Nang akapin sya ni Miguel, hindi alam ni Issay ang gagawin. Tumututol ang isip nya subalit hindi sumusunod ang katawan nya na parang ito ang matagal ng inaantay.
Patuloy din sa pagtulo ang kanyang mga luha na tila may gustong sabihin.
Parang gustong ipaalala ang lahat ng sakit na idinulot ng unang nyang pagibig.
Ngunit tila hindi ito naiintindihan ni Miguel. Masaya itong akap akap ng mahigpit ang dating nobya, ayaw umalis, ayaw syang pakawalan.
Subalit habang tumatagal sa pagkaka akap si Miguel, napapansin ni Issay na may nagbabago sa kanya.
Pakiramdam nya unti unting nawawala ang pait at sakit ng ginawa ni Miguel sa kanya.
Mga sakit na akala nya nalagpasan na nya, hindi pala. Ikinubli lang pala nya ito sa puso nya at ngayon ay unti unti ng nawawala na parang bula.
Hindi na rin mahalaga ang mga bagay na gusto nyang itanong, dahil hindi na nya kailangan marinig pa ang kasagutan.
Sapagkat ngayon, tiyak nya, tapos na ang lahat.
Mayamaya, unti unting kumawala si Issay sa bisig ni Miguel.
Issay: "Miguel, salamat!"
"Salamat at dumating ka!"
"Salamat din at nang dahil sa akap mo nagawa kong maging malaya!"
"Marahil ito ang matagal ko ng inaantay, ang makawala sa rehas ng nakaraan!"
"Pero mayroon pa akong kailangan gawin! Kailangan kong makita ang nobyo ko!"
"Paalam, Miguel!"
At tuloy tuloy na umalis si Issay, iniwang nakatulala si Miguel na hindi man lang nilingon ang huli.
'Anong nangyari?'
'Tama ba ang narinig ko, may nobyo na sya?'
Nagtatakang tanong ni Miguel.
Gusto nyang habulin si Issay pero may mas mahalaga syang dapat gawin. Ito ang pakay nya kaya sya tumuloy dito.
Kailangan nyang mailigtas ang ina sa walang hiya nyang ama kaya nagtungo sya sa Villa Perdigoñez kanina.
Kaya lang hindi nya naabutan si Uncle Rem, nagtungo daw ito sa birthday party kaya sumunod sya dito.
"Saka na lang Issay, magkikita pa tayo ulit!"
Sambit ni Miguel kahit malayo na si Issay at hindi na sya nadidinig.
Sa paghahanap ni Belen kay Issay nakita nya si Miguel nakatayo at tila may tinatanaw.
Belen: "Kuya Migs! Andito ka rin pala!"
Bati nito sa matalik na kaibigan ni Luis nya.
Miguel: "Len Len, kamusta? Si Edmund kasama mo?"
Belen: "Iniwan ko sa Maynila, si Uncle Rem ang ka date ko!"
"Bakit andito ka? Saka ano yung nababalitaan kong kasal daw natin dalawa?"
Miguel: "Hahaha! Ewan ko dun sa nagmamagaling kong ama, nahihibang na ata!"
"Wag mong intindihin yun dahil wala akong planong pakasalan ka!"
"Nakababatang kapatid ang turing ko sa'yo kaya kung pakakasalan kita kasalanan yun! Incest yun diba!"
Natuwa si Belen sa sinabi ni Miguel. Pareho sila ng naramdaman kaya imposible talagang makasal sila.
Alam din ni Gilberto ang Amang ni Belen na kapatid ang turing nya kay Miguel kaya impossibleng ipinagkasundo sya dito. Hindi ganuong klase ng tao ang Amang nya.
Belen: "Alam ko Kuya Migs! Pero anong ginagawa mo dito?"
Miguel: "Kinidnap nung Oscar na yun ang Mama, kailangan ko ang tulong ni Uncle Rem!"
Belen: "Andun oh!"
Sabay nguso sa tiyuhin.
Belen: "Sige Kuya Migs, maiwan na kita at may kailangan pa kong gawin!"
At nagmamadali ng lumapit si Miguel kay Uncle Rem.
Miguel: "Uncle Rem!"
"Kailangan ko po ang tulong nyo!"
At ikinuwento na nito ang nangyari sa ina.
