Chereads / Trapped In His Arms / Chapter 19 - Chapter Nineteen

Chapter 19 - Chapter Nineteen

Jela's POV

Matapos ang matagumpay na first ever camp ko with Jared. Everything goes back to normal. Mas madalas na ako sinusundo ni Jared sa work ko. Mas madalas na kaming magkasama. At mas nakikilala nanamin ang isat isa.

"I like that." nagulat ako sa sinabi nya habang sabay kaming kumakain sa isang restaurant. Nakasuot kasi ako ng fitted long sleeve na medyo mababa ang neckline.

"Ha? Ito?" turo ko sa suot ko then he smiled back. Natawa ako. Ngayon lang sya nagcompliment ulit sa suot ko. Sinadya ko kasi na mag suot ng bagong damit kapag nagdedate kami. Alam mo yun feeling na nagpapansin lang.. Kahit na ang korni.

"Nga pala, Jela?" huminto ako sa pagkain. He suddenly stares at me.

"What if we? Uhhh--" Napakamot sya sa ulo nya habang iniisip kung paano nya sasabihin yun gusto nya. Nalilito tuloy ako how to understand what he's trying to say.

"Ano ba yun?" Tanong ko ulit.

"Uh-- what if we live together?" natulala ako sa sinabi nya. I got speechless.

"Jela? I know its sudden.. But I'm not forcing you to say yes. I'm just suggesting. Mag isa ka lang sa apartment mo. And Jenica gets worried about you." natawa ako. Alam ko naman alibay lang nya ang kapatid nya. Kahit ako din naman nalulungkot pag mag isa lang sa bahay. Namimiss ko yun bahay na maingay tulad nung nasa bahay pa ako nila Mama.

"O sige pag iisipan ko." ngumiti ako at tingin ko convinced na sya dun. Nagpatuloy kami sa kinakain. Ganito lagi ang routine namin. After work. Magkikita kami. Mamamasyal. Mga bagay na hindi ko naranasan noon. Mga bagay na pinangarap kong gawin with Ralph but now I'm with this man. Who shows me that second chances exist.

"Where do you wanna go this weekend?" he asked habang naglilibot kami around mall. Nagpapalipas pa kami ng oras bago umuwi. Hawak lang nya ang kamay ko habang sabay kaming naglalakad.

"Ewan ko? Ikaw?" he grins. Parang alam ko na nasa isip nito.

"I just wanna stay indoors with you." nagblushed ako sinabi nya. Naiimagine ko palang, nahihiya na ako. Indoors with him? Masyado na bang malikot ang utak ko to think na may iba pa kaming gagawin bukod sa manood ng tv maghapon magdamag? Kinilabutan ako. I felt like an old perverted woman. Tsk.

"ARIA! Is that you!!" nagulat ako sa nakita ko. Napabitaw ako kay Jared. I know nagtaka sya because hindi sya agad nakapag react.

I saw Ralph's cousin.. Si Jasmine.

Lumapit sya sa amin. May mga dala syang shopping bags at may mga iilan syang kasamang babae.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo with Kuya Ralph.. I'm sorry." she said worried at hinawakan ang mga kamay ko. I know na si Ralph lang naman sa pamilya nya ang masama ang ugali. Lahat naman ng pinsan at kamag anak nya nakasundo ko at hindi ako nagkaproblema.

"I'm fine. Thanks Jasmine." I said sabay niyakap sya.

"I'm glad that you're happy now and-" She paused ng makita si Jared.

"You have company." she said sabay bumaling ng tingin sa akin. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag.. Natatakot ako..

"I'm her friend. Jared Dela Vega by the way." nagulat ako sa ginawa ni Jared. Did he figured out?

"Oh. I'm happy may nakilala akong kaibigan ni Ate." Jasmine shakes hand with Jared.

"O sige Ate. Mag iingat ka. And call me if you need someone to talk to." paalam ni Jasmine at niyakap ako. Hinintay lang namin syang makaalis bago ako nagsalita kay Jared.

"I-I'm sorry." I said to Jared na walang imik. Nagalit kaya sya?

"I know. Hindi ka pa ready na sabihin sa side ng ex mo na may nanliligaw na sayo. I understand. Afterall, kaka annulled mo lang months ago. At alam ko na naging maganda din ang relasyon mo sa pamilya nya. Thats why your protecting your relationship with them." nalungkot ako sa sinabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya.

"I loved you Jared." Napahawak ako sa labi ko ng lumabas sa bibig ko yun. Anong pumasok sa isip ko?

"What did you just said?" ulit nya.

"W-Wala." sagot ko. Bakit ko ba biglang sinabi yun! Mahigpit nya akong hinawakan sa kamay ko.

