Jela's POV
"Anong ginagawa mo dito!" sigaw ko ng makita ko sya.
Tingin ko nasurprised din sya ng makita ako.
"Ikaw dapat ang tanungin ko nyan! This is my office!" he replied. Napatingin tuloy ako sa name na nasa table.
"Ikaw si Mr. Dela Vega!"
"Yeah, Jared John Dela Vega.." nakunot noo ako. Nakakahiya.. Magpapatulong ako sa annulment, sa kanya pa talaga.
"Sir, this is Mam Aria Angela Castañeda. She's your client." nagulat kaming dalawa ng magsalita ang sekretarya nya. Di ko namalayan nasa likuran na sya ni Jared.
"Her?" ulit nya. Parang ayaw pa ata nya.
"Opo.
Napatingin sa akin si Jared. Hindi na ako magtataka kung abogado ang work nya. Kung pagsabihan nya ako na idedemanda nya ako. Alam nya lahat ng batas at consequences para ipakulong ako.
"Okay.. Have a seat." he said. I sighed with relief. Akala ko aawayin nanaman nya ako dahil hindi ko sya uurungan.
Lumabas na ang secretary nya. Ang awkward para sa akin at para sa kanya.
Naupo sya sa office chair. Inayos lang nya ng konti ang kwelyo nya. May kinuha syang form sa drawers nya.
Gwapo nga talaga sya. Hindi na ako magtataka kung titigan sya ni Amy nung magkita kami sa supermarket. Wait!! Hindi ako nandito para icompliment ang itsura nya!!
"So anong nagdala sayo dito?" he started to ask. Natatakot akong magsalita.
"Ahhhh--
He stared at me. Nacoconcious tuloy ako sa ginagawa nya.
"Mrs. Castañeda.. I'm waiting.." he said.
"Ano kasi.. I.. I want to uhhhh--" umiikot ang mga mata ko. Hindi ako sanay magsabi sa ibang tao ng problema ko. At hindi ko naman pwedeng iwasan to dahil malalaman at malalaman din nya ang ipinunta ko dito.
"ANGELA!" he shouted at nagulat ako.
"I want to file an annulment sa asawa ko!!" finally nasabi ko din. Nakatingin pa din sya sa akin. Parang hindi nya alam ang irereact sa sinabi ko.
"Gusto mong makipaghiwalay sa asawa mo?" tanong nya. Dahan dahan akong tumango.
"Alam mo ba ang mga consequences na pwede mo kaharapin once you file an annulment.?"
"Yes. And I'm well aware of it.."
"Okay.. Pero it doesn't mean you wanna get annulled eh agad agad maaprubahan yun. You have to prove that its necessary for the both you na tuluyan na maghiwalay para magrant ng korte ang gusto nyo. And dapat pareho kayo sumang ayon dito. If ikaw lang ang gusto makipaghiwalay then its nonsense at all."
Tumango ako.
"Anong dahilan mo bakit gusto mo makipag annulled?" hindi ako makasagot. Nakakahiya na sabihin kong nambabae ang asawa ko lantaran pa. At sinasaktan nya ako physically at halos babuyin nya ako. Nakakahiya para sa akin babae.
"Okay. Kung may pinagdadaanan ka pa. I'll give you space.. But make it sure na kapag nagpadala ako ng annulment agreement sa asawa mo, dapat nya itong pirmahan." Tumango ako.
"Fill up this form." he said ng iabot sa akin ang isang papel.
"I'm a public attorney so wala ka dapat bayaran fees sa akin okay. I'm just doing my job." tumango ulit ako.
Nanginginig ako habang nagsusulat. Nakatingin lang kasi sya sa akin. Hindi tuloy ako makapag focus.
"JARED!!!" nagulat ako sa biglang sumigaw. Nabitawan ko ang ballpen.
"RIGGO!! Ano ka ba! I have a client here." said Jared ng makita ang kaibigan pumasok.
"Ohh sorry. I thought.. Huh!" huminto sya sa pagsasalita ng makita ako. And slowly lumapit kay Jared.
"Hindi ko alam na magkaibigan na kayo ni Ms. Ganda." he said. Medyo natawa ako.
"Shhhh. Stop it. She's my client now."
Tinulak nya ang kaibigan palabas ng office. Naramdaman nya kasing distraction para sa akin ang kaibigan nya. Medyo nakapag focus na ako sa ginagawa ko.
"Okay na." I said pag kaabot sa papel.
Sandali nyang binasa ang mga sinulat ko.
"Your 3 years married? And arranged married kayo?" tumango ako.
