Chapter 2 - You

"Alexa Veran" my teacher said with a bored tone.

"Present po ma'am!" sigaw ko ng malakas. Halos lahat ng kaklase ko nagulat sa pagsigaw ko. Ang oo-a naman talaga ng nga rich kid na to! Busy kasi sila sa pinapagawa ng teacher namin habang ako bagot na bagot kakaantay sa pangalan ko.

Pano ba naman kasi, huling huli ako tawagin sa atendance nakakainis bakit ba 'V' yung simula ng surname ko?

Freetime na namin pagkatapos namin sa pangalawang subject namin. Kaya naman tuwang tuwa ang katawang lupa ko. Pano ba naman eh mauuna kami sa cafeteria!

Duh kahit malawak ang cafeteria sa school mas maganda parin yung nauuna ka, para maingit yung kabilang section na may teacher pa.

Niyaya ko na agad yung mga friends kong lumabas dadaan kami sa kabilang pinto sa likod, kasi malapit sa elevator. Naglakad kami ng maayos papunta sa pinto dahil nakakatakot yung security details ng mga kaklase ko.

Pinaka sulok sa last row, I saw Faith. Fucos na fucos sya sa binabasa nya. Sya yung may highest honor last year, tapos ngayon patayan sya or yung iba kong kaklase sa pag rereview para next month sa mga entrance exam sa college. Anak sya ng isang politician kaya ang oa ng mga body guard.

Thankful naman kaming nakarating ng matiwasay sa cafeteria, grabe one of the reasons din pala kung bakit maganda mauna sa cafeteria kasi, may mga college students pang tumatambay dito. Minsan bet nila dito bumili pag time na nila mag lunch or sa kabilang building or dun pa sa kabila, ewan basta ganon!

"Girl! Si Mike oh!" Turo ni Mitsy sa long time crush ko.

"Alex wag ka na jan, graduate na yan this year." Sabi ni Gwen, na agad na binatukan ni Mitsy.

"Tanga! Tayo din naman ah" sabi niya habang nginunguya ang burrito nya.

"Eh gurang na yan eh! Tayo mag cocollege palang next year tapos sya, work, work na agad." Sabi ni Gwen. Ang clueless talaga ng babaeng to. Pero wala naman na akong pake jan kay Mike. Di ko na sya bet. Iba na.

Nagkwentohan lang kami about random stuff, at napagpasyahan na namin na bumalik sa room kasi baka may kasunod na na teacher. Minsan kasi ang aga nila pumasok pag alam nilang freetime.

Naglalakad na kami pabalik ng namataan ko si Luke. Ah si Luke Montes. Sobrang dami ng nakapaligid ditong security details. Pano kasi napakarami ata kaaway nung tatay nyang presidente ng Pilipinas. Hindi na nga ito pumapasok masyado. Mga apat na beses sa isang buwan. Tapos nasa top 3 parin. Ang daya talaga.

Pagbalik namin sa room sakto naman, kakadating lang ng teacher naming buntis. Next month manganganak na to si Ma'am pero hindi parin nag leleave ngayon.

"Tomorrow, I wouldn't be here to teach you anymore." Sabi ni ma'am ng kinatuwa ko. Yung iba kong kaklase kunwari nalungkot, ang paplastic talaga eh kita mo naman buntis si mam. Or selfish sila? Eme nila!

"Anyway, tonight ipopost ko sa group page natin yung mga requirements for the next semester. I'll be pairing you up with 5 members, syempre ako pipili kung sino. Sila ang makakasama nyo sa paggawa ng requirements niyo next semester" sabi niya habang comportabling naka upo.

"Mrs. Cruz, How will we do the requirements without your help?" Kinilig akong nakatingin sa crush kong si Luther. Oh em gee. Ang gwapo nya talaga! Like as in! May oa din syang pamilya dahil may security details din syang nakasunod sakanya. Anak din kasi sya ng politician ganern ang peg niya.

