Chereads / Chasing The Sun And The Moon / Chapter 2 - Simula

Chapter 2 - Simula

Simula

Pananaw Ni Luna

Ang alam ko noon, walang ganitong darating. Ang alam ko lahat pwede mong gawin, malaya ka, masaya ka lagi... Pero nag-kamali ako. Ang alam ko noon, maganda ang mundo. Ang alam ko hindi natin sinasaktan ang katulad natin, ang alam ko nag-tutulongan tayo, ang alam ko nagiging masaya tayo para sa isa't isa. Pero nag-kamali ako. Nag-kamali ako. Siguro hindi ko nakita ang totoong kulay ng buhay, siguro nabulag ako, siguro hindi talaga ito yung mundong inaasahan ko. Ang buong akala ko ay magiging masaya ka sa buhay na ito, at mag-kakaroon ka ng tunay na pag-ibig na mag-liligtas sayo sa lumbay na nararamdaman mo. Pero hindi. Ni isa sa mga akala ko walang nagkatotoo. Hindi ito ang buhay na may mag-liligtas sayong pag-ibig, hindi ito ang buhay na magiging madali lang ang lahat, hindi ito ang buhay na parang libro na alam mong sa huli ay mag-kakaroon ka ng masayang wakas, hindi ito ang totoo.

Ito ang totoo.

Madilim na madilim ang paligid habang nakatayo ako sa gitna ng

magulong madla. Puro nakangiti, nagtatawanan, naghihiwayan ang mga tao sa paligid ko, magulong-magulo ngunit alam kong masaya silang lahat.

Masayang-masaya silang lahat pero, ako? Hindi ko man lang makuhang ngumiti. Inilibot ko ang paningin ko at natanto na lahat sila ay may kasama habang nag-sasaway, ako lang pala yung mag-isa... ako na naman.

Lumiwanag ang dilim ng lumitaw ang mukilit na ilaw na asul na kumikisap-kisap pa. Lalo kong nakita ang rami ng tao ng umiliw ito, lalo lang akong nakaramdam ng pag-iisa ngunit hindi ko mawari kung bakit nakakaramdam din ako ng ligaya.

Habang tinititigan ko ang asul na ilaw na kumukurap-kurap sa itaas ay parang may ligaya akong natatanggap sa kulay nito. Nakaramdam ako ng malalim na koneksyon sa ilaw na nagbibigay saakin ng galimgim (nostalgia). Hindi ko mawari pero pamilyar na pamilyar ito saakin. Sa isipan ko, akala ko wala ng hanggan ang tagpuan na ito, na magpakailan na akong nakakatitig sa liwanag sa itaas habang dinadama ang galimgim sa dibdib ko.

Lumihis muna ako sa lumbay na nararamdaman ko kanina at nag-taas ng tingin para masilayan ang ganda ng asul na ilaw na umaandap-andap.

Pumikit ako at pinakiramdaman ang ilaw sa mukha ko. Ramdam ko ang init nito na pumapaso sa balat ko. Nag-simula akong umugoy, sa bawat hampas ng malakas na tugtog ay hinayaang punuin ng musika ang pandinig ko.

Sumaway ako at pinakiramdaman ang musika, nanatiling nakapikit ang mga mata ko dahil dinadama parin ang ilaw. Kakaibang pakiramdam ang nararamdaman ko sa init ng asul na ilaw sa balat ko, parang niyayapus nito ang buong katawan ko at hindi ko maindintihan kong bakit hindi na ako nakakaramdam ng pag-iisa.

Parang may kasama ako.

Dinama ko ang pakiramdam ng may kasama. Muli akong umugoy at nararamdaman kong lumipad ang mga hibla ng buhok ko. Nang dumilat ako ay natigilan ako sa pag-sasayaw ng masilayan ang isang lalaking nakatayo sa harapan. Nakatitig ito saakin at litaw na litaw ang ngiti sa mukha niya. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa loob ko.

"Hi!" Nakangiting bati niya.