"Tell me once more." Pagpupumilit nya. Nakatingin lang sya sa mga mata ko. Ayaw nya ako pakawalan.

"J-Jared.." I sighed heavily.

And all of a sudden...

Napahawak ako sa magkabilang braso nya. Because he kissed me.. In the middle of the public. Napapikit ako. He's kissing me. I moved my lips but he locked it.

Nanlalambot na ako sa kinatatayuan ko. I know people are staring on us. At kapag di pa bumitaw si Jared sa halik na yun. Magiging viral na kami sa facebook.

"JARED!" sigaw ko sa kanya ng makabitaw ako sa halik nya. This is not the right place to kiss me. Sa mall pa talaga, were all the people are.. Goodness for heaven's sake!

"I LOVE YOU JELA!! I LOVE YOU ARIA ANGELA CORDOVA!!!" malakas na sigaw ni Jared out of nowhere. Natulala ako ng gawin nya yun. He just shouted out his feelings.

"J-Jared.." I whispered his name.

"I LOVE YOU JELA!! AND I'M WILLING TO WAIT!!" he again shouted. Madami ng tao ang nakarinig at nakakita ng ginawa nya. At hindi ko akalain na gagawin nya yun. Naiiyak ako..

"Jela." nagulat sya ng bumaling ito ng tingin sa akin. Naluluha na kasi ako. As in iiyak na. That was the first time someone do that for me. It means na mahal nya ako dahil pinaalam nya ito sa lahat ng tao kilala man namin o hindi ang lubos nyang pagmamahal sa akin na akala ko hindi ko na mararamdaman. I felt so special.

"Did I make you cry.. Im sorry." Jared said at pinunasan ang luha ko. Niyakap ko sya.

"I love you more. I'm sorry kung huli ko pa marealize." nagulat sya sa binulong ko. Oo ngayon ko lang narealize.

"Jela?" He smiled sweetly. Hinawakan nya ang kamay ko at inaya na akong umuwi. Hindi na kami nag usap mula ng sumakay ako sa kotse nya. He's just smiling at hawak ang kamay ko. I know he's happy. At masaya ako na napapasaya ko sya.

"Nga pala Jared." napalingon sya sa akin while driving.

"Yes?"

"I want to lived with you." bigla syang pumreno at halos masubsob ako. Natawa sya.

"Sorry I got carried away." ngumiti ako.

"If thats okay with you."

"Oo naman!" napagkasunduan namin na next week na ako lumipat sa kanila. For sure matutuwa daw si Jenica na may makakasama na syang Ate sa bahay. At syempre ako na, sobrang saya sa desisyon ko. I know I'll gonna be happy with Jared at wala akong pinagsisisihan dun. Plus, totoo nga nagviral kami sa facebook. Nakakahiya tuloy.

---

"You're trending." nagulat ako sa sinabi ni Jules pagkapasok nya sa office ko. He brought some coffee.

"Trending saan?" I asked kahit na alam ko na kung bakit.

"Dont pretend you didnt know!" he said and laugh.

"Oo na. Ano bang gagawin ko? He's so sweet." I said habang hawak ang coffee ko.

"You're absolutely lucky. So ano nag sex na kayo?" nahampas ko si Jules sa tinanong nya.

"JULES!!" sigaw ko sa kanya. Tinawanan lang nya ako.

"I'm sorry. I know Jared. Pilyo din yun. Lalake lang sya at alam ko sa tulad nyang matagal ng tigang." ang he laughed while saying the word tigang. Nagblushed ako.

"Eh maghahanap na agad ng ano yun? Make love. Ano ka ba!" he continued. Nahihiya na tuloy ako tapos balak pa namin na magsama sa iisang bahay. Mas lumiliit na ang chances na mag make love kami.

"Natatakot tuloy ako." sagot ko kay Jules.

"At bakit naman? Walang masama. You love him. He loves you. And he's too handsome to be your lover. You cant resist his seduction." namula ako lalo.

"Stop it! Pinapalala mo lang eh" He laughed teasingly.

"Alam mo. Stop being scared about it. Papasok ka diba sa isang relasyon? Alam mo na ang pwedeng mangyari. Iba si Jared kay Ralph. You know that." Sumang ayon ako. I know Jared he's too far alike from Ralph. He's gentle, sweet and sincere. Lahat na ata ng kagustuhan ng babae nasa kanya. Kaya nga ang laki siguro ng panghihinayang ni Catherine that she left Jared.

Naghalf day ako sa work ko dahil sa meeting ng mga branch managers. Ipapakilala sa amin yun bagong regional manager. Sasama sana si Jules pero nagpaiwan sya dahil walang maghahandle ng banko. Tinext ko si Jared at susunduin nalang nya ako. May kliyente din sya kaya hindi na nya ako maihahatid. Nagtaxi nalang ako papuntang Times Plaza.

