Chereads / Aza&Miguel / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Ginising ako ni Michelle para manghingi ng baon at pambayad sa field trip niya, buti na lang at ginising niya ako dahil mag aalas siyete na ng umaga, kailangan ko na pumasada.

"Good morning kuya, pinagtimpla kita ng kape tapos nagluto ako ng hotdog, may sinangag si nanay diyan. Kumain ka na."

"Good morning bunso."

Nasa sala na si tatay, nanunuod ng balita, si nanay naman nasa kusina na at pinaghahanda ako ng almusal. Sinalubong ako ng yakap ni nanay, nakakatuwa naman. Niyakap ko si nanay ng mahigpit sabay halik sa noo.

"Kain na Miguel, mamaya ba dito ka manananghalian? Lagi ka na lang sa karinderya kumakain, sabi mo puro mantika."

"Subukan ko nay, umuwi ng tanghali kung wala akong sakay. Si tatay ba nag almusal na?"

"Oo kanina pa kami, ikaw na lang. Sige na at kumain ka na, anong oras na iyon."

"Opo nay."

Pagkatapos mag almusal ay naligo na ako at pumasada. Hinatid ko muna si Michelle sa eskwelahan niya. Habang nasa biyahe kami, may napansin si Michelle sa loob ng taxi namin.

"Kuya, may naiwang wallet oh."

Wallet? Naku, kanino kaya iyan? Pinaabot ko kay Michelle ang wallet. Binuksan ko ang wallet at pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. May picture ni Aza! Napangiti ako, mukhang magkikita kami ulit ngayon ah.

"Isasauli ko na lang, naiwan ni Aza yan."

"Aza? Sinong Aza?"

Oo nga pala, hindi naman siya kilala ni Michelle. Hiniram ni Michelle ang wallet para makita ang picture ni Aza.

"Ang ganda nito kuya ah. Umamin ka, girlfriend mo?" tanong ni Michelle, natawa lang ako.

"Kita mo nga yang mukha niyan, mukha ba yang papatol sa akin? Siya yung huling pasahero ko kagabi, nahulog siguro sa bag niya. Ibabalik ko na lang."

"Yung totoo kuya? Saan mo ibabalik? Sa pulis? Mukhang madaming laman iyang wallet niya, nanakawin lang ng pulis yan. Atsaka, gwapo ka kaya, madaming nagkaka gusto sayo dun sa atin, papatulan ka nito syempre."

"Magkanong dagdag ba sa baon kailangan mo?" tanong ko kay Michelle, mukhang may kailangan eh.

"Si kuya talaga! Hindi ako nambobola." kunwari niya akong hinampas sa braso, tumawa lang ako. "Pero saan mo nga isasauli?"

"Sa condo kung saan siya nakatira."

"Hala siya! Alam mo din kung saan siya nakatira? Umamin ka na kasi, girlfriend mo kuya?"

Ang kulit naman nito ni Michelle, buti na lang at nasa eskwelahan na kami.

"Baba na, wala akong girlfriend, kapag meron, ikaw ang unang makakaalam." nagulat ako sa biglang tili ni Michelle, minsan itong bunso namin may sapak sa ulo. Lagi na lang niya akong kinukulit sa lovelife ko, ayaw daw niya akong matulad sa isa naming tito na tumandang binata. Ayoko din naman kaso kasi ang dami ko dapat unahin bago ang sarili ko, kaya sa ngayon, pamilya muna ang responsibilidad ko.

"Pakilala mo ako kay Ate Aza ah! Iove you, Kuya!"

"Love you too, mag aral ng mabuti!"

Bumalik ang isipan ko kay Aza, dadaan muna ako sa Condo niya sa Vito Cruz para isauli ang naiwan niyang wallet, nandito pa naman lahat ng ID niya. Nag hazard ako sa tabi ng Condo dahil wala namang parking sa labas.

"Good morning, Sir. Saan po kayo?" bati sa akin ng receptionist.

"Ano kasi, may pasahero ako kahapon dito bumaba. May naiwan kasi siya sa taxi ko, isasauli ko lang maam."

"Ah, nasaan na po yung wallet sir? Ano din po ang pangalan? Nakuha niyo ba?"

Binigay ko sa receptionist ang wallet, binuksan niya ito at may tinawagan. Mga 5 minutes lang may tumawag sa akin sa bandang likod, kalalabas lang siguro ng elevator. Pakiramdam ko si Aza.

"Miguel!"

Paglingon ko, hindi nga ako nagkamali, si Aza. Naka pajama pa siya, mukhang bagong gising pero ang ganda ganda pa din ng mukha niya. Ano ba yan, Miguel nababaliw ka na yata.

"Aza, naiwan mo wallet mo sa taxi ko kagabi, isasauli ko lang."

