Chereads / Trapped In His Arms / Chapter 17 - Chapter Seventeen

Chapter 17 - Chapter Seventeen

Nakatingin ako kina Carla na naliligo sa falls. Gusto ko maligo pero hindi ko naman maigalaw ang binti ko. Sana bukas okay na ako. Magiging awkward sa amin ni Jared kung bubuhatin nanaman nya ako. Matapos namin magkasagutan kanina, alam ko galit sya. Hindi ko sya makita sa paligid ng falls. Nalungkot ako.

---

Jared's POV

Napasuntok ako sa katawan ng punong katabi ko. Halos maglaglagan ang mga dahon nito. Namula ang kamao ko. Pero hindi ko nararamdaman ang hapdi. Napahawak ako sa noo ko. Hindi ko alam paano ko sasagutin si Jela sa mga katanungan nya. Bakit nga ba hindi ko makalimutan si Cathy? Dahil malaki ang kasalanan nya o baka naman mahal ko pa sya?

Napaupo ako. At napasandal sa puno.

Catherine was my everything. When I lost my parents at naiwan sa akin si Jenica. Catherine was there para alalayan ako. I was dependable on her. But I didn't noticed na nasobrahan ako sa pagdepende sa kanya. At mas naging mahirap ang paglayo nya dahil nasanay akong nandyan sya. She's the reason why I am a lawyer now. Hindi sya pumayag sa daan gusto kong tahakin. Sinunod ko ang gusto nya. She was a possessive girlfriend but I still loved her because she's the only one I have and I can't afford to lose her. Pero akala ko sapat ang pagmamahal para hindi sya lumayo. And yet she still chose to study abroad. Sabi nya mas mapapaganda ang future namin if pumayag sya sa gusto ng parents nya. And then malalaman ko na hindi ako gusto ng parents nya for her. Wala akong magulang. Nalaman ko pa na Jenica was may half sister. Wala akong pera. I worked at night at mag aaral ako sa umaga. Nangungupahan lang ako at minsan napapalayas pa kami magkapatid kapag kulang ang kita ko. Pagkaalis nya, nalaman ko ang totoo. Kinakahiya nya ako bilang boyfriend nya. Alam ko na noon pa kaya hindi nya ako mapakilala sa friends nya its because I was just a fastfood crew noon. Hindi nya ako naipaglaban sa parents nya dahil ayaw nila ako para kay Catherine. Dahil wala akong maipagmamalaki. After all the pain she left. Humantong na sa kagustuhan kong magpakamatay. Iwanan ang sakit nahalos ikamatay ko na. Kalimutan ang lahat. At pagsisihan nabuhay ako sa pagkataong ito. But everything changed ng marealized ko na hindi ako nag iisa. Someone understands me. At hindi ako hinusgahan.

Suddenly naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Masakit pa pala kapag naalala ko. Paano ako haharap nito kay Jela kung sa sarili ko hindi ko pa kaya.

---

Jela's POV

Tinabihan ako ni Riggo sa inuupuan ko. Napansin nyang wala si Jared.

"May nangyari nu." he said at hindi ako sumagot. Halata naman sa itsura ko.

"Alam mo ba Jared was the weakest person I know." he said at napalingon ako sa kanya. Natatawa sya habang sinasabi yun.

"Ha? Parang hindi naman." sagot ko at nakapout ang lips ko.

He laughed. "Maniwala ka. Nung nasaktan yan kay Cathy. Halos magpakamatay sya. Ibang iba sya noon sa pagkakakilala mo ngayon." hindi ako makapagreact sa sinabi ni Riggo. Hindi ko maimagine na gagawin ni Jared yun.

"Anong nangyari?"

"Well. Wala syang masyadong kinwento about what happened to him. Eh kung nandun lang ako nung balak nya magpakamatay. Baka sinuntok ko nalang sya para matauhan."

"Jared." bigla akong nakaramdam ng guilt sa nalaman ko. Kaya pala parang hindi nya ako masagot kanina dahil ganun ang nangyari. Naging insensitive ako.

"Alam mo, Red really likes you. Kasi kung di ka pa nya nakilala. He wouldn't decided na magmove on at kalimutan ang nangyari noon." he said while smiling.

