Chereads / Awitin Mula Sayo / Chapter 1 - Chapter 1: Composition

Awitin Mula Sayo

JM_Padilla_8665
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: Composition

Malakas na hangin Ang sumasalubong sa akin, tahimik Ang paligid at tanging sipol Lang Ng hangin at hampas Ng aking damit sa aking katawan ang aking naririnig.

Nahihirapan akong huminga at hirap ko rin imulat ang aking mata dahil sa lakas na hampas ng hangin sa aking mukha.Nang magawa kong imulat ang aking mata ay tanging makapal lang na usok ang aking nakikita kaya muli nalang akong pumikit.

Hanggang sa nakarinig ako ng mga busina ng sasakyan at iba pang ingay na nanggaling sa aking ibaba.

Kaya muli kong minulat ang aking mata at tyaka ko lang namalayan na nahuhulog na pala ako mula sa itaas. Nakita ko ang isang malawak at mataong lugar na posibleng tugpaan ko.

Habang mabilis na bumubulusok ako paibaba napansin ko ang mga bagay na lumilipad na parang uri ng sasakyang panghimpapawid ngunit desenyong kotse ang mga ito. mabilis ko lang nalalampasan Ang mga ito.

At biglang tumibok ng mabilis ang dibdib ko sa takot at nagsimula na ako sa pagsigaw.

Sinubukan kong umikot at humarap sa itaas para makasigaw ako ng maayos ng may napansin nanaman akong isang magandang babae na may kakaibang kasuotan na tila isang superhero sa mga napapanood Kong mga movies.

May kakaibang uri ng teknolohiya sa kanyang likod na nagbibigay sa kanya ng kakayahang makalipad at napansin kong sinusubukan niya akong sagipin.

May sinisigaw sya sa akin ngunit hindi ko maintindihan dahil narin sa lakas ng impak ng hangin sa akin.

Hanggang sa malapit na akong tumugpa sa lupa kaya pinikit ko nalang ang aking mata at sinabing "iligtas nyo po ako panginoon "at narinig ko ang boses ng isang babae na nagsasabing"Maghihintay ako, Dahil Magkikita pa tayo".

Ng biglang. " Hoy! Anak gising na kanina pa Kita naririnig na nagsisigaw dyan. Ano nnman ba napanaginipan mo. " -patanong na sabi ni Mama,Sabay tawa, dahil sa itsura ko na tila takot na takot.

"Bumangon kana dyan at malalate ka nanaman sa school." Napahinga ako ng malalim ng makalabas na ng kwarto ko si Mama. "

Isang nakakatakot at di mapaliwanag na panaginip nanaman ang gumising sakin.

Ako si Chris Eros Ibarra, 20 years old, 5'8 ang taas, mahaba at kulay itim ang buhok na may balat sa kaliwang batok ko na itsurang Nota.

Napagkakamalan nga ng marami na tattoo ang nasa batok ko. Pero kahit ako nagtataka kasi hugis nota talaga siya.

Ako yung taong school at bahay lang lagi. Di ako mahilig gumala, Mas gusto ko pang mapagisa minsan lalo na kapag nagsusulat ako ng kanta.

Music lover kasi ako simula pagkabata. Di dahil sa balat ko sa batok ,kundi implowensya ng Papa ko.

Nagsimula iyon nung palagi akong nakikinig sa mga awiting gawa mismo ng Papa ko. Tinuruan nya ako maggitara at piano nung pitong taong gulang palang ako.

Hanggang sa nakahiligan ko narin magsulat ng sarili kong gawa na kanta.

Maraming nagsasabi na marami daw akong talento kaso nga lang yung iba kakaiba.

At di nila alam yun.minabuti ko ng itago yun lalo na sa magulang ko dahil ayokong magalala sila sakin.

Weird pero cool, Ganun ko sya maidedescribe. Elementary palang kasi ako ng nagsimula akong makapanaginip ng mga pangyayari na nagkakatotoo.

Nakakapanaginip din ako na parang nakakarating ako sa future. Diko alam kung nakakapag time travel nga ba ako sa panaginip o sadyang may lugar lang tlaga akong nakitang ganun kaadvance ang teknolohiya at lumalabas lang sa panaginip ko.

Naisip ko baka sa pagpanood ko lang ng mga movies to. Pero ang pinaka weird ay ang karakter sa panaginip ko. Dahil sa bawat panaginip ko bawat matutulog ako sa gabe.Hindi nawawala yung maganda,maputi,kulot at itim ang buhok na may magandang mata at maamong mukhang may kakaibang kasuotan.

Lagi ko siyang nakikita sa mga panaginip ko at parang kilala niya ako, Pero di ko siya kilala.Lagi syang may mga sisisabing salita na laging tumatatak sa isipan ko hanggang paggising ko.

Bawat salita na sinasabi nya sa akin sa bawat panaginip ko ay isinusulat ko. Sa notebook na ginagamit ko sa pag sulat ng kanta.

Para di ko rin makalimutan ang mga ito.

Bawat panaginip ko ay may dalawang sentence na naririnig ko at tumatatak sa isipan ko.

Napansin ko rin na bawat sentence ay nag rarhyme ang bawat huling salita neto.

Kung pag dudugtong dugtongin ko ang mga sentence sa bawat panaginip ko. Nakakabuo ito ng isang tula.

Ang nakakapag taka dto ay tila sinadyang gawin yung nabuo Kong tula dahil sa tugma ang mga salita neto. Tila isang mensahe ang gustong sabihin ng tulang ito.

Halos mag iisang taon na simula ng makapanaginip ako ng ganito. Dahil kaarawan ko nung unang gabing napanaginipan ko yung babaeng Yun. at 21 days nalang 21 narin ako.

December 20 ako pinanganak, na kwento ng Mama ko na kakambal ko daw ang malakas na ulan nung pinanganak ako. Dahil tanghaling tapat at tirik ang araw nung bago daw ako ipanganak at paglabas ko daw kasabay neto yung malakas na buhos ng ulan.

Di naman lahat ng panaginip ko tungkol sa babaeng yun. Pero tanging yun lang ang tumatatak sakin na panaginip.kaya sa dami ng beses na halos 20 beses na yata nakabuo na ako ng isang buong tula.