Kezia
It's saturday.
Grabe ang bilis ng panahon. Parang kailan lang kababakasyon lang namin. Tapos
sa monday pasukan na. Hays!
Kesa magmukmok ako dito sa kwarto ko, pupunta nalang ako ng mall, kailangan sulitin ang bakasyon, dahil pag nagpasukan na wala ng oras para sa gala. Magiging busy na naman sa pag-aaral.
Makaligo na nga at makaalis.
********
I wear white V-neck shirt, jeans, and white sneakers shoes. Nilagyan ko din ng liptint ang labi ko at konting powder and viola! I'm ready to go.
Nang makarating ako ng mall. Dumiretso agad ako sa National Book Store para bumili ng mga kakailanganin. Nang matapos ako, dumiretso naman ako sa isang botique.
Habang naglalakad, tumunog ang phone ko. Text galing kay kuya.
Kuya Matt:
'Where are you princess?'
Mabilis akong nagreply, shocks. I forgot na mag-paalam sa kanya.
Me:
'mall kuya, bumibili lang ako ng gagamitin ko sa pasukan. Sorry i forgot to tell you'
Kuya Matt:
'Who's with you?'
Me:
Ako lang kuya, mabilis lang naman ako. Pag nabili kona lahat uuwi na ako.
Kuya Matt:
Ok text me when you're done. I pick you up. love you princess.
Me:
Ok kuya love you too.
Buti nalang hindi nagalit sakin. Masyado pa namang mahigpit sakin ang kapatid kona yon. At buti hindi niya sinabing tawagan o itext ko ang isa sa mga pinsan ko para samahan ako. Gosh nakakaumay na kasama ang mga yon. At isa pa gusto ko din mapag-isa.
Ibabalik kona sana ang phone ko sa bulsa ng biglang may humigit ng buhok ko.
Sh*t
"Ikaw! Ikaw ang kasama ni zack nung isang araw! Malandi kang babae ka! Nilandi mo ang boyfriend ko! Ikaw ang dahilan kung bakit siya nakipag-hiwalay sakin!"
"Ouch! What?! Ano'ng pinagsasabi mo?!Let me go!"
"Huh! you deserve this bitch! Kakalbuhin kita! Malandi ka! Mang-aagaw!Inagaw mo sakin si zack!"
"Hindi ako malandi! At wala akong inaagaw! And please let me go! If kuya zack know this malalagot ka!"
"Huh? Kuya?! Ngayon sinasabi mong kuya?! Letse kang babae ka! Kung tawag tawagin ka niyang baby?! Argh!"
Kuya ko naman talaga si kuya zack duh!? Ano tingin niya boyfriend ko ang malandi kong pinsan? Yuck!
"Sh*t! He's my cousin!"
"Do you think i believe you?!"
That's it! Ayaw niya maniwala at ayaw niya ako bitawan.
Bumuwelo ako at umikot. Mabilis kong nahagip ang mahaba niyang buhok at hinila.
"Ouch! You b*tch!"
"I told you let me go! Pero nag matigas ka. "
Parehas kaming nagsasabunutan.
Mabait akong tao. Inubos niya ang pasensya ko. Pwes tikman niya ang ganti ko. Mas hinila ko pa ang buhok niya, yung tipong maglalagasan na ang buhok niya.
Akma kopa sanang hihilain ulit ng madiin ang buhok niya ng may umawat na saming guard.
"Ma'am tama na po."
"Ma'am nasa mall po kayo at nakakaeskandalo na."
Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid oh my gosh! Ang daming nanonood at may nag vivideo pa.
Nakakahiya. Eskandalo nga. Lagot ako nito.
"Ma'am sumama ho kayo samin"
"Huh! At bakit ako sasama sa inyo?! At pwede ba bitawan mo ako! Bibigyan kolang ng leksyon yan babaeng yan! Inagaw niya ang boyfriend ko!"
"Wala akong inaagaw sayo! Hindi ko din masisisi si kuya zack kung iwan ka, your crazy! And a desperate b*tch!"
"How dare you to call me a b*tch!"
"Because you are."
"Argh! Ikaw ang b*tch, And Kuya? Yan ba tawag mo kay zack? At siya naman baby ang tawag sayo? Yuck ha?!corny."
"I told you he's my cousin." i rolled my eyes.
"Ma'am sumama nalang po kayo samin. Doon niyo na po pag-usapan yan. Gumawa na po kayo ng eksena dito."
Hindi na ako pumalag. Hinayaan kona lang dalhin nila ako sa Security office. Geez. Malalagot ako kay kuya matt nito.
