Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Immortal Lover Series

🇵🇭Magzz23
--
chs / week
--
NOT RATINGS
12.4k
Views
Synopsis
Maverick is a reincarnate by Hephaestus, the God of Fire in Greek Mythology. He currently lives in London and he is one of the most eligible bachelors in his country. He is also one of the Board of Directors of the largest company in the world named G&A International Corporation. He knew that his life wouldn't be as simple as a mortal knows because of his ancient clan inception. It has remained a secret which his ancestors kept in million of years. Sa kabila nito, namuhay pa rin siya sa paraang alam niya na hindi nakakaapekto sa iba ayon na rin sa batas na sinusunod niya at ng iba pang mga nilalang na may kakaibang kakayahan. Ang iniingatan nilang lahi ay nagmula pa sa isang kasaysayan ng sinaunang Griyego, ang isang mitolohiya. Hanggang isang araw, dumating sa buhay ng binata ang dalagang magpapabago sa kanyang buhay bilang isang imortal. Michelle De Lumen or Mitch is a mortal woman who lives in the Philippines. She is working as an undercover agent for the world's largest company where Hephaestus is one of the owners. Naatasan siyang mag-spy sa isang malaking drug syndicate sa London sa ilalim ng pamumuno ni Dione Aphrodite na kabilang rin sa Board of Directors subalit ang hindi niya alam ay mas malalim pa ang dahilan kung bakit siya naroon. Paano kung matuklasan niya na ang lugar na lubos niyang hinahangaan ay isa palang misteryoso at mahiwagang lugar para sa kanya? Paano kung malaman niyang itinakda palang ialay niya ang kanyang buhay gamit ang isang katana, ang sandatang magdurugtong sa kanila ng binata kasama ang isang propesiya?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Manila, Philippines

Monday morning, Michelle grudgingly walked through the board office of G&A International Corporation where she currently works as a Manager of the Tourism Department. Her mind anticipates that her boss will give her another task.

Kalma ka lang, Michelle. Malalagpasan mo rin ito tiwala lang, okay? Aniya sa isipan.

Tatlong katok ang ginawa niya bago pinihit ang doorknob ng pintuan sa opisina ng boss niya saka siya tuluyang pumasok doon. Bumungad agad sa kanya ang mukha ng babaeng boss niya na kasalukuyang may kausap. Tantiya niya ay ibang lahi ito base na rin sa kulay ng buhok, ang maputi at makinis nitong kutis.

"Hi! Mitch!" Nakangiti agad ang boss niyang Senior Manager na si Xiao Yin. Isa itong Half-Chinese, Half-Filipino na naninirahan sa Pilipinas.

Napaisip na naman siya sa nakakatuwang posisyon ng leeg ng may edad na babaeng boss niya. Nakatagilid na naman ang leeg ni Ma'am! Nabibigatan na naman ata siya!

"Hi Ma'am! Good morning po!" Nakangiting bati niya nang tuluyan niyang isara ang pinto. Napasulyap rin siya sa babaeng kausap nito kanina na ngayon ay nakamasid sa kanyang kabuuan. Ang ganda naman niya. Sino kaya siya?

Noon lang niya nakita ang magandang babae. At tama nga ang kalkulasyon niyang ibang lahi ito base na rin sa kulay abo nitong mga mata. Matangkad ang babae. Fashionista at halatang may sinasabi ito sa buhay. Tumayo agad ito at malawak ang pagkakangiting sinalubong siya.

"Hi! How are you, Michelle? I'm Dione Collins." Inilahad agad ng magandang dalaga ang palad sa kanya at mabilis na nagpapakilala.

Nag-atubili siyang tinanggap ang kamay na iyon. "Hello! I'm fine. Glad to meet you, ma'am!" Oh, kilala ako? Wow! Famous! She's perfectly gorgeous and beautiful! Gosh! Artista ba siya? Hindi na niya napigilang humanga sa babaeng kaharap.

"Anyway, kayo na usap ah," anang boss niya na hindi pa diretso ang pananagalog at tumayo na mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair.

"A-akala ko tayo po ang mag-uusap, ma'am," takang tanong niya sa boss niyang tumayo na.