"He needs you." he said bago umalis. Para akong nabunutan ng tinik. At nakahinga ng maluwag. Napatingin ako sa falls. Akala ko ako lang ang nasasaktan at nahihirapan. I didn't know Jared was the one suffering the most. I should've understand him in the first place dahil hindi naman nagkakalayo ang mga pinagdaanan namin.

---

Bago magtakip silim. Nagsimula na ang mga kalalakihan na itayo ang mga kanya kanya naming tent. Gumawa sila ng maliit na bonfire. Nakita ko si Jared na tinatayo ang tent namin. Hindi pa din nya ako kinakausap. Hihintayin ko nalang na magkaroon kami ng pagkakataon na makapag usap ulit.

Inalalayan ako ni Gino na tumayo para makaupo malapit sa bonfire. Katabi ko sina Jana at Aileen. Tinanong nila kung okay na ako, at sinabi ko na medyo masakit pa din pero kakayanin ko ng lumakad bukas.

Medyo nakaramdam ako ng lamig kahit malapit ako sa bonfire. Siguro dahil malapit kami sa falls.

"Ah.!" nagulat ako ng lumadlad sa katawan ko ang suot na jacket ni Jared. Hindi ko sya napansin na dumaan sa likuran ko. After nun naupo sya tabi ni Riggo na katabi ko naman. Palihim akong sumusulyap sa kanya. Si Riggo naman umusog paatras para makita ko si Jared. Napansin ko ang kamay nya. Mamula mula ito. Saka ko lang narealized na sugat na pala yun.

"Guys, why won't we share something interesting to know each other..." said Gino na nakaupo na din malapit sa bonfire. Nagkasang ayunan ang iba pa para hindi maboring ang gabi namin. Wala na din akong choice kundi pumayag at ganundin si Jared. Hawak ko sa isang kamay ko ang isang pair ng tinapay na nilagyan ni Jana ng strawberry jam.

Nag umpisa kay Paul ang sharing namin.

---

"Well. I was a playboy nung college. Alam ni Red yan. Hindi lang nya minana yun pagka positive ko." said Riggo na natatawa. Maingay ang paligid namin dahil sa sari saring emosyon na nararamdaman namin. Naluluha, naiiyak, nagugulat at natatawa. Isa din palang joker itong si Riggo.

"Ate Jela, ikaw na!!" sigaw ni Paul. Nagulat ako.

"Go Jela." said Kylie. Napakamot ako sa ulo ko. Hindi pa ako nakakaisip ng pwedeng ishare. Ang panget naman kung ikukwento ko ang tungkol sa nangyari sa amin ni Ralph. Biglang may pumasok sa isipan ko.

"Well. It happened a very long time ago. Hindi pa ako kasal kay Ralph noon. Nag aaral ako as college student." I paused awhile para uminom. Halatang nakikinig sila sa akin.

"Pauwi na ako nun galing school. Mga around 11PM na kasi may practice kami nun. Taga Binondo kami dati kaya bumababa ako sa may tulay across ng Carriedo Station. Nilalakad ko lang yun. Oo medyo delikado dahil gabi na pero dati kasi tahimik ang lugar na yun kaya safe maglakad tsaka madami akong nakakasabay. Then one night umuwi ako same hour. Naglakad lang din ako noon. I saw someone sa may tulay."

"Ang creepy, ghost story ba yan Ate Jela!" said ng katabi kong si Jana na biglang kumapit sa akin. Natawa ako.

"Hindi.. Then nung una hindi ko pinansin kasi nga baka some random people lang yun na nakatambay sa tulay but all of a sudden. He jumped!!" nagulat sina Carla sa kwento ko.

"Oh my god! Is he trying to kill himself!" said Kylie.

"Syempre ako. Natakot ako. Tumakbo ako papunta dun sa spot kung saan tumalon yun lalake. Naiwan lang dun yun shoes nya at bracelet na siguro hinubad nya. Akala ko magsuswimming lang pero nung panahon na yun malalim pa ang ilog  dahil sa sunod sunod na pagdaan ng bagyo. Kaya naisip ko. Magpapakamatay sya. I dont know why pero kusang kumilos ang katawan ko. Hinubad ko ang bag ko nun at sapatos saka tumalon din."

Napansin kong nakatingin sa akin si Jared.

