Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Juan Tamad (The Millenial)

🇻🇬Silvertheace
--
chs / week
--
NOT RATINGS
59.9k
Views
Synopsis
Kilala ng bawat Filipino si Juan Tamad at marami ng nagawang version at sa version ito makikita kung paano ang Juan tamad na millenials na puwede ding sumalamin sa buhay ng mga kabataan ngayong panahon
VIEW MORE

Chapter 1 - Juan pasaway

Juan gumising ka na napakapasaway mo di ka na bata 11:30am sigaw ng nanay ni Juan. Hindi naman sa tamad bumangon si Juan masipag lang talaga siyang matulog at pano di siya sisipaging matulog si nipag siya maglaro mag damag ng computer games at hindi lang sa sinipag siya ginalingan talaga niya nakailang panalo sila ng kayang mga tropa at sa dami ng round nila paglalaro ng Dota inabot na sila ng umaga.

Juan sigaw ng nanay niya ulit di ba ngayon yong interview mo sa isang trabaho ano pang ginagawa mo at hindi ka pa bumabangon. Sa subrang ingay ng kanyang nanay dahang dahang minulat ni Juan ang kanyang mga mata at sumagot ng parang inaantok pa. Nay ito na po babangon na sabay tayo at ng punta sa kusina Nay san po ang pag kain ko bakit wala pang nakahanda May luto ng ulam at kanin dyan magsandok ka nalang ang tanda mo na gusto mo ihanda ko pa lahat sagot naman ng kanyang inay kaya pailing na tumingin sa kasirola si Juan at ng makita niyang gulay ang ulam nawalan siya ng gana at sabing Nay mag aalas dose na pala maliligo nako at baka malate pako sa inaplayan ko penge nlng ako ng pera at ako'y kakain na lang sa labas. Walang nagawa ang nanay ni Juan kundi mag sige na lang sa kaguztohan mag karoon ng trabaho ang anak kaya si Juan ang nag punta na banyo ng mapansin niyang malamig ang tubig kaya naisipan niyang mag tipid ng tubig. Isang wasik lang tama na baka pag nasubrahan ko mainlove lahat ng makakita sakin kaya kumuha ng isang tabong tubig at winasik wasikan ang kanyang mukha at binasa ang ulo sabay sabing yan bagong ligo ngumiti siya nagbihis at gura na.

Nay penging baon at pamasahe nakangiting lapit sa kanyang ina naglabas ng isang daan ang nanay niya at umiiling na inabot ang pera subalit sabi ni Juan nay kakain pako sa turo turo niyan mahal na mga bilihin ngayon ayaw kong maggulay baka maglanta ako sa interview mali mali masagot ko kaya dinagdagan nanaman ng isang daan ng kanyang nanay pero di pa nakuntento si Juan sabi niya ulit nay naman anong uras na magtataxi nalang po ako baka malate ako at di na ako interviewhin sayang lang pag punta ko kaya nakasimangot na dinagdagan ng isang daan ng ulit ng kanyang inay magsasalita pa sana si Juan ng binara na siya ng kanyang inay at sabi sige na talagang malalate ko kung magdadaldal ka pa rito kaya pailing ulit na lumabas ng bahay si Juan.

Masipag naman talaga si Juan masipag gumawa ng rason para magadagdagan ang baon. Yes six hours 90 pesos 50 pang kain ng tanghalian uwe ako bahay ng 8pm at sasabihing bagsak ako kunwaring malungkot hihingi ulit ako ng budget sabihin kong pang laru pang tanggal stress tapos kung di ako bibinig yan ng pera may pang my pang six hours ulit ako at pang haponan pa ako 1 am na ako uuwe pero pag binigyan ako my pang dagdag pa. Ayon masipag naman pala talaga si Juan masipag pag plano para sa kanyang kabalbalan. Dumating si Juan sa may kanto biglang liko baka masilip pa ako ng nanay ko sabi niya sa kanyang sarili saka dumiretchong Computer shop na nakipag laru ulit sa kanyang mga kaibing hanggang 7pm at gaya ng dati panay panalo nanaman pag katapos mag laro ay hinanda na niya kung pano niya sasabihin ang kanyang kwento sabay ayos ng mukha ginawang subrang lungkot kahit na sa looblooban niya masaya siya at nakailang panalo nanaman kakalaro ng Dota.

