Chapter 2 - Chapter 1

Aira's POV

Marahas kong pinunasan ang luha na tumulo sa pisngi ko. "Ayoko na!" Napailing-iling na lang ang mga kaibigan ko na dinadamayan ako sa pagkasawing naganap sa akin. Nandito kami ngayon sa canteen, wala pang masyadong tao dahil nasa klase pa ang mga estudyante. Kami naman ay tapos na ang klase.

Tumayo naman si Zarina sa kinauupuan niya at tumabi sa akin. "Sabi ko naman kasi sayo hiwalayan mo na. Tuloy anong nangyari sayo ngayon, wasak."

Mas lalo naman akong napaiyak dahil sa sinabi niya. Tinakpan ko na lang ng palad ko ang aking mukha dahil nagtitinginan na sa amin ang ibang estudyante. "Hayss, sabi na nga ba babaero rin 'yang si Lush eh! Yung ka tropa niya nga niloko ako dati. Walang duda! The birds with the same feather, flocks together," komento pa ni Chloe na proud sa sinabi niya at nakataas pa ang isang daliri.

"Gaga, proud ka pa talaga na niloko ka!" Natawa naman kami dahil sa sinabi ni Zarina.

Totoo naman kasi ang sinabi ni Chloe, lahat kami niloko at ng magkakaibigan pa. Nito lang namin nalaman na yung nga ex namin ay magkakaibigan pala. At mukhang pinagplanuhan talaga nila na isa-isa kaming lokohin para ipamukha sa amin na ang tanga-tanga naming magkakaibigan.

Buti na lang talaga at nandito ang mga kaibigan ko. Kahit papaano gumaan yung nararamdaman ko. Hindi ko lang talaga matanggap na niloko ako ni Lush. Wala naman kasi sa itsura niya. Ang inosente ng mukha, ang bait, ang guwapo at caring. Hindi ko akalain na pakitang tao lang pala lahat para ma-fall ako sa kanya.

Kung hindi ko pa sila nakita ng kalaguyo niya, siguro hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin ako. Ang sakit pala sa dibdib kapag ikaw na mismo yung nakakita sa boyfriend mo na may kalampungang iba. Para kang unti-unting binibiyak. Ang sakit!

~Flashback

Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon ni Lush at kumakain. Wala pa ang mga kaibigan ko dahil may klase pa sila kaya nagpasama ako kay Lush ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil nandito siya ngayon kahit may klase pa siya. Ayaw niya raw kasing mag-isa ako kaya sinamahan niya na ako.

"Anong gusto mo? Ako na lang ang o-order ng sa atin," nakangiti niyang tanong.

"Ahm, kahit ano na lang. Ikaw na ang bahala. H'wag lang pasta, baka tumaba ako tapos hiwalayan mo ako," natatawa kong biro.

Tumawa rin siya bago tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Yumuko siya upang magpantay ang mga mukha namin, mga ilang pulgada na lang ang layo ng labi niya sa akin kaya agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na kinikilig. Para tuloy akong ewan sa itsura ko ngayon.

"I'll never do that. Hinding-hindi kita iiwan kahit tumaba ka pa." Kinurot niya ang pisngi ko bago siya tumayo ng tuwid. Binigyan niya ako ng pamatay niyang ngiti bago siya tumalikod at umalis.

Ako naman ay hindi pa rin nakaka-get over sa nangyari. Tulala pa rin ako pero sa loob loob ko ay gusto ko na magtatatalon sa sobrang kilig. Feeling ko tuloy kulay kamatis na ako sa sobrang pula.

Hindi niyo naman ako masisisi dahil si Lush ang first boyfriend ko. Ngayon lang ako pinana ni kupido sa tanang buhay ko.

Except kay Axcel. He is my crush since high school. And until now crush ko pa rin siya. Feeling ko nga may forever talaga eh. Natawa na lang ako sa naisip ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at saka ako nagtipa ng message sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ito, siguro mas gusto ko kasi na mas unang magiging updated yung mga kaibigan ko sa takbo ng love life na meron ako. Well, I don't keep secrets to my friends. Parang mga kapatid ko na rin ang mga iyon kahit mga mukhang takas mental sila.

Nang mai-send ko na ang message sa kanila ay muli ko nang ipinasok sa loob ng bag ang cellphone ko. Sakto namang paparating na si Lush dala ang pagkain namin na nakapatong sa tray.

"Why are you smiling?" curious niyang tanong. Inilapag niya na ang tray sa table at ipinatong sa harap ko ang chocolate cake at isang praff bago siya umupo sa inuupuan niya kanina sa harap ko.

"Wala lang. Masaya lang ako kasi kasama kita ngayon," sagot ko bago sumubo ng cake.

