Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

It's a TRAP

🇵🇭TimmyKiddoo
--
chs / week
--
NOT RATINGS
15.6k
Views
Synopsis
EMOTION noun • emo·tion • \i-ˈmō-shən\ According to Merriam Webster it's a STRONG FEELING (such as LOVE, ANGER, JOY, HATE, or FEAR) May tao bang hindi nakakadama nito? Ay! Tama! Yung Psychopath! Pero waaaaaaiiit!!! Hindi naman ito tungkol diyan eyy --, (Sino kaaway mo? ;D) Nagiging manhid ang tao sa napakaraming dahilan. Isa sa mga dahilan ay yung ikaw ay mawalan ng pinakamamahal mong mga magulang at kasintahan sa di inaasahang panahon. MANHID, POOT, GALIT at PAGHIHIGANTI ang EMOSYONG nangigibaw sa kanyang sistema matapos nang karumal-dumal na mga pangyayari na iyon. Ngayon .. sa kanyang pagbabalik, may dala syang PATIBONG. Isang planong nakakasiguradong siya ay magtatagumpay. PAIBIGIN ang natatanging anak ng KRIMINAL! WASAKIN ANG KANYANG PUSO AT PATAYIN SILANG LAHAT! Hangga't nabubuhay pa sya sa mundong ito, sisiguraduhin niyang magdudusa araw-araw ang PAMILYA ng KRIMINAL na nakakulong ngayon! Ngunit .. kakayanin niya kayang magtimpi ng kanyang galit habang araw-araw niya itong nakikita? Wala ba talagang pag-asa na mahulog sya sa babae? May kinalaman o alam ba ang babae sa trahedya? Magtatagumpay kaya siya sa kanyang TRAP? Tunghayan po natin ang mapaglarong tadhana ni Jorge at Flora at kung hanggang saan hahangkot ang kanilang storya.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Spicy Pork Sisig

"Paaaaa!! Papa!! Bakit? Anong nangyayari?! Bitiwan nyo ang Papa ko! Teka! Sandali! Walang kasalanan ang Papa ko!! Papa! Papaaaaa!!" sigaw at hagulhol ko nang kunin ng mga pulis ang Tatay ko habang ako ay naiwan sa kawalan .. umiiyak ng mag-isa habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Habang nakayuko at patuloy sa pag-iyak .. bigla kong namalayan ang danak ng dugo kasabay ng tubig mula sa ulan. "Teka .. bakit? Saan to galing?" Habang ako pa rin ay naguguluhan sa pangyayari .. may bigla akong nahawakan, isang duguang kamay .. at may hawak na kutsilyo. "Ha?! Kutsilyo?!" At ang kutsilyo ay nakatusok.. Oo! Nakatusok sa tagiliran ko dahilan sa pagdanak ng dugo.

Sa sobrang panginginig ko .. di ko makuhang gumalaw at tingnan kung sino itong sumaksak sa akin. Ilang segundo ang lumipas, bigla niyang inilapit ang kanyang ulo saking tenga sabay sabing "Pagbabayaran niyo lahat ito!"

"FLOOOOOOOOORAAAAAAA!!!!!"

"PAPA!!!" bigla akong napatayo sa kinaroroonan ko kung saan ako nakaidlip habang naghahabol ng aking hininga.

"Ano ba?! Flora?! Ba't ba ang bingi mo?! Kanina pa kita tinatawag haa?! Marami ng customers oh! Ba't nandyan ka pa din?! Maghugas ka nga!" sunod-sunod na paninigaw ng Amo ni Mama sa akin.

"Opo, Maam. Pasensya na po. Napagod lang po ako kanina. Darating na po." pakalma kong sagot sa kanya kahit na nawiwindang pako sa panaginip ko kanina.

Nang umalis na saking harapan ang Maldita kong Amo .. dali-dali kong tinignan ang tagiliran ko kung may sugat ba. "JUSMEEEEYOOOOO!! ANO YUUUN?!" pagtatanong saking sarili habang nakahawak saking dibdib na napakalakas ng tibok.

"Halaaaa! Ba't ganun? Parang totoo! Huehue! Tsaka .. sino yun? Bakit parang may atraso ako sa kanya? Tapos haa? "NYO"? Sinong niyo? So madami kami? huh?" tinatanong mismo aking sarili mag-isa, walang kausap.

At bigla nalang akong napatalon .. "ANO BAAAAAA??!!! BALIW KA NA BA'T KAUSAP MO SARILI MO HAA??!!!!" Nakuuu! Galit na talaga siya.