"Natatandaan mo ba ang name ng abogado nag ayos ng papel nyo. I need to talk to her/him."
"Iisipin ko. Hindi ko kasi matandaan."
"Ganito. Find your marriage contract. For sure they indicated it there." tumango ako.
"Wala pa kayong anak. So wala pala maapektuhan kapag naghiwalay kayo."
"Oo eh..
Finally binasa nya ang reasons ko. Alam ko na kung bakit nya ako pinagsulat. Hindi ko kasi masabi personally ang dahilan ko kung bakit gusto ko magfile. Thats why naisip nyang bigyan ako ng written form para doon maisulat ko. Magaling sya bumasa ng tao.
"Okay.. I think valid naman ang mga reasons mo. How many times na syang nambabae?" medyo nakakunot na ang noo nya. For sure disappointed na sya dahil lalake sya at malaman na nananakit at nambabae ang kapwa nya lalake, nakakadismaya yun.
"Madami na. Nature na kasi nya yun. Eversince kinasal kami. Gawain nya." sagot ko. Medyo nalungkot ako.
"Gusto mo ba syang kasuhan ng Bigamy? We all have the evidences at mas mapapadali maaprubahan ang request nyo sa korte.
"Ayoko po." nagulat sya.
"Why? Niloloko ka nya. At ang masama pa dito, niloloko kana nya sinasaktan ka pa. Dapat sa kanya makulong." medyo mataas na ang tono nya, halatang galit.
"Gusto ko lang makawala sa marriage namen. Ayoko na magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. Kung ipapakulong ko sya, konsensya ko pa. At ayoko na ng ganun. Patawarin nalang namin ang isat isa. Okay na sa akin yun." sabi ko. Medyo kumalma sya.
"I guess your right.." he calmed down.
Nilagay nya sa isang folder ang form ko. Nilagay nya sa ibabaw ng file ng mga folders nya.
He stared at me for a bit and he smiled.
"Be brave on your decisions." nagulat ako. Alam ko mahina ako pagdating sa pagdedesisyon pero ito na siguro yun pinakatamang ginawa ko.
"Call me whenever you need me." he said at inabot sa akin ang calling card nya. Nakita ko dooon ang name nya at numbe nya. Tinago ko yun at nagpasalamat. He escorted me palabas ng office nya hanggang paglabas ng building.
Hindi ko alam itong pakiramdam na ito pero magaan ang loob ko sa kanya. Something na hindi ko naramdaman kay Ralph.
---
Hapon na ako nakauwi. Binuksan ko ang pintuan. Walang kotse sa may garahe so wala si Ralph. Naisipan kong mag ayos ng gamit. I need to leave Ralph. Soon bago nya pa malaman na nagfile na ako ng annulment. Baka mahold back pa yun. O baka hindi, baka gusto na din nyang makipaghiwalay. Hinihintay lang nya ako sumuko.
Binaba ko ang gamit ko sa couch. Umakyat ako sa kwarto. Sa kwarto namin ni Ralph.
Magulo nanaman ang kwarto. Kinuha ko ang mga damit na nagkalat sa sahig. Saka ko nilagay sa basket sa cr. Tinupi ko ang mga kumot. At inayos ang buong kama.
Binuksan ko ang closet at kinuha ang malaking maleta. Pinatong ko sa kama at nagsimula akong mag ayos ng mga damit ko.
"I hope magbago ka pa Ralph.." I said to myself ng makita ko ang picture namin nung kinasal kami. I never thought na mangyayari sa buhay ko ito. Hindi laro ang pag aasawa pero napunta ako sa taong pinaglaruan lang ang pagmamahal ko.
Kumuha ako ng maliit na papel at nagsulat ako. Nag paalam ako kay Ralph at sinulat ko din dun na nagfile na ako ng annulment para aware na sya kapag may nagdala ng letter dito, alam na nya agad. Ayaw pa naman nun na binibigla sya.
Iniwan ko ang letter sa ibabaw ng table. Madalas kasi dun nya pinapatong ang mga gamit nya bago humiga. Kaya makikita nya agad ang sulat ko.
Hinatak ko palabas ng kwarto ang maleta ko. Hanggang pagbaba ng hagdan. Kumuha lang ako ng ibang canned food at noodles na binili ko nung isang araw. Huminto ako bago ako lumabas ng bahay.
Ito na ang huli kong pagtapak sa bahay na ito. Once na magrant ang annulment namin. I'll be Aria Angela Cordova again.
---
iamnyldechan ❤️