Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Too Blind To Notice

Mari_Robb
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.3k
Views
Synopsis
Ano nga ba ang pinagkaiba ng bulag sa manhid?

Table of contents

Latest Update1
Simula5 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

Nagsimula lang naman ang lahat noong Summer, kalagitnaan ng May. Napilitan akong sumali sa isang camp dahil parte ng pagiging SK Officer sa aming lugar ang makilahok sa youth camp.

Kasali ko naman noon si Krista na SK Officer rin. Dahil nasa iisang village lang naman kaming lahat ay napagkasunduan sa nakaraang meeting na magkikita-kita sa playground sa bandang gate.

Alas otso ng umaga daw magkikita-kita at alas nuwebe pasado na nang makarating kami ni Krista na hinihingal pa sa pagtakbo mula sa mga bahay namin. Kapwa kami may mga bitbit na backpack at maleta. Parang pupunta sa US kung makapag-impake. Pero siyempre ano, that's how the mind of girls works. Walang pakialamanan.

"H-hay! G-grabe! A-ang s-sa...kit ng lungs ko k-katatakbo. N-natagtag pa y-yata." Ani Krista nang makahinto kami. Hawak-hawak niya ang dibdib sa isang kamay at hinihimas ito na parang pinapakalma.

And I could not agree for more.

Masakit nga sa kasu-kasuan itong ginagawa namin pero mukhang worth it naman dahil pagkarating lang namin ay nakikita na namin ang paghinto ng bus sa harap ng playground kaya nagsilabasan ang mga kabataan at unahan sa pagsakay sa bus na mukhang mga excited.

"Ay. Ang dami na palang nakarating." Nagugulantang na sabi ni Krista na nakatingin rin sa tinitingnan ko. Nagmadali kami sa pagbuhat ng kanya-kanyang maleta papunta sa dinadagsang bus.

"Oo nga. Baka mahuli pa tayo nito."

Parang may mga sariling mundo ang ilan na paunahan pa talaga sa pag-upo sa bus. Dahil siksikan sa loob ay parang nagsisi tuloy ako na nagdala pa ako ng maleta. Mukhang magiging pabigat pa kasi ito eh. Apat na araw lang naman ang camp.

Naunahan ako ni Krista makahanap ng mauupuan kaya sandali akong napasimangot. Nagsabi kasi siya na kami ang magtatabi pero nauna naman siya. Ano daw iyon? May pagka-selfish siya talaga eh.

Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap ng mauupuan hanggang sa makarating ako sa dulo. May isa pang bakante sa may bintana katabi ng isang lalaki na nakadungaw sa kabilang bintana na parang pinapaakyat na yata ang mga lalaking nasa ibaba. Mga barkada yata nito.

Tiyempo nasa may bintana itong nakita ko. Hindi ako maiinitan saka gustong-gusto ko talagang makita ang labas lalo na kapag nagbabiyahe. Paupo na ako nang may makasabay ako. Hindi rin naman ito nakaupo nang tuluyan dahil sa maleta ko na nakaharang.

Advantage: Pwedeng pangharang sa mga epal na mang-aagaw ng upuan.

"Nauna ako—" tataasan ko na sana ng kilay ang kung sino mang naglakas-loob na unahan ako sa upuan nang mapatigil ako sa mukha nito.

One word. Hot. Piercing hazelnut eyes, strong jaw, tall like Tom Cruise, thick eyebrows, long and plucked eyelashes. Nasabi ko na bang hot siya? Hindi pa? Okay.

He is hot. So freaking much HOT.

Siya lang yata ang ganito ka-hot tingnan kahit na naka-white v-neck shirt lang siya at kulay asul na khaki shorts. Saka medyo kulot rin ang buhok niya. Parang ang sarap hawakan. Mukhang malambot eh.

Iyong totoo, isa ba siya sa mga anak ng Olympian gods? Bakit ganito siya kahanga-hanga sa paningin ko?

Gusto niya iyong upuan? Sa kanya na huhu.

"Sorry, Miss. Diyan ka ba uupo?" Untag nito na mas ikinatanga ko. Argh! Bakit pati ang boses, ang hot pakinggan?!

Sasagot na sana ako nang maunahan ako ng lalaking nasa tabi ko kanina sa kabilang bintana.

"Dito ka na lang, bro."

"Uy! Ikaw pala iyan, Dreymon." Ani Mr. HOT at nakipag-bro fist doon sa lalaking nakaupo. Nagbatian sila bago umupo si Mr. HOT sa may gitna namin.

Sa tabi ko! Ohmegeeed.

Okay. Kalma lang, Florenz. Huwag ka lang titingin at baka mangailangan ka ng tubig. Huhu nandoon pa naman iyong tumbler ko kay Krista kasama nung sa kanya.

Hay. Mukhang magiging maganda pa pala ang bakasyon ko.