"HALA! OPO! OPO! MA'AM! Heto na po oh? Yieeeee! Hugas ko na po plato Ma'am. Yoooown! Ang linis na po nu? Hehe. Lahat po yan magiging ganito kalinis. Heeheehee" hilaw kong pagtawa para di ako mapagalitan lalo. Hue!

"Aba'y dapat lang! Pag di yan malinis .. di ako magdadalawang isip na tanggalin ka. Kayong dalawa ng Nanay mo!"

"Ay. Hehe. Ma'am, wag niyo na pong idamay si Nanay. Opo, wag po kayong mag-alala. Maaasahan niyo po ako diyan."

At tuluyan na talaga siyang umalis. Hays. Salamat.

"Flora, wake up! Please lang! Dapat pagtuunan mo ng pansin yung mga pangyayari na totoo hindi yung sa panaginip lang! Naaagrabyado ka na oh! Madadamay mo pa si Inay." pangangaral saking sarili.

Mayat-maya'y .. "Suuus! Kung makapangtakot din itong Amo namin parang kaya kaming tanggalin. Sa sama ba naman ng ugali at kay kuripot may magtatagal kaya sa kanya maliban samin? Neknek niya! Luto kaya ni Mama ang binabalik-balikan ng mga customer, tapos tatanggalin niya? Haha! Basta mema sabi lang ba. Hays"

Sa di inaasahang .. "May sinasabi ka?" biglang sumulpot ang Malditang Amo ko.

Nakuuuu! Juskoo! Narinig niya ba lahat yun? Halaa! Deado talaga ako netoo! "Ayy. Hehe. Nandiyan ka pa pala Ma'am? Halaa. Ang sabi ko po .. yung ano. Umm .. di magtatagal lalago na po talaga itong karenderya niyo po. Heeheehee. Ang galing nyo po kaseng mag-manage! Pak na pak!" with matching actions pa yan ha. Pls maniwala ka! Pls maniwala ka! Huhue!

"HAHAHA! Maliit na bagay." Yoooown! Bumigay din. Hihihi! "Heh! Tama na ang tsika! Pumunta ka muna sa kusina at maghatid ka ng mga ulam. Go na!"

"Sige po. Opo Ma'am." At dahil sa wala akong magawa pagkat All Around ako dito .. susunod nalang talaga ako. Hue! Para kay Mama at Papa! LABAAAARRN!!

Nang makarating ako sa kusina .. nakuuuu! Ang bango ng amooooy! Waaaaaaa~!! Ang sarap talaga magluto ng Mama ko. Di niya namalayang dumating ako at binigyan ko siya ng hug patalikod.

"Oh, anak! Ginulat mo naman ako. Wag ka dumikit sakin. Napakalagkit ko na at amoy pawis."

"Mama naman oh! Kahit amoy kanal ka pa, iha-hug pa rin kita nang naaapaaakaaahigpit. Hehe! Shemper! Love na love kita. Yieeee!"

"Ang kulit mo talaga, sige na ihatid mo na 'tong Spicy Pork Sisig sa customer sa labas .. kanina pa yun nagugutom."

"Aye! Aye! Mama! Hihihi" at masaya kong kinuha ang isang platong Spicy Pork Sisig na sa langhap pa lamang malalaman mo na talagang napaka-anghang niya.

Tingin dito, tingin doon. Ang dami nga talagang customers ngayon ah! Mmm .. saan kaya may-ari nitong dala ko? Aha! Yun sigurong lalaki sa may gilid, siya pa lang walang pagkain sa mesa eyy. Tama! Malapitan nga.

"Goodafternoon Sir! Here's your order!!"

Sa totoo lang, wala talaga ako sa mood ngayon kasi masyado pang magulo isipan ko. Pero dahil nasa trabaho ako, aba'y magtino ka talaga Flora!

Aalis na sana ako pero .. nagtataka ako kung bakit naka-Cap pa si Kuya ey may bubong naman dito sa karenderya, may electric fan pa. Tapos, wala syang imik, nakayuko lang at napakatahimik. Luuuh! Ang pogi naman sana pero bakit parang brokenhearted ata?

"Hellooooo??? Kuyaaa??" wini-Wave ko pa kamay ko sa harapan niya, ang feeling close ko lang diba. HAHAHA. Lol! At bigla niyang inangat ang kanyang ulo dahilan ng mas makita ko ang buo niyang pagmumukha.