Ngumiti naman siya dahil sa sinabi ko. "I am always with you. I won't leave you even in your darkest night." Hindi ko naman mapigilan ang malawak kong ngiti dahil sa sweetnes niya.

"Sabi mo 'yan ah!" hamon ko pa sa kanya.

"Yup! Because you're like an oxygen; the reason why I'm still alive and if I lose you, I'd die."

Kyaaaaaaaa!! Hindi ko alam na ganito pala ka sweet yung mga corny lines noon. Para na akong sasabog sa sobrang kilig. Kyay! Talande!

"Wushu! Then tell me, how deep is your love for me?" pang e-echoss ko pang tanong.

Ngumiti naman siya ng nakakaloko sa akin at kumagat ng burger na hawak niya bago siya tumingin sa kisame na tila doon nakasulat ang mga kasagutan. "Hm... If you can measures how deep the oceans and how vast the universe, then you can tell how immeasurable my feelings for you."

Wait, parang nabasa ko sa wattpad yung quote na 'yon ah. Ay, bahala na nga! Kahit mali-mali grammar niya keri na rin! Hahahaha nikikilig talaga ako, siguradong kapag ako na lang mag-isa magtatatalon ako sa tuwa.

Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita para kunwari wala lang sa akin yung sinabi niya kahit ang totoo ay gusto ko na magtatatalon sa kilig. "Talaga ba?"

"Oo nga! Kung may simbahan nga lang dito ngayon, baka pinakasalan na kita para lang mapatunayan sayo na mahal na mahal na mahal kita." Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.

Yung cake ko kulang na lang ay hindi ko bawasan. Pinapakilig kasi ako masyado ni Lush eh, 'yan tuloy hindi ko na nakain yung pagkain ko! Kasalanan niya toh! Hahahaha

Shet! Sana lang talaga may simbahan dito para kasal na agad tapos honeymoon, chos!

Magsasalita pa sana ako ng biglang mag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya naman ito sa bulsa niya at saka tiningnan yung caller kung sino bago siya tumayo. "Wait, sagutin ko lang 'to saglit," paalam niya pero hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumalikod na siya at medyo lumayo.

Bakit kailangan niya pang lumayo? Hindi ko ba pwedeng marinig yung pag-uusapan nila? Wala ba siyang tiwala sa akin?

Gaga! Malamang may tiwala 'yun sayo. Baka personal matter lang talaga kaya ganon.

Inalis ko na lang sa isip ko yung mga tanong na gumugulo sa akin. Sinimulan ko na rin galawin yung cake na inorder ni Lush. Sumulyap ako sa direksyon ni Lush at kahit nakatalikod makikita mo na masaya silang nag-uusap ng katawagan niya sa cellphone dahil nakangiti siya.

Napaisip tuloy ako bigla kung sino ang tumatawag sa kanya.

Mga ilang minuto lang ay bumalik siya sa table namin. Parang nagmamadali at parang nag-aalala dahil sa itsura ng mukha niya.

"Oh, ano-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya na bigla.

"Sorry, but I need to go. There is an emergency happened." Isinukbit niya na sa kaniyang balikat ang bag niya.

Emergency? Kanina lang tumatawa siya ah, tapos biglang nagka-emergency?

Tumayo na rin ako dahil bigla akong nag-alala, sa itsura niya ngayon mukhang may emergency nga. Lumapit siya sa akin para halikan ako sa noo.

"What happened? Sino yung tumawag?" nag-aalalang tanong ko.

"I will tell you later. Sorry, hindi muna kita mahahatid ngayon. Sumabay ka na lang muna sa mga kaibigan mo, okay?" nagmamadali niyang bilin at tumango na lang ako.

Gusto ko sanang sumama kaso baka makagulo lang ako. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Nagpaalam na siya sa akin at saka siya tumakbo palabas ng canteen. Muli na lang akong umupo at tinanaw ang pinaglabasan niyang pinto bago ako muling humarap sa pagkain ko.

Isusubo ko na sana ang cake na nasa kutsara ng mapansin ko ang wallet na nakapatong sa tray na dala kanina ni Lush. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto na kay Lush ang wallet na 'yon.

Agad kong kinuha ang wallet at tinignan ang picture sa loob. Nandoon ang family picture nila na maliit sa loob. Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas ng canteen.

Kailangan ko maabutan si Lush. Hindi pa naman siguro siya nakakalayo dahil wala pang limang minuto simula nang lumabas siya. Nagmadali na akong tumakbo patungo sa exit ng school namin.

Masyadong malaki at malawak ang school namin kaya siguradong matagal bago siya makalabas dahil nasa dulong bahagi ang canteen. Nang makalabas ako sa hallway ng building 3 ay nakita ko agad si Lush na tumatakbo.

