Mula sa Europa darating si Minerva sa Pilipinas upang magsimula muli ng panibagong buhay. Isang buhay na malayo sa kanyang nakaraan. Batid nya na mahihirapan siya subalit kailangan niyang makipagsapalaran.
Maninirahan si Minerva sa isang maliit na apartment sa Manila at kahit hindi masyadong sanay sa pamumuhay kasama ang mga pangkaraniwang tao. Maninibago siya sa kapaligiran at sisikaping makisalamuha sa mga tao.
Makikilala si Minerva si Raul isang maginoo at matapang NBI agent na nakatira malapit sa kanyang tinitirhan ito magtatanggol sa kanya sa minsang muntikan na siyang maholdap ng mga kawatan malapit sa Lugar matapos ang kanyang trabaho bilang modelo. Nakapaglagayan sila ng loob, kahit pa parehong hirap sa lenguahe. Manliligaw ito sa kanya, susuyuin siya nito sa pamamaraan ng isang pilipino.
Magsasama ang dalawa at mabubunga ang kanilang pag-iisa. Ipagtatapat ni Minerva kay Raul ang kanyang kalagayan na siya ay nagdadalantao.
Hanggang sa napagdesisyunan nilang magsama bilang magasawa. Makalipas ang ilang buwan halata na ang ipinagbubuntis ni Minerva. Naging masaya ang dalawa sa pagsasama, kaligayahan na hindi akalain ni Minerva ay matatagpuan nya.
Ngunit may kakaiba sa pagbubuntis ni Minerva at ang bagay na natuklasan ni Raul sa kanyang kabiyak mag-dalawang buwan ng nagdadalantao si Minerva bago pa man may nangyari sa kanila, subalit ang isa pang bata sa sinapupunan nya ay magi isang buwan pa lamang. Hindi maipaliwanag ng mga doktor ang nangyari paanong ang dalawa g bata sa sinapupunan ng isang babae ay magkaiba ng buwan kung paano nabuo?
Ipagtatapat ni Minerva kay Raul ang tungkol sa kanyang kasintahan na napaslang at ang dahilan kung bakit siya nagpunta sa Manila ay upang takasan ang bangungot ng nakaraan. Ngayon naunawaan na ni Raul ang lahat nangako ito na mamahalin ang bata sa sinapupunan ng kanyang asawa ang Binhi na maaring maging tagawasak at tagahilom ng mundo.