Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

SheyButter Cafe

Pinkshowgirl
--
chs / week
--
NOT RATINGS
37.1k
Views
Synopsis
Nagmahal. Nabigo. Repeat. Paulit- ulit na lang kaya’t nagdesisyon na si Sheya na umuwi na ng Pilipinas at magtayo na lng ng maliit na coffee shop matapos ang ilang taong pagtatrabaho sa iba’t- ibang bansa bilang Pastry chef. Ano kaya ang naghihintay sa kanyang pagbabalik? Tuluyan na kaya nyang isasara ang kanyang puso o muli itong mabubuksan kasabay ng kanyang pangarap na makapagsimula uli. Samahan natin si Sheya sa mga mapapait, matatamjs at maaanghang na yugto ng kanyang buhay habang binubusog niya ang ating mga sikmura ng mga masasarap na pagkain at inuming magpapainit sa ating mga puso at magbibigay ngiti sa ating mga damdamin.
VIEW MORE

Chapter 1 - SheyButter Cafe

Kinakabagan na si Sheya, bukas na ang soft opening ng kanyang coffee shop. Matagal din niyang pinangarap na magkaroon ng sariling negosyo.

Bata pa lamang siya ay mahilig na talaga siyang mag bake..Hilig na hilig nya ang mga cakes at cupcakes. Paulit- ulit nyang tinitingnan ang kanyang menu at umaasang magugustuhan ng mga tao ang kanyang mga paninda.

" Sa ngayon, 5 flavors ng cupcakes lang muna. Red Velvet, Cookies and Cream, Chocolate, Green tea at Strawberry. Sa cakes 5 din muna.Rich Chocolate, Red Velvet, Carrot, Blueberry and Mango Cheesecake. Saka ko na lang dadagdagan kapag na na estimate ko na ang bilang ng mga taong darating.." Wika niya sa kanyang sarili.

Gumawa din siya ng iba't ibang recipes para sa kape, tea at mainit na tsokolate na alam niyang mabenta lalo na sa umaga. Sinabayan din nya ng waffles at ilang mga pies at puddings.

" Baka hindi ka makatulog sa kakaisip niyan. Relax lang, marami pa tayong gagawin bukas" Saad ng kanyang kanyang kaibigan na si Karen.

Nagdesisyon si Sheya na kunin ang kanyang kaibigan upang tulungan siya sa pagpapatakbo ng kanyang coffee shop. Si Karen ang magiging kahera at taga paglista ng mga orders habang sinisiguradong puno ng stocks ang display sa harapan. Naisipan niyang alukin ito ng trabaho bilang tulong na din sapagkat maaga itong nag asawa at hindi na nakalagtapos ng pag aaral.

" Sigurado daw ba ang iyong pinsan na papasok siya bukas? " Tanong ni Sheya

" Oo, wag kang mag alala. Darating na si Mark ng maaga. Masipag na bata yun. Alam kong hindi ako mapapahiya sa pag rekomenda ko sa kanya. Babantayan niya at sidiguraduhing malinis at ligtas ang iyong coffee shop" Sagot ni Karen