Chereads / Trapped In His Arms / Chapter 18 - Chapter Eighteen

Chapter 18 - Chapter Eighteen

Jela's POV

Nagising ako sa malakas na ingay ng agos ng tubig mula sa falls. Napabangon ako at sabay kong hinawakan ang binti ko. Medyo makirot pa pero kaya ko nang tumayo. Napatingin ako sa wrist watch ko. 4:30AM palang pero maliwanag na. Napansin kong wala si Jared sa tabi ko. Nagpahinga kaya sya?

Binuksan ko ang tent. Sumilip muna ako bago lumabas. I saw Gino at Paul na nagbababad sa tubig. Sila pala yun naririnig kong nagkukwentuhan. Sarado pa ang ibang tent mukhang tulog pa ang iba. Dahan dahan akong lumabas. Nakakatayo na ako pero parang ang lambot pa ng kanang binti ko.

Naglakad ako papuntang falls. Gusto ko ilubog sa malamig na tubig ang mga binti ko. Naupo ako sa may mga batuhan saka dahan dahan hinubad ang sapatos ko at gasa na binalot ni Jared sa binti ko. Nilubog ko ang paa ko sa malamig na tubig na nanggagaling sa talon. Halos kilabutan ako sa lamig.

"Goodmorning Ate Jela!" sigaw ni Paul. Sabay kinawayan ako.

"Shhh." senyas ko sa kanya at tulog pa ang iba. Lumingon ako sa paligid. Where's Jared? Bigla akong nagworry.

"EUREKA!!!"" nagulat ako sa sumigaw and out of nowhere. Nakita ko si Jared na tumalon mula sa may tuktok ng batuhan at tumalon sa may falls. Halos mabasa ako sa lakas ng pagbagsak nya sa tubig.

"Is that Jared?" tanong ko sa sarili ko.

"Whooo!! That was fun!!" he said matapos nyang tumalon at halos hinhabol nya ang hininga sa mabilis na pagbagsak nya sa tubig.

"Galing mo Kuya Red!" said Paul.

I heard them laughing.

"Jela?" nagulat ako ng makita nya ako. Hindi ako makaalis sa kinauupuan ko dahil nabasa ako at hindi ako ganun makakilos dahil sa binti ko. Lumapit sya.

"Uhh. Nabasa kita right?" napahawak sya sa batok nya ng makita nyang basa ang kalahati ng katawan ko. Natawa ako.

"Okay lang. Mukhang need ko na din maligo." biro ko. He grins.

"Okay na ba yan binti mo?" he asked at hinawakan ang binti ko na nakalubog sa tubig.

"Medyo. Kaya ko na lumakad." sagot ko.

"Oo. Mahaba haba pa ang aakyatin natin bago tayo makarating sa tuktok." he said habang nakatingin sa binti ko.

"Ah.. Umm.. About what happened yesterday?"

"Wag mo na isipin yun. Lets just enjoy this hike." he said smiling. Parang gumagaan ang pakiramdam ko whenever I see him smiling. Parang wala syang problema. Sana ganito nalang sya palagi. Sana palagi ko syang mapasaya.

---

Naligo ako sandali before namin kumain. Nakapagligpit na sila ng tent at nakapagprepare na ng mga makakain. Nagsuot ako ng jogging pants para maiwasan ng magasgasan ako if ever na madulas nanaman ako. Pinalitan ko din ang gasa sa binti ko at nagpahanap ako kay Riggo ng kahoy. Nakakalakad na ako. Pero yun bagpack ko si Jared muna ang bubuhat. Ginawan naman ako ni Gino ng improvise na tungkod para hindi ako mahirapan maglakad.

"Kaya mo na ba talaga?" asked Kylie habang kumakain kami.

"Oo. Kaya ko na." I said confidently.

Matapos namin kumain. Nagkayayaan na kami magpatuloy sa pag akyat sa bundok. Next stop namin dapat nasa tuktok na kami. Hindi kami pwedeng huminto ngayon. Dala ko sa balikat ko ang shoulder bag ko habang dala ni Jared ang dalawang bagpack. Nakasunod na ako sa kanya ng magsimula na kami.

---

Nakaubos na ako ng isang bote ng tubig. Naramdaman ko ang init sa pisngi ko ng mapatingala ako. Umiihip ang hangin sa mga puno pero hindi naman ganun kalamig. Unti unti ko nang natatanaw ang mataas na bundok. At mga rock formations sa paligid. Naglabas ako ng camera at kinuhanan ko ng pictures ang bawat daanan namin. Then we took groupies.

I saw Jared na halatang pagod na. Hindi ko sya magawang tulungan dahil injured pa ako. At kung magmamatigas nanaman ako ng ulo ko panigurado magkakatampuhan nanaman kami.

"Drink water." I said to him ng lapitan sya. Then ipinunas ko sa mukha nya ang towel na kakakuha ko lang sa bag ko. He just staring at me habang ginagawa yun.

"Salamat." he said at ngumiti ako. Ipinagpatuloy namin ang paglalakad. May nadaanan kaming puno ng santol at nagsipitasan sila at binaon sa paglalakad namin.