"Ah, hindi. Pinatawag lang kita para kayo usap ni Dione. Labas na ako." Humarap ito sa kanilang bisita. "Dione, if you need anything else, please call me. I'll be in the lounge area," sabay ngiti ng boss niya rito.

"Yeah!" Gumanti rin ito ng pagkakangit sa boss niya. "Thanks again, Yin!"

Sinundan na lamang niya ng tingin ang Senior Manager na kahit sa paglalakad ay tabingi pa rin ang posisyon ng leeg na akala mo'y may isang toneladang bigat na dala-dala sa tenga. Very wrong! Lahat na lang ng bigat ata ay nasa kabilang leeg na niya. Kahit gaano man siya natutuwa sa ikinikilos nito ay sobrang bait naman ng boss niyang iyon. Lahat ng konsiderasyon ay ibinibigay nito puwera na lang sa mga trabahong ibinibigay sa kanya. Mahigpit lang ito sa trabaho ngunit maluwag naman ito sa mga bagay na nais niya kaya gustong-gusto niya ito lalo na pagdating sa usaping pagkain. Tila humahapdi na naman ang sikmura niya marinig lang ang salitang iyon. Ibinalik niya ang tingin sa kaharap nang kagyat na nahuli niya itong nakangiti at napapailing. Na-curious siya. Pakiwari niya ay nababasa ng dalaga ang nasa isip niya kaya inunahan na niya ito ng paumanhin.

"Ay, sorry po! I mean— I'm sorry, ma'am!" Humingi agad siya ng paumanhin kahit na wala naman itong sinasabi sa kanya. Mahirap na baka isipin niyang pinagtatawanan ko ang boss ko. Masisante pa ako ng wala sa oras. Kung bakit pa kasi— Gusto niyang pagalitan ang sarili ngunit huli na kung iyon man ang iniisip ng kanyang kaharap.

"Huh? Ah, no! You don't need to say sorry. By the way, you can have a seat." Sabay turo nito sa upuan na nasa tabi niya.

"Thanks." Naupo siya kaharap ang magandang dalaga.

"I am here today because of some confidential files you need to keep and study for your next mission." Seryoso na nitong wika sa kanya saka nito inilabas ang folder na may lamang mga files patungkol sa bagong misyon na tinutukoy nito.

"H-ho? Anong— I mean— Yes?" Confidential files? Mission? Sa isipan niya.

Nagtaka siya ng mabanggit nito ang salitang iyon. Iilan lang sa mga nakakataas ang nakakaalam ng tunay niyang trabaho. Frontline job lang niya ang pagiging tourism manager sa naturang kumpanya at lingid sa kaalaman ng iba na hindi rito nakatuon ang kanyang totoong trabaho. Kailangan lang niyang itago ang pagkakakilanlan niya dahil sa klase ng trabahong pinasok niya.

"I'm Aphrodite. The one who always keeps in touch with you when you're in a mission," banayad nitong wika sa kanya.

Siya naman ang nagulat sa sinabi nito. Ang babaeng kaharap niya ngayon ay ang gumagamit ng codename na Aphrodite sa London base at kasalukuyang kaharap na niya. Shaks! Iyong Head ng Detective Agency sa London, siya na pala iyon? Ang ka-chat ko lagi. Kaya siguro kilala niya ako!

Aphrodite is one of the Board of Directors of G&A Detective Agency London base and she keeps in touch with her online. She never saw the woman before but she communicates with her about any circumstances of her mission. Bakit hindi ko agad naisip iyon? Sabagay, misteryosa rin siya pagdating sa trabaho. It's all about jobs and cases.

"It's okay na magulat ka, Michelle. Natural lang iyon dahil ngayon lang tayo nagkita." Pakiwari niya ay nababasa na naman nito ang laman ng isipan niya.

"Ah. Hindi ko akalain na marunong kayo sa lengguahe namin, ma'am." Dumugo pa ilong ko ng ilang minuto. Marunong pala siyang mag-tagalog!

"Yes, of course! I know your language very well. Oh, heto ang mga files," ibinigay nito ang isang brown envelope. "Open it."