"Lush! Lush!" sigaw ko pero hindi siya lumilingon kaya mas binilisan ko na lang ang pagtakbo. Nagtaka naman ako nang bigla siyang lumiko patungo sa building 1 sa tapat ng gate.

'Anong gagawin niya sa nursing department?'

Nagmadali na lang akong tumakbo upang maabutan ko siya. Shit! May heels ako! Buti na lang two inch lang 'to.

Nang makarating ako sa tapat ng nursing department ay huminto muna ako dahil sa sobrang hingal. Lumingon ako sa magkabilang side ng hallway pero hindi ko nakita si Lush. Hindi ko na tuloy alam kung saan siya nagpunta ngayon.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at dinial ang number niya. Ring lang ng ring sa kabilang linya pero walang sumasagot. Nagsimula na akong maglakad para hindi sayang sa oras. Muli kong dinial ang number niya pero wala talagang sumasagot. Nag-type na lang ako ng message para kung sakaling mabasa niya ay tawagan niya ako.

Nagtungo na lang muna ako sa c.r dahil mukha na akong ginahasa sa itsura ko. Pati tuloy yung ibang estudyante ay napapalingon sa akin. Kahiya!

Nang makapasok ako sa loob ng c.r ay dumiretso ako sa salamin. Nagulantang naman ako dahil sa itsura ko ngayon. Mukha akong sinabunutan na ewan dahil sa magulo kong buhok. Buti na lang at walang tao rito sa loob dahil nakakahiya ang itsura ko.

"Aaaahhh... f*ck... oohhhh..." Nanlaki bigla ang mga mata ko ng makarinig ako ng ungol galing sa dulong cubicle.

Nag-tip-toe ako papasok sa katabi nitong cubicle. Hindi ganon kataas ang walls na nakapaligid sa bawat cubicle kaya once na pumatong ka sa bowl ay makikita mo ang nasa kabilang cubicle. At dahil dakilang chismakers ako ay pumatong ako doon.

"Aaaahhhh... gaaaadddd... aaaahhh..." ungol ng babae.

"Ssshhh... Hinaan mo lang, baka may makarinig sa atin," saway ng boses lalaki. Wait, parang pamilyar yung boses niya.

Parang si... Lush?

Dahil doon ay hindi na ako nag-alangan pa na silipin ang tao sa kabila. Nanlaki na lang ang mga mata ko ng makita ko si Lush kasama ang isang nursing student sa loob. Nakaupo sa bowl si Lush habang nakaupo naman ang babae sa kanya at nag-aangat-baba na tila isang cowgirl. Hindi nila ako napapansin dahil prente silang nag-se-sex habang naghahalikan at pikit matang dinadama ang sarap ng isa't isa.

Hindi ko na napigilan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Umusbong ang galit sa ulo ko at ang sakit sa puso ko dahil sa nakikita ko ngayon. Hindi ko akalain na magagawa akong lokohin ni Lush. Pinagkatiwalaan ko siya tapos nagawa niya lang akong lokohin!

Nanginginig ang mga kamay ko at gusto kong manakit. Gusto ko silang pagbuhulin gamit ang mga bulbol nila. Gusto ko silang pagsasampalin dahil sa ginawa nila sa akin.

Nagpapasalamat ako dahil hindi ko siya pinagbigyan sa kahilingan niya noong mag-birthday siya. Hayop siya! Kaya pala gustong-gusto niya na may mangyari sa amin that time dahil isa siyang fvck boy, animal siya! Magsama sila ng babae niya! Mga taksil!

Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na isipan at gawan sila ng masama. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at saka ko inopen ang camera upang kuhaan sila ng video. Mga animal! Digital na ang karma ngayon!

"Ah fvck! Faster baby..." pabulong na utos ni Lush.

Sinigurado ko na malinaw ang pagkakakuha sa mga mukha nila. T@ngina ka Lush! Baby pala ah!

Kaya pala emergency dahil tigang na tigang na ang hinayupak. Fvck you! Urur!

Mas bumilis pa ang pag-angat-baba ng babae at hindi na nila alam kung saan nila ibabaling ang mga ulo nila dahil sa sensasyong nararamdaman. Hanggang sa matapos sila ay vini-video ko. Nang tumayo na ang babae ay nakuhaan din pati ang maliit na ari ni Lush.

T@nginang fvck boy 'to! Ang liit naman ng kanya pero akala mo kung sino siya! Napaisip tuloy ako, siguradong disappointed yung babae dahil nakiliti lang siya sa maliit na batuta ni Lush. Kahit nasasaktan ako ay nagawa ko pang matawa. Nababaliw na talaga ako.

Hinintay ko muna na makalabas sila bago ako lumabas sa pinagtataguan ko at inayos ang sarili ko.

~End of flashback