Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Lubirea Mea

🇵🇭LanaCross23
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

Dedicated to all wattpadders.

Yakap-yakap ko ang aking sarili habang ang napakalakas na ulan ay bumabagsak sa murang katawan ko, ito ang parusang nakuha ko kanina dahil hindi ko na-perfect yung pagsusulit kanina na ipinagawa ng teacher ko kaya nagalit si Tiya, saakin at hindi ako pinapasok sa loob ng aming tahanan magdadalawang oras na siguro ako dito at kani-kanina lang ay umulan nga kaya eto basang-basa na ako ng ulan, hindi pa kase dumadating si Tiyo at Ate Francine na kakampi ko laban kay Tiya, mga sandaling oras na lang darating na sila pero hangang ngayon ay wala parin sila kaya kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag, napaangat ako ng ulo ko nang may kumakatok sa bakal naming gate kaya napatayo ako at lumakad palapit kahit nanginginig ako sa ginaw ay nagawa ko parin na maihakbang ang mga binti ko.

"May kailangan po sila?" Tanong ko sa taong nandoon na nakapayong nagulat siya ng mapagsino ang taong kumakatok, si teacher Berna na teacher sa bayan namin.

"Hija nandyaan ba ang Tiya Bea mo?"nagmamadali niyang tanong halata din ang gulat niya nang makita ang ayos ko yapos ko kasi ang katawan ko dahil nilalamig na ako, napatango ako sa kanya matapos ko hawiin ang basa kong buhok mula sa mukha ko, magtatanong sana siya pero hindi na niya naituloy dahil nakapayong na lumabas si Tiya, kita ko ang galit niya ng bumaling siya kaya napayuko ako.

"Ano ba ang kailangan mo Kumare?" Rinig kong tanong niya.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Bea, ang asawa't anak mo kasi napabalitang kasama sa naaksidenteng dyip na pauwi dito sa atin" napasinghap si Tiya, maging ako ay nakaramdam ng panlalambot sa narinig ko sina Tiyo Melchor at Ate Francine, bigla akong napaiyak at napaupo kasabay ng marahan kong paghagulhol sa gitna nang ulan, pero hindi natapos ang gabing yun dahil ng umuwi si Tiya ay ibinalita niyang patay na si Tiyo at si Ate Francine naman ay nasa kritikal na kondisyon parin.

Pakiramdam ko nang araw na iyon ay ang pinakamasakit at pinakamalungkot na pangyayari sa buhay ko nawala ang pinakamamahal kong Tiyo, ang tumayo kong ama simula nang ako'y mamulat sa mundong ito at laging nagtatangol saakin sa tuwing sasaktan ako ni Tiya, at nang dalawa ko pang pinsan ang nakababatang kapatid ni Ate Francine, sobrang sakit dahil iniwan na niya kami at si Ate Francine ay kritikal parin at ayaw kong isipin na baka iwanan din ako pero nagdasal ako ng paulit-ulit upang wag niyang bawiin saakin pati si Ate Francine.

Napabalik ako sa kasalukuyan nang tapikin ako ng mahina sa balikat ko ni Ate Francine, kaya napatingin ako sa kanya hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako.

"Mauupos na ba ang kandila Akira?" Tanong niya saakin.

"Oo ate malapit na." hinawakan niya lang ang kamay ko na inabot ko sakanya nandito kami ngayon sa puntod ni Tiyo Melchor, ito ang ika-limang taon nang anibersaryo ng kamatayan niya at tanging kaming dalawa lang ni Ate Francine ang taon-taon na dumadalaw sa kanya. Nakaligtas si Ate mula sa kamatayan yun nga lang ay nawala ang naman ang kanyang paningin pero malaki parin ang pasadalamat namin lalo ako dahil nabuhay siya, nang mga oras nayon ay himala daw ang nagyaring pagkakaligtas ni Ate, sabi daw ng mga doctor dahil halos wala narin daw siyang buhay noon pero ang masakit ay ang tuluyan niyang pagkabulag sanhi upang pati siya ay pagmalupitan nadin ni Tiya, dahil wala na daw itong silbi sa kanya na kung tawagin niya ay imbalido naaawa ako kay Ate, pero wala akong magawa dahil kahit saakin ay malupit din si Tiya kaya tinitiis nalang namin ang araw-araw na impyerno sa buhay namin.

"Limang taon narin nang mamatay si Tatay, hanggang ngayon ay sobrang sakit parin." lumapit ako kay Ate at yinakap siya sabay kaming nangungulila kay Tiyo, kahit isang ilang taon narin ang lumipas ng mangyari ang trahedyang iyon.

"Wag kang mag-alala ate isang taon na lang at magtatapos na ako sa pag-aaral at makakahanap na ako ng trabaho makakaalis na tayo sa bahay" determinado kong sabi sa kanya kaya napaiyak siya sabay higpit nang yakap saakin.

"Patawad Akira, dahil wala akong magawa upang maipagtangol ka kina Nanay at sa mga kapatid ko patawad at wala na akong silbi." Yinakap ko din siya nang mahigpit at umiyak sa mga bisig niya, siya na lang ang meron ako kaya hangang ngayon ay hindi ako umaalis sa bahay hanga't hindi ako nakakapagtapos ng pag-aaral ko.

"Malapit na Ate makakaalis na din tayo doon atsaka wag kang humingi ng tawad dahil kailanman ay hindi ko naramdaman na naging pabigat ka ikaw ang dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban sa bawat araw na dumadaan." Naramdaman namin pareho ang malamig na hangin na dumapyo sa amin at nang mga oras naiyon ay alam namin na nasa tabi lang namin si Tiyo.

Mabilis na lumipas ang mga araw at dalawang linggo nalang at magtatapos na ako ng pag-aaral ko makakapagtrabaho narin ako maraming nag-offer ng trabaho saakin kaya wala akong magiging problema, naghahanap narin ako ng apartment na matitirahan namin ni Ate Francine, at makakaalis narin kami sa bahay.

Alam kong ito palang ang simula ng lahat kaya patuloy akong nananalig sa poong maykapal na patuloy niya akong gabayan ganoon din kay Tiyo, na alam kong nakabantay lagi saamin ni Ate.

Makakaya ko ito para kay Ate Francine, sa nag-iisang taong pinakamamahal ko at nag-iisa kong pamilya para sa kanya ay gagawin ko ang lahat para hindi na namin maranasan pa ang kalupitan na dulot ng sarili naming pamilya.

Ako si Akira Mikane at ito ang simula ng kwento ng aking buhay...