Chereads / Angel of my Journey / Chapter 27 - Chapter 27

Chapter 27 - Chapter 27

Kinabukasan, maagang gumising si Charisse para asikasuhin ang mga kapitbahay. Nakahanda na ring umalis sina Maricel at ang nanay niya. Nagmamadali siyang pinuntahan ang kinaroroonan ng iba pang mga bisita. Ngunit malayo pa lang ay naririnig na niya ang mga halakhak ng mga ito.Tuwang tuwa sila sa mga kwelang kwento ni Glenn.

"Si kuya talaga, kahit kailan." Napapailing niyang sambit.

Nakita siya nito at ngumiti. Abot tenga na naman ang ngiti nito.

"O gising na pala ang hinihintay ninyo." Anito sa mga bisita. Halos sabay-sabay na lumingon ang mga ito.

"Magandang umaga po, pasensiya na po at ako yata ang huling nagising." Aniyang nahihiyang ngumiti.

"Ano ka ba, sadyang maaga lang kaming nagigising." Sagot ni Mang Kanor.

"Madaling araw pa lang ay nagsisimula na kaming maghanapbuhay. Mas maaga, mas maraming matatapos." Salo naman ni Aling Irma.

"Oo nga." Sang-ayon naman ng iba.

"O sige po, magkape muna kayo bago umalis ha. Saglit lang at maghahanda ako."

"Naku cha, huwag na. Nakakahiya na masyado. Huwag ka ng mag-abala." Pigil ni Aling Irma.

"Ay hindi po kayo pwedeng umalis nang hindi man lang magkalaman ang mga sikmura po ninyo. Alalahanin nyo po na marami kayong gagawin pag-uwi ninyo. Kahit kape at tinapay lang po muna."

"Tama po si Cha, kaya po magkape na muna kayo bago umuwi." Sang-ayon naman ni Glenn. "Tara Cha, tutulungan na kita at nagmamadali na sila." Baling nito sa kanya. "Ayaw yata nilang maabutan ng sinag ng araw dito." Biro pa nito.

"Sige na nga. Kahit ayaw na sana naming makaabala pa sa inyo. Pero bawal daw po tumanggi sa pagkain." Nakangiting sagot ni Mang Kanor.

"Sige po, maiwan na muna namin kayo saglit." Tugon ni Charisse na agad na ring umalis. Kasunod niya si Glenn papuntang kusina.

Mayamaya pa ay pumasok si Maricel. Agad itong lumapit kay Glenn, mukhang malungkot.

"Bakit ganyan ang hitsura mo?" Takang tanong ni Charisse.

"Kasi po ma-mimiss ko si kuya." Sagot nitong pinapupungay ang mga mata.

"Ha!?" Muntik ng mabitiwan ni Charisse ang hawak na kape na ilalagay niya sa tray. "Ano nga ulit ang sinabi mo?"

"Ay hindi nyo po narinig?"

"Parang hindi eh. Medyo nabibingi kasi ako, pakiulit nga."

"Sabi ko po, ma-mimiss ko si kuya." Inosenteng ulit naman ni Maricel.

"At inulit mo nga!?" Natatawang pahayag ni Charisse. Tumingin siya kay Glenn na ngiting aso na naman.

"Ate naman, sabi mo kasi hindi mo narinig eh."

"Niloloko lang kita. Nagpauto ka naman."

"Ano ba yan?" Malungkot na sagot nito.

"Hayaan mo na, pwede ka namang bumisita dito." Salo ni Glenn para mapawi naman ang lungkot nito.

"Talaga kuya!?" Bigla namang nagningning ang mga mata nito.

"Hoy Maricel ha, umayos ka." Ani Charisse na nakapameywang pa. "Ang bata -bata mo pa. Tsk.!"

"Ate naman...." Angal nito.

"Anong ate naman? Pwede kang pumunta dito pero hindi pwede sa gabi." Patuloy niya.

"Sa umaga lang talaga pwede? Kung kailan tulog ako?" Angal naman ni Glenn.

"Aba'y siyempre!" Mabilis na sagot ni Charisse. "Pwedeng dumalaw pero hindi kayo pwedeng magkita." Paismid na dagdag niya habang nagtitimpla ng kape.

Natawa naman si Glenn sa tinuran niya. "Ahem! Seryoso ka talaga?" Pang-aasar na tanong nito.

