Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ang mundo'y kontra sa atin

anne_M3
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.5k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - "Ikaw lang sapat na"

Umaga noong ako'y naglalakad patungong eskwelahan. Sinuot ko ang aking headset dahiL ito ang hilig ko, ang makinig sa mga patugtog ko sa cellphone ko. Nang hindi ko namalayan ako'y natapiLok sa harap ng maraming estudyante. Hiyang-hiya ako noon at gustong tumakbo dahiL sa nangyari subalit isang lalaking nakatayo sa harapan ko ang pumukaw ng pansin sa akin.

"Tutulungan kaya ako ng lalaking ito or pagtatawanan din gaya ng ibang estudyante?" Iyan ang nasambit ko sa aking isipan. Nginitian ako sabay alis sa aking harapan. Ang epic! Akala ko pa man din tutulungan ako. Mabuti na lang at dumating ang kaibigan ko kasi kung hindi matagal na akong nakadapa sa sahig. Tumatak ang mukha nung lalaki sa akin kaya hindi ko siya makakalimutan. Nagkwekwentuhan kami ng kaibigan ko patungong library hanggang sa nakita ko siya na nakaupo sa gilid. Ang malas naman ohh kasi wala ng bakanteng maupuan kaya napilitan akong makiupo sa kanya. Tumawa siya sabay sabing "ayos ka lang ba kanina?" Aba! at may gana siyang tanungin ako matapos hindi ako tulungan kanina. "Pasensiya na ha, kung umalis na lang at hindi kita natulungan" pakiwari niya sa akin. Nagulat ako at hindi nakapagsalita habang ang kaibigan ko ang sumasagot ng "naku ayos lang yun" sabay tawa. Sa isip ko tuloy, bakit nga ba hndi mo ako tinulungan? Pero hindi ko na tinanong kasi nahihiya naman ako.

Papasok na kami sa susunod naming klase at nagulat ako isa siya sa kakLase ko. Nginitian ako sabay alok sa bakanteng upuan sa tabi niya. Ayoko sana pero sa oras na yun wala na naman bakante. Malas nga ba o sadyang tinatadhana na? Hanggang sa gumaan na ang loob ko sa kanya at gayun din siya sa akin. Naging mas madalas ang pagkikita namin, pagkwenkwentuhan at sabay na rin kumakain sa kantina. Biro sa amin ng mga kaklase namin, "kayo na ba?" May kilig pero nakakahiya kasi magkaibigan lang naman kami. Ngumiti siya sabay sabing " ayaw akong sagutin eh". Naku, nagbLushed ako at talagang nahiya ako sa narinig ko.

May biglang nagtext habang binubuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Number lang naman kaya hindi ko pinansin. May nagtext ulit at parehong number. "Hmm, sino kaya 'to? ang sambit ko sa sarili. Kaya naman nagreply ako at tinanong kung sino siya. "Ito nga pala si Reynan-yung kaklase mo". At bigla ngang bumilis ang tibok ng aking puso. Gusto kong sumigaw sa kilig at magtatataLon subalit baka akalin ng pamilya ko ay nababaliw na ako. Haha!

Nagpatuloy nga ang pagtetextsan namin hanggang sa naging madalas na rin ang pagtatawagan sa phone. Ang lamig ng boses niya at hindi ito nakakasawang pakinggan. Magaling kasi siyang kumanta at maggitara kaya naman lagi kong hinihilinh sa kanya na bago putulin ang tawag namin ay kakantahan niya ako ng paborito kong kanta. "Kahit maputi na ang buhok ko" tama yan nga yung kantang paborito kong kinakanta niya. At sa kantang yan, nagtapat na rin siya ng nararamdaman sa akin.

