Chereads / TRUTH UNTOLD: ANPANMAN / Chapter 1 - ANPANMAN ONE

TRUTH UNTOLD: ANPANMAN

bitter_boyish
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 9.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - ANPANMAN ONE

Buy it!

Clea's PoV

"Clea! Hurry up, you dimwit!" Narinig kong sigaw ng kaibigan kong si Kryz na siguradong inis na inis na naman sakin ngayon.

Bakit ba kasi tinanghali na naman ako ng gising eh? Aish! Ang hirap talaga kapag si Mama nasa abroad, walang gumigising sakin. Si Papa naman, wala na, iniwan na kami, ipinagpalit kami sa iba. Hay. Ganyan talaga ang buhay!

Nag iisang anak lang naman ako kaya wala akong kasama dito sa bahay namin, pero may kapit bahay naman akong hindi papatalo sa pagiging may ari ko dito sa bahay namin, paminsan akala mo siya pa iyong may ari ng bahay eh. Madalas na tambay dito, kapag kunti lang ang gagawin sa school at kapag wala.

"Nicoliesin Shier Clea Santiago!! Kapag hindi ka pa bumaba sa loob ng limang minuto, ilolock kita dito sa pamamahay na 'to!!" See? See? Ako iyong may ari, tapos ako pa iyong ilalock? Kapal diba?

Narinig niyo na pangalan ko 'no? Kakairita ang first name diba? May lie na nga, may sin pa, iyong totoo, simula ba ng pinanganak ako nang magkalabuan na sila Mama? O simula't sapul pa lang talaga? Obvious na obvious sa pangalan ko na may problema sila eh.

Pero enough na muna diyan sa magulang ko, kailangan ko ng bumaba at baka ilock nga ako nitong si Kryz.

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na sa may sala pagkatapos ay dumiretso sa kusina at kumuha ng tatlong tinapay para I love myself, pwede ding good morning, Clea. Pero mas trip ko I love myself, so iyon na lang.

"Tara na! Bagal bagal!" Agap agap, high blood? Di na naman siguro ito naiseen ng crush niyang barbero.

Pagkalabas agad namin ng bahay ay napaamoy kaagad ako, ang sarap talaga sa pakiramdam ng sariwang hangin, malamig na hangin.

"Chill ka lang, Kryz, tatanda ka kaagad niyan. Kung sa bagay, matanda din naman si Joseph." At sinundan ko iyon ng isang malakas na halakhak kaya naman hindi na ako nagtaka ng makatanggap ako ng batok mula sa kanya.

"Bwiset na ako sayo, huwag mo ng dagdagan pang animal ka!" Ngumiti ako at napailing iling sa isip ko. Ganyan naman yan eh, ganyan bibig niyan, walang filter, pero ito nga ang gusto ng mga tao sa kanya eh, totoo siya pero ewa ko lang kay Joseph the barbero kung bakit hindi niya magustuhan ang babaeng 'to.

"At saka, Clea! Fyi! Twenty three years old pa lang si Joseph 'no! Makamatanda 'to eh! Bwiset 'to." Well, para sakin masyado ng matanda para samin ang ganoong age. Three years ang agwat? No, ayaw ko noong lumalampas sa one, di ko 'yon gusto.

Nang malapit na kaming dumaan sa barber shop ay napatingin ako kay Kryz na titig na titig sa harapan ng barber shop, kung ano na naman sigurong ini imagine nito.

"Hinay hinay lang, Kryz, malapit na tayo, baka pagkamalan kang tangang naliligaw. Mas lalong hindi magkagusto sayo." Nilingon niya ako ng marahas at sisigawan na sana ng ituro ko ang barber shop na sobrang lapit na samin kaya naman napatahimik na lang siya at umirap sakin.

Habang dumadaan kami sa harapan ng barber shop ay pigil na pigil sa paghinga si Kryz, matindi na ang tama nito, masyadong malalim.

Napatingin ako sa looban at nakita ko ang nakatingin na si Joseph kay Kryz na parang robot, nakatingin lang sa harap niyang kalsada at hindi nililingon ang nasa gilid naming barber shop.

Lumingon sa gawi ko si Joseph at nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay tumayo siya at nag ayos na.

Well, may ibubuga naman sa itsura si Joseph. Moreno, iyon ang mga tipo ni Kryz eh.

Noong nakalagpas na kami ay saka siya huminga ng malalim.

"Goodness! That was... shit! My heart!" Umiling iling na lang ako at inunahan siya sa paglalakad papuntang kanto, doon pa kasi ang terminal ng tricycle.