"Okay." Binuksan niya iyon nang matanggap ang files mula rito. Tumambad sa kanya ang iilang larawan ng mukha ng mga wanted persons na may iba't ibang lahi at kaso na rin batay sa mga iilang impormasyong nakasaad doon. "Ma'am, diba ito iyong mga miyembro ng mafia? Sila ba iyong pag-aaralan ko sa susunod kong misyon?"

"Exactly. According to our source, gumagala ang anak ng lider ng mafia sa London na nangangalap at nagkakalat din ng mga lintik na drugs na iyan. At isa sa mga nais nitong puntiryahin ay ang Green Valley Park and Club na isa sa mga tourist spots ng bansa. Since, ikaw ang isa sa mga pinakamagaling naming agents, I want you to handle this mission. You will come with me to London as soon as possible. I already informed your boss, Ms. NC and Ms. Jow regarding this."

"A-ang bilis naman, ma'am!" Hindi siya makapaniwalang ganoon kabilis ang magiging misyon niya. Ni hindi pa nga siya nakapagpahinga sa naunang kasong hinawakan niya ilang araw ang nakalipas.

"I told you, no need to call me ma'am. Sinabi ko na iyan sa personal message ko sa'yo. Dione na lang kung sa maraming tao, Miss A kapag tayo lang. Is that okay, Miss M?" Tinawag siya nito sa codename na ginagamit niya.

"Yes, ma'am este Ms. A. Pero magpapaalam muna ako sa mga magulang ko mukhang matatagalan ako sa misyon ko na ito."

"Yes. It's okay. Take your time. Don't worry, malaki ang ibabayad sa'yo ng company kung sakali. Free accommodation and food ka pa."

"Really? Free food? Sige po, thanks!" Nagniningning ang mga mata niya ng marinig ang libreng pagkain. Noong una, nag-aalangan pa siya pero ng marinig ang tungkol roon ay siya iyong tipong hindi umaayaw.

Napailing at napangiti ulit si Dione sa kanya. "Anyway, see you tomorrow. Dito na tayo magkita bago tayo umalis patungong London."

"Ho? Bukas na agad? Shaks! Hindi pa po ako ready!" Mas lalo siyang nabigla dahil inakala niyang may isa o dalawang araw pa siyang maghahanda.

"You should always be ready," the woman smiled.

Tumango na lang siya rito kasabay noon ay tumayo na rin ang magandang babae upang magpaalam sa kanya. Naiwan na lang siyang nag-iisip sa opisina ng boss niya. Ang bilis naman! Katatapos lang ng isang misyon ko. Ay hindi bale, London na iyon! Makakapunta na ako! Nagkukumahog na siyang lumabas ng kuwartong iyon upang makapaghanda at makapagpaalam na rin sa mga magulang. Ipapaalam na rin niya ito sa iba pa at sa Head Officer ng grupo.

Mula sa isang sekretong lugar na para lamang talaga sa kanilang mga spies, nagpatawag si Ms. NC ng isang emergency meeting para sa kanilang mga members ng isang samahan na kung tawagin ay Urban Jewel Spy. Samahan iyon ng mga magigiting na mga spy at agents sa Pilipinas na lihim na itinayo ng G&A Detective Corporation ng London (main base). Lihim ang samahang iyon bilang pangangalaga na rin sa seguridad at kapakanan ng bawat miyembro ng grupo.

"Ladies, listen. Nakatanggap ako ng isang matinding kaso ng pagpapalaganap ng isang malakihang operasyon ng drugs na nagmumula sa isang malaking sindikato na hanggang ngayon ay hindi pa nasusugpo. And this is not like the ordinary cases you've solved before. Gumagamit sila ng new technology panlaban sa mga kaaway nila. Laser swords, hightech guns, samurai, or any deadly weapons. Of course, hindi tayo magpapatalo sa kanila. Po will manage our computers and satellites while Ms. M is doing the mission." Isang mahabang paglalahad ng detalye ng leader nilang medyo may katabaan, petite ngunit matalino at maganda. Hindi pa lalagpas sa kuwarenta ang edad nito at dalaga pa.

