Di alam ni tita ang gagawin o sasabihin kay Gershon.
Di ko alam, di ko na alam, tatakbo? Lalabas? Lalapit? Yayakapin? Iiyak? Matutuwa? Halo-halo na nararamdaman ko eh.
Gusto ko tumakbo palabas, pero gusto ko siyang lapitan para yakapin, at gusto kong umiyak dahil sa tuwa na gising na siya.
Lumuluha akong lumapit sa kanya at dahan-dahan na hinawakan ang kamay niya
"Babe? Ako to. Si jane. Yung girlfriend mo. Babe, wag ka naman magbiro ng ganyan..." lumuluhang sambit ko sa kanya, ngunit blankong ekspresyon lamang ang aking natanggap mula sa kanya. Malamig. Walang pagmamahal.
Dahan-dahan rin niyang tinanggal ang kamay ko sa kanyang kamay.
Para akong basong pinukpok ng martilyo, basag na basag na ako.... Basag na basag..
"Pasensya na miss. Pero di talaga kita maalala."
Di talaga kita maalala
Di talaga kita maalala
Di talaga kita maalala
Di talaga kita maalala
Tila gumuho ulit ang mundo.
Ang sakit. Ang sakit-sakit
Sa kanya pa mismo nanggaling.
Di na niya ako maalala
——---————