-

"Hello there, Clea!" Lumingon ako kay Ecka at ngumiti, kablock ko siya sa isang subject.

Lumiko ako sa hallway at nagmamadaling pumunta sa room ko, sana talaga late din si Prof para naman hindi nakakahiya! Shitness lang talaga!

May dalawa lang kaming parehang subject ni Kryz at parehas iyong last two subjects namin kaya naman lagi kaming nagkakasabay.

"Woah! Swerte mo, Clea, wala pa ang Prof natin!" Parang nakakita bigla ako ng mga rainbows sa paligid ko ng marinig ko iyon galing kay Ystal na nasa bungad ng room namin.

"May dala dala talaga akong swerte kahit saan!" Napa usal na lang akong ganoon. Terror din naman kasi iyong unang prof ko ngayon!

"By the way, may assignment ka na ba?" Napatigil naman ako sa naging kasunod na tanong niya.

"May assignment?! Saan?! Hala, shit!" Para akong nabuhusan ng isang malamig na tubig ng tumango siya. This is bullshitiness!

"Maggawa ka na! Madali lang naman iyon eh, kung mahihirapan ka, paturo ka doon sa baklita mong kaibigan." Napalingon naman ako kay Excil na tinuro niya, may suot itong earphones at nakatanaw sa labas ng bintana.

"Hay nako naman, Ystal! Sinabing hindi yan bakla eh! Sadyang hindi ka lang tipo." Humarap ako sa kanya at ngumisi. Inirapan niya naman ako at pinandilatan.

"Buwiset ka! Sana pala hindi ko na ikaw sinabihan! Hmp!" Inis na sabi nito at nilagpasan na ako. Napahalakhak naman ako at dumiretso na sa upuan na katabi ng kay Excil.

Tinanggal ko ang earphones nito at nang lumingon siya sakin ay ngumiti ako ng pagkatamis tamis. Kumunot ang noo niya.

"Ano na namang kailangan mo?" Ngumuso ako na siya namang naging dahilan para mapangiwi siya. Sasabihan na naman ako nitong nagpapacute, never namang naging cute. Bwiset!

"Turuan mo ko sa assignment natin." Inirapan niya ako at pinasak ulit sa tenga niya ang earphones. Kaya siya masabihan ng bakla ni Ystal eh, laging nang iirap.

Pero dahil makulit ako at kailangan na kailangan ko talagang maggawa na ngayon ng assignment! Kaya naman hinatak ko ulit ang earphones niya at marahas naman siyang lumingon sakin at binigyan ako ng masamang tingin, ngumiti ulit ako.

Sa tingin niyo, kaibigan ko ba talaga 'to? Aba sakin oo! Kung sa kanya, ewan ko.

"Turuan mo na ko! Ilalakad kita kay Ystal, kapag tinuruan mo ako!" Umismid siya sakin at umiling iling.

"Ilang beses mo ng nasabi 'yan? Wala namang nangyayari. At saka..." ngumisi siya sakin. "Kaya ko naman kahit wala ang tulong mo." Napalaki ang mga mata ko sa lakas ng apog nitong lalaking 'to!

"Yabang! Torpe naman!"

"Tss."

Napangiti ako ng malawak nang sinimulan niyang butbutin ang bag niya at naglabas ng notebook. Yes!

Kinuha ko ang notebook at ballpen ko at naghanda na para makinig sa kanya.

"Madali lang naman kasi ito, Clea, tamad ka lang talaga ngayon." Oo, ewan ko din ba kung bakit ako tinatamad ngayon.

"Simulan na natin ginoo na pinagkakamalang binibini ni Ystal dahil sa iyong katorpehan!" Tiningnan niya ulit ako ng masama at sinuway ako.

"Huwag ka ngang maingay diyan! Mabuking tayo niyan!" Nagthumbs up ako sa kanya.

"Derivatives? Alam mo na naman 'to eh! Ako pa nga ang tinuruan mo nito!" Asik niya sakin kaya naman umirap ako sa kanya.

"Iyong totoo? Magpapaturo ka ba talaga o mangongopya?" Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang papel niya na may sagot.

"Nadali mo! Galing mo talaga, Excil!"

"Hay nako, Clea. Bahala ka nga diyan. Ingatan mo papel ko." Hindi ko na siya pinansin at naging busy sa pagsasagot, pagsasagot nga ba? Hehe,pangongopya talaga.

Kasi naman! Pauso si Sir! Pwede namang ituro na lang ang short method dito, naglong method pa! Gustong gusto kaming pahirapan eh.

