Chereads / The Chase: Demi Louise Salvacion / Chapter 4 - The Final Chase

Chapter 4 - The Final Chase

Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Isang napaka weirdong pakiramdam ang nadarama ko ngayon. Napaka aliwalas ng lahat.

"Kamusta ka na?" Napagawi ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Bahagya pang napakunot ang noo ko ng mapagtanto kung sino siya at kung nasaan ako.

"Anong ginagawa ko dito? Bakit nandito ka din sa kwarto ko? Nasaan ang kuya ko?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. Lalo pang kumunot ang noo ko ng bigla siyang tumawa.

"Easy there, young lady. Isa isang tanong lang mahina ang kalaban." Natatawa niyang sagot sa akin. Pero agad ding napawi ang tawa niyang iyon. Bahagyang napakunot ang noo ko. I actually find it weird. Seeing him first as I open my eyes is actually really weird.

"Just so you know, we just save your ass little lady. I clearly ask you to forget about your brother but you really didn't gave a damn about what I said so you were kidnapped by your brother's blood-brother but we save you in time … well, not really. Oh yeah, this is not reality in case you didn't know. I mean, you were just dreaming now. Your body is in the hospital and being treated as of the moment. I just take this opportunity to warn you."

I was confused. Yeah I know I was kidnapped, pero blood-brother? I was just dreaming? And warn me about what?

I was about to ask him when suddenly there's light. It seems like a warp. And then I heard a noise. It was just a murmur at first then little by little it became clear. I heard my brother's voice. He seems like talking to someone but I didn't hear any response.

"I'm sorry. I'm sorry. Hindi ka naprotektahan ni kuya. Just when I thought I was protecting you by pushing you away, I was wrong. Kuya was wrong. Please forgive me." I heard him. He was crying. He was pleading to me, to fogive him. It breaks my heart. Hearing him cries makes my heart broke into pieces. I understand his reasons now. I want to open my eyes and hug him but I can't. I just can't move. I feel hopeless as strength slowly leaves my body.

"Demi? Demi? Oh God! Doc! Doc yung kapatid ko! Tulong!" I heard him screeming and panicing. Alam kong sinabi ko dati na handa na akong mamatay pero bakit parang natatakot pa din ako? Natatakot akong iwanan ang kuya ko.

"I won't let you die. Trust me. Just feel the beat of your dying heart 'coz you'll never feel that beat again." Just when I was about to loose consciousness, I heard him. I heard Miro's voice.

And then everything went silent.  I can feel my life being taken away. I can feel the coldness as my heart begun to beat slower and slower until it's gone. I started to panic but it's too late. I already breathe my last breath.

+++

Napamulat ako at agad na naghabol ng hininga. Pakiramdam ko, lumangoy ako mula sa ilalim ng dagat. Pagod na pagod ako at parang kapos na kapos ang hininga.

Napalingon ako sa paligid ko. Napansin kong nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako. Kulay puti ang pader na may kaunting bahid ng malamlam na azul. Teka, nasa langit na ba ako? Ang alam ko namatay na ako ah?

Napakunot ang bahagya ang noo ko ng marinig ang pamilyar na tawa.

"Wala ka sa langit. Nasa bahay kita." Napahawak ako sa dibdib ko habang mabilis na napalingon sa gilid ko kung saan nagmula ang boses niya. Bahagya pa akong nagtaka ng walang maramdamang kabog sa dibdib ko.

Matiim ko siyang tinitigan, nagbabakasakaling may makuha akong sagot sa kanya. Tinawanan niya lang ako kaya napasimangot nalang ako at binawi na ang tingin ko.

"Katulad ng sinabi ko, wala ka sa langit. Nasa bahay kita." Muli akong napalingon sa kanya. Sa pagkakataong ito, nakangiti nalang siya ngunit tila ba may bahid ng alangan ang ngiti niyang iyon.

Umupo siya sa gilid ng kama kung saan ako nakaupo. Halos man laki ang mata ko ng humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko at marahang iginiya iyon papunta sa dibdib ko.

"Nararamdaman mo ba?" Tanong niya.

Naguluhan ako lalo sa tanong niya pero ng pag isipan kong mabuti ang tanong niya, noon ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Muli kong kinapa ang dibdib ko upang masiguro ang hinala ko.

"Katulad niyo na ako? Bampira na rin ba ako? Alam ba ni kuya 'to? Anong sabi niya?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya habang masayang masayang niyuyugyog pa ang mga balikat niya.

"Hey. Stop!" Nanlaki ang mata ng maramdamang tila kusang huminto ang mga kamay ko sa pagyugyog sa kanya. Nginisihan naman niya ako at bahagya pang ginulo ang buhok ko.

"Come here. I'll show you everything you want to know." Aniya habang bahagyang isinenyas ang ulo na lumapit pa ako sa kanya.Nagtataka man ay sinunod ko na din ang gusto niya.