Napakunot-noo ako. Kaya pala pakiramdam ko may kasama ako dahil literal pala na may lumapit saakin. Kinilatis ko ang tindig ng lalaki, maamo ang mukha nito habang nakangiti. Kulot ang buhok niya at medyo payat ang katawan niya ngunit sukdolan ang tanggad.

Tinignan ko siya at hindi tumugon. Hindi ko alam kong ano ang pakay niya o kong ano ang gusto niyang makuha. Napansin ko na nagsimula siyang mailang sa titig ko at napaiwas ng tingin ngunit nanatili sa harapan ko.

"Nakita kita kanina, sumasayaw mag-isa." Wika niya habang kunwaring nakatingin sa ilaw sa itaas na makulit na nawawala at bumabalik.

"Bakit?" Halos pabulong kong tanong.

"Uhh, baka gusto mo ng kasama?" Tanong niya.

Umiling ako, "Hindi na, uuwi na rin naman ako." Pag-tatanggi ko ngunit nagulat ako ng muli siyang ngumiti saakin at naglahad ng palad.

"You're Luna, right? I'm Sol." Lalong nag-lapit ang dalawang kilay ko dahil sa pag-bikas niya sa pangalan ko.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Takang tanong ko habang nakatingin sa nakalahad niyang kamay.

"Sa Lycia Prime ka nag-aaral, nakikita kita." Ngiting tugon.

Tumalikod na ako sakanya at akmang aalis na ngunit tumigil ako ng hawakan niya pupulsuhan ko. Dahan-dahan akong bumaling sakanya at nasilayan ang kinakabahan niyang ekspersyon.

Kunot noo ko siyang tinignan, "Bakit?" Tanong ko.

"Uhhmm, we-will you dance with me?" Alinlangang tanong niya.

"Bakit?" Muling tanong ko.

Napabuntong-hininga siya bago sumagot, "Nakita kita kanina, you're swaying alone,"

Napabuntong-hininga ako.

"I'm always swaying alone." Seryusong wika ko.

Pimiglas ako sa pagkakahawak niya at tinalikuran siya ngunit muli na naman akong natigilan ng mag-salita siya.

"Then, sway with me."

Hindi ko alam kung bakit may kung ano sa dibdib na nakaramdam ng ligaya. Nang lumingon ako ay nakita ko kung paano ka seryuso ang mukha niya. Nawala ang makulit na ilaw at muling dumilim ang paligid habang patuloy parin ang mga tao sa pag-sayaw na parang ligaw na mga hayop. Nasisilayan ko parin siya dahil sa maliliit na liwanag na nanggagaling sa mga makukulit na maliliit na ilaw. Humakbang ako papalapit sakanya at tinitigan siya deretsyo sa paningin niya, tinitigan ko siya na parang nakikita ko ang kaluluwa niya na nag-tatago sa katawan niya.

"Why do you want to dance with me?"

Blue Warning : you must play the song All We Know by The Chainsmokers while reading this part.

Timitig siya saakin at tila hindi natatakot sa tingin ko. Lumugar ang mga maliit na ilaw na kulay-lila (Violet) sa mukha namin. Iling minuto kaming nagtitigan habang patuloy ang madla sa kakasaway.

"Fighting flames of fires

Hang onto burning wires

We don't care anymore..." Ang tanging naririnig ko lang ay ang malumanay na lyriko ng kanta na pinapatugtug ng DJ, parang nag-laho ang lahat ng tao sa paligid namin.

Hindi ko alam pero nahila niya ang interes ko. Nakuha niya ang interes ko dahil lang sa apat na salitang binanggit niya na kailangang-kailangan kong marinig, lalo na sa mga panahong ito. Tinignan ko ang mga mata niya at naaninag ko doon ang malilikot na ilaw na kulay berde at kulay-lila. Napakagandang titigan sa loob ng mga mata niya ang mga ilaw sa labas ng magulong mundong ito.

"We're falling apart, still we hold together

We've passed the end, so we chase forever

'Cuase this is all we know

This feeling's all we know..."