"Hindi naman ako magaling sumisid. Marunong lang ako ng basics kasi may subject kami na swimming noon. Mabuti nalang hindi pa ganun lumulubog yun lalake kaya ayun nasagip ko pa sya."

"Wow. Ang brave mo naman." said Mika.

"Hindi naman. Takot din ako. Baka kasi malunod kaming pareho nun. Then pagka ahon ko with the guy. Akala ko patay na. Hindi ko pa alam ang CPR nun kaya tumawag nalang ako ng tulong. Mabuti nalang may mga tumulong sa akin dalhin sa ospital yun lalake." I sighed ng matapos ko ang kwento ko.

"Hindi mo na nakilala yun guy?" asked Kylie. Umiling ako.

"Hindi na. Nung dinala namin sya. Umuwi na din ako after nun. Nagkasakit pa nga ako kinabukasan kasi umuwi akong basang basa. The only thing I had was the bracelet he left." nagulat sila ng ilabas ko sa bulsa  ko ang bracelet na yun.

Gawa sya sa kahoy at para syang rosary bracelet but the cross was in half na para bang may kabiyak sya. Palagi kong dala yun as may rosary and guide. Hindi ko alam pero nagkaroon na din ako ng attachment sa bracelet na yun.

"Wow. You've had it for years." said Kylie ng kuhain ang bracelet sa akin. Umikot yun sa kanila para tignan.

"Tingin mo nasa kanya yun half ng bracelet na to? Look at it. It was half made." said Kylie. Nung nakuha ko yun, akala ko nasira syapero disenyo nya na talaga na parang bang biyak ang mga bilog nun ganundin ang krus. Para bang ginawa yun sa dalawang bahagi. Napaka special ng bracelet na yun dahil maganda ang pagkakagawa hindi sya nasisira at base sa research ko sa kahoy na pinag gawaan nun. Gawa sya sa narra at madre cacao.

Sabi ng mga pinagtanungan ko. Mamahalin ang pagkakagawa nun. Kaya nagdecide ako na itago yun.

"Alam mo, he should've thank you. Kasi because of you he had a second life." said Mika.

"I know that. I hope he used his second life para itama ang mga pagkakamali nya or decisions na nagdala sa kanya sa posisyon na yun." bigla akong niyakap ni Kylie. I hugged her back. And then I saw Jared. He's staring at me. Napaiwas ako ng tingin.

After ng sharing. Nakaramdam na kami ng antok. Isa isa na kaming naghiwalay para pumasok sa mga kanya kanyang tent namin. Nakita ko si Jared na papalapit sa akin.

"Hold me."he said at humawak ako sa balikat nya ng simulan nya akong akayin papunta sa tent. Binuhat nya ako na para bang bago kaming kasal. Hindi ako makaiwas ng tingin sa kanya. Nagbabanggaan ang tenga ko at tenga nya. Awkward pa din.

Binaba nya ako ng makapasok kami sa tent. Andun ang mga gamit namin.

"Rest." he just said. Naupo sya pero nakatalikod sya sa akin.

"I'm sorry." I said bago ako mahiga.

"Its fine. Alam mo naman na hindi ko magawang magalit sayo." he moved into his place at lumapit sa akin. Natulala ako ng maramdaman ko sya. He holds my waist and slowly kissed my forehead. Bahagya syang bumaba sa level ng mukha ko. And he stared at my eyes for a moment.

"Goodnight." sambit nya at lumayo sa akin. Binitawan nya ako. Para akong hindi nakahinga sa ginawa nyang yun. I hold my breath ng maramdaman kong hinalikan nya ako sa noo ko. Napahinga lang ako ng maluwag ng lumayo sya.

Humiga ako. Nakaupo pa din sya at malayo ang tanaw sa labas ng tent.

"Goodnight Jared." pumikit ako.

---

Jared's POV

Napansin kong nakatulog na si Jela. Ikinumot ko sa kanya ang jacket na suot ko.

Nahiga ako malapit sa kanya. Sabay kinuha ang isang bagay sa bulsa ng shorts ko. Nilabas ko ang phone ko at..

"So she's the one who had the other part." I said to myself habang hawak ko sa mga kamay ko ang kabiyak ng bracelet na nakuha nya from saving the guy who was actually ... me.

---

iamnyldechan ❤️