"Ay hindi po, joke lang yun kuya. Joke!" Seryoso naman niyang sagot.

Tumaas lang ang kilay nito at lumingon kay Maricel na nakatitig lang Kay Charisse. "Ano kayang iniisip ng batang ito?" Sa isip isip niya habang nakatingin dito.

"Kuya Glenn ha, huwag mo ngang pinapaasa yung bata." Untag ni Charisse sa iniisip niya. Napabaling ang tingin niya dito. "Kung maka bata naman itong si Charisse parang ang tanda na niya." Natatawa siya sa naiisip. "Teka lang muna, ilang taon ba ang agwat ninyong dalawa?" Usisa niya sa mga ito.

"Isang taon lang po yata." Sagot ni Charisse. Tumawa lang si Glenn na ikinairita naman ni Charisse. "May problema ka sa isang taon kuya?"

"Wala naman. Ikaw, may problema ka ba sa tawa ko?" Pang-aasar ni Glenn.

Irap lang ang iginanti ni Charisse. Napangiti naman si Glenn. "Kaya pala lage kang inaasar ni sir eh. Haha!"

"At bakit naman nasali yun dito?"

"Wala. Ngayon ko lang kasi napagtanto." Dagdag pa nito na hindi nawawala yung ngiti.

"Sino po yun ate?" Curious na tanong ni Maricel. "Kahapon nyo pa po sinasabi yan pero hindi ko naman po nakita."

"Yung boss namin, mas gwapo yun keysa sa kanya."

"At inamin mo rin!" Sigaw ni Glenn.

"Ang alin?" Gulat na tanong ni Charisse

"Na gwapo si boss."

"Ano naman ngayon? Totoo namang mas gwapo yun sa'yo."

"Sige ha, sasabihin ko kay boss."

"Eh di sabihin mo!" Matapang niyang sagot.

"Sasabihin ko talaga!" Sagot ni Glenn. "Kunwari naaasar ka....."

"Aray!" Biglang sigaw ni Charisse.

"Ate!" Kahit nagulat ay agad namang nakatakbo si Maricel para alalayan si Charisse. Nasagi ni Charisse ang isang baso ng kape at natapon ito sa kanyang paa.

"Ate ok ka lang?" Nag-aalalang tanong nito.

"Naku, napag-usapan lang eh nawala ka na sa focus." Pang-aasar pa rin ni Glenn.

"Kuya!" Asar na sigaw ni Charisse.

"Tsk....tsk.." Ani Glenn na napapailing habang kumukuha ng gamot.

"Ang kulit mo rin kuya, napaso na nga si ate cha." Komento ni Maricel.

"Eh kasi naman, itong ate mo "in denial" mode lage. Pero lage rin namang affected. Haha!" Sagot naman ni Glenn na tuwang-tuwa.

"Huwag mong pansinin yang si kuya, wala lang magawa yan kaya ganyan." Ani Charisse kay Maricel habang naglalagay ng gamot sa mga paso niya.

"Parang gusto ko tuloy makita yang si boss." Ani Maricel.

"Ay huwag na. Hindi na." Mabilis na sagot ni Charisse.

"Bakit naman po?"

"May sakit siya ngayon kaya hindi pwede."

"Ay, sayang naman." Malungkot na sagot ni Maricel.

"Huwag kang mag-alala babalik ka pa naman dito di ba?" Salo ni Glenn. Gusto niyang humalakhak sa sama ng tingin ni Charisse sa kanya. Kung patalim lang mga ito ay kanina pa siya nasugatan.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Makisuyo na nga lang nitong kape at tinapay at masakit yung paa ko."

"Ay oo nga pala. Sorry ate." Agad na tugon ni Maricel. "Kami na po bahala dito ate. Pahinga ka muna ha."

Tumango lang si Charisse. Humahapdi ang mga paso niya kahit nalagyan na niya ng ointment. "Ano ba naman kasi ang nangyari sa akin at hindi ko napansin yung kape?"

"Kasi nga po nawawala ka sa sarili kapag pinag-uusapan si boss!" Sagot ni Glenn.

"Ha!? Nasabi ko ba yun ng malakas?" Gulat na bulalas ni Charisse.

"Naman! Kulang na nga lang sumigaw ka eh! Hahaha!" Pang-aasar pa ni Glenn.