Kung ganito pala ang hirap sa pagtiteacher, eh sana hindi na ako nagtake ng course na 'to! Sana pala nagpsychology na lang ako para din grabe ang maitulong ko sa mga kaibigan kong siraulo! O kaya magliterature na lang ako, sa pagsusulat na lang kakapit. O mas magandang maging designer ng gowns or isusuot ng mga artista, malay mo may makadestiny ako na artista! Ay bongga!

Itong katabi kong 'to na lalaki, siya si Exerbiln Cilleo 'the baklitang torpe' Villena. Certified na adik kay Ystal pero sobrang dami ng award sa pagiging torpe. Nakilala ko itong si Excil nang pumasok ako sa dito sa school na ito noong first year college at doon ko din naging kaclose, dahil sa pagiging close namin, naging close ko din si Ystal kasi naman habol ng habol at papansin si Ystal kay Excil, hindi tinatantanan, pinagselosan pa nga ako ng gaga eh!

Dahil nga close kami ni Excil, ehem, napaamin ko din siya, matagal na pala silang magkaklase ni Ystal, elementary pa lang at elementary din siya nagsimulang magkagusto kay Ystal! Jusme! Tinamaan ang lintek ng nakakairitang pag ibig!

Bakit ko nasabing nakakairita? Nakakairita naman kasi talaga kasi hanggang ngayon wala pa ding dumadating na magiging prince charming ko! Oo! May crush naman ako pero masyadong mataas ang reputasyon dito sa school namin, malayong magkagusto sakin, masungit din at bihira lang mamansin. Hindi pa nga ako napapansin noon eh! Hmp!

"Oh, tapos na! Thank you!" At saktong pagkatapos ko ay siyang pagdating ng prof namin. Wow, tindi talaga ng swerte ko sa katawan.

"Iciaaaaaaa!" Tawag ko sa babaitang nagliligpit ngayon ng gamit niya. Lumapit ako sa kanya at tumingin naman siya sakin.

"Bakit?" Sinimangotan ko siya.

"Bwiset ka! Hindi mo kami hinintay kanina! Hmp!" Napahalakhak naman siya sa aking tinuran at tinapik ang balikat ko noong tapos na siyang magligpit.

"Sa susunod kasi agapan mo ang gising, ayokong malate 'no!"

"Dahil diyan, libre mo ko! Busy ngayon si Kryz eh, hindi ko mabubulabog, kapag naman ginawa ko 'yon, panigurado bugbog." Sabay kaming natawa. Ganoon naman kasi talaga si Kryz, masiyadong masungit, mataas ang pride at hindi palangiti, si Joseph lang talaga ang makakatapat sa pagkagayan niya.

"Huwag ka namang bili nang bili ha? Maawa ka sakin, parehas lang tayong may kaya sa buhay." Nagthumbs up ako sa kanya.

"Sana pala lagi na lang kaming late." Tiningnan niya ako nang masama.

"Ngayon lang 'to, loka 'to."

"Oo na, oo na---Uy! Icia! Iyong barkada nila Brett oh! Nandoon sila sa laging pwesto nila." Wika ko sa kanya at ni hindi man lang siya lumingon doon bagkus ay dumiretso na siya sa pagpila.

Dali dali naman akong pumunta sa may likod niya at sinundot sundot ang tagiliran niya.

"Kumpleto ba sila?" Napatigil ako sa pagsundot sa kanya at napalingon ulit doon sa pwesto nila Brett.

"Uhm..." bakit kaya lagi niyang tanong sakin tuwing sinasabi ko sa kanya na nandoon sa isang lugar sila Brett ay tinatanong niya kung kumpleto ba sila? So weird, may sinisilayan ata ito eh!

"Hindi sila kumpleto." Pagsisinungaling ko kaya naman nakita ko ang pagbaling ng ulo niya para tingnan ang pwesto nila Brett pero kaagad din siyang napa iwas ng tingin at maya maya ay humawak sa dibdib niya.

"Bullshit ka, Clea! Sabi mo hindi sila kumpleto! Kumpleto sila eh, ano, hindi na marunong magbilang?" Mabilis pa din ang paghinga niya hanggang ngayon. Anong meron?

"Nagtataka lang talaga ako kung bakit lagi mo iyong tanong tuwing sinasabi ko sayo na nandoon sila sa ganito, sa ganiyan. Ang weird mo lang." Napabuntong hininga siya at nakita ko ang pagiging kalmado niya na.

