Sa sobrang busy ko sa trabaho madalas hindi na ako nakakapagreply sa mga chat niya hanggang sa tuluyan ng nagbago ang lahat wala ng conversation natigil nalang bigla minsan sumasagi siya sa isip ko lalo na sa tuwing bakante ang oras ko na kamustahin siya nung bumisita na ako sa facebook wall niya napansin ko na may Girlfriend na pala siya agad akong natigilan hindi ko na itinuloy ang pangangamusta at baka makagulo pa ako. Nagfocus ako sa trabaho pag walang pasok lumalabas ako kasama ng mga kaibigan ko o di naman kaya kung minsan kami ng kapatid ko nasanay na ako na bahay at trabaho lang wala eh ganun talaga ang buhay ofw lahat ng oras mahalaga. wala akong ginawa kundi mag trabaho hanggang sa nagkakilala kami ni Bono.