"Ewan ko sa'yo kuya! Tigilan mo nga ako!" Ismid ni Charisse.

"Ay sus! Gustong gusto mo nga eh!"

"Kung hampasin kaya kita ng kape!?" Asar na sigaw ni Charisse.

"Tama na nga po 'yan." Awat ni Maricel kahit natatawa siya sa dalawa. "Kuya halika na at nang makauwi na rin kami." Baling nito kay Glenn.

"O tingnan mo, nang dahil sa'yo hindi na sila makakauwi ng maaga." Sabad naman ni Charisse.

"Seryoso? Ako talaga ang dahilan? Hmmmm....siguro kung hindi ka tatanga tanga ay natapos mo ng ipamigay 'to sa kanila." Sagot ni Glenn.

Asar na asar si Charisse kaya akma sana niyang batuhin si Glenn ng kutsara na nasa harapan niya.

"Ay tama na po." Awat ni Maricel. "Kuya huwag ka na kasing asarin si ate."

"Kunwari ka pa, tuwang tuwa ka nga sa pang-aasar ko sa ate mo."

"Kanina po yun, ngayon hindi na po ako natutuwa." Seryosong sagot ni Maricel.

"Ayun oh, seryoso na siya. Hahaha!" Ani Glenn na binuhat ang tray na pinaglagyan ng kape. "Tara na nga! Ang asar talo!"

"Grrr!!!" Gigil na sigaw ni Charisse.

"Ate, ang puso mo." Ani Maricel na nakangiti. "Hayaan mo na si kuya kasi the more na naaasar ka mas lalo ka niyang aasarin."

"Nakakainis kasi." Pagmamaktol pa niya.

"Sige ka ate, tatanda ka nyan. Ang aga aga ay nakasimangot ka."

"Sige na nga, okay na ako. Sumunod ka na lang kay kuya para makaalis din kayo ng maaga."

"Sige ate, salamat." Pagkasabi ay lumabas na din ng kusina si Maricel dala ang tray ng tinapay.

Pagkaalis ng dalawa ay dahan dahang umupo si Charisse. Nagngingitngit pa rin ang kalooban niya niya kahit sinabi na niya niya kay Maricel na okay lang siya.

Malungkot niyang pinagmasdan ang kanyang paa, napabuntonghininga siya. Marami pa naman siyang kailangan gawin ngayong araw. Ang dami niyang kailangan linisin sa loob at labas ng bahay, marami siyang labahan at kailangan niya ulit mamalengke at mag groceries.

"Haaay." Buntong-hininga niya. "Kapag minamalas ka nga naman." Sumandal siya sa upuan at napapikit. Parang ngayon pa lang ay napapagod na siya.

Ilang minuto ang nakalipas at bumalik na si Maricel. Nakita niya si Charisse na nakapikit pa rin. "Ate, hindi ka yata okay. Gusto mo ba dito muna ako?" Nahihiyang suhestiyon niya.

"Huh!?" Napabalikwas naman si Charisse. Hindi niya namalayan ang pagpasok ni Maricel sa kusina. "Ay hindi na. Okay lang ako, mas kailangan ka dun sa inyo at alam ko na marami kayong dapat ayusin." Mukha namang hindi kumbinsido si Maricel. Sa tingin niya ay kailangan ng tulong ni Charisse.

"Ano ka ba? Paso lang 'to. Malayo sa bituka." Sabi niyang nakangiti. "Mawawala na din yung sakit nito mayamaya."

"Talaga ba?"

"Ay naku, oo naman." Aniyang tumayo. "Kaya ko na 'to. Paso lang 'to."

"Sige ate. Sigurado po kayo ha?"

"Hindi ka rin makulit ano? Bumalik ka na lang dito kapag tapos ka na sa inyo."

"Sige po." Aniyang nakangiti. "Pwede akong bumalik kahit kailan ko gusto?"

"Aba, ang sabi ko, kapag tapos ka na sa mga gawain mo sa inyo. Teka nga lang," napaisip siya. " gusto mo ba talagang mag-stay dahil sa akin o dahil kay kuya?"

"Ate naman, siyempre po dahil sa inyo." Aniyang humawak pa sa braso niya.

"Umayos ka. Hmp!"

"Cel, hinihintay ka na nila sa sala. Uuwi na daw kayo." Sabad ni Glenn.

"Ay teka lang magliligpit at maghuhugas pa nga ako."

