Xiena, saan ka pupunta ?
Doon sa park, gusto ko kasing tignan ang mga batang naglalaro doon.
Ngumiti na lang ako sa kaibigan ko na si Shacia at umalis na.
**BENCH**
Tommy mag slide tayo
Sige
Nakakatuwa tignan ang mga batang nag lalaro sa parke. Ganito ako palagi, umuupo ako sa bench at tsaka ginuguhit ang mga kabataang naglalaro sa playground, mga matatanda na nagpapakain ng mga ibon malapit sa fountain, mga nagdededate at marami pa.
Sana may kapatid din ako para kasama ko dito sa park at mag lalaro kaming dalawa.
UMALIS KA DIYAN!
Nagulat na lang ako nang may sumigaw papalapit sa pwesto ko. Sa gulat ko hindi ako nakagalaw. Natatakot ako at the same time na blanko ang pag iisip ko.
Bigla akong nakaramdam ng sakit ng ulo pagka gising ko. Puro puti lang ang nakikita ko.
Oh, Miss Xia gising ka na.
Na-nasaan ako *ouch*
Nasa hospital ka, dinala ka dito ng mga tao sa park dahil na ipit ka sa gulo kanina.
Hinawakan ko ang ulo ko at kinapkap, merong maliit na gasa sa noo ko. Pilit kong inisip ano ang nangyari kaina.
Huwag mo nang isipin ang nangyari kaina Miss Xia. Mas mabuting umuwi ka na at magpahinga na inyo. Kung gusto mo tatawagan naming ang pamilya mo para sunduin ka?
Tinignan ko si Doc. Okay lang apo ako Doc, kaya ko na po.
Sigurado ka?
Tumango na lang ako at kinuha ang gamit ko at umalis na.
Naglalakad ako sa gilid ng daan nang may matamaan akong pader.
Ouch , napahawak ako sa noo ko. Pagtingala ko ay isang nakasimangot na angel ang nakita ko.
Pasensya na, yumuko ako at aakmang umalis nang hawakan niya ang kamay ko at biglang hinatak papunta sa iskinita.
Bigla akong natakot. Aanong g-gawin mo? nanginginig kong tanong.
Sandali lang ito. Mas lalo akong natakot sasinabi niya.
Huwag please. Maluha luha kong paki usap ko sa kanya.
Mas hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay at mas lumapit pa siya. Aatras pa sana ako pero naramdaman ko ang isang malamig na pader.
P-please h-hwag. Shhh, tumahimik ka muna.
Napaluha na lang ako, bakit ganito ang nangyayari sakin? Naging mabait na man akong anak ah. huhu. Please.
Nasaan na kaya yun? Nakarinig ako ng mga tinig ng maraming lalaki. Mas natakot ako. Nanginginig na ako pero ang nasa harap ko na lalaki ay nakayuko lang na nakatitig sakin na parang seryoso pero napansin kong nakatutok siya sa mga paparating.
Nanatili akong tahimik at sa tingin ko nakita nila kami pero bigla na lang silang umalis. Matapos ng limang minuto ay umalis na sa harap ko ang lalaki.
Nakahinga ako ng maluwag pero nakatingin parin siya.
A-aalis na ako. Nagmadali akong umalis kaso hinabol niya ako at hinawakan ulit sa kamay.
A-ano ba! Kailangan ko nang magpahinga please. Kagagaling ko lang ng hospital.
I need your phone number.
What?
Phone. NOW.
Natakot ako bigla kaya binigay ko ang cp ko pero hindi niya naman tinakbo. May pinindot lang siya and binalik sakin yung phone at umalis na.
Natulala ako at tapos nagmadali akong pumara ng taxi at baka maulit na naman ang nagyari kanina.