Nag-simula akong umugoy sa hampas ng musika, gumalaw na din siya ngunit hindi parin nawawasak ang titigan namin. Magulong-magulo ang mga tao sa paligid namin, iba' t ibang mga uri ng mga tao ang kalapitan namin, ngunit tila nawawala silang lahat habang nakatitig ako sa lalaki sa harapan ko.

"I'll ride my bike up to the road

Down the streets right through the city

I'll go everywhere you go

From Chicago to the coast

You tell me, "Hit this and let's go

Blow the smoke right through the window

'Cause this is all we know..."

Nag-simulang bumigat ang hampas(beat) ng musika at naging agresibo ang sayaw namin, hindi parin napuputol ang titigang nag-sisimulang mag-bigay ng ligaya. Napangiti ako sakanya sa hindi malamang dahilan, ngumiti siya pabalik na lalong pumunit ng ngiti sa labi ko. Ipinatung ko ang dalawang kamay ko sa mag-kabilang balikat niya at mabalasik na sumayaw.

"'Cause this is all we know

'Cause this is all we know... "

Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang kakaibang galak sa dibdib ko. Wala na akong pakialam kong pumasok man tong lalaking ito sa buhay ko at tuloyang lumabas kung gugustohin niya, sa sandaling ito ay nahulog na ako sa pakiramdam ng may kasama. Sa tingin ko hindi na ako nanatakot mag-papasok ng tao sa buhay ko dahil matagal-tagal na rin nang naging mag-isa ako.

Inimulat ko ang mga mata ko at bumungad agad siya sa paningin ko. Nakangiti siya habang kumikinang ang mga mata, kakaibang kinang ang nasa mata niya na nag-bibigay ng kakaibang pakiramdam rin sa dibdib ko. Tumingin ako kung saan sinubukan kung lumisan dahil hindi ko na maatim ang tindi ng mga titig niya.

Hinawakan niya ang pisngi ko ng malumanay ngunit sapilitang iniharap sa mukha niya. Ngumiti siya saakin.

"Just let the river run wild." Makahulogan  bitaw niya.

Biglang pumasok saaking diwa ang ideya ng sinabi niya. Malalim ang binitawan niyang salita ngunit tila alam na alam ko agad kung ano ang ibig sabihin nito. Tinignan ko ang labi niya pataas sa mga mata niya, napaisip tuloy ako kung manunula siya dahil sa metapora na ginamit niya.

"Hayaan mo lang na mapusok na tumakbo ang mga alon hanggang sa hindi mo na maalala ang tunog ng katahimikan."

Unti-unting lumawak ang ngiti sa labi ko habang nakasulyap sakanya. Nakaramdam ako ng kaluwagan dahil ang hinihintay kong sabihin ng mga tao saakin ay nasabi na rin, sa wakas. Nais ko lang sabihin nila saakin na ayos lang ang umiiyak, hinihintay kong sabihin nila na, umiyak ka lang dahil magiging mabuti din ang lahat. At hindi ko inaasahan na ang mag-sasabi ng ganito ay isang estrangharo pa.

"You're a great dancer!" Natatawang wika niya.

Napagdesisyonan namin na umupo nalang muna kaya nandito kami ngayon sa bar counter, mag-kaharap habang nakaupo at tumatawa.

"You're a good dancer too!"

Nagtawanan kami dahil alam namin na hindi kami gaano kagaling sumayaw at kung ano anong hakbang lang ang ginagawa namin kanina, basta sumaway kami sa naayun sa pakiramdam namin at hinayaan lang namin ang sarili namin na gumalaw ng malaya.

"You are Sol? Right?" Nakangiting tanong ko.

Tumango siya, "And you're Luna, kakilala kita dahil same school lang tayo." Tugon niya.

Tumawa ako, "Malamang, makikilala mo talaga ako, sa dami ba naman ng kagagahan at fake news na kumakalat tungkol saakin, sino naman hindi makakakilala saakin?" Natatawang sambit ko kahit ngunit ramdam ko ang kaunting kirot sa dibdib ko.