---

"My god." nagulat si Kylie ng makita ang mataas na bato. Kailangan namin akyatin yun para makaakyat sa itaas.

"Ilabas nyo lahat ng baon nyong ropes." said Jared. Nagtulong tulong ang mga lalake na ayusin ang mga ropes na gagamitin namin sa pag akyat. Balak nila unahin ang mga babae para makaalalay ang mga lalake.

Pinauna namin si Gino sa pagakyat para may aalalay sa itaas kapag umakyat kaming mga babae.

"Kaya mo?" asked Jared. Hindi ko alam kung tatango ako o iiling. Hindi ko kasi alam kung kaya ko ba. Masakit pa ang binti ko at baka mas lalo akong madisgrasya.

"Look at me." he said. Napatingin ako sa kanya.

"Kaya mo okay. I trust you. If something happens. Promise, sasaluhin kita." I smiled ng sabihin nya yun. Kinuha nya ang baon namin rope saka itinali ang dulo nun sa bewang ko. Nilock nyang mabuti at hinigpitan. Hinagis nya yun taling nakadugtong sa akin kay Gino at agad naman nitong nasalo.

"Okay na.!!" sigaw ni Gino.

Lumapit ako sa bato. Halong kaba at takot ang nararamdaman ko. Baka mahulog ako. Baka maaksidente ako. But when I remember what Jared said. Parang lumalakas ang loob ko. Humawak akong mabuti sa tali saka ko sinimulang humakbang sa isang bato na nakausli.

"ATE JELA! Do as what I say. Tapakan mo lang yun mga hard rocks na alam mong hindi matitibag." said Gino. Hindi na ako sumagot. Sinunod ko ang sinabi nya. Hindi ako tumitingin sa ibaba. Baka lalo akong kabahan.

"Jela. Malapit kana." narinig kong sinabi ni Jared. Patagal ng patagal lalong humihina ang boses nya it means mataas na ang naakyat ko.

Ramdam ko ang binti ko. Nanlalambot at nanghihina na. Napahawak ako ng mahigpit sa lubid. Tumatagaktak ang pawis ko. Napayuko ako ng mapansin kong wala akong tatapakan. Nakakita ako ng bato at naisipan kong tapakan yun.

"AHHH!" napasigaw ako ng madulas ako sa tinapakan ko. Napabitaw ako sa lubid at halos maglambitin pa ako.

"JELA!! Hold the rope!!" sigaw ni Jared. Pinilit kong hawakan ang rope. Nagasgasan ang siko ko at kamay ko.

"ATE JELA. Step on the right." sigaw ni Gino. Hindi ko maigalaw ang kanan binti ko. Pero pinilit kong tumapak sa sinasabi ni Gino. Naramdaman ko ang matigas na haligi ng bato. Nang makatingala ako. I saw Gino na ilan inches nalang ang layo sa akin. Inaabot nya ang kamay ko.

Pilit kong umahon sa pagkakalambitin ko kanina. Hinawakan kong mabuti ang lubid.

"Got you!!" said Gino ng hawakan ang braso ko. Hindi ko napansin na nasa tuktok na ako. Tinulungan ako ni Gino na iangat ang katawan ko. Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ko ang katawan ko sa tuktok ng batong yun. Hindi ko akalain naakyat ko ang ganun kataas na bangin. I saw Jared sa ibaba. He's smiling.

After namin ni Carla makaakyat. Sumunod na din ang iba pa. Si Jared ang pinakahuling umakyat. Mabilis lang syang nakarating sa tuktok. Pagkaakyat nya. Nilapitan nya agad ako.

"Hows your leg?" tanong nyang muli.

"Okay lang ako." sagot ko sa kanya. Nakahinga sya ng maluwag ng sabihin ko yun. Nagpahinga lang kami sandali at tinuloy ang pag akyat.

---

Sa paglalakad na kami kumain ng lunch. 2PM na at ilan milya pa ang lalakarin namin. Panandalian kami humihinto kapag nadaanan namin ang ilan oasis sa gitna ng bundok. First time kong uminom ng tubig na nanggagaling sa bundok at hindi ko alam na ganun katamis yun.

Ilan sa amin ay sumusuko na sa init at pagod. Pero hindi humihinto sa paglalakad.

---

"OMG!! Malapit na tayo!!" biglang sigaw ni Carla ng makita ang usok ng bonfire sa tuktok. Binilisan nila ang pag akyat. Hindi na ako sumabay at kumikirot nanaman ang binti ko.

"Hey." said Jared ng biglang lumapit sa akin. Sabay na kaming naglalakad. Nauna na din sina Riggo at Kara.

"Makakapahinga kana when we get there." said Jared. Napangiti ako.

"You know what. Matagal ko ng gustong umakyat sa bundok na to. But I never had a chance. Alam mo ba na ang pinakamagandang spot dito ay yun makarating ka sa tuktok. You'll see the beauty of life." Napatingin ako sa kanya habang nagsasalita sya. He seems happy.

"Then show me." sagot ko sa kanya. Natawa sya.