"May... delikado..." narinig kong bulong niya. Sobrang hina lang noon pero narinig ko pa din.

"Delikado? Huh? Ang weird mo talaga! Ang babait kaya nilang lahat, lalong lalo na iyong nakablue na damit." Umiling iling na lang siya at hindi na ako pinansin dahil kami na ang susunod na oorder.

Napatigil ako sa paglakad ng bigla akong akbayan ng kung sino. Tiningnan ko kung sino iyon at napasimangot na lang ako ng si Ystal ang bumungad sakin.

"Kailangan?"

"Hey yow, guys! Pagkatapos niyo diyan, doon na kayo samin pumwesto ha?" Nanliit ang mga mata ko sa tinuran niya. Pustahan! Pustahan talaga, ginagawa niya lang ito para...

"Hindi ko kayo niyayaya para makasama ko si Excil 'no! Gusto ko lang talaga kayong kajoin!" Depensa niya sa kanyang sarili pero namumula siya kaya naman mas lalo kong niliitan ang mata ko.

"Fine, fine, fine, aside doon sa gusto ko kayong makasama ay gusto ko ding makasama si Excil kumain at mangyayari lang iyon kapag kasama kita, Clea."

"Manggagamit ka talaga 'no?"

"Slight lang! Babye!" Kumaway kaway pa ito sa amin at dumiretso na sa napili niyang pwesto, nakita ko naman na nandoon si Excil at nakapasak na naman ang earphones nito sa tenga. Walang pakialam sa paligid niya habang ito namang si Ystal ay panay ang dada, eh hindi naman nakikinig sa kanya si Excil. Napailing iling na lang ako.

Wala ka na talagang pag asa, Ystal.

-

"Woah! Kakapagod! Ayaw ko na!" Reklamo ni Kryz ng makalabas kami sa paaralan namin.

"Kailangan mong sumilay sa isang Jornell Seth Philip Arellano para mabalik mo ang lakas mo!" Lumingon ako sa kanya at ngumisi. Napangiti naman siya kaagad at nagtatalon pero kalaunan ay bigla na namang nanlumo.

"May kailangan pa nga pala akong bilhin sa palengke para sa gagawin naming project! Hmp! Samahan mo ko, Clea." Wala naman akong choice kung hindi ang sumama kaya naman tumango na lang ako at sabay kaming naglakad papuntang paelngke, walking distance lang naman kasi eh. Sayang pera!

"Project? Masyado pang maagap para sa peoject ah?" Nagtataka kong tanong.

"Tss! Masyadong advance ang prof namin ngayon eh, pero mabuti na din yon para hindi na siya makapagsabayan sa iba."

"Kung sa bagay, mas maganda nga kung ganyan."

"Nga pala, Clea! May tips ka ba para magustuhan ako ng isang Jornell Seth Philip Arellano?" Napangiwi ako nang dahil sa tanong niya. Seriously? Sakin pa talaga niya tinanong? Crush, crush lang sakin tapos wala din akong pakialam doon sa crush ko, tapos sakin pa talaga siya magtatanong?

Well, madami naman akong alam diyan kaya go!

"Nako, Kryz, tigil tigilan mo ko sa kakaganyan mo! Alam kong kapag nagustuhan ka na ng lalaking 'yon at tinanong kung pwedeng maging kayo, hindi ang isasagot mo! Ayaw na ayaw mo kaya sa mga ganyan!"

"Bakit mo susubukan kung nagpapatalo ka pa rin diyan sa takot mo?"

"Malay mo naman, Clea, mawala itong takot dito. Malay mo siya lang pala ang magbibigay tapang sakin."

"Malay! Malay! Malay ba natin kung magiging ganyan nga ba?"

"Clea naman..." may pagsusumamo sa boses niya kaya naman hinarap ko siya at saka nameywang.

"Ikaw na babaita ka! Ewan ko sayo!"

"Hmp!" Umakto pa siyang nagtatampo sakin. Siraulo talaga.

"Maiba tayo ng usapan, nakausap mo na ba itong si Icia? Iyong masinsinan, sikreto ganurn?" Tumingin naman siya sakin ng nakangiwi.

"Sikreto nga diba?" Umasim ang mukha ko dahil doon.

Paminsan ang sarap mong isalvage! Punyeta ka!

"Bwiset ka talaga! Sabihin mo sakin kung may kinalaman iyon sa team nila Brett." Wika ko sa kanya.

"Wala siyang nababanggit at saka isang himala na kapag nagkwento iyon tungkol sa basketball, ayaw na ayaw kaya noon sa basketball," Oo nga naman, ayaw na ayaw niya sa larong basketball, ito nga ba ang dahilan noon?