Inabot ko kay Aza ang wallet at nagulat ako sa biglang pagyakap niya.

"Thank you so much, Miguel. Nandito pa naman lahat ng IDs ko."

"Wala yun, sige, naka hazard lang ako baka ma tow yung taxi ko."

"Nag breakfast ka na ba? Breakfast tayo, makabawi man lang ako, na hassle ka pa dahil sa wallet ko." pag aaya ni Aza.

"Oo nag almusal na ako, atsaka wala kasing paparadahan taxi ko."

"Sige na, mag park ka na lang sa parking lot ng condo. Ako na bahala sa bayad."

Bago pa ako makasagot, kinausap ni Aza ang receptionist para ipaalam ang taxi ko. Pumayag ang receptionist at ano pa nga ba ang magagawa ko? Nagpaalam ako saglit para iparada ang taxi. Naku, thank you Lord! Ang bait bait niyo naman at hindi lang kami nagkita ni Aza, mag aalmusal pa kami. Ang lakas ko talaga sa inyo!

Pagpasok ko ng Condo, nag aabang na si Aza sa elevator. Nakangiti siya sa akin, sinagot ko din siya ng ngiti. Hindi lang maganda si Aza, mabait pa.

"Nakakahiya naman, Aza."

"Mas nakakahiya naman yung naabala pa kita dahil sa pagiging burara ko." bumukas ang elevator, pinindot niya ang 16th floor at tahimik kaming sumakay hanggang makarating sa unit niya.

"Napaka taas naman ng unit mo."

"Oo nga eh, pero okay din kasi tahimik, hindi ko naririnig mga ingay sa baba. Alam mo naman kung gaano ka busy ang Vito Cruz, maingay. Anyway, welcome to my humble abode Mr. Miguel"

Natawa ako sa tawag niya sa akin, siya ang unang tumawag sa akin ng Mr. Miguel. Maganda ang unit ni Aza, puro puti lahat, may accent lang na blue at pink, babaeng babae.

"Ang gulo ng kitchen ko, sorry. Nagluto ako ng bacon and eggs. May breads at ham din ako dyan. Do you want coffee?" tumango lang ako at umupo sa harapan ng mesa habang inaayos niya ang almusal namin, nakakahiya pero nakakatuwa din dahil feeling ko ang special ko ngayon at naguumpisa pa lang ang araw.

"Sige, kahit ano, nakakahiya nga eh."

May coffee maker si Aza at mukhang mamahalin yung kape na ipapainom niya. Pagkatapos niyang ayusin ang kape, umupo na din siya at sabay kaming kumain.

"So, matagal ka ng taxi driver?" Tanong sa akin ni Aza sabay abot sa akin ng tinapay na may palaman na ham at cheese.

"Ah, oo, dalawang taon na din akong pumapasada."

"I see, full time work mo?"

"Ah, Oo, full time work. Ikaw?"

"Me? I do photography, pero freelance lang. Sa may Ayala, remember doon mo ako sinakay hindi ba?"

Dahil pinaalala niya yung pagsakay niya sa Ayala, naalala ko yung mestizo na lamang lang ilang paligo sa akin. Itanong ko kaya sa kanya yung lalaki o baka masyado na akong pakielamero nun. Bahala na, kesa naman wala kaming pagkwentuhan.

"Yung lalaki pala, kumusta na?"

"Ah si Franco? He's okay I guess, we'll see each other later. Since nandito ka naman na, baka pwede mo akong ihatid sa Mall of Asia?"

Boyfriend siguro niya si Franco, medyo nalungkot ako. Saglit lang, bakit ako malulungkot eh hindi ko naman nililigawan itong si Aza, at lalong malabong magkaroon kami ng ugnayan. Prinsesa siya, pulubi ako. Nagpaalam si Aza para maligo at mag ayos, babayaran na lang daw niya ako ng isang libo dahil inistorbo niya ang biyahe ko. Tatanggi sana ako kaso nagpumilit siya, boundary din naman ito, tanggapin ko na lang.

Habang nasa biyahe kami pa Mall of Asia, may tinawagan siya sa telepono. Si Franco siguro.

"Yes babe, malapit na ako. I'll see you there. Bye."

Si Franco nga.

"Nandun na daw si Franco, he's really annoying pero hindi ko naman matiis, mahal eh."

Ngumiti na lang ako kay Aza, medyo kumirot ang puso ko sa mga sinabi ni Aza, ang swerte ni Franco, Anghel ang nobya niya. Tulad ng napag usapan, binayaran ako ni Aza ng isang libo, sabay baba sa kotse at sara ng pinto. Katulad dati, hinintay ko muna makapasok sa mall si Aza bago bumiyahe paalis.

Ito na ba ang huling pagkikita namin?