"Ako na gagawa niyan. Umuwi ka na." Sagot ni Charisse.

"Pinapalayas mo na ako ate?" Malungkot na sabi nito.

"Huwag ka ngang OA. Hinihintay ka na nga di ba? Ako na gagawa niyan."

"Tulungan ko na lang ate mo, sige na." Ani Glenn.

"Ang bait talaga ni kuya." Puri ni Maricel na kinikilig pa.

"Halika na at magpapaalam na din ako sa kanila." Hinatak niya ang braso ni Maricel at nagtungo sa sala.

Pagkatapos makapagpaalam ay sinimulan na niya ang mga kailangan niyang gawin at tapusin ngayong araw. Pero una sa lahat, kailangan niyang ipaghanda ng almusal ang masungit niyang boss.

"Bakit ang tagal ng almusal ko?"

Muntik na mabitiwan ni Charisse ang hawak niyang baso nang may biglang nagsalita sa likuran niya. Agad siyang lumingon.

"Sir!?"

"Bingi ka ba?"

"Ay hindi naman po. Nagulat lang po ng konti." Katwiran niya. "Ito na po, paakyat na nga po ako eh."

"Kung hindi pa ako bumaba..."

"Sir, maaga lang po kayong nagising ngayon."

"What!?"

"Wala po. Sabi ko po, magandang umaga." Aniyang nakangiti. "Dito po ba kayo kakain o iaakyat ko pa po ito?"

"I'll eat here." Malamig na tugon nito at umupo sa harap ng pagkain.

Inayos naman ni Charisse ang pagkain na maayos na sanang nakalagay sa tray. "Enjoy your breakfast po." Aniya pagkatapos at lumabas na ng kusina.

Nakasalubong naman niya si Glenn sa sala. "Anong nangyari dun sa boss mo? Namiss ka yata kaya bumaba." Panunukso nito.

"Umayos ka kuya ha. Nabagot na yata sa kwarto kaya bumaba."

"Kunsabagay, ikinulong mo ba naman eh. Hahaha!"

"Haha! Anong nakakatawa? Siyempre hindi siya pwedeng makita ng nga tao." Ismid niya dito.

"Hmm... May point ka naman. Pero naalala ko lang, tapos na yung bagyo di ba? Lalayas ka na ba?"

"Ay naku kuya. Paano ako lalayas? Di ba nga pinapabayaran niya na akin yung pinakain ko sa mga bisita?"

"Ha!?"

"Ang bait niya noh? Sobra!" Gigil na wika niya.

"Naku, ayaw lang niyang umalis ka dito kaya ganyan."

"Ayan, ayan ka na naman kinampihan mo na naman siya."

"Siyempre siya yung boss ko." Anito.

"Haay naku, bakit pa ba tayo nag-uusap kung siya lang naman ang lagi mong kinakampihan?" Padabog na sabi niya at lumabas na ng bahay para maglinis.

"Matutulog na ako!" Pahabol na wika ni Glenn.

"Bahala ka sa buhay mo!" Sigaw niya!

Pagkatapos mawalis ang labas ng bahay ay sinimulan naman niyang maglaba. Saka niya naalala na kailangan niyang mamalengke. Tumayo siya at naghanda na para umalis.

Nagulat siya nang makita si BJ na nakaupo sa sala. Ngunit hindi niya ito pinansin at nilagpasan lang niya.

"Gusto ko ng isda." Biglang sabi nito.

"Po!?"

"Pwede ka bang maglinis ng tenga bago umalis? Ayoko ng paulit-ulit." Sarkastikong sabi nito.

Ngumiti siya. "Sir, narinig ko po. Hindi ko lang po kayo ma gets."

"Alin ang hindi mo naintindihan? Yung isda?"

Tumango siya. "Sa palengke ang punta mo di ba?"

"Opo. Pero bagyo po kahapon sir. Sa tingin ko po, wala pa pong nagbebenta ng isda ngayon. Hindi nga po ako sigurado kung may nagbebenta sa palengke ngayon kaya lang...."

"Kaya lang pinaubos mo na sa mga kapitbahay ang mga pinamili mo nung nakaraan kaya wala ka ng maluto ngayon." Pambabara nito.

"Sir, kaunting tulong lang po iyon. At saka po, babayaran ko naman po yun di ba?"

