Chereads / Limang Minuto: Mga Liham para kay Ginoong Mabini / Chapter 22 - epilogo: Ysadore [ END ]

Chapter 22 - epilogo: Ysadore [ END ]

YSADORE

Ibinaba na ni Ysa ang bintana nang makita niyang malapit nang maghalikan si Apoline at si Manuel. Hindi naman siya martir para hanggang doon manonood pa siya. She breathed out a sigh.

"Satisfied?" tanong ni Lokino, the guy who brought her here. Pinagsabihan kasi siya ni Manuel nang napansin siya nitong umaaligid the week of his breakup with Apoline. She just wanted to make sure that everything will go smoothly for them this time. Sila pa naman ang favorite couple niya, in a way.

Tinapunan niya ng masamang tingin ang lalaki. Hindi naman siya magpapahatid dito kung wala siyang rason. She doesn't really hate his guts, rather he hates hers. Hindi niya nga alam bakit ito nag-offer na tulungan siyang manmanan ang dalawa.

"What do you mean by that?" Inabot niya ang binuksan niyang Piattos kanina na kinailangan niyang iitsa nang dumating na sila sa bahay ni Apoline. Sinundan kasi nila ang sasakyan ni Manuel, para masigurong hindi ito basta-bastang mabangga kung saan. Mukhang hindi naman ito nagsuspetsya sa kanila but then, he's probably more focused on seeing his beloved again. Kumuha siya ng isang piraso ng Piattos.

Pinaningkitan naman siya ng mga mata ni Lokino, na medyo nakakatawang tignan, dahil may kalahating Hapon sa dugo ay mas mukha itong nakapikit kaya parang ginawa na rin nitong literal ang term na "singkit". Pero, syempre, hindi siya tumawa. She owes him as much.

Iwinasiwas naman nito ang kamay. "We've been following both idiots--"

"Not idiots. Need I remind you that the other one was accelerated two grades and the other one is already a prodigy of the arts as soon as he was born?"

"Lovesick idiots." Can't argue with that.

"Thank you."

"Okay, i-re-rephrase ko na, ah. So, sinusundan natin yung dalawang lovesick na idiots na iyon ng isang linggo, hindi ba? Given that, give me the x of the y."

Tinapunan niya ito ng Piattos na siyang ikinalukot naman ng mukha nito. "Ang corny mo, Lokino."

"I'm just saying," kibit-balikat na tinanggal nito sa manggas ng damit ang dust ng Piattos. "At 1,000 ang charge sa pagkakalat mo sa baby ko."

"Aba."

"Just, are you satisfied now? I mean... how long have you been friends with Emmanuel Salazar either way?"

Hindi siya nakasagot agad. Sa halip, binalingan niya ulit ng tingin ang bintana kung saan nakikita niya pa rin si Apoline at si Manuel. Nakasandal na ang ulo ni Apoline sa balikat ni Manuel. Animated na gumagalaw ang kamay ng dalaga at mukhang may ikwinekwento sa nobyo. Nakita niya naman ang paggalaw ng mga balikat ni Manuel, marahil ay tumatawa ito sa sinabi ng nobya.

It was funny.

She was the one who saw and knew Manuel first. She knew him ever since they were in Nursery and they both could barely talk. She was the one who met Apoline first as well. She knew her when she was in Second Year College, she was this quiet girl, probably dahil transferee ito, whom people thought was an easy target but was actually headstrong and good at giving levelheaded and wise statements.

She was the one who invited Apoline in her sister's birthday. Gusto niya sanang ipakilala si Apoline kay Manuel then. But she found them talking at some point, without a care in the world. Sinantabi niya lang iyon dahil wala naman masyadong kaibigan ang huli. Another friend wouldn't hurt. Hindi niya naman alam na mai-inlove ang dalawa sa isa't isa.

"Oh, tulala na naman. Bakit ba lagi mong nakakalimutang may kausap ka?" tanong naman ni Lokino habang iwinawasiwas ang kamay sa tapat ng mukha niya. Yep, she likes zoning out. Manuel, too. It was Apoline who always pulled them out of it. Mukha raw silang mga batang kailangan niyang i-guide dahil baka biglang maumpog sa poste.

"To answer your question, we've been friends for almost twenty years," she said, shrugging, oh-so-casually. Kunwari wala lang.

"And in those almost twenty years, did you ever tell him that you love him?"

"Anong love ka diyan?"

"Oh come on, Miss. It's written all over your face. Even Sam knows your head-over-heels."

Ang tinutukoy nito ay ang kapatid niyang si Samantha na boyfriend naman ang pinsan ni Manuel na bestfriend rin ni Lokino, si Emmett. Sinimangutan niya naman ang binata. "Pakialam mo ba? Kahit naman sabihin ko sa kanya, I don't think he'd see me more than just a friend. I've been there for almost twenty years, Lokino. And yet, he falls for the girl he knows for just five years? Now, tell me, would it have been worth it if I told him?"

