Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Secre

Daoist084485
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.5k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Secretly Inlove

Chapter One

Sabi nila isang bata ay hilig maglaro at maglaro,magbahay-bahayan at umakyat sa puno minsan napapagalitan na nga dahil lang sa kalalaro.Hanggang dumating sa araw na ang isang bata ay magdadalaga at magbibinata na gustuhin man natin gawain ay hindi na pwde dahil ibang ng saklaw ang nais nating gawin,pero iba si Bailen "Balina" Zamonte masayahin at laging energetic, walang oras na ang sa isip ay maglaro kasama kanyang mga kaibangan na sila Evan,Jura Mae,Lilia,Lyn,Rodge para takpan ang kanyang lihim na kanyang pinaka iniingatan na hindi pwedeng malaman lalong lalo na ni Evan.

Isang umaga niyaya ni Jura Mae,Lilia at Lyn si Balina na pumunta sa may puno ng balingbingan.Nagsiakyatan sila doon at umupo sa may sanga ng kahoy at nagkwentuhan. Nang biglang nagsalita si Balina " uhmmmm guyz....may sasabihin ako pero secret lang natin to ha" nagsitahimik naman ang kanyang mga kaibigan " may crush kasi ako,matagal ko na siyang gusto" saad ni Balina "alam na namin yan" ang sabi ni Jura Mae "alam nyo?" weh?" saad niya.

obvious na obvious ka kaya sa tuwing na riyan siya para kang tanga ngiti ng ngiti" ang sabi pa ni Lilia "at halos lagi ka na lng sumasang-ayon sa gusto niya dagdag ni Lyn.

"Eh kasi naman mabaet siya at guwapo diba?,tapos ang galing-galing pa niya mag basketball" ang pagbibida ulit ni Balina sa kanila "ano ang gagawin mo ngayon may nagugustuhang iba ngayon iyon, bagong lipat sa apartment nila" pang-aasar ni Jura Mae "e...ano naman maganda na man ako noh at crush lng naman" angal niya. "Hala! papalapit na dito si Evan kasama si Cherry at si Hero" kinikilig na sabi ni Lilia. Bago pa man makapagtanong si Balina kung sino si Hero ay biglang na lang may bubuyog na lumilipad sa harap niya, sa takot ay nawalan ng balanse si Balina at muntik ng mahulog kung hindi nakakapit sa sanga ng puno "ang kulit mo kasi dapat di ka gumalaw" saad ng isang tinig na tila naiinis sa kanya. Sasagutin na sana niya ito ng maputol ang sanga at tuluyan na siyang mahulog. Inaasahan ni Balina sa lupa siya babagsak ngunit may sumalo sa kanya, nang tumingin siya ay ang nakangiting mukha ni Evan "okay ka lang" ngunit di niya napansin ang sinabi ni Evan dahil na baling ang kanyang pansin sa isang lalaki na tila yamot na yamot na nakatingin sa kanila,ang pinsan ni Evan na si Hero.