"Hahaha hindi, hindi kita nakikilala dahil sa mga fake news na kinalat nila sayo, hindi mo ba talaga ako naaalala?" Natatawang wika niya ngunit napakunot noo lang ako, hindi ko ba siya nakikilala?

Pamilya siya saakin pero hindi alam kung saan o kailan ko siya nakita. Nag-lapit ang dalawang kilay ko habang tinitigan ang bawat hugis at angulo ng mukha niya. Ngunit kahit anong gawin ko hindi ko parin matanto kung sino talaga siya.

"Pamilyar ka saakin pero hindi ko talaga maalala."

Tumawa siya na parang bata at sa tawa niya palang na iyun ay alam ko na agad kung sino siya, nanlaki ang mga mata ko ng matanto kung sino siya at napahawak ako sa bibig ko dahil hindi makapaniwalang makikita ko pa siya!

Sa tawa niyang iyun ay parang may nabuksan na naksarang baul sa diwa ko at may ideya agad na pumasok isipan ko kung sino talaga siya.

"Solar System?!" Hindi makaniwalang bulalas ko.

Tumawa siya at tumango. Dali-dali akong lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Rinig na rinig ko ang pagtawa niya ngunit hindi ko mapigil ang mga luha ko sa pag-tulo. Isinud-sud ko sa didbib niya ang mukha ko at mahigpit siyang niyakap. Amoy ko parin ang natural na samyo niya na lagi kong naaamoy noong bata pa kami, parang ibinalik ako sa mga panahon na bata pa kami at masayang nag-lalaro sa dmuhan dahil sa amoy niya.

"Kamusta na, Lunar Eclipse?" Tumatawang saboses niya, natawa rin ako at kumawala sa yakap niya.

Solar ang totoong pangalan niya pero lagi ko siyang tinatawag na Solar System kasi sa tuwing binabanggit ko noon ang pangalan niyang Solar, naalala ko yung itinuro saakin ng teacher namin patungkol sa Solar System. Siya naman ng malaman ng mommy niya na tinatawag ko siyang Solar System sinabihan niya naman si Sol na tawagin din akong Lunar Eclipse kasi Lunar ang totoong pangalan ko.

Napangiti ako dahil sa alaalang pumasok sa diwa ko. Muling pumasok sa isipan ko ang mga kalokohan na nagawa namin ni Sol at hindi ko mapigilang hindi matawa.

Gosh I was a stupid kid, but to be honest I happy back then, hindi katulad ngayon.

"I cannot bilieve this. Hindi ko inaasahan na dito pa talaga kita makikita, don't you think this is———" Natigilan ako sa pag-sasalita ng matanto na wala saakin ang paningin niya.

Nakatingin siya sa phone niya at parang ano mang sandali ay tutulo na ang luha niya. Lumapit ako sakanya at palihim na sumilip sa tinitigan niya, ngunit ng makita ko ito ay nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan ang mababasa ko sa phone niya. Agad akong lumayo sakanya at nag-kunwaring walang nakita.

Hinayaan ko muna siya ng ilang minuto at hinintay na makipag-usap ulit siya saakin ngunit nanatili siyang tahimik habang nakatitig parin sa screen ng phone niya. Nakaramdam ako ng awa para sakanya.

Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sakanya.

"Sol..." Tawag ko.

Nagising siya sa malalim na pag-iisap at gulat na napatingin saakin.

"What——B-bakit?" Gulat na tanong niya.

Ngumiti ako sakanya at hinawakan ang kamay niya na lagi kong ginagawa noong bata pa kami, "It's killing time." Nakangiting wika ko na ang ibig sabihin ay Adventure Time.

Nung bata pa kami ay It's Killing Time ang lagi naming ginagamit na term pag may pupuntahan kaming exciting na adventures, si Sol ang nakaisip nun at narinig niya lang daw sa isang kanta. Sa kahabaan ng pagkabata namin ay iyung terminung iyun ang lagi naming ginagamit.

Ngumiti rin siya saakin, humigpit ang hawak niya sa mga kamay ko bilang sang-ayun.

"It's Killing Time." Ngiting sang-ayun niya.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at hinila siya papalabas ng bar.

Simula...