********
Kanina pa nila natawagan si kuya matt. Ewan koba bakit kailangan ipatawag si kuya. Parang guidance lang ang peg.
Maya maya lang bumukas ang pinto.
Pumasok ang kuya kong salubong na salubong ang kilay. Oh-ohh.
Lumapit siya sakin.
"Princess what happened?Are you hurt?"
Seryosong sabi nito.
"I'm ok kuya. Don't worry."
"Tsk! For me, you not look ok princess."
Sasagot pa sana ako ng mapalingon kami ulit sa pinto ng bumukas ito ng malakas.
"Love!"
"Baby!"
"Baby Zi!"
Oh gosh! Sunod sunod pumasok ang mga pinsan ko. Great.
"D*mn what happened to you love? Bakit ganyan ang itsura mo?"
"Are you ok baby Zi?"
"Who the f*ck did it to you baby?"
Napabusangot nalang ako. Bakit ba ganyan pa din tinatawag nila sakin? Kaya ako napapahamak dahil sa endearment na yan!
At isa pa Bakit sila andito? Si kuya lang naman ang tinawagan.
"Kayong tatlo anong ginagawa niyo dito?"
Oh mukhang nabasa ni kuya ang nasa isip ko. "Sabi ko sa inyo sa bahay nalang kayo dumeretso."
"Bro hindi kami mapapakali kung sa bahay kami dederetso."
"Oo nga kuya nag-aalala kami kay baby Zi."
"Si love ang pinag-uusapan kaya dito na kami dumeretso, gusto namin malaman ang nangyare."
Napabuntong hininga at napapailing nalang si kuya sa mga pinsan namin.
"Baby.." lumingon naman ako kay kuya zack. Sinamaan ko siya ng tingin. Napaatras naman ito.
"Hey baby wh-"
"Don't baby me! ikaw may kasalanan nito!"
"What?! Why me?!" gulat niyang tanong.
"Napaka babaero mo kase! At yang pag tawag mo sakin ng baby ang da ---" hindi kona natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ang babaeng may kagagawan kung bakit ako andito.
"Zack.."
Lahat sila napatingin sa babae na nasa tapat ko. Ok ngayon lang nila napansin ang babaeng yan.
Napakunot noo naman ang magaling kong pinsan. Malamang iniisip niya o inaalala niya kung sino ba ang babae nato.
"Ah miss? Did i know you?"
See? Tsk.tsk.tsk.
Bigla naman napaluha ang babae. Geez. Babaero talaga sa dami ng babae niya hindi niya alam kung sino ba tong babae nato. Buti nalang yung kambal niya at si jake hindi niya katulad na babaero. Tsk.
"How dare you zack villanueva! Pinag palit mo ako sa babaeng yan? At--at--bakit hindi mo ako naaalala?"
"What? Sorry miss pero---"
Hindi na natapos ni kuya zack ang sasabihin niya ng sampalin siya nito.
"Manloloko ka! Mang gagamit! Akala ko mahal mo ako! Pi---"
"Wait stop!"
"--Pinag-palit mo ako sa babaeng yan! Hiniwalayan mo ako dahil sa kanya?!siya ang bago mong girlfriend diba?!" Galit na galit na sigaw niya kay kuya zack.
"What the--! No! She's my cousin."
Bigla naman natigil si ate mo sa pag hihisterikal at napatingin sakin.
Binigyan ko naman siya ng tingin na
"I-Told-You-he's-my-cousin-look
"Oh my god! Oh my god! I'm sorry!I'm sorry! I though.."
"Tsk.tsk."
"Hindi ko alam, akala ko girlfriend mo siya dahil sa pag tawag mo sa kanya ng baby! At ang sweet sweet niyo."
"Tsk. Ganoon talaga kami sa kanya. She's our princess."
"Oh god. I'm so sorry."
Magsasalita pa sana si kuya zack ng magsalita na ang babaeng Head Security.
"Excuse me sir andito po tayo ngayon para pag-usapan ang nang yare kanina."
Umayos naman sila kuya, naging seryoso na silang lahat. Mahirap pag nag-seryoso ang kuya ko at mga pinsan. Hay. Bakit ba ako napapalibutan ng mga lalaki? Bakit hindi man lang ako nag-karoon ng babaeng kapatid o pinsan? Ays.
*****
Natapos ang usapan at yung babae kanina nauna ng umalis. Todo sorry pa ito sakin.
Andito pa din kami sa loob ng office.
Hindi pa ako tapos sermonan ng kuya ko. Sa susunod daw hindi na ako pwede umalis ng walang kasama. Oh gad!