Uncle Rem: "Hindi ko pinakikialaman ang ama mo dahil magkadugo kayo pero sa pagkakataon ito na pati ang pamangkin kong si Belen gusto nyang gamitin, hindi na ako makakapayag! Sabihin mo lang ang kailangan mo at nakahanda kaming tumulong!"
Miguel: "Salamat Uncle Rem!" "Panahon na para tapusin ko ang kawalanghiyaan ni Oscar Barlameda!"
Uncle Rem: "Sa tingin ko dapat mong siguraduhin ang mga nasa paligid mo at mukhang may ispeya ka na isa sa kanila!"
"Isa ka sa tagapagmana ng Saavedra, natural lang na dumami ang kaaway mo kaya magiingat ka at ingatan mo rin ang mga taong mahal mo!"
Miguel: "Salamat Uncle Rem!"
****
"Jaime, nasaan ang Ninong Anthon mo?
Nakakunot ang noo ni Issay na tanong kay Jaime ng magkasalubong sila.
Jaime: " Hindi ko po alam Ninang, hinahanap ko nga rin po!"
Issay: "San nagpunta yun?"
Malungkot nitong tanong.
Natanaw sila ni Vanessa na kanina pa hinaharap si Issay.
Vanessa: "Haaay salamat nakita rin kita! Nasaan si Anthon?"
Issay: "Hindi ko alam!"
Belen: "Hindi kayo magkasama?"
Nagulat sila sa biglang pagsulpot ni Belen.
Napansin na rin pala silang nagkukumpulan kaya lumapit.
Issay: "Hindi!"
"Nasaan si Joel at Gene?"
Jaime: "Umalis po hinanap sa bahay si Ninong!"
Issay: "Ang ibig mong sabihin, wala dito si Anthon?!"
Natakot si Jaime sa biglang pagtaas ng boses ni Issay. Naalala nya kasi pag galit ang Lola Fe nya.
Issay: "Teka, asan si Madam Zhen?"
Nag alala sya ng hindi mapansin ang kasera.
Vanessa: "Na kay Mama Fe!"
Issay: "Kailangan kong makita si Anthon!"
"Jaime, ikaw ng bahala kay Mama Fe, Ikaw ng magsabi na okey lang ako! Kailangan ko pang hanapin ang Ninong mo!"
Nagaalalang sabi nito.
Gusto ni Jaime tumutol dahil gusto nya ring tumulong sa paghahanap pero kailangan sya ng Lola nya ngayon.
Jaime: "Naunawaan ko, sige ako na maiwan dito at tiyak nagaalala na rin si Lola!"
Pag alis ni Jaime dinala nya ang dalawa sa isang silid para makausap.
Issay: "May kailangan akong sabihin sa inyo!"
Sabay labas ng kahon na may singsing.
Si Vanessa ang unang nag salita ng makita ang kahon.
Vanessa: "Paano napunta sa'yo yan?"
Napataas ang kilay ni Issay.
Issay: "Paano?"
"Ibig sabihin alam mo ang tungkol dito?"
Nagaakusa ang tanong ni Issay.
Kahit naikwento na kay Belen ang nangyari wala itong reaksyon dahil ngayon lang nya nakita ang kahon.
Vanessa: "Nawawala kasi yan..."
Issay: "Nawawala? ibig sabihin alam mo na kay Anthon itong singsing? At alam mo din na magpo propose sya?"
Belen: "Teka, teka! Yan yung nawawalang singsing?"
Napakunot ang noo ni Issay.
Belen: "Kinuwento nila sa akin kanina!"
Pagpapaliwanag nya kay Issay ng makitang ang reaksyon nito.
Vanessa: "Oo, at kaya umuwi si Anthon dahil naghahanap sya ng kapalit! Umuwi sya sa bahay para manghiram ng alahas ni Mama Fe pero hindi na sya nakabalik!"
Belen: "Pero pano napunta sa'yo yan?"
Issay: "May isang anghel na nagabot sa akin! Yun lang ang sasabihin ko sa inyo!"
"At tandaan mo to friendship, pag si Joel ang nag propose sa'yo hindi ko rin sasabihin! Hmp!"
Sabay tayo at labas ng silid.
Hinabol naman sya ng dalawa.
"Teka san ka pupunta?"
Sabay na tanong ng dalawa.
Issay: "Hahanapin ko ang jowa ko!"