"Ate!" Tawag ni Maricel sa labas ng gate. Sabay silang napalingon.

Walang kibong lumabas si Charisse at binuksan ang gate. "O bakit?"

"Nagluto po kasi si Nanay. Pinapahatid lang po niya para daw huwag ka na magluto ng tanghalian." Aniyang nakangiti. Hawak hawak ang baunan na may lamang nilagang manok.

"Naku, nag-abala pa kayo."

"Bilang pasasalamat na din po."

"Ito naman."

"Sige na ate."

"Sige na nga. Pakisabi sa nanay mo salamat ha."

"Sige po. Nakabihis ka ate? Aalis ka ba?" Pansin nito.

"Ay oo. Pupunta sana ako sa palengke may bibilhin lang."

"Ay walang nagtitinda ngayon ate. Ganyan dito kapag may bagyo. Yung malilit na tindahan lang ang bukas pero kung bibili ka ng karne o kayay isda ay wala pa po ngayon. Alam mo na, maliit lang yung palengke dito at mga karaniwang magsasaka at mangingisda lang ang mga tao dito."

"Ay ganun ba?" Malungkot na sabi niya. "Sige sa bayan na lang ako pupunta bukas."

"Sige po. Dun marami kang mabibili." Aniyang ngumiti. "Sige ate, babalik na ako sa bahay at marami pa kaming gagawin ni nanay."

"Sige, salamat dito ha."

"Walang anuman po. Pakisabi kay kuya na kami ni nanay nagluto niyan."

"Ewan ko sayo." Sagot niyang natatawa. "Sige na, sabihin ko ikaw nagluto nito."

"Sige po."

Bumalik siya ng bahay daladala ang ulam na bigay nina Maricel. Tanaw niya mula sa kinaroroonan si BJ na nakatayo sa may pinto.

"Haay naku. Ano na naman kaya iniisip nito?"

"Sino yun?"

"Kapitbahay po natin. Naghatid lang po ng ulam."

"Nagpaluto ka?"

"Hindi po. Binigay po nila bilang pasasalamat sa pagkupkop natin sa kanila." Aniyang pinagdiinan ang salitang pasasalamat at pagkupkop.

"At tinanggap mo naman?"

"Siyempre po. Nakakahiya naman kung hindi ko tanggapin. Mag-iinarte pa ba ako?"

"Paano kung may lason yan?" Seryoso pa ring sabi nito.

"Ano!?" Hindi siya makapaniwala. Paano niya nasabi yun? Ni hindi man lang pinansin ang sinabi niyang pasasalamat at pagkupkop nila sa kanila. "Nakakagulat po kayo. Promise. Hindi po kayo kapanipaniwala." Naiiling na sabi niya.

"Who knows? We don't know them."

"Kayo po hindi. Pero ako, nakakausap ko sila nakasama ko sila. Hindi sila mga ganung klaseng tao."

"Really?"

"Yes sir. Mababait po yung mga kapitbahay natin." Pagdedepensa niya sa mga ito. "Kayo lang po ang hindi." Gusto niyang idagdag pero pinigilan niya lang ang sarili.

"Basta hindi ako kakain niyan." Aniyang pumasok ng bahay. "Bumili ka ng isda. Gusto ko ng isda." Aniyang padabog na umupo.

"Ay sir. Wala daw po nagtitinda ngayon. Sarado po yung palengke."

"Ano!?"

"Wala daw po nagtitinda pagkatapos ng bagyo. Ganyan daw po dito. So wala po kayong choice kundi kumain nito."

"Pambihira!"

"Opo." Aniyang nakangiti. "Ibibili ko po kayo ng isda bukas. Ok po sir?" Pagkasabi ay umalis na siya. Hindi maipinta ang mukha ni BJ na nakasunod ang tingin sa kanya. Natutuwa naman siya na hindi nakaganti ang amo niya. "Sapul ka ngayon! Haha!"

Walang nagawa si BJ kundi ang kumain. Masarap naman ang ulam kaya lang wala siyang tiwala kung paano ito niluto. Kung malinis ba o hindi. Pero mas pipiliin ba niyang magutom? Nanggigigil na talaga siya kay Charisse. Sobrang tigas ng ulo. At kung makasagot sa kanya! "Huh!" Napailing siya. Ano bang pwede kong gawin para maturuan ko siya ng leksiyon?