Jazmine
"Hoy!" Tawag ko sa kanya habang sinudundan ko ito. Tuloy-tuloy lamang kasi ito sa paglakad at walang lingon likod habang hirap na hirap akong habulin ang mahahabang mga hakbang niya.
"Hep hep hep!" Pigil ko sa kanya noong tuluyang maunahan ko siya, hinihingal pang nakataas ang dalawang kamay ko para lang huminto ito at mapigilan ko sa paglakad. Mas lalong tuloy sumimangot ang kanyang itsura.
"What do you want?" Malamig ngunit may pigil inis sa boses nito. Napa rolled eyes na lamang ako ng wala sa oras atsaka napa iling na rin.
Pasalamat siya. Hmp!
"Sobra ka ha. Ang sungit-sungit mo. Isusuli ko lang sana itong wallet mo." Sabay pakita ko sa kanya ng wallet na nasa kamay ko. "Nahulog mo." Dagdag ko pa atsaka iniabot sa kanya ito, ngunit bago niya pa man tuluyang makuha ang wallet ay binawi kong muli ito pabalik sakin.
"Ano munang pangalan mo?" At mas napangiti pa ako ng malawak sa naging itsura niya. Aakalain mong nakakain ito ng mapakla at hindi niya nagustuhan ang lasa. Natatawa ako ng palihim sa aking isipan.
Alam ko naman na ang pangalan niya, gusto ko lang talagang marinig mula sa kanya.
"Sabi kasi nila malalaman mo lang na soulmate mo ang isang tao, kapag nahawakan mo ang kamay nito at nagkaroon ng kuryente sa oras na nagkalapat ang mga palad ninyo." Saka ko itinaas baba ang dalawang kilay ko.
Kita ko ang pinipigilan nitong galit pati narin ang pag galaw ng panga nito. Oh well, maloko lang talaga akong babae. Hehe.
"Seriously?! Pwes, magising ka na at baka nananaginip ka lang. Just give me back my wallet. PLEASE!" Bigay diin nito sa huling sinabi. Ako naman itong ini-enjoy ang kapilyahan kaya naman napakagat labi ako para pigilan ang nagbabadya kong pagtawa.
"What's funny?! You know what miss, just give me back my wallet, so I can go home now. Okay?!" This time hindi ko na napigilan pa ang matawa. Hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ako habang siya naman ay kulang nalang eh umusok na ang ilong sa inis at pikon.
Naluluha pa man ang aking mga mata mula sa pagtawa ay nagpasya na akong ibigay na ng tuluyan ang wallet sa kanya. Mahirap na at baka makonyatan pa ako.
Padabog niyang hinablot mula sa pagkakahawak ko ang wallet. Inilahad ko naman ang kanang kamay ko sa kanya, upang magpakilala. "I'm jaz, Jazmine Flores. By the way. And you are?"
Ngunit tinignan lang nito ang kamay kong nakalahad, na para bang ayaw nitong tanggapin ang malalambot na mga palad ko. Napatikhim ako bago binawi ang kanang kamay kong hindi niya man lamang pinansin o tinanggap. Napaismid ako.
Nireject ka Jaz. For the first time may nang reject sa'yo! Tuyo ng aking isipan.
Nadidismaya at naiiling nalang ako sa loob ko dahil sa kasungitan nitong lalaking nasa harapan ko.
"I got my wallet back. So...pwede na ba akong umalis?" Atsaka mayabang at parang nang aasar na iniwagayway pa ang hawak nitong wallet sa may mukha ko bago tuluyan na nga siyang umalis.
Ang yabang lang ng dating. Ni hindi man lang marunong magpasalamat. Huh! Pero bago pa man siya tuluyang makalayo ay tinawag ko siya sa kanyang pangalan.
"Chris! See you tomorrow!" Sandali siyang napahinto, ngunit hindi rin nagtagal ay humakbang na siyang muli palayo. Kagat labi at pigil ngiti akong nakabalik sa backpacker guest house na tinutuluyan ko.
Pasado alas dyes na ng gabi nang makarating ako, kaya naman pagkatapos kong makapag linis ng katawan ay agad na nahiga na ako sa kama.
Christian Ocampo.
Hindi ko mapigilang mapaisip tungkol sa kanya. Ang lawak din ng ngiti ko habang inaalala ang naging itsura niya at ang eksena namin kanina. Mukhang kailangan ko ng matulog, dahil mukhang magiging excited na para sa akin ang magising araw araw. Kahit panandalian lang, gusto kong makalimutan sana ang buhay na gusto kong takasan. Buhay na kailan may ay hindi ko pinangarap na maranasan...
---
For the very first time in my life nagising ako ng mayroong ngiti sa aking labi. Ang dating umaga ko na malungkot at punong puno ng pangamba ay biglang napalitan ng excitement at saya.
Magaan ang buong katawan ko na bumangon mula sa pagkakahiga, dumiretso ako sa may bintana ng kwarto, since nasa second floor ang kwarto ko kaya naman natatanaw mula rito ang magandang sea view. Nag-inat ako ng aking mga kamay habang nakapikit na nilalanghap at dinadama ang sariwang hangin na tumatama sa balat at mukha ko.
