Chereads / Taming The BADASS / Chapter 00; Ready?

Taming The BADASS

renren_zzy
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 8.2k
    Views
Synopsis

Chapter 00; Ready?

"Hey you!" sigaw nang isang lalake sa babaeng tatakas sana. "Get her!" utos pa nito sa mga taong kasamahan niya.

Dala na rin seguro ng takot ay mabilis siyang tumakbo at pumasok sa kakabukas lang na elevator. Hindi pa niya nasadyang mabangga ang isang lalake nung lumabas ito. Agad niyang sinara ang elevator at nagkataon na may mga tao pa sa loob. Wala siyang ibang choice kundi ang umakyat sa itaas.

Kahit sa paglabas niya rin ng elevator ay sinusundan pa rin siya. Nasa may rooftop na siya at napapalibotan na rin siya ng mga taong naka black.

Tinignan niya ang baba at talagang mapapalula ka na lang sa sobrang taas ng hotel na ito.

"Too bad, mukhang hanggang dito ka na lang." mukha ngang hanggang dito na lang ang buhay niya.

"Name?" nagulat siya nung biglang may nagtanong na lalake sa pangalan niya. Hindi niya ito makita dahil na rin sa madilim ang paligid.

"K-keemy Enzo." Sagot niya sa tonong natatakot.

"Age?" medyo malalim ang boses nito at cold rin magsalita.

"1-19." Pinipigilan pa rin niya ang sarili niya na umiyak at tinatagan ang loob.

"Here's your choice. Jump, or make a deal. Reply?"

Jump? Kapag tumalon ako mamatay ako malamang! Pero kung deal, anong deal naman yun? Hindi kaya ibebenta nila ang katawan ko? Uwaaahhh!!

"A-anong deal?" tanong niya pa rin para makasegurado siya.

He saw the guy smirk.

"Trying to ask question in a situation like this huh." This time nakita na niya ang mukha ng lalakeng nagtatanong sa kanya. Medyo nagulat siya nung makita niya ito, kung sa matatandaan niya ito ang lalakeng hindi niya sinadyang mabangga kanina pagpasok ng elevator. The worst is, mukhang kilala niya kung sino ang taong ito.

She gulp. Kahit alam niyang pogi ang nilalang na ito, sa hitsura pa lang malalaman na isa itong mayaman.

Lumapit sa kanya ang lalake at hinawakan ang pisngi niya. Tama nga siya sa taong ito. Kilala niya ito at talagang ayaw niya dito. He is, Haeward Fuji, the world Badass, for her.

"Ready?" tanong ulit ng lalakeng ito sa kanya. Ready? Ready for what?