Prologue:
Sa lansangan ng Alabok, isang bayan na kalapit ng Alinam, ay ang tambayan ng mga pulubi at mga nakakaawang mga kwento. Nagkalat sa lugar ang mga haragan, mga nawalan ng kayamanan, mga masasamang tao, at kung sino sino pang hindi lantad na sakit ng lipunan.
Ang araw na iyon ay makulimlim at handa nang bumuhos ang ulan. Ang mga tao'y handa ng sumilong abang ang iba'y umaaeang lumakas ang ulan, dahil ito lamang ang paraan nila upang malamigan. Sa gitna ng nasabing lansangan ay biglang may lumabas na bilog mula sa bakanteng ere, at ang araw na iyon ay isa sa mga araw na hindi makakalimutan sa Alabok.
Makalipas ang dalawang taon...
"Ito na po ba ang kabuuan ng nalalaman ninyo manong? Parang hindi ito ang sabi sabing naririnig ko tungkol sa bayan na ito." Tanong ng isang lalaki na nakasuot ng pulang coat at may bitbit na itim na bag na mahaba. "Ayon sa mga nakalap ko ay sinumpa daw ito at may mga halimaw na nagkalat dito, totoo ba iyon?" Dagdag muli ng lalaki habang ang matandang kausap niya ay sobrang ilag at nais ng umalis.
"Sabi ko sayo bata... Iyon na ang lahat ng nalalaman ko! Kung hindi ka makuntento sa mga nasabi ko ay lumayas ka na... Masakit na ang likod ko." Isinagot ng matanda at siyang talikod niya papasok sa kanyang bahay.
Ang lalaki ay pursigidong malaman ang buong kasaysayan ng Alabok, at kanyang inilabas ang kanyang maliit na kwaderno upang suriin muli ang kanyang nakalap na mga impormasyon.
"Ang bayan ng Alabok ay pugad ng mga taong nasa ilalim ng lipunan, at kalimitan ay dumadanak ang dugo rito. Mga Nobyembre dalawang taon na ang nakaraan ay namataan dito ang isang pares ng taong nakaitim na blazer na pumasok sa lugar, at doon ay tinagurian ang bayan na Lugar ng Kamatayan huh..."
Ang red coat man ay nagtungo sa kalapit na karinderya. Narinig na niya ang pagkalam ng kanyang tiyan, kaya mariin niyang kinuha ang kanyang pitaka upang alamin ang nilalaman nito, at dito'y siyang kanyang pagkadismayang todo.
"Oooohh... 123 that is..."
Napalunok na lamang ang red coat man, at buong lakas ng loob niyang pinasok ang karinderya. Pagpasok niya ay biglang tumayo ang kanyang mga balahibo, sinabayan pa ito ng kanyang biglang naamoy na nakakasulasok na dahilan ng kanyang bahagyang pag atras sa nasabing kainan. Doon ay sumagi na agad sa isip ng lalaki na may kakaibang nagaganap sa loob nito, at agad niyang inilagay ang kanyang kamay malapit sa kanyang likuran.
"Mukhang kailangan ko munang palipasin ang gutom..." Reklamo ng red coat man at nakarinig siya ng halakhak mula sa kanyang likuran. "Tama boy dahil hindi lagi nauuwi sa gusto mo ang lahat ng bagay hindi ba?"
"Iconoclast? Tumahimik ka nga dyan, baka gusto mong ibalibag kita sa pader." Sagot ng lalaki at agad nagmakaawa ang boses na nasa kanyang likuran. "Alam mo ba na hindi ko naman balak na asarin ka o kahit ano. Bahala ka lang sa kung ano ang gusto mong pasok sa lugar na iyan basta hugutin mo ako kung kailangan mo ako... At pakiusap, huwag ang hasaan at semento!!"
"Thank you, ngayon ay tumahimik ka Iconoclast, at Ako, si Rugen Valstein, ay papasok na sa trabaho."
Pinasok ni red coat man na si Rugen Valstein ang nasabing kainan at nagulantang ang lahat ng naroon. Ang mga serbidor at kahera ay kaagad na lumundag patungo sa kanya, at ang kanyang hinala ay tumumpak mula sa naging reaksyon ng mga ito. "Mukhang tama ako Iconoclast... Ang buong bayan na ito ay..."
"Naging pugad ng mga aswang." Tapos ni Iconoclast, at kaagad na hinugot ni Rugen ang sandatang nakakubli sa loob ng kanyang bag, isang Claymore type sword na may pulang dyamante sa hilt at ang guard ay may disenyong pakpak.
Sa unang sugod ng kalapit na aswang na serbidor ay nahiwa agad ito sa gitna. Ang dalawa pa nitong kasamahan ay umatake din, pero nag concentrate si Rugen sa mobility at maingat niyang iniiwasan ang bawat atake ng mga ito. That's a lot of focus Rugen, baka gusto mo naman sila mabigyan ng score? Tanong muli ni Iconoclast, ang buhay na espada, at umangil si Rugen kasabay ng isnag mabagsik na laslas sa kaherang aswang.
"Pinag aaralan ko ang kahalagahan ng mobility bobong espada! Kung hindi naman dahil sa kasunduan natin ay hindi naman ako ma-stuck sa goal mo eh." At nang kumuha ang huling serbidor na aswang ng upuang pamalo sa kanya ay mabilis niya itong sinaksak, sakto sa butas na nasa gitna ng upuan, na diretso sa kanyang puso.
"Okay, naalala mo ba ang goal natin?" Tanong ni Iconoclast at siyang tumba na walang buhay ng aswang. Narinig na lamang ni Rugen ang nakapaligid na angil ng mga customer ng nasabing kainan, at kanyang binigyan ng kibit balikat lamang ang mga ito. "Na palalayain mo ako sa kontrata kung magawa kong mapaslang si Demon Lord Vains... Na kung saan ay somehow, ay paparating sa mundo, at ang palatandaan niya ay ang mga halimaw niya..." Sabi ni Rugen at saka siya napabuntong hininga.
Mahigit sampu ang aswang na nasa kainan, sabay sabay silang sumugod kay Rugen habang ang Hunter ay nakangisi lang at kanyang buong tapang na ibinalibag ang Iconoclast sa kisame at dinakma niya ang malapit na aswang at kanyang sinapak. Sunod ay kinuha niya ang isang kutsilyo, na nakahimlay sa sahig dahil sa kinuha kanina ng serbidor na aswang, at kantang sinaksak ang sumunod na aswang at ibinato niya iyon sa katapat niyang aswang na nasa salungat na direksyon. Ang mga sumunod ay nakatanggap ng tag iisang tadyak, at ang pinakahuli ay nakatanggap ng isang mabagsik na sipang tadtad
Wala pa sa mga ito ang permanenteng namatay, ngunit matindi ang pinsalang nililikha ng mga atake ni Rugen, hanggang sa mahimlay ang lahat ng aswang na customers at lumundag si Rugen upang tapusin na sila sa isang bagsak.
"Nice try people..."
At nasira ang buong kainan sa isang slash. Ang alikabok ay naglaho, at sa kanyang pagtindig ng maayos ay nakatayo ngayon si Rugen habang inikot niya ang kanyang paningin, at ang bawat isang mamamayan ng nasabing bayan ay nakalabas ang pangil sa kanya't handa siyang lapain sa sa isang sandali. Natanaw pa ni Rugen ang matandang nakausap niya kanina, at sumalampak. "Sumugod man kayo isa isa o magsabay man kayo ay tatanggapin ko, tinatamad na ako sa inyong kahat kaya gawin niyo na ito ng mabilis, mga mahihina..."