"Good morning Coron! Good morning Jaz." Bati ko sa aking sarili.
And see you...Mr. Soulmate. Tuya ng aking isipan.
Excuse me 'no? Hindi ko siya soulmate. Natutuwa lang talaga ako sa kanya. Ganti ko naman sa inner self ko.
Ngunit napangiti ako ng matamis sa aking sarili ng maalala ko ang maamong mukha ng lalaking nagbago ng buong mood ko simula pa kagabi. Hindi niya yata ako pinatulog kagabi. Sa tuwing pipikit ako, di ko mapigilang mapangiti. Parang sirang plaka na paulit ulit kong naririnig ang boses niya kahit na ang sungit sungit nito. Hayyyy.
At dahil diyan mabilis akong kumilos para makapagligo, makapag bihis at kumain narin ng mag breakfast. Panay naman ang pag bati sakin ng mga staff sa guest house na nadadaanan ko pag labas ko ng kwarto.
"Good morning!" Masayang bati ko rin sa kanila atsaka isa-isa silang binibigyan ng ngiti.
Paglabas ko ng guest house ay sakto naman na mayroong tricycle na paparating. Pinara ko agad ito at ng makahinto na sa tapat ko ay sumakay na ako. Meron na siyang dalawang pasahero na sa tingin ko ay mga empleyado at pangatlo ako.
"Sa may bayan lang ho, manong." Saka ko inabot ang twenty pesos. Sinuklian naman niya ako ng ten pesos. Malapit lang naman ang bayan mula sa guest house kaso mas gusto kong sumakay ngayon. Nasa unahan ako ng tricycle, kakaiba kasi ang trycicle dito sa Coron, aakalain mong jeep ito sa unang tingin mo dahil sa pagka design dito, at dalawa naman na pahabang upuan sa may likuran kung saan nakaupo ang dalawa pang pasahero.
Mabilis kong pinara si manong driver ng mapansin ko kung sino ang lalaking naglalakad sa may side walk.
"Para manong. Dito nalang po ako." Inihinto naman niya kaagad ang sasakyan atsaka parang nahihiyang ngumiti sakin. "Thank you manong!" Atsaka nagmamadaling bumaba na ng sasakyan, narinig ko pa ang pahabol na sigaw ni manong driver na, mag-iingat raw ako baka madapa ako. Natawa naman ako ng bahagya sa sinabi nito.
"Good morning soulmate!" Agad na pag bati ko rito ng nasa tapat na niya ako.
At tulad nga ng inaasahan ko, hindi ako pinansin nito at tuloy tuloy parin siya sa paglalakad. Di man lang ako tinapunan kahit na isang tingin. Aray ko besh!
Awtomatikong napatulis ang nguso ko dahil deadma lang ako sa kanya. Muli ko siyang hinabol para sabayan sa paglakad. Medyo bumagal na ang mga hakbang nito, kumpara noong una.
"So, how long have you been here in Coron?" I asked him. Atsaka para naman maging magaan ang atmosphere sa pagitan naming dalawa. Syempre, getting to know each other. I want to know him.
"Uhmm. Ako pang 2 days ko today." Sabi ko rito as if naman na kakausapin talaga ako nito. "And I'm glad na may makakasama na ako para maglibot. Para hindi boring. At syempre, para masaya." Binilisan ko pa ng konti ang mga hakbang ko para huminto sa may unahan niya at harapin siya habang parang batang naka lagay sa may likuran ko ang dalawang kamay ko at isinasayaw sayaw ang magkabilaang balikat ko.
"Isn't it exciting?!" Makulit na dagdag ko pa. At sa wakas, napatingin na siya akin. Ngunit magkasalubong na naman ang dalawang kilay nito. Napahinga siya ng malalim na halata mong nagpipigil na wag akong masigawan. Napahawak rin ito sa may sintido saka ako tinignan ng masama.
"Miss, isn't it obvious that we're not friends? We don't even know each other." Iritableng paliwanag nito saka nag walk-out. Pero dahil makulit ako kaya naman hinabol kong muli ito at tulad ng kanina, huminto na naman ako sa harapan niya dahilan para matigilan siyang muli.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "I know you. You're Chris, Christian Ocampo right?" Pagbibigay linaw ko rito. Ini-forward ko ang kanang kamay ko para mapagpakilala ng maayos sa kanya. "I'm Jazmine Flores, Jaz for short. And uhm--"
"Ayoko ng kausap, ayaw kitang kausap, ayoko ng kasama at hindi ko kailangan ng makakasama! So will you please, please just leave me alone. Okay?!!" Halos pasigaw na, na sabi nito sakin. Saka padabog at tuloy tuloy na sa paglakad. Parang nahihiya namang napakagat labi ako ngunit andoon parin ang ngiti na hindi mabura bura sa aking mukha.
Napahinga ako ng malalim, sinusundan ko siya ng tingin habang papalayo mula sakin.
Isang bright idea na naman ang naisipan ko. Isang mas malawak na ngiti ang pinakawalan ko pagkatapos.
Susundan ko nalang siya. Tama! Susundan ko siya. At lihim na napa papalakpak nalang ako sa aking sarili, habang inihahakbang ang mga paa ko.