"Nag-kakaintindihan ba tayo kezia chloe?"oh-ooh. Tinawag na niya ako sa pangalan ko seryoso talaga siya.
"Yes kuya."
"Ayoko ng maulit ito. Lalo na at nasaktan ka.." Lumingon naman siya sa mga pinsan kong nakakunot noo pa din hanggang ngayon, paano nalaman nila na nagsabunutan kami nung babae kanina. Ayaw na ayaw nilang nasasaktan ako.
"Kayo Zack,Zion,Jake pag aalis si zia isa dapat sa inyo kasama niya. And you zack nathan tigilan mo ang pambabae mo, dahil jan napahamak ang pinsan mo. At pwede ba palitan niyo ang tawag niyo kay Zia?"
"What?! No way Dude! gustong gusto ko ang tawag ko kay baby Zi." Giit ni kuya Zion kambal ni kuya Zack.
"Me too kuya matt. Kung may magbabago man ang tawag kay love, dapat si kuya zack yon, Siya lang naman ang marami babae dito. Wala naman kaming girlfriend ni zion. If ever man na magka girlfriend kami hinding hindi nila masasaktan ang princesa natin."
Mahabang sabi ni jake. Nag iisang anak ni tito eman.
"What the f*ck jake?! Ayoko din! Mula bata tayo ganyan na napag-kasunduan na itatawag natin kay zia!"
"Pero napapahamak si love, Lalo't na ang dami mong girlfriends."
"Wala na akong girlfriend ngayon."
"Sa ngayon oo pero sa mga susunod? Tignan mo nga nang-yare kay love kuya zack? Alam mong ayaw na ayaw nating nasasaktan siya. Pero anong nang-yare?"
Biglang nagsalubong ang kilay ni kuya zack.
"Sa pananalita mo jake ako talaga sinisisi mo? Ginusto ko ba? Sa tingin mo natutuwa ako sa nangyare kay Kezia?tsaka makapag salita ka ng napapahamak si kezia dahil sa tawag ko sa kanya, Parang hindi din kapa-kapahamak ang tawag niyo sa kanya. Pare-parehas lang tayo dito."
"Oo alam kona pare parehas lang tayo pero ikaw kase ang maraming baba---"
"Enough!" Napaayos naman ako ng upo dahil sa pag-sigaw ni kuya matt.
"Kung ayaw niyo palitan ang tawag niyo kay princess fine! Goodness dahil lang sa tawagan nayan nag-aaway away na kayo. Sino ba kase nakaisip niyan?
"Kami."sabay sabi ng tatlo kong pinsan.
"Bakit nga ba ganyan ang tawag niyo sa kanya?"
"To protect her." Sabay sabay na sabi nila.
"Protect? Para saan?"
"Boys."
Wow. Kanina pa sila sabay sabay sumagot ah. Wait what? BOYS?!
"Boys? Bakit marami bang umaaligid kay princess sa university?"
"Sobra kuya matt. Busy ka kase sa student council natin kaya hindi mo napapansin."
"Tsaka nakakatulong ang endearment namin lalo't na pag nasa mall kami. Maraming nagtatangka na lumapit sa kanya. Pero pag narinig na tinawag namin siya sa endearment namin, Lalayo at sasabihin may boyfriend na pala."
"Malaking tulong ang tawag namin sa kanya dude."
"Ok fine, But please ayoko na maulit masaktan si princess. Nag-kakaintindihan tayo?"
"Yes kuya zack."
"Yes dude."
"Yes bro."
Sabay na sabi ng tatlo.
grabe talaga sila mag-away pag ako na pinag-uusapan. Kulang nalang pati sila mag-kasakitan eh. OA na din talaga minsan. Hays. Hirap napapaligiran ng lalaki at nag iisang babae kalang Gosh!
Ano bang nangyare sa araw ko?Gusto ko lang naman bumili ng gamit ko, bakit napunta ako sa ganto? Hays.
"Ok let's go." Tumayo na ako at inayos ang buhok ko na nagulo kanina.
Nang bigla na naman bumukas ng malakas ang pinto.
"Iyang!"
"yang!"
Oh great! Pati ang dalawang to pumunta pa? Give me a break.
"Yang what happened?"
"Galing kami sa bahay niyo, Sabi ni nanang belen may umaway daw sayo, ok kalang ba?"
"I'm ok. Sana hindi na kayo pumunta dito.Hinintay niyo nalang ako sa bahay."
"Sa tingin mo makakapag hintay kami don? Nag-alala kami sayo iyang."
"Oo nga."
Napabuntong hinga nalang ako. Wala din akong laban sa dalawa kong kababata..
End of Chapter One.