Chereads / Crazy Inlove With You / Chapter 5 - Being known

Chapter 5 - Being known

Grace POV

*tok**tok**tok*

Sino ba yan ang aga aga pa ah

*tok**tok**tok*

Haysst nakakainis na ha

*tok**tok**tok*

Dahil sa inis bumangon na ko at pinagbuksan kong sinoman ang nang-iistorbo sakin

"Ano ba?"- sigaw ko sa kanya

"Buti naman gising ka na, good morning lil sis."- sabi ni kuya

Yes si kuya lang naman ang nang-istorbo sa pagtulog ko.

"Good morning ka dyan, bakit ba katok ka ng katok?"-sigaw ko ulit sa kanya

"Eh ginigising nga kita"-kuya

"Alam mo naman yung code ah"-sabi ko sa kanya.

"Kahit na, babae ka pa rin"- kuya

"Tss oo na oo na"- naasar kong sabi kauma- umaga eh

"Cge na susunod na lang ako sa baba, maliligo muna ko"-

"Ok cge bilisan mo ha, morning ulit lil sis"- pagkasabi niya nun umalis na siya.

After 1 hour tapos na ko

Matagal ba, ang sarap magbabad sa tub eh.

Pagkatapos ko mag-ayos, lalabas na sana ako ng biglang...

(Nae unmyeongijyo sesang kkeutirado jikyeojugo sipeun dan han saram )

Ringtone ko yan, may tumatawag eh...

Bakit naman tatawag ng ganitong oras to, eh may klase na cla ng ganitong oras ah.

"hello"- sabi ko

"Good morning Grace"- bati ni Justine sa kabilang linya

"Morning din"

teka ang alam ko 8 na ah

" di ba may klase na kau, bakit tumawag ka pa?"- tanong ko sa kanya

"Wala pa yung instructor eh, at tsaka di ka kc sumasagot sa mga tawag at text namin kagabi eh."- Justine

"Sorry nalowbat kc yung phone ko eh at tsaka alas onse na rin kami natapos mag kwentuhan."- pagpapaliwanag ko

Dumating yung mga pinsan ko nung eksaktong pagkatapos namin kumain kc natraffic daw cla eh.

"Ah ganun ba"- Justine

"Oo eh"

"Kumain ka na?"- tanong ni Justine

"Hindi pa nga eh"- nag- aalangan kong sabi

"Bakit naman hindi pa? anong oras na oh"- pagsesermon niya sakin,

yan ang dahilan kung bakit nag-aalangan ako magsabi kanina kc napaka OA niya eh.

"Eh kakagising ko lang kanina eh"

"Good morning hija"- nakangiting sabi ni tita

Hindi ko namalayan na nandito na pala ko sa dining area.

"Good morning din po"- nakangiti kong sabi pabalik

"Ang late mo naman atang gumising?"- tanong ni Justine sakin

"Eh alas onse na nga kami matapos magkwentuhan eh, tapos wala pa si Baby Jurry kaya di ako kaagad nakatulog"- pag-eexplain ko sa kanya.

"Baby???"- pasigaw na sabi nung magbabarkada.

Yeah nandito pa rin yang mga yan, gabing gabi na nga kc kami natapos sa pagkwekwentuhan kaya dito na pinatulog ni tita, baka daw madisgrasya pa sa daan.

"Oo bakit may problema?!"- walang gana kong tanong pabalik

"Wala naman"- sabay sabay nilang sabi, nagpraktis ba sila at sabay sabay na naman silang sumagot

"hello grace nandiyan ka pa ba?"- nag=aalalang tanong ni Justine

"Uhm ou nandito pa"

"Sige na kumain ka na muna, tatawag na lang ulit ako pagbreak time na namin."- Justine

"Uhm ok sige"

"Sige ingat ka diyan ha"- Justine

"Siyempre naman, ingat din kayo"

"Sige na bye na"-Justine

"Bye"- pagkasabi ko nun inend call na niya.