---

Binaba ako ng taxi sa harap ng Times Plaza. Hindi na ako nagpalit pa ng uniform dahil lahat naman kami galing sa office. Nakita ko si Anna isa sa mga manager sa Bulacan. Dati kasi magkasama kami sa iisang branch. Pareho pa kaming teller noon.

"Long time no see." she said at humalik sa pisngi ko.

"Ohhh.. Alam mo bang sikat ka na! So who's this lucky guy na nagsisigaw sa mall? He's handsome alam mo ba yun and ohhh totally hot." natawa ako sa kanya.

"Ipapakilala ko sayo soon." kinilig sya ng marinig yun. Inaya ko na syang pumasok sa loob bago pa kami ipatawag.

"Alam mo ba, strikta daw yun bagong Regional Manager." bulong ni Anna sa akin habang papasok kami sa loob. Nagulat ako sa sinabi nya.

"Nako. Dati rin naman si Sir Aljon." natawa sya.

"Sa bagay, you have a point." Nagdecide kaming maupo sa mga bakanteng upuan. Nagsisidatingan na din ang ibang managers sa ibat ibang regions. Mandatory kasi na dapat umattend ang lahat.

"Hi Jela!!" sigaw sa akin ni Jake. Isa sa mga managers sa Pasig. Humalik sya sa pisngi ko pagkadaan nya sa table namin. Nanatili nalang akong tahimik hanggang magsimula ang meeting. May libre din foods after meeting at nakaready sa isang part ng kwarto. Naisipan kong itext si Jared. Nararamdaman ko kasi ang pagvibrate ng phone sa bag ko. For sure kanina pa sya text ng text.

Nabasa ko ang text nya.

When will you get home? I missed seeing you.

Natawa ako sa text nya. Pati sa text napapakilig nya pa din ako. Nakakainis. Nagreply ako.

"Namimiss na din kita." I said sa text with hearty emoticon. Feeling ko teenager ako sa ginagawa ko. Natatawa tuloy ako sa sarili ko.

Nagvibrate ang phone ko. Nagreply sya. Binasa ko kaagad.

Okay. I'll wait you here sa labas ha. I love you Babe.

Nagulat ako sa reply nya. "Babe" yun na ba ang tawagan namin? Nawawala ang pagod ko sa ginagawa nya.

"Ladies and gentlemen. Please lend me you ears." nagulat ako sa sinabi ng Head namin. Hindi na ako nakapagreply pa kay Jared. Sandali ko munang tinago ang phone ko para makinig.

Nagsalita ang Head namin na si Mr. Domingo. Balak na nyang ipakilala ang bagong Regional Manager. Kinalabit ako ni Anna.

"Ayoko makaclose yun bagong Reg Manager natin." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Bakit naman? Hindi pa nga natin nakikilala e."

"I have a bad feeling about this." Nagtaka ako sa sinabi nya. Napatingin ako sa pinapakilala ni Sir Domingo.

"This is Ms. Catherine Malvar. She's our new Regional Manager .." napahawak ako sa labi ko sa narinig ko. Sa dami ng tao na pwede ko makatrabaho. Sya pa.. Jared's EX.

Kinabahan ako. Sinadya ba ito? Sinadya nya ba ito? Much worst, alam nya kaya na dito ako nagtatrabaho. I know its not just a coincidence.

"Jela? Are you okay?" asked Anna. Nagulat ako. Kinuha ko ang bottled water at binuksan. Uminom ako. Pakiramdam ko, sumikip ang dibdib ko ng makita sya.

"I'm okay." sagot ko. Paano ko to sasabihin kay Jared? Lumiliit na ang mundo sa pagitan namin ng EX nya..

Tinawag kami ng Head namin para ipakilala sa bagong Reg Manager. Napilitan akong tumayo sa kinauupuan ko at batiin sya. Dumikit ako kay Anna at inassumed ko nalang na hindi ko sya kilala eventhough I know na mapapansin nya ako.

"This is Anna Crisanta from Malolos Bulacan branch." Pagpapakilala ni Sir Domingo kay Anna sa bagong Reg Manager. Halos tignan nya mula ulo hanggang paa si Anna.

"Then we have here our outstanding Manager from Cubao. Aria Angela Cordova." masayang pagpapakilala sa akin ni Sir Domingo. Nakayuko lang ako. Alam ko na pinagmamasdan nya ako.

"Wow.. I'm glad to meet you." She said at inabot ang kamay ko. Ngumiti ako.

"So you're the one Jared's been crazy inloved with.. " Nagulat ako and our eyes meet. She smirks at me and rolled her eyes. Then she left me without uttering a word. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

I just let in a bad karma.

---

iamnyldechan

Pasensya sa wrong grammars, typo errors :)