"Bite me." Ma otoridad niyang usal sa akin kasabay ng pag angat ng pulso niya sa bibig ko. Hindi ko alam ang gagawin habang mataman na tinititigan ang pulso niyang halos katapat na ng bibig ko.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin. Naaamoy ko ang tila isang napakatamis na likido na nagdudulot ng kasabikan sa sistema ko. Mas lalong tumindi ang kasabikang nararamdaman ko ng bahagya niyang sugatan ang kanyang pulso at umagos mula doong ang nang aakit na pulang likido.

Parte ng utak ko ang sumisigaw na huwag akong magpadala sa kasabikang nararamdaman ng sistema ko pero tila wala na ako sa katinuan at agad na dinakma ang braso niya at kinagat ang kanyang pulso.

Unang dampi palang ng kanyang dugo sa dila ko ay tila masisiraan na ako ng bait. Parang kuryenteng agad na dumaloy sa buong katawan ko ang dugo niya hanggang sa maabot nila ang utak ko. Iba't ibang imahe ang mabilis na sumakop sa paningin ko.

Kitang kita ko ang lahat ng nangyari simula ng dalhin ako sa ospital hanggang sa itakas ni Miro ang bangkay ko. Tanggap na ng kapatid ko na patay na ako. Ayos lang sa kanya ang mawala na ako. Ganoon lang kabilis sa kanya tanggapin na wala na ako.

Napakalas ako sa pagkakakagat sa pulso ni Miro at naguguluhang napatitig sa kanya. Bakit pa niya ako binuhay kung tanggap na ng kapatid ko na wala na ako?

"Bakit Miro? Simula palang napakadali na para sa iyo na burahin ang alaala ko. Bakit binuhay mo pa ako gayong wala rin namang silbi ang pagkabuhay ko dahil binitawan na ako agad ng kuya ko? Bakit Miro? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?" Puno nang pagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan ang motibo niya. Hindi ko alam kung naaawa lang ba talaga siya sa akin o may iba pang dahilan.

"I'm really sorry Demi pero katulad ng sinabi ko sayo sa ospital, hindi ko hahayaang mamatay ka. Sa dami ng pinagdaanan mo, gusto kong ibigay sayo ang pagkakataong ito para maranasan ang dinadanas ng kuya mo. Hindi sapat ang paliwanag lang demi. Hindi sapat ang salita para maintindihan mo ang rason ng kuya mo sa ginawa niyang paglayo sayo." Sagot niya sa akin bago biglang nawala sa paningin ko. Natulala ako sa sagot niya. Ano nga ba talaga ang rason ni kuya?  

Naupo nalang ako sa gilid nang kama kung saan ako kanina nakahiga. Oo nga't kahit papaano'y naintindihan ko si kuya Pyro pero alam ko sa sarili ko na hindi ko pa din lubos na maunawaan ang lahat. Ngayon, isa na din ako sa kanila. Isang nilalang na nabubuhay sa pagkuha ng enerhiya ng iba. Mahaharap ko ba si Kuya gayong hindi niya gusto ang ideyang maging kaisa ako nila? Napangiti nalang ako ng mapait, mukhang ako naman ang kailangang magtago sa kanya. Kailangan kong magtago hangga't hindi ko pa nauunawaan ang lahat. Ayokong madismaya si kuya sa akin dahil sa pagsuway ko sa kanya.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama. Masyado nang maraming nangyari sa akin, ngayon pa ba ako susuko?

Palabas na sana ako ng kwartong iyon ng biglang bukas ang pinto at mula doon ay pumasok si Miro na matipid na nakangiti sa akin. Matipid ko lang din siyang nginitian. Iniabot niya sa akin ang isang folder na kulay itim, isang credit card na nakapangalan sa isang Louis Sanchez at mga susi na hindi ko alam kung para saan.

Batid kong bakas ang pagtataka sa aking mukha ng muli kong ibalik ang tingin ko kay Miro. Bahagya pa niyang ginulo ang buhok ko bago tumuloy sa paglakad papunta sa gilid ng kama at naupo. Agad naman akong sumunod sa kanya bitbit ang mga bagay na iniabot niya sa akin.

"Anong gagawin ko dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Para sa bagong ikaw. Patay na si Demi Louis Salvacion baka nakakalimutan mo. Isa pa, nakapag pasya ka nang hanapin ang sagot, hindi ba? Bilang blood parent mo, nararapat lang na ibigay ko sayo ang bagong identity mo. Ako ang nagdala sayo sa sitwasyong ito Demi kaya hayaan mo akong tulungan ka. Isa lang ang hihingin kong kapalit Demi, ipangako mong hinding hindi ka mahuhulog sa iba dahil pag aari na kita."