"AHEMMMMM!!!!"- sigaw ulit nung barkada ni kuya

"Bakit masakit lalamunan niyo?"- tanong ko sa kanila

Nakakaintindi naman daw sila ng tagalog kasi nagstay na sila sa Pilipinas ng 1 year so yun nga marunong sila. Korean silang lahat, halata naman sa surname eh.

"Hindi!!!!"- sabay sabay sabi nilang sagot

"Nagpraktis ba kayong sumagot ng sabay sabay?"- diretso kong tanong sa kanila

"No!!!"- sabay sabay ulit nilang sabi

"Weh?!!"- pangungulit ko

"Hindi nga!!!!"- sabi ulit nila

"Hahahahahahahaha hindi daw ah!!!"- sabi ko habang tawa ng tawa.

Napapansin niyo ba na medyo close na kami, pwera lang kay Ethan. Yes Ethan ako lang pwedeng tumawag sa kanya nun, Bakit? basta

"Will you stop laughing Mirra"- walang ganang sabi ni Ethan

Mirra ang tawag niya sakin ang hahaba daw kc ng pangalan ko eh

"If I don't?"- madiin kong sabi sa kanya habang nakatingin ako sa mga mata niya same with him.

"Tss"- yan lang sinabi niya sabay kuha ng pagkain niya.

"Ewan ko sau"- sabi ko sabay kuha din ng pagkain.

"Bakit pala ganyan suot mo hija, may pupuntahan ka ba?"- tanong ni tita

"Pupunta po sana akong mall"- sagot ko kay tita

Nakasuot kasi ako ng dress at hindi ako nakasuot ng eyeglass, kung nagtataka kaya kung bakit di na ko naka eyeglasses. Well ang sagot ko diyan is, sabi kc ni tita na mas maganda daw kong laging di ko suot yung eyeglasses ko. Mas maganda daw ako pag walang eyeglasses, ayaw ko mang pumayag eh, tinago ni tita yung eyeglasses ko so no choice ako. Kaya nakacontact lense na lang ako ngayon, at kung nagtataka kayo kung bakit nakadress na naman ako kc yung mga pants and t-shirts ko kinuha ni tita at nilagay sa isa kong cabinet at nilagyan ng lock kaya no choice ulit ako kundi magdress alangan namang hindi ako magdamit. Ang lupet noh?

"Ano namang gagawin mo sa mall?"- nagtatakang tanong ni kuya

"Bibili lang ako ng pangregalo kay Anne birthday na niya sa susunod na araw eh."- sagot ko kay kuya

"Ah ok sige samahan na kita"- kuya

"Wag na kuya kaya ko naman mag- isa"

"Hindi pwede, kilala kita wala kang sense of direction at tsaka baka mapano ka"- nag-aalala niyang sabi

Yeah right wala nga kong sense of direction, eh pano ba naman kc minsan lang naman ako lumalabas ng bahay eh kapag kailangan lang. At tsaka minsan din lang ako pumuntang mall kaya tinanong ni kuya kung anong gagawin ko dun.

"Eh basta ayoko"- naiinis kong sabi

"Pangit wag makulit"- madiin niyang sabi, basta ayoko pa rin

"Ayoko pa rin"

"Hija pasama ka na, pano kung mapano ka hindi ka pa naman familiar sa lugar dito"- nag-aalalang sabi ni tita sakin

"Ou nga naman couz"- sabi ni Amber cousin ko

"Bakit ba ayaw mo?"- Tanong ni Arvin kuya ni amber cousin ko rin

"Eh kc..."

"Ano???!!"- sabay sabay nilang lahat na tanong sakin

"Eh di ba nga sikat kayo kuya, at tsaka di nila alam na kapatid mo ko di ba"- sagot ko sa kanila

"Ou nga pala"- Amber

"Pano yan?"- tanong ni ian

"Basta sasamahan ka namin"- sabi ni kuya

"Kuya naman eh"- naiinis kong sabi

"Hindi naman kita kinakahiya ah, dapat nga malaman nila na ikaw ang lil sis ko"- inis niyang sabi

Alam ko pinipigilan lang niyang sigawan ako

"Eh alam mo naman na ayaw kong malaman nila eh"- hindi ko na napigilang sigawan siya