Hindi naman siguro.

Hindi niya sasabihan na delikado iyong mga iyon ng dahil lang sa ayaw niya sa basketball.

"Hindi mo ba siya napapansin, parang iwas na iwas siya sa kanila lalong lalo na kapag sinabi nating kumpleto sila." Kunot noo kong wika at napabuntong hininga.

"Iyan din ang napansin ko eh, para bang meron na kakaiba talaga."

"Kailan nga pala siya lumipat sa subdivision?"

"Siguro noong grade eleven tayo." Tumango tango ako.

Siguro... siguro may naganap sa kanya dati at doon sa lalaking iniiwasan niya ngayon na nandoon sa team nila Brett. Hmm...

Oo nga! Baka nga ganoon! Nice one, Clea.

Ngayon, ang misyon mo ay ang malaman iyon at malalaman mo lang iyon kung susundan mo siya.

"Mabalik tayo sa'ming dalawa ni Joseph." Wika ni Kryz kaya naman binatukan ko siya at saka ako na ang naunang maglakad sa kanya. Narinig kong tinatawag pa niya ako pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad at nakatingin ng deretso sa kung nasaan ang pwesto ng pedestrian lane.

"Ineng." Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sakin. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko ang isang matandang babae na nagtitinda ng mga manika. Ang gaganda noon at nakakahumaling ang lahat. Paniguradong magugustuhan ito ng mga taong mahihilig sa manika at nagkataong kasama ako sa bilang nila.

Waaaaaah! Panibagong gastos na naman ito, Clea!

Kailangan ko 'tong bilhin! Kasi hindi ako nito papatulugin mamaya kaya naman kailangan talaga!

"Lola, ang gaganda naman po niyan. Gawa niyo po?" At saka ako ngumiti sa kanya. Bigla naman akong nahiya nang tumitig siya sakin at napakunot ang noo ko nang mapansin kong parang may pinapahiwatig ang titig niya sakin.

"Woooh! Nako, Clea! Ang hilig mo talaga sa mga ganito!" Napalingon ako bigla sa kakarating pa lang na si Kryz at hinihingal ito.

"Ako nga ang mga gumawa niyan, ija." Napabilog ang bibig ko dahil sa sinagot ni Lola.

"Seriously? Woah!" Pati na rin si Kryz na hindi mahilig sa mga ganito ay namangha.

"Magkano po?" Hindi ko na talaga napigil ang sarili ko na bumili. Kasi naman! Para akong hinihila ng mga manika dito!

"Isang daan at singkwenta lang itong dalawa, ito namang tatlo ay dalawaang daan." Ano, Clea? Tuloy ba? Kaya ba?

Aba syempre!

"Ah! Pabili po ng isa!" Waaaah! Namimili na ako ng may bigla siyang nailabas sa bag niya na nakapukaw ng pansin ko. Ang ganda, ngayon lang ako nakakita ng ganitong disenyo. Kamangha mangha.

"Ito, ija, kakagawa ko lang nito, baka magustuhan mo." Tukoy niya doon sa manikang nailabas niya. Lalaki ito na may mahabang buhok at nakoreanong damit siya, kinuha ko ito at tinitigan ang mga mata. Ang ganda. Nakakahumaling ang mga mata nitong manika na ito, kulay pula.

"Wow, Clea! Parang iyong kepap boys lang na gusto mo ah! Iyong mga koreano ding nagsusuot ng mga ganyan!" Napangiwi naman ako sa pagpronounce ni Kryz ng Kpop. Paminsan talaga, pang asar ang babaitang 'to, panira ng moment. Masarap upakan eh.

"Magkano po ito?"

"Isang daan na lang para sayo, ija." Ngumiti ako ng malawak at kinuha ang wallet ko at saka nagbayad. "Salamat, ija."

"Walang anuman po." Tumango siya at aalis na sana kami ng may pahabol na sabi siya samin.

"Ingatan mo yan ha? Alagaan mo ha?." Napakunot ako sa sinabi niya at binigyan niya lang ako ng isang makahulugan ngiti. Magtatanong pa sana ako tungkol doon ng biglang sumingit si Kryz.

"Tara na, Clea! Baka magsarado ng maagap ngayon ang barber shop at hindi pa ako makasilay sa Joseph ko!" Nagpatangay na lang ako sa hila sakin ni Kryz pero nanatili pa din sakin ang tinuran ng matanda kanina.