"I will."

---

Nakarating kami sa tuktok bago magtakip silim. I saw some other groups na nagpapahinga na. May mga tent na din sa paligid. May bonfires at nakita ko si Alliyah. Nilapitan nya kami agad.

"Congrats." she said to us. Inofferan nya kami ng coffee. Then may lumapit sa akin babae na nurse pala. Nakiusap daw si Jared na ipacheck up ang binti ko. Napakalamig ng simoy. Nakajacket na ako habang hawak ko ang isang tasa ng mainit na kape. Matapos icheck ang binti ko. Nilapitan ko si Jared na nakaupo sa may batuhan. Malapit ang tent namin dun.

"Wow." namangha ako ng lumapit ako sa kinauupuan ni Jared. Kaya pala dun sya nakapwesto dahil yun ang pinakamagandang spot para makita ang buong karagatan. Naupo ako sa tabi nya.

"This is the best spot para mawitness ang sunset." he said habang nakatitig sya sa dagat.

"Oo nga." Napansin ko ang unti unting pagbabago ng ulap. Nagkukulay kahel at may halong pula ang ulap samantalang ang dagat naman nirereflect ang kulay nito.

"You know what. Dito ko gustong dalhin si Catherine. I thought this would be the best place to propose my love for her. Pero hindi natuloy. Maybe it wasn't for her." lumingon sya sa akin.

"Jared.. Its time to let go the past. Time to start a new life and end this suffering. Like the sunset." I said to him habang unti unti ng nilalamon ng malakahel na ulap ang haring araw.

"I know. And thanks for being there Jela." he hugged me.

Naramdaman ko ang bigat ng kalooban na pinakawalan nya while hugging me. At pakiramdam ko magiging mas matatag ako with him.

"Love birds!! Kain na!!" nagulat kaming dalawa sa sigaw ni Riggo. Napabitaw ako sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Oo eto na po!!" sagot ni Jared at sandali akong iniwan. Ikinuha nya ako ng makakain. Napabalik tanaw ako sa kalangitan. Nabalot na ng dilim ang paligid. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagbaon at paglimot namin ni Jared sa mga masasakit na ala ala at pagbubukas muli ng panibagong buhay na para sa aming dalawa lang.

---

Jared's POV

Maaga nakatulog si Jela. Nakahiga na sya sa loob ng tent. Halatang napagod sya sa paglalakad at dumagdag pa dun ang pagkakadulas nya. Naupo ako sa may batuhan habang tinatanaw ko sya sa loob ng tent.

"Hey. Di ka pa matutulog." biglang sinabi ni Riggo pagkaakbay sa akin. Naupo sya sa tabi ko.

"Hey. I want to tell you a secret." I said to Riggo at biglang dumikit sa akin. Natawa ako.

"What is it about!" he excitedly asked.

I show him something in my wrist. Then he paused and want to shout pero pinipigilan ko sya. Mabubulahaw nya yun mga natutulog.

"Goodness Red!!" he said.

"Alam mo, napakaswerte ko despite what happened." I said to him.

"Your lucky." tinapik ako ni Riggo. Napangiti ako.

"I know.."

---

Jela's POV

Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko. Then parang liwanag sa mga mata ko. Napabangon ako sa pagkakahiga ko. Then napatingin ako sa wrist ko. Nakita ko ang bracelet. Hindi ko maalala na sinuot ko yun. Napansin kong bukas ang tent. Lumabas ako.

I saw Jared sa may batuhan. Nakaupo lang sya at tahimik na pinagmamasdan ang pagsikat ng araw. Nilapitan ko sya.

"Natulog ka ba?" agad kong tanong sa kanya. Hindi sya nagsasalita. He grabbed me para makaupo sa tabi nya.

"This is the most special part." mahinang bigkas nya. Napatingin ako sa langit. Nagsisimulang mabiyak ang kadiliman bumabalot sa kalangitan. Gumuguhit ang liwanag na para bang hinahati ang walang katapusan kadiliman. And then the sun slowly came up.

"You know what? Your like a sun.. nagbigay ng liwanag sa madilim kong mundo. At nagbigay sa akin ng pag asa." hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Nakakabingi ang napakagandang liwanag na nanggagaling kay haring araw.

Hindi ko napansin nabangga ko sya. Gumalaw kasi ako sa kinauupuan ko para mas makita pa lalo ang sunrise.

"Oh!" napatingin ako sa kaliwang wrist nya. And I got speechless. Nakita ko ang bracelet na suot ko at dahan dahan kong inilapit yun sa suot ni Jared. Napahawak ako sa bibig ko. At napatingin ako sa kanya. Suddenly tears rushing.

"You were that guy." nasambit ko. He look into my eyes.

"Yes. Your my savior. You gave me my second life." he said at tuluyan na akong naluha. I never thought mag kukrus ang mga landas namin. At sya pa sa milyon milyong tao na araw araw kong nakakasalubong at nakakabangga.

I hugged him. And I told to myself.. That I would never let him go.. Ever..

---

iamnyldechan ❤️

Don't judge my grammars. Salamat.