"Malaking halaga ang ibibigay sa atin plus bonus and incentives pa kung sakaling masolve natin ang kaso." Dugtong naman ng kanang kamay ni Ms. NC na si Ms. Jow. Mga babaeng magaganda na wala pa ring asawa hanggang ngayon marahil ay sa klase ng kanilang trabaho.

Saklap ng kuwento ng lablayf nila ano? Kasama na ako doon. Naliligaw kasi ang poreber ko, walang waze pabalik sa puso ko. Kahit papaano may magsabing, in five hundred meters, turn right, you're in your way to Michelle's heart.

Natatawa na lang siya sa isipan niya habang umaandar na naman ang kalokohan niyang iyon lalo na ngayong kasama niya ang mga kaibigan sa kanilang meeting.

"Ms. NC, wala bang kasama si Ms. M sa misyon?" Tanong ni Po na isa sa mga kasamahan niya na bihasa rin pagdating sa paggamit ng computer.

"Actually, meron sana kung bumalik sa atin ang dalawang iyon. Iyon nga lang ay mas choice nilang magkaroon ng kanya-kanyang diskarte sa buhay. Sila ang umalis sila ang dapat bumalik."

Bahagyang natahimik sila ng ilang segundo nang maalala nila ang dalawang kaibigang kusang kumalas sa grupo nila at nagsarili na. Ang dalawang babaeng iyon ang laging kasa-kasama niya sa bawat misyon na gagawin nila.

"Ay ma'am ako, pwede akong sumama?" Untag sa panandaliang katahimikan ng kasamahan at kaibigan nilang si Jingky.

"No! Stay here, Jingky! Michelle can handle the case." Tugon ni Miss NC rito na nasa high-pitch na naman ang tono ng boses.

"Ay, ganoon? Nakakalungkot naman! Makakaapak na sana ako ng London. Lagi na lang ako sa Luzon, Visayas at Mindanao." Dismayado ito. "Kahit sa pakpak na lang," anito ngunit nagbiro rin sa huli.

"Jingky, kahit ako gusto kong sumama ang kaso hindi puwede. Alalay lang tayo kay Ms. M. May tutulong naman sa kanya pagdating doon. Hay! Sayang sana makabingwit man lang ng mga papabels!" Makulit na wika ni Ms. Jow sa kanila. Paminsan-minsan ay hinahaluan nito ang kanilang usapan ng mga nakakatuwang bagay.

Bigla siyang naging interesado sa sinabi ng babaeng lider nila. "Talaga? Maraming papabels?" Kahit alam niyang ibang lahi ang lugar na pupuntahan niya.

"Ano ka ba! Mga briton ang mga tao roon, natural maraming pogi! Michelle ah, uwian mo kami rito ng madaming briton iyong mahahaba!" Tatawa-tawang sambit ni Ms. Jow sa kanya.

"Ano daw?!" Sabay-sabay na wika nilang magkakaibigan.

"Ano ba naman iyan, ma'am! Anong mahahaba? Kaloka!" Aniyang natatawa sa ibig sabihin ng sinabi nito.

"Hoy! Iyang mga utak niyo talaga masyadong green!" Sabay turo nito sa lahat. "Mahahaba ang buhay! Kasi may edad na ako baka mamatay na lang ako nitong wala pang asawa!"

Mas lalo lang silang nagtawanan. Alam naman nilang may edad na ang mga ito at wala pang mga asawa kaya naghahabol ang mga ito bago tuluyang maiwan sa biyahe. Kung may inireto naman sila sa mga magaganda nilang boss ay inaayawan din naman ng mga ito. Masyado ring pihikan.

"Ma'am Jow, hanap na lang tayo ng imortal para pangmatagalan!" Sumingit si Jona na walang alam kung hindi dugtungan ang kalokohan pagdating sa ganoong bagay.

"Huwag naman kayong ganyan. May bata dito oh, si Lea. Naiihi na sa kakatawa! Ay, pati rin pala si Khale!" Turo ni Po sa dalawang babaeng nasa likuran at hindi na makapagsalita sa sobrang sakit ng tiyan sa kakatawa.

