tatlong araw lang. Ikaw?"
"Tatlong araw lang din. Ah, pwede ko bang makuha ang number mo?"
"Talaga? Gusto mong makuha?"
"Oo naman. Kilala naman kita."
"Okay."
Syempre, pa-cute lang ako ng konti pero gusto ko rin makuha ang number niya at mas makausap siya nang matagal. Hindi naman araw araw na ma-me-meet mo ang paboritong writer mo.
Nagpaalam na siya sa akin pagkatapos namin magpalitan ng number. Sinundan ko siya ng tingin. Habang nakatitig ako ay naalala ko ang isang lalaking tahimik sa isang sulok at nagsusulat sa kanyang notebook. Parang may nag-click sa utak ko.
I smile. New Year. New opportunities.
NAPAPIKSI SI ISAAK nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang phone. Inilabas niya iyon mula sa bulsa at tinitigan na parang bigla iyong sasabog. Ang alam niya ay nangako ang editor niyang hindi siya gagambalin ng tatlong araw kaya imposibleng...
Napakurap siya nang makita ang caller ID, si Arika iyon. Mabilis pa sa alas kwatrong sinagot niya ang tawag.
"Hi, Arika," bati niya at awtomatiko siyang napangiti. It was good to see a familiar face. Bonus na rin sa kanya na kilala nito si Robin Vaccaro at isa itong fan.
"Hello, Robin. Or should I say, Isaak? With the 'k', di'ba?"
Saglit na gumilid muna siya para hindi siya banggain ng kung sino at pinigilan niyang hindi magtunog na parang natuwa siya sa narinig. "Naalala mo na ako?"
"Ikaw si Mr. Loner," natutuwang usal nito. "Lagi kang nagsusulat sa isang sulok, right?"
"Yeah, Mr. Loner, at your service." Naalala niya ang mga araw na iyon.
Mag-isa nga lang siya tulad ng sabi nito. That was fine then because he loved his solitude, until he had to face the real world. Dahil doon, kinailangan niyang lumabas sa kanyang comfort zone.
"Ahem, so, Mr. Loner," nahihimigan niya ang kakaibang respeto sa boses nito. "Ingat ka sa daan, okay? Matulog ka agad."
"Okay?"
"Please at ililibre pa kita ng almusal bukas."
Nagtaka naman siya sa narinig. "Bakit naman?"
"I'll do anything for my favorite writer."
Her sincerity and adoration hits him that for a moment, naalala niyang bago mag-fireworks ay siya mismo ang nagtapon sa kanyang manuscript.
Napalunok siya. "A-Ako talaga ang favorite writer mo?"
"Opkors. I'm glad to finally meet you at masaya akong nag-e-exist ka, Isaak. Stay awesome, okay?"
Mas lumawak ang ngiti niya at naramdaman niya rin ang biglang pagpatak ng kanyang mga luha. Pasimpleng tumalikod na lang siya para walang makakita. He badly wanted to hear that for the past few days. And now, his heart no longer feels too heavy.
"Isaak? Are you okay?"
"Pinasalamatan na ba kita?"
"Para saan?"
"Wala lang. Just... thank you. Thank you so much."
Taking his editor's advice that he needed a break didn't sound like a bad idea anymore.
[ END ]