Its been a week at so far nag eenjoy ako bilang isang grade 11 studen dito
Sa Spring High
Sobrang ganda ng buong campus marami kang makikitang ibat - ibang bulaklak at mga puno at talagang hindi ka ma woworry na umitim ka and i am very very thankful for that kasi pag naiinitan ako ng araw namumula ako as in kaya ilag ako sa araw pero kaya ko naman wag lang pangmatagalan mamamatay ako nun haha joke
"May napili ka na bang sasalihang club sakura?"
Napatingin ako sa aking bestfrend na si kim, almost 5 years na rin kami mag bestfriend nakilala ko siya nung grade 7 ako tinulungan niya ako nung natisod ako sa school namin dati at pinagtatawanan ng mga school mates ko kesyo ang lampa lampa ko raw.
Si kim lang yung nagtangkang tulungan at makipag kaibigan sakin , umiiwas kasi sakin yung mga classmates at schoolmates ko dahil ang baduy ko daw.
Well i agree naman kasi nung mga year na yun hanggang grade 8 eh sobrang baduy talaga ako hanggang sa pumayag nako kay kim na i make over ako kaya charaaan! Ang cute cute na ng ate niyo hahaha
"Hmm , hindi ko pa alam kim ehh nag iisip pako kung ano bang sasalihan ko haays" at napa buntong hininga nalang ako
" sasali ako sa volleyball, ano ba talagang balak mo sakura? For sure may naiisip ka naman sigurong sasalihan mo tsaka sakura may grades to."
"Love" nakangiti kong sabi
"Ha? Love??" Takang tanong ni kim
Tinignan ko siya at ningitian
"Hmm oo love , sana mag ka love life nako"
Inirapan niyako at pabirong tinulak
"Hay nako sakura puro lovelife nasa utak mo. School club topic natin tapos napunta ka agad jan sa love na yan haha" sabay tawa niya
"Ehh bakit? Ikaw rin naman walan kang love life hahaha bleeh!"
Sabay labas ng dila ko at tumakbo ng tumatawa
"Hahaha bleeeh"
"Woooy hintaay! Haha"
Habang tumatakbo hindi ko namalayan na may tao pala sa dinadaanan ko kayat nagkabumungo kami.
"Aray!"
Ang sakiiit ng pwet kooo! Huhuhu
"Oh sorry! Halika tulungan na kita"
Naptingin ako sa kamay ng nagsalita at dahan dahang tumingin sa may ari ng kamay
0.O
"F-forever ko na ba to????"
Ang gwapooo naman nitooooo!
"Ha? Anong sabi mo?"
Hala! Narinig niya yun?? Ay tanga sakuraaaa dapat sa utak mo lang yuuun amboboo!
"A-ah wala hehe" at nanginginig na tinangap ko yung kamay na nakalahad sa harap ko
Grabe! Ang lambot besss! Huhuhu sana forever ko natong mahawakan ang kamay niya
"Uhm , yung kamay ko miss"
"H-huh?" Takang tanong ko at naptingin sa kamay niya nanlaki ang mga mata ko kaya marahas ko nabitawan
"H-hala! S-sorry!" Utal kong sabi habang nakayuko
Huhu sakura ano ba naman yan daydream pa kasii! Nakakahiya tuloy napaangat ang tingin ko dahil bigla siya tumawa.
Parang nag slowmo effect ang buong paligid habang tumatawa siya. Ang pantay ng mga puting ngipin matangos na ilong at instek na mga mata
"Hahaha nakakatawa ka naman, sorry nabungo kita"
"A-ah hindi ako dapat yung mag sorry kasi hindi ako tumitingin sa dinadaan-
"Sakura!"
Napatingin ako sa likod ng may tumawag sa pangalan ko
Aishh! Kim naman ehhh moment namin to ni futere bf ko! Huhu kainis naman!
"Ang bilis mong tumakbo sakura sumali ka nalang kaya sa track n field club?" Hiningal hingal niyang sabi
"Grade 11 kayo?" Sabay kaming napatingin sa lalaking nakabungk ko kanina
Sheet ang gwapo talaga at ang bait pa!
"Ah! Oo grade 11 kami ikaw kuya?" Tanong ni kim
"Ahh i see, naghahanap ba kayo ng club? Baka gusto niyong sumal-
"YES! I'LL JOIN!" bigla kong sigaw
Kaya napalaki ang mga mata ko dahil halos lahat ng estudyante dito malapit samin ang napatingin sakin
Aish!! Sakura!! So stupid!!!