*O*

Poteeeek! Tao ba toh? Halaaaa! Ba't ang kinis ng mukha niya? Infairness haa! Alagang Gluta ata to eyy! Tapos .. halaaa! Tapos .. ang taas ng ilooong niyaaaaa. Uwuuuuuu!! Teka .. ang ganda naman ng mata niya .. spanish brown eyes. Pero bakit parang ang lalim ng mga ito? Ang lungkot-lungkot tignan?

-__- "Miss? Bibig mo baka mapasukan ng langaw?"

O___O Halaa! Pooootek! Kanina pa ba ko nakatunganga dito?! "Ayy! Ehehe! Sirrrr! Kaseeee .. kumain na poo kayoo . Hehe. Mainit pa po yang ulam niyo wag nyong antayin lumamig. Hehehee" ba't ang galing kong magpanggap?! Hue! Nakakahiya naman ow! Sana pasado alibay ko!

"First and foremost, bakit ka ba nangingialam?!"

Halaa syaaa! Patay ka Flora! Ba't ba kase napaka-itsusera mong palaka ha?! Yan tuloy!

"Pasensya na po Sir, sige po, enjoy your meal." at umalis na talaga ako baka makita pako ng Amo namin lagot ako nun. Huhue!

Nang makapasok na ako sa kusina .. ewan ba! Pero gusto ng katawan ko na silipin yung lalaki kung kumain ba talaga siya. "Flora naman eeyyy! Ano ba?! Nangingialam ka na naman eyy! Problema niya yun okaay?" para nakong engot dito ngayon, nakikipagtalo mismo saking sarili.

Aalis na sana ako pero .. nahagilap talaga ng mata ko na tumayo yung lalaki dala yung plato na may ulam at tinapon sa basurahan at umalis.

Halaa! Anyare dun? Grabe ang lungkot niya talaga ata nu? Para matapon niya yun. Teka! Itapon?!

1 ..... 2 .... 3 ..... O_o

"HALAAAA!!! GAGO YUN AH!! LUTO NG NANAY KO YUN AH!! SINO SYA PARA ITAPON LANG YUN?!!!" napasigaw ako sa galit. Lumabas ako ng kusina na umuusok ang ilong sa galit at dali-daling sinundan yung lalaki kanina.

"Patay ka talaga sakin kung sino ka man! Kahit pogi ka Kuya di ko palalampasin ginawa mo! Pinaghirapan iyon ni Nanay tapos itatapon mo lang?! Aba'y matindeeee!!!" putak nako ng putak dito habang naglalakad sa labas para masundan yung walang modong lalaki na iyon!

Habang patuloy pa rin ang paglalakad ko at kakahanap sa kanya .. Jackpot! Nakita ko din siya sa di kalayuan .. naghinhintay ng masasakyan. Lagot ka sakin ngayooon!!

Kahit malayo pako .. "HUUUUYY KUYANG NAKA-BLACK CAP AT TSHIRT!! WALA KANG MODOOO!!! SINO KAAA PARA ITAPOOON MO YUN HAAA??!!" para nakong megaphone dito sa gilid ng kalsada. Di ko na talaga maPreno bibig ko.

"ABA! ABAAA!! NAGMAMAANG-MAANGAN PA NA HINDI SIYA!! HUWAAAAWW!! HOOOOYYY!! WAG KANG FEELING INOSENTE DIYAAN! PAG AKO NAKARATING DIYAN LAGOT KA TALAGA SAAAKEEEN!!!"

Grabe ang bilis-bilis na nang paglalakad ko dahil baka di ko siya maabutan. Sa soooobrang pagmamadali ko may nakabangga akong tao.

"Hala! Sorry po. Pasensya na po" yumuko lang ako at walang tinginan sa nakabangga ko at naglakad na naman ng mabilisan patungo sa kinaroroonan ng lalaki.

Habang akoy humahakbang .. pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Ewan pero parang di ko marinig paligid ko. Nagtataka na ako kase ang mukha ng mga taong nakakakita sa akin ay nagtataka at parang nag-aalala.

Pahina ng pahina ang hakbang ko .. at parang may napansin akong tumutulo. Pinahid ko kung ano man yun baka kase pawis na pawis nako kakahabol sa mokong na yun.

Nang maaninag ko ng maayos kamay ko .. "Halaaa! Ano toh? Du .. du .. dugo?" at biglang dumilim paningin ko.