first day of school year, college na ko pero hindi pa ko sigurado kung makakatapos ako ng pag aaral. Malungkot mag-isa ,walang kilala, walang kaibigan, walang love life. Kung love life lang din naman ang pag uusapan,wala pa sa isip ko nyan basta ang gusto ko makatapos lang ng pag aaral..
Tahimik lang akong tao,mahiyain,at weirdo.. hindi mo alam kung anung ugali ang maipapakita ko sau pag unang kilala mo palang ako pero pag komportable na ako sayo dun mo na makikilala kung ano ang ugali na meron ako.
ayoko talaga sa lahat pag umpisa ng klase yung "introduce yourself" hay nako.. pinagtatawanan ako ng mga klasmeyt ko sa likod ng dahil sa buhok ko, kulot at mukang ita dahil maitim, paki ko ba sakanila.. kaya tahimik lang ako.. sa isip ko makakabawi din ako sa pag bubully nila sa akin, mag aaral ako ng mabuti at magsisikap makakuha ng mataas na marka.
Hanggang sa isang araw. kinuha akong leader sa isang subject.. ohh yess, ayaw ko ng ganyan.. kaso yun nga napagdiskitahan nila akong maging leader.. syempre ako naman seryoso, go lang.. ipapakita ko ugali ko sakanila.. hanggang isang araw presentation at eto nga ako ang leader.. syempre pasado ang pagiging leader ko. nakakuha kame ng 95% sa activities na pinagawa samin. hanggang sa nagsunod sunod at duon naging komportable na ko sakanila, naging masayahin at peace full na ko sa school namin, wala ng nambubully sakin ohh diba..