"Ano iyon Jona, literal na imortal? Baka mamaya niyan matigok na si Ma'am di pa namamatay asawa niya!" si Anna na namumula na rin sa kakatawa.

"Ay ano iyan, pang-twilight?" Nakikigulo na rin si Sam.

"Mga sira kayo! Wala na tayong natapos na usapan! Hala, magsiuwian na kayo!" Pagtataboy ni Miss NC na kasama na rin sa pakikipaglokohan sa mga dalagang naroon.

Tatawa-tawa pa rin silang tumayo sa kinauupuan tanda na tapos na ang kanilang meeting. Wala silang napag-usapan maliban sa mga kalokohang sila rin ang may gawa. Putik itong mga ito! Wala ng ibang naiisip! At wala na naman kaming natapos na magandang plano. Wala namang bago.

"Oh Michelle, huwag ka ng humanap ng imortal ah! Hindi namamatay!" Pahabol ni Jingky nang palabas na sila ng office na iyon.

"Shut up, Jingky!" Hinampas niya ang kaibigan sa balikat nang hindi naman masyadong kalakasan.

Hindi na naman maiwasan ng lahat ang muling magtawanan sa bagay na iyon. Mabuti at babae silang lahat at walang lalaking nakakarinig kung hindi mas lalong nakakahiya. Literal na naman ang mga iniisip nila kaya ganoon sila makapag-react.

"Joke lang iyon girls," bawi ni Jona. "Sinong mag-aakala sa panahon ngayon na may imortal na nabubuhay? Wala naman diba?" Sumeryoso ito.

"Tama!" Dugtong ni Khale. "Milenyal na ngayon! Hindi na uso ang mga Oylmpian Gods! At saka sa London iyon, hindi naman pupunta si Michelle sa Greece!"

"Pero Michelle ah, uwian mo kami ng briton! London has a lot of handsome men." Si Jingky.

"Uy, teka sandali! Isusumbong ko kaya kayo sa mga boyfriend niyo! Si Michelle lang ang mag-uuwi ng briton! Baka nakakalimutan niyo ako ang mata ng mga jowa niyo na nasa ibang bansa ngayon!" Singit ni Anna.

"Hala! Lagot! Ayan na!" Si Lea na nasa likurang bahagi niya.

"Well, si Michelle naman talaga kailangan niyon at siya ang mag-uuwi rito." si Po. "Michelle is still single. Go, Mitch! Kailangan pagbalik mo may imortal ka ng kasama este briton pala!"

Nagtawanan ulit ang mga ito hanggang sa tuluyan na silang lumabas ng kuwartong iyon.

Sila ang mga kaibigan ko! Bukod sa mga kalokohan namin ay sila ang lagi kong kasama saan mang lupalop ako madestino. Suportado namin ang bawat isa lalo na ngayon na may kanya-kanya rin kaming landas na tinatahak bukod sa trabaho namin. And yes! I'm still single. Siguro dahil sa masyado akong naging abala at dumating ako sa punto ngayong hindi ko na inisip ang pakikipagrelasyon. Inuna ko muna ang kumita ng pera.

Mas lalo lang lumawak ang ngiti niya nang maalala ang dobleng kikitain sa misyon niyang iyon. Isama pa ang free food and accommodation pagdating niya sa London. Ngunit napawi rin ang ngiti niya nang makarating siya sa kotse niya tsaka napaisip.

What if may ganoon nga? I mean, imortal? Nag-isip ulit siya. Kolokohan! Sa panahon ngayon hindi na uso ang mga knight in shining armor with a horse in the middle of the night. Bumuntong-hininga siya pagkatapos. Pero naniniwala na man ako na may imortal, siyempre ang Diyos iyon na pinaniniwalaan naming mga Kristiyano. Lahat naman may iba-ibang pinaniniwalaan ngunit kung tipikal na imortal na nabubuhay at nakikisalamuha sa mga katulad kong mortal, imposible iyon! Imposible talaga iyon! Paulit-ulit na tumatatak iyon sa isipan niya. Napapailing na lang siya habang binuksan ang pintuan ng kotse niya at sumalampak na lang sa driver's seat saka niya ito minaniobra palabas ng basement.