Magbabakasyon na noong tinanong ako kung pwede na raw ba niya ako ligawan. "Oo" yan ang kilig na sagot ko sa kanya :) .Paglipas ng dalawang buwan, officially gf at bf na kami. Ang saya di ba? Kasi umpisa na rin yun ng pasukan sa June. Namiss nga namin ang isa't isa kung kaya't pinagpilitan niya na dapat magkasama kami sa isang subject. Mabuti na nga lang may isang subject kami na magkaparehas. Nurse kasi ang kinukuha niya samantalang ako ay guro. Second year college nung umpisang naging kami. Habang tumatagal ang relasyon namin ay tumitibay naman ang aming pagsasamahan. Oo marami ng pagsubok ang napagdaanan namin subalit kinakaya at nalalampasan namin ang lahat ng ito. Hanggang sa nito lang, nalaman kong hindi pala ako gusto ng mga magulang niya. Oo inaamin kong salat kami sa buhay at siya naman ay sunod sa layaw. Mayaman sina Reynan kaya bago pa lang na naging kami alam kong isa ito sa hahadlang sa aming relasyon. Eh, ano naman ngayon, mahal ko siya eh. Yan ang lagi kong nilalagay sa isipan ko. Kahit mayaman siya hindi naman niya ipinakita sa akin na mas mataas siya kaysa sa akin. Seryoso siya sa akin at ramdam ko yun. Pilit kaming pinaglalayo ng kaniyang pamilya at heto pa may nireto sa kanya na magandang babae at mas mayaman pa sa kanya na kilala rin siya sa campus. Masakit na tanggapin na ayaw sa akin ng pamilya niya kaya minabuti ko na lang na makipaghiwalay sa lalaking minamahal ko kahit sobrang sakit at bigat sa pakiramdam. Habang sinasabi ko ang mga salitang " Itigil na lang natin ang kalokohang ito! Ayaw ko na, sumusuko na ako :( at tuloy-tuloy nga ang pagbuhos ng aking mga luha. "Akala ko ba kakayanin natin ng lahat ng ito, sabi mo pa walang bibitaw hanggang sa dulo na ako lang ang mamahalin mo at wala ng iba! Tapos ngayon susuko ka na!? Bakit!?. Umiiyak siya habang sinasabi ang mga bagay na yan sa akin. Niyakap ko siya nang napakahigpit at gayun din siya sa akin. Nang hindi inaasahan ang isang bagay na pareho naming hindi kailanman ay makakalimutan.

Mahal namin ang isa't-isa at ayaw nang maghiwalay pa kaya isang bagay ang hindi namin inaasahang mangyari. Wala kaming pinagsisihan sa nangyari sapagkat ginusto namin ito. Isa lang ang aming naisip at ito'y magtanan na rin. Akala namin noong umpisa ay madali subalit pareho kaming nahirapan at minabuting umuwi sa aming tahanan. Limang buwan din kaming nawala at mag-aapat na buwan na rin ang dinadala ko. Natatakot kaming pareho sa aming haharapin pero dapat amin itong kakayanin. Sampal dito, sampal doon ang natanggap ko sa aking mga magulang. Ako na lang kasi ang inaasahan nila tapos ito apa ang igaganti ko sa kanila. Humagulgol sina tatay at nanay. Wala silang gustong mangyari kundi ang panagutan ni Reynan ang pinagbubuntis ko. Kasama ang aking pamilya at si Reynan ay nagtungo kami sa kanilang bahay na noon ay inaabangan na pala kami ng pamilya niya sa kanilang sala. Malakas na boses ang sumalubong sa amin. Kulang na lang ay ingudngod nila si Reynan sa kanilang galit. "Siya ba ng gusto mong makasama!? Ang ipinagmamalaki mo sa amin na di hamak mas mahirap pa sa mga manok! "Ma tama na! Ang wika ni Reynan sa kaniyang Ina. Mahal ko po si Layla at hindi po yun magbabago. Magkakaroon na rin kami ng anak at pananagutan ko ang magiging anak namin. "Reynan, mamili ka ang babaeng iyan o ang buhay na nakasanayan mo!? --- Hindi agad sumagot si Reynan kaya natakot ako at baka ako ay kanyang tatalikuran. Laking gulat ko mas pinili niya ako kaysa sa buhay na kaniyang nakasanayan. "Aanhin ko ang maraming pera, ang marangyang buhay kung kailanman ay hindi ako magiging masaya. -Ang sambit niya sa kanyang pamilya. Lumayas kayo at kailanman hindi namin matataggap ang anak mo!

Masakit ngunit kailangan tanggapin na may mga bagay sa mundo na mahirap kamtin.