Ngunit sa di inaasahang pang yayari habang siya ay patawid ng kalye pauwing bahay bigla siya nasagasaan ng isang kotcheng nawalang ng kontrol pagmulat ng kanyang mga mata siya ang nasa hospital na at my katabing bata sabi ng bata Juan ako pala si Angelo sumagot si Juan pano moko nakilala at anong ginagawa ko dito sa hospital sabi ni Angelo panong di kita makikilala ako ang angel mu huh? sagot ni Juan kita mo yong Sabay turo ni Angelo sa isang taong nakahiga sa kama nong sinilip ni Juan kong sino yong nakahiga napaluha siya at nabigla nakita niya ang isang taong kamukhang kamukha niya at dahil di siya makapaniwala nilapitan niya ito at sinubokang hawakang ngunit tumagos lamang ang kamay niya. Nag salita nag kanyang angel at sabing ok lang yan Juan nakahiga ka dyan o hindi parihas lang naman wala ka namang serbi sa lipunan pabigat ka lang sa narinig ni Juan ay hindi siya nakasagot ayaw gumana ng utak niyang malikot sasabihin niya sanang hindi to totoo ng sinabi nang angel niya na gusto mo bang makita ang gagawin mo at ng iyong ina pag di ka nadisgraxa at kapag parihas ang sampong gagawin mo sa naiisip mong gagawin mo ibabalik kita sa katawan mo at mamumulat ang mata mo dyan sa hospital nakangiting sabi ni Angelo sumagot si Juan ng may kumpeyansa sa sarili at sabing pano kong di ko nasagot ng tama patanong na sagot ni Juan tumawa si Angelo at sabing baka dyan tayo magka problema di nakaimik si Juan magsasalita pa sana siya at sasabihing kailangan kong malaman ng biglang nagsalita ang kanyang batang angel at sabing kong ayaw mong makipaglaru sakin puwede naman na kitang dalhin ka San Pedro ngayon at siya na bahala kung saan ka niya dadalhin madali lang akong kausap. Di na nag isip si Juan at sumagot ng game agad kasi naisip niya masarap naman ang buhay ni habang buhay siya bat niya gugustohin na mapunta sa kung saan di siya sigurado kung magiging masaya. Bigla siyang nawala napadpad sa isang lugar na panay puti lang ang makikita magtatanong pa lang si Juan ng nagsalita ang kanyang batang angel sabi niya nandito tayo ngayon sa gitna lalong nagulohan si Juan kaya ngumiti si Angelo at sabing ang gitna ay ang kawalan walang buhay o kahit na anong makikita dito maliban laman sa aming mga angel at mga bisitang kaluluwa at ang mga gusto naming ipakita pagkatapos niya mag salita my lumabas na isang malaking TV sing laki ng sinehan at ito ay flat screen pa sa subrang paghanga ni Juan sumagi aa isip niya na gusto niyang maging isang angel subalit nong mapansin siya ng kanyang angel sinabihan siya na ang isang angel ay my katungkolan na mas mahigpit pa sa katungkolan ng tao di sila puwedeng pumonta sa lugar na to kung wala silang magandang dahilan dito at kailangan nilang tutukan ang mga binabantayan nilang mga tao kundi mananagot sila pag panaay kapaltosan ang magawa ng mga binabantayan nila sila rin ang sumosundo at naghahatid sa mga kaluluwa kay San Pedro para malaman nong kalulusan kung san siya mapupunta nong marinig ni Juan yong bigla siyang nawalan ng gana at sumagot nalang na sige taposin na natin to ng makabalik nako sa katawan ko ngumiti si Angelo at nagumpisa ang palabas sa malaking TV nito.