\
\\
...
Kinaumagahan, kagaya ng kanilang nakagawiaan. Nagbibisikleta sina Nitoy at Rebecca sa plaza. Ito ang kanilang naging libangan tuwing bakasyon. Lilibutin nila ang plaza habang nakasakay sila ng kani-kanilang bisikleta.
At hindi sinasadya, nasagi si Nitoy sa dumadaan na kotse.
Tinulungan siya ni Rebecca na umahon, tinitingan kung may sugat o bali ba ng buto ito.
Bumaba ang may-ari ng sasakyan, "Haharang – harang kasi sa daan."
Nainis itong si Rebecca, "Hey, what's wrong with you? Kayo na itong bumanga. Hindi niyo ba kami tutulungan."
At tinulungan nga sila na maidala sa malapit na ospital para matingnan si Nitoy.
Nagusisa itong may-ari ng sasakyan na nagngangalang Dennis, "Miss, taga Maynila ka ba? Mukhang hindi ka taga rito? Ngayon lang kita nakita."
"Dati na akong tagarito. Tumira ako sa Lola ko simula pa nung bata pa ako. Pero, lumuwas ako ng Maynila at pinag-aral ako ng Mommy ko." paliwanag ni Rebecca.
"Ah, ikaw pala yung paboritong apo ni Lola Isabel. Totoo ba ang haka-haka? Na siya ay isang mangkukulam?" tanong pa ni Dennis.
"Of course not. She's a religious old lady. But, she is not a freak. Hays, ang mga tagarito ba naman. Kung anong tsismis ang nasasagap tungkol sa Lola ko." sabi ba naman ni Rebecca.
"My name is Dennis. Bagong lipat lang kami rito last year. Galing kami sa karatig-bayan.. Naging kaklase ko nga pala itong si Nitoy." sabi ni Dennis.
Tumango lang si Nitoy.
"Okay ka na ba, Nitoy?" tanong ni Rebecca.
"Okay na ako. Nagamot naman ang mga galos ko. Wala naman akong pilay. Mabuti, nakaiwas agad ako. Pero tumama naman ang biskleta ko sa isang malaking bato sa daan." paliwanag ni Nitoy.
\
\\
...
-END-