Ang masama pa ay hindi masamang tao si Apoline. She would have fought tooth and nail to take Manuel away from Apoline if she was evil. But Apoline isn't. Maituturing niya nga itong isa sa mga naging best friend niya.

At hindi siya ang tipong isisiksik ang sarili sa mga taong mukha namang soulmates talaga. Alam niyang masasaktan lang siya so the least she could do for both of her friends is make sure that they stay together.

Siya na ang ang nakikatwiran sa mga magulang ni Manuel na hindi masama ang relasyon ng dalawa. In fact, they look more alive together than apart. She'd been there when they separated. At parehas talaga ang dalawang parang namatayan. Even Lokino can testify to that.

"...So, are you satisfied now? Satisfied that they're back together and they will never be apart and all the other happy ending definitions I can give it?"

"Bakit ba ang hater mo?"

He shrugged. "Just answer my question. Ghad, woman. Lahat ba ng tanong ko sa'yo sasagutin mo rin ng tanong? Ano 'to, infinite questioning?"

"Bakit ba kasi? Ano ngang pake mo kung satisfied ba ako o hindi?"

Biglaan naman itong lumapit sa kanya, na sa sobrang lapit ay halos gahibla na ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa. Hindi siya nakapagsalita, napaamang lang ang bibig niya. Naamoy niya ang mentos na pinagdidiskitahan nitong ubusin habang pinapanood niya ang magkasintahan. And she can see his eyes, she always wondered what color they were. Mukha kasing brown sa malayo, but it was actually ash gray. Why is she even looking at his eyes?

"Because. Kung hindi ka rin oblivious, I like you. So, kung free ka na at naka-move on ka na. Libre lang ako," makahulugang sabi nito bago kusang lumayo na sa kanya. "Okay na?"

Walang pasabing tinampal niya ito sa noo at nalukot naman ang mukha nito sa ginawa niya. "No, I'm not sick, Ysa."

"You don't like me. Lagi kang naka-angil sa akin, remember? Ano 'yan nang-tri-trip ka o may pustahan kayo?"

She remembered getting saved by Apoline when she tried forgetting Manuel and fell into the hands of one of the latter's playboy friends. And Lokino doesn't really look like a decent guy at ang alam niya ay katropa rin nito ang mga loko-lokong lalaking mga iyon.

"Oh, here we go again. Tinulungan na kita at lahat-lahat pero judgment pa rin pala ang makukuha ko sa'yo. Ever tried watching He's Just Not that Into You?"

Nang wala siyang reaksyon ay sumukong itinaas nito ang kamay. "Number eleven. He's just not into you if he's being a bully. Well, I'm disproving that. I'm into you. Hindi lang ako makakapagpapansin kung magpapakabait ako dahil Manuel's already good for that. I'm a jerk, let's face that."

"Oh my God, Lokino. Did you just quote a romcom movie?"

"Yes, I did, f*ck. Lumalabas ang pagka-nerd ko dahil sa'yo. Lumabas ka na nga, maglakad ka pauwi."

"Hoy, grabe siya. Naka-heels ako, Lokino. Ikaw kaya ang mag-heels at maglakad sa highway?"

"If I do that, will you go out on a date with me?"

Napakunot noo naman siya. Makapagsalita ito ay para itong lasing. E, ang pinagtritripan lang naman nito kanina ay Mentos. Siya naman ngayon ang pinaningkitan ito ng mata. "Why are you taking advantage of the situation?"

"I'm not. Mabuti nang sabihin ko. Tatlong taon ko ring inalagaan at ngayong alam ko namang susuko ka na kay Manuel, alangan hindi ko pa sabihin sa'yo. I'm patient but I'm not bullshitting myself enough to keep hiding it."

Napaamang na naman ang bibig niya. Wala talagang tabas ang dila ng lalaking ito.

"So, if you want me to prove something to you, give me your heels. Maglalakad ako sa highway."

Hindi siya gumalaw dahil hindi niya pa rin maproseso ang sinasabi nito. At hindi naman ito naghintay basta nito hinugot ang paa niya at tinanggal ang suot-suot niyang heels. "Hoy, Lokino, ano bang--"

"Shut up and just watch me, Ysadore." Natanggal na nito ang heels niya at nagsimula itong tanggalin ang sariling sapatos. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakatitig dito habang sinusuot naman nito ang heels niya. Tiyak niyang masisira iyon. "I'll pay for it. Let me just do this and prove a point," parang nababasa naman ang utak niyang wika nito. At nang tinignan na siya nito ay ngumiti lang ang binata bago ito na mismo ang lumabas ng sasakyan.