"Sabihin mo nga hanggang kailan mo gustong itago ka namin ha."- pasigaw niyang sabi

"Kapag patay ka na? kapag may nangyaring masama sayo?Ano hanggang kailan?"- sigaw na tanong ni kuya sakin

Napayuko na lang ako hindi ko alam isasagot ko, kasi alam ko naman na gustong gusto nila akong ipagmalaki. Lalo na si kuya kapag may nakatingin saking lalaki noon, hindi niya masabing "Wag niyo ngang titigan yang kapatid ko". Alam ko tinitiis lang ako ni kuya at pinipigilan lang niya ang sarili niya na sabihing kapatid niya ko. Kahit gustong gusto niya na ipagsigawang kapatid niya hindi niya magawa kc ayokong ipagsabi.

"Bakit ba ayaw mong ipagsabi ha, bakit ba ayaw mong sabihin sakin o samin"- naiiyak niyang tanong sakin, sabay punas ng luha ko

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako

"eh kasi....."

"ayokong makilala nila ko at kaibiganin nila ako kc kabilang ako sa pinakamayamang pamilya sa buong mundo. Gusto ko magkaroon ng tunay na kaibigan, hindi yung kaibigan na kapag may kailangan sila sakin, o kaya gusto lang nila akong maging kaibigan kasi gusto nilang sumikat o yumaman. Ang gusto ko is yung tunay na kaibigan o yung totoong kaibigan, yung laging nandiyan sila kahit anong mangyari, yung kapag kailangan mo sila nandiyan lang sila sa tabi mo hindi ka nila iiwan, kapag may problema ka, kapag masaya ka o kaya naman kapag nasa kapahamakan ka hindi sila mag-aalinlangan na tulungan ka. At tsaka gusto ko lang naman ng simpleng buhay eh."- iyak lang ako ng iyak habang sinasabi yun

"Sorry hindi ko alam, hindi ko alam na nahihirapan ka na pala. Napakawalang kwenta kong kuya, hindi ko man lang alam na nasasaktan ka na pala, nahihirapan ka na pala sa ganung situation. Patawarin mo si kuya wala man lang akong alam."- umiiyak niya ring sabi sakin

"Ano ka ba kuya, wag mo ngang sisihin sarili mo It's not your fault ok. At tsaka siguro masyado na kong naging selfish kc hindi ko inalala yung feelings niyo. Kung ok lang ba yun sa inyo, hindi ko man lang sinabi sa inyo yung reason."

"Ikaw pa ba, your our only princess we will do everthing for you. You are very important to us, kaya nga kahit di namin alam ang reason. Pumayag na lang kami, ayaw kasi naming nagtatampo ka eh, makapagtampo ka naman kc wagas eh."- pagrereklamo niya

"Ah ganun, eh sino ba ang makapang-asar akala mo wala ng bukas"- sigaw ko sa kanya

"Eh sino ba naman kc kung mapikon wagas"- sigaw niya pabalik sakin

"Eh sino ba kc ang nang-iinis wagas"- sigaw ko ulit

"Eh sino ba kc kung mambara wagas"- sigaw ulit niya

"Eh sino ba kc kung mang-asaran wagas"- sigaw ni tita samin

"Siya!!!"- sigaw namin ni kuya habang nakaturo yung kamay namin sa isa't isa.

"Hay nako ewan ko sa inyo, kanina nag- iiyakan kayo tapos ngayon nag-aasaran naman, ano susunod ha...."- hindi ko na pinatapos si tita

"Magbabati siyempre tita"- sabi ko sabay ngiti sa kanya

"Mabuti naman"- sabi ni tita sabay hinga ng malalim

"Pwede na ba tayong magshopping?"- tanong ko sa kanila

"TAYO???!!!!!"- tanong nila or should i say sigaw nila

"Oh bakit ayaw niyo?"- tanong ko

"Akala ko ba ayaw mo?"- Ian

"Ou nga"-Andrew

"Uhm kc napag-isip isip ko na, sapat na siguro ang 6 years ng pagtatago ko. "- sabi ko habang nakangiti

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

Thanks for reading 😊