But except that, sobrang gentleman nya. Tapos bait pa ni koya! Tapos sobrang talino, well talking about being matalino, rivals sila Faith, Luther, Luke sa highest honors. Ako? Wala akong pake jan. Ang boboring ng buhay nila— except kay Luther. That guy knows how to balance things. Tsaka mukang wala syang pake sa honor list! Sobrang natural lang talaga nya. Tsaka dahil sakanya pasado lagi kami sa groupings!

I snapped out of my senses ng nakaupo na si Luther at nakakunot ang noo habang nakatingin sa pintuan. Napatingin din ako dahil sa kuryusidad.

Pumasok doon si Luke habang nakapamulsa, kasunod ang mga bodyguards nya. Pero ngayon dalawa lang at pumuwesto ang mga ito sa likod. Habang si Luke tumabi kay Luther. Tuloy tuloy lang ang discussion sa klase habang ako pinag papantasyahan si Luther. Napapansin ko din si Luke na bored na bored ang muka.

Kilala ko yan si Luke since High School kami. Magkaklase kami nyan eh, kaso ni minsan di nagtatagpo landas namin kahit magkaklase kami. Kahit groupings! Baka nga di ako kilala nyan eh. Kahit isang sentence di ko yan nakausap talaga. Crush ko yan nung first year ko sa high school kaso na witness ko pa kasi yung make out nila nung muse namin.

Tapos years passed by, naging babaero si gaga basta ganern wala naman mapapala feelings ko sakanya. Then Luther happened!

Uwian na. Pero bago ang lahat nag sign up muna ako sa isang club na Apollo dance troupe, mahilig akong sumayaw at naniniwala akong magaling ako. Lumayas na ako sa luma kong club kasi wala talaga akong napalala sa arts. Di ko kinaya yunh drawing drawing. Nag sign up din ako sa Apollo theater, balak ko kasi maging artista someday kaya laking tulong itong club na to sakin. Late ko na kasi narealize na bet ko palang maging artista. Ganda naman ako kaya oks na yun.

Naglalakad ako papunta sa parking lot. Ginabi kasi ako dahil may pa audition papalang ganap yung mga bago kong club. Ang eme talaga nila eh bawal naman silang tumangi sa pag sali namin, may pa audition pa! Bagot na siguro si kuyang driver sa parking lot, kanina ko pa kasi tinawagan yun tapos ginabi ako.

Nagulat ako ng may humablot sa kanang kamay ko. Sa pag kagulat ko nasipa ko tuloy yung legs nya kaya nadapa sya, at syempre kasama ako kasi hawak nya ako.

"What the fuck?!" Napatingin ako sa muka nya ng nakanganga. Kahit masakit yung paa ko kasi parang napulikat walang wala yun sa pagkagulat ko.

"Eh bakit mo ba kasi ako hinatak?!" Sigaw ko sakanya. Sinubukan kong tumayo pero walangya napulikat talaga yung isa kong paa. When i figured I couldn't stand, i glared at him as if glaring at him could hurt him.

"Your the one who kicked first, why does it look like It's my fault now?" Sabi nya ng pacool at nag simula nang umalis. Gago yun ah. May saltik ata yun eh.

"HOY GAGO KA! TULUNGAN MO AKO DITO OR—" Nagulat ako ng humarap sya. He's eyes were cold, he's face were emotion less. Just like before. Just like when we were in high school. Always so cold. Always so scary.

Lumakad sya sakin pabalik, at pumantay sa muka ko.

"I need your help, I'll pay you after" sabi niya, napa 'huh' naman ako sakanya.

Wao, for how many years na magkaklase kami ito lang yung first time na nag usap kami.

"Uhm, kilala mo ba ako?" Matagal ko na talagang tanong yan sa utak ko. Kahit kwenikwento ko sya sa family ko— crush ko nga kasi diba dati? Eh close kami ng fam ko.

"Yea. Alexa Veran." At ayun po. Feeling ko bukas ipapasalvage ako nito dahil binatukan ko ho yung anak ng presidente ng Pilipinas. Nag papasalamat naman ako sa panginoong may kapal dahil wala doon ang body guards nya, at ang nakakapatay na titig at mura ang nakuha ko. Gago ka talaga Luke!