"Pwede mong i-drive para sundan ako, ikaw ang bahala. Maglalakad na ako, Ysa. Take care."

Bagsak ang pangang pinanood niya itong naglakad. At dahil hindi ito sanay ay hindi maganda ang naging simula nito. Muntik nga itong mabuwal ngunit naagapan naman agad nito ang sarili.

"That stupid..." Binigyan niya ng huling tingin ang bintana at dahil sa kalokohan ni Lokino ay hindi na niya nakita kung ano ba ang ginagawa ng mga ito. Nasa bintana pa rin ang dalawa at nasa parehas pa ring posisyon tulad ng huli niyang nakita kanina. Maliit na ngiti na lang ang iginawad niya sa magkasintahan. I'm saying goodbye to my feelings for you, Manuel. Starting now. It will hurt but...

Pinaandar niya ang sasakyan at sinundan ang lolokong si Lokino. At dahil hindi naman ito sanay sa paglalakad sa heels ay agad niya rin itong naabutan.

Lumingon lang naman ito sa kanya at pasimpleng kumaway pero mukhang wala itong planong tumigil. Napapailing na hinayaan niya ito hanggang sa makalampas na sila ng isang kilometro. Buti na lamang at wala sila sa highway at kung hindi ay baka nabangga na siya.

Itinigil niya ang sasakyan at isinuot naman ang sapatos nito na sa sobrang luwang ay natanggal sa mga paa niya nang bumaba siya. Napapailing na iniwan na lang niya ito at sinundan ang binata na nakapaa.

"Hoy, Lokino. Halika na nga, bumalik ka na rito."

Tumigil naman ito at nag-posing pa nang lumingon kaya hindi niya naman napigilang mapatawa. Loko-loko talaga.

"Ano yun, Ysa?" Nakangiting tanong nito. "Ang ganda palang mag-heels, gumaganda ang tindig ko."

"G*go. 50k yan ah."

"Oh, please. I can afford that."

"Ang yabang ah."

"So? Bakit ka bumaba nang nakapaa?"

Binato niya rito ang mga sapatos nito at sakto namang natira niya ang paa at tuhod ng binata. Nalukot naman ang mukha ng binata at medyo nabuwal nang sinubukan nitong kunin ang mga sapatos. "Ano ba? Ang hirap ligawan, kainis."

"Narinig ko yun," napapailing na wika niya nang makalapit na siya kay Lokino. Hinawakan niya ang bewang nito para maiayos ito ng tayo. "Loko loko ka talaga. May sabi kasi sa'yong maglakad nang naka-heels. Bakla ka ba?"

"I-french kiss kaya kita ngayon," nababagot na wika nito na mabilis namang ikinapula ng mga pisngi niya na ikinangisi naman ng loko.

"Ay naku, baka mas mauna akong mamatay sa heart attack bago kita masasagot, Stupid Lokino."

"Did I hear that correctly?"

Tinampal niya ito sa noo na muntik nang nagpabuwal sa binata kaya mabilis din siyang yumakap sa bewang nito para hindi ito matuluyan. "Assuming ka kasi, iyan muntik ka na. It's not going to be easy, Lokino. Falling in love with someone is not a walk in a park. Hindi ko ma-pro-promise na sa'yo ako mai-inlove matapos kong mag-move on."

Naramdaman naman niya ang pagpulupot ng mga bisig nito sa bewang niya at ang pagdikit ng mga katawan nila. He looked at her as if she's the only one that matters in this world and he smiled a small sincere smile. "If you can wait for someone for twenty years and not get your desired result, I'm going to wait for as long as it takes. Kahit maka-ilang lakad pa ako sa highway nang naka-heels, I will stay by your side. Babakuran na rin kita kung iyon lang ang rason para ma-ensure kong mamahalin mo rin ako sa huli."

"You sound like you're the only guy here, Lokino. Huwag masyadong mahangin ang ulo. Baka mapugutan ka ng wala sa oras."

Ngumiti lang ito at pinisil ang pisngi niya. "So, you're letting me take you out in a date?"

"Yeah. Pero huwag kang advance mag-isip, okay? I'm going to keep reminding you that this is not going to be easy."

Mabilis siyang hinalikan nito sa pisngi na ikinagulat naman niya. "I like challenges, Ysa. So, make sure to prepare wisely."

Napapailing na lang siya. "O, siya, sige na hubarin mo na yang heels. Mukha ka ng tanga."

"Thanks. It hurts, you know."

Binitawan na niya ang bewang nito at hinayaan itong lumuhod at magtanggal ng heels. At habang nakatitig siya rito ay hindi niya mapigilang ngumiti. He made her forget that this night was supposed to be in more ways than one, painful. It's hard to let go of your first love, after all